You are on page 1of 1

Three Acts of Goodness

Alam nating nilikha tayo ng Dios kaya’t tayo ay likas na mabuti. Sa kaibuturan ng bawa’t isa, naroon
naninirahan ang kabutihan. Sa ating paglaki, dumaragdag ang mga karanasan na may malungkot at
masaya. Ang mga hindi kanais-nais na karanasan ay naglilikha ng mga defense-mechanism kung kaya’t
binabalutan nito ang ating mga kabutihan- ito ang mga nakukuha nating ugali at pananaw na hindi
nakakabuti sa atin at sa iba. Ang pagka negatibo, sobrang takot, pagkainggit, insecurities at pride.

Ang mabuting balita, kaya nating tanggalin ang mga balot na ito sa ating kabutihan. Isipin lamang lagi
ang mabubuti, salitain lamang ay mabubuti at gawin lamang ay mabubuti. Di ba sabi ni Kristo, “Kung
sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo pa ang kaliwang pisngi”. May nagsabi rin, “kapag binato ka ng
bato, batuhin mo ng tinapay”. Ibig sabihin, kahit masama ang ginagawa sa iyo, hindi dapat na gantihan
mo rin ng masama. Kung magkaganun, hindi na matatapos ang gantihan, mauubos ang lahi at lalo lang
kayong mapapasama. Kung akala ninyo na kayo ay nakakalamang kapag nakakaganti, nagkakamali kayo.
Ikaw rin ay mananagot sa iyong kagagawan.

Mahirap ano? Pero posible. Nagagawa na ng iba. Ang kaibahan lang ay ang pagiging bukas, mulat at
may disiplina. May mga pamamaraan na kaya mo. Simulan natin at sasaya ang buhay mo, sasaya rin
ang buhay ng iba. Sinong tao ang nais ay puro na lang pagdurusa kung kaya mo palang maging masaya?
Lahat ay nagsisimula sa isip. Ang silya, ang paaralan, ang damit, ang pagkakaroon ng pamilya, kaibigan.
May mga nag-iisip at gumagawa ng masama. Piliin lamang ang mabuti.

Sinusunod natin ang 3Acts of Goodness kapag… Nilalabag natin ang 3Acts of Goodness kapag…

Pinupuno natin ng mabubuti at postibong bagay Puno ng negatibong bagay ang isip, madaling
ang ating isip kaya’t kahit pa may negatibong sumuko, mahilig sa self-pity, madaling ma-
nangyayari, tinitingnan natin itong mga pagsubok discourage at hirap makabawi kapag na-down.
upang mas tumatag tayo sa buhay

Sinusunod natin ang 21-day good habit formation Kapag hindi masunod ang nais na pagbabago,
itinitigil na lang sa halip na magsimula muli

Kapag may pumupuna ay bukas, sinusuri kung Kapag pinupuna ay defensive, pinepersonal at
tama, at binabago kung may dapat iayos at hindi maka-move on agad
madaling mag move-on

Kapag may nangyaring hindi kasiya-siya, iniisip Laging sinisisi ay iba kapag may nangyaring hindi
natin kung papaano ito maisasaayos; gumagawa maganda sa halip na suriin kung ano ang naging
tayo ng paraan at di sumusuko papel mo, tanggapin ito, magpakumbaba at
magbago

Kapag may nakakagawa ng mali ay hindi Kapag may nagkamali ay mapanghusga at puro
mapanghusga. Pinupuna ang mali pero nagbibigay paninisi lang sa halip na tumulong magmungkahi
ng kongkretong mungkahi para maitutuwid ito. sa pagtutuwid

Kapag may nakasakit ay maayos na sinasabihan at Kapag may nakasakit ay gagantihan kapagdaka at
hindi mapaghiganti. hindi matapos-tapos ang galit.

You might also like