You are on page 1of 1

Pagiging Mapanuri sa Desisyon na Iyong Gagawin

Maganda sa isang tao ay ang pagiging magaling,

Kung sa pagpapapasya,mapanuring pag-iisip ang gamitin,

Timbangin nang husto mga problema at suliranin,

Iwasan ang pagbiglang bugso ng damdamin.

Maraming pagkakataon na tayo'y nalugmok,

Sa di inaasahang problema at pagsubok,

Nagkagayunman pilit pa ring bumangon,

Wastong pagpapapasya ay handang isulong.

Bawat desisyon ay dapat pinagiisipan,

Nang sa ganoon,walang masasaktan,

Maingat na pag-isip ating pahalagahan,

Kabutihan ng lahat dapat isa-alang-alang,

Mga bagay na may kinaalaman sa ating sarili,

mapanuring pag-iisip,tatag ng loob at pag-uugali,

Nagsisilbing daan sa matalinong pagpapasya,

Para sa kapakanan ng bawat isa.

You might also like