You are on page 1of 5

UNANG ROUNDTABLE

Pag- uugali
Ang mundong iyong nakikita ay kinukulayan ng iyong pag- uugali.

“Ang pag- uugali ay tagagawa ng pagbabago! Ito ay isang bagay na makagagawa ng


pagbabago sa iyong buhay”
-John C. Maxwell

Tandaan: Ang tinatayang oras para sa bawat hakbang ng "roundtable" ay ibinase sa walong
kataong “roundtable”.

Unang Hakbang- Pagbabahagi ng mga kinalabasan (10 minuto)


Dahil ito ang inyong unang sesyon, magpakilala sa iyong mga kagrupo at magsabi ng
maikling paglalarawan tungkol sa iyong sarili.

Ikalawang Hakbang- Panonood ng bidyo, pagbabasa, at pagsasalungguhit (15 minuto)


Panoorin ang nakatakdang bidyo para sa sesyon na ito at isulat ang mga mahahalagang
bagay na iyong napakinggan.

KAALAMAN

Panuto: Basahin nang salitan ang mga talata sa ibaba. Habang binabasa ninyo ito,
salungguhitan ang mga ideyang nakakuha ng iyong pansin.

Kapag nababasa o naririnig mo ang salitang pag- uugali, ano ang unang pumapasok sa
iyong isipan? Maaaring hindi mo kaagad matutukoy ang konsepto ng pag- uugali, ngunit
madali mong malalaman ang mabuting ugali sa hindi kapag nakita o nasaksihan mo ito.

Ang pag- uugali ng isang tao ay maihahalintulad sa isang pinsel, kinukulayan nito ang
lahat ng aspeto sa iyong buhay. Maaari itong makalikha ng isang obra maestra na binubuo ng
mga matitingkad na kulay o hindi naman kaya ay gawin itong madilim at patay. Kung iyong
titignan ang buhay ng mga matagumpay na tao mula sa iba’t ibang propesyon, malalaman
mong halos palagi silang nagtataglay ng positibong pananaw sa pamumuhay.

Mahalaga na tayo ay may positibong pag- uugali. Hindi lamang nito natutukoy ang
antas ng pagiging kontento natin bilang tao, kung hindi ay mayroon din itong epekto sa kung
paano makikihalubilo ang ibang tao sa atin.

Upang mas lalo pang maunawaan ang pamumuhay nang positibo, tandaan ang mga bagay
na ito:
UNANG ROUNDTABLE

Pag- uugali
Ang mundong iyong nakikita ay kinukulayan ng iyong pag- uugali.

A. Ikaw ang pumipili ng ipakikita mong ugali. Ilan sa atin ay naghihintay na lamang ng
iba tao upang mag- udyok sa kanila na gawin ang isang bagay. Naniniwala sila na ang
kanilang kalagayan sa buhay ay ang dahilan sa kung paano sila mag- isip at kung ano ang
kanilang dapat maramdaman. Ngunit sa katunayan, maaari mong piliin ang ipakikita mong
ugali at sa kung paano ka tutugon sa mga nangyayari sa iyo. Hindi man natin makontrol ang
karamihan sa mga nangyayari sa ating buhay, kaya naman nating kontrolin ang ating pag-
uugali. At kapag pinili mong magpakita ng mabuti sa iyong kapwa o positibong pag- uugali,
maaari nitong maapektuhan ang kalagayan mo sa buhay at magkaroon ng magandang dulot.
Ang isa sa mga dulot ng pagpili sa ugaling ipakikita ay ang pagkakaroon ng kontrol sa
pinakamahalagang aspeto ng iyong buhay, imbis na hinahayaan mo lang kontrolin ka ng
iyong buhay.

B. Naaapektuhan ng iyong pag- uugali ang iyong pananaw. Kapag pinili mong magtuon
ng pansin sa mga magagandang bagay sa iyong paligid, may posibilidad na makakita ng mas
maraming positibong bagay. Kapag naging positibo ka sa buhay tutulungan ka nitong harapin
Napaang kinabukasan, lalo ang mga problema sa positibong paraan. Magiging mas madali na
itong bigyan ng solusyon. Malaking impluwensya ang iyong pag- uugali sa kung paano mo
tignan ang mga nangyayari sa iyo sa kasalukuyan at sa hinaharap.

C. Naiimpluwensyahan ng iyong pag- uugali ay iyong mga kilos. Ang iyong aksyon ay
ang panlabas na ekspresyon ng iyong panloob na nararamdaman. Kung anong nararamdaman
mo sa mga nangyayari sa paligid mo ay nakaaapekto sa kung paano ka tutugon sa mga ito.
Kapag binago mo ang nararamdaman mo, binabago mo rin ang kilos mo. Malaki ang epekto
nito sa iyong magiging aksyon. Kung pipiliin mong magpakita ng positibong pag- uugali, mas
magiging madali na sa iyo na piliing magpakita ng positibong aksyon. Na kalimitan ay
nagkakaroon ng positibong kinalabasan.

D. Nakatutulong ang pag- uugali upang mapaganda ang iyong mga relasyon. Ang
ipinakikita mong ugali sa mga tao ay nakaaapekto sa iyong relasyon sa kanila. Kapag sa una
pa lamang ay nagpakita ka na ng hindi magandang pag-uugali o nag- isip ka ng hindi
maganda sa isang tao, ang makikita mo lamang ay ang mga negatibong bagay sa kaniya.
Tandaan na ang pag- uugali ay may kinalaman sa magiging pananaw at impresyon natin sa
ating kapwa. Laging piliing tignan ang mga positibong bagay sa isang tao upang magkaroon
ng maayos na relasyon sa kanila. Dahil kapag pinili mong tignan ang mga positibong bagay sa
kanila, itatrato mo rin sila sa mabuting paraan. Halimbawa ay pagpapakita ng pagmamahal at
pagtulong. Ang magiging resulta nito ay pagtugon nila sa mabuti ring paraan. Sa ganitong
paraan ay magsisimula ang inyong magandang samahan.

E. May kakayahang ibahin ng iyong pag- uugali ang kahihinatnan ng isang sitwasyon.
Nabanggit ni John C. Maxwell sa kaniyang librong The Winning Attitude na, “Ang pinaka
nakaaapekto sa magiging kinalabasan ng isang gawain ay ang ipakikita mong ugali sa
UNANG ROUNDTABLE

Pag- uugali
Ang mundong iyong nakikita ay kinukulayan ng iyong pag- uugali.

pagsisimula pa lamang nito.” Ang positibong ugali ay nakatutulong upang gumawa ka ng mga
bagay sa pinakamahusay mong kakayahan. Kung ang gawain naman ay panggrupo,
nakatutulong din ito na magkaroon ng mas maayos na pakikipag- ugnayan sa iyong mga
kamiyembro. Dahil sa iyong positibong pag- iisip, makakamit mo resultang ninanais mo.
Kapag umasa ka na maganda ang kalalabasan ng isang bagay, malaki ang tiyansang
magkatotoo ito. Ang pagkakaroon ng positibong pag- iisip ay nakatutulong upang makamit
ang tagumpay.

MGA BENEPISYO

Kapag ikaw ay nagtataglay ng positibong pag- uugali, nararanasan mo ang mga


benepisyong ito:

1. Kontento at masaya sa buhay.


2. Natutulungan mo ang ibang tao na makamit ang mas malalaki pang mga bagay na
magkasama.
3. Malapitin sa mga taong may kapareho mo ng mga katangian.
4. Madali kang nakakakita ng mga oportunidad.
5. Madalas kang nagpapakita ng pasasalamat sa iba.
6. Hindi ka sumusuko hanggat hindi ka nagtatagumpay.
UNANG ROUNDTABLE

Pag- uugali
Ang mundong iyong nakikita ay kinukulayan ng iyong pag- uugali.

MGA HAKBANG NA KAILANGANG SUNDIN

1. Kausapin ang sarili- Ang pinakamahalagang taong dapat mong pakinggan ay ang iyong
sarili. Kung ano man ang iyong sasabihin sa sarili mo tungkol sa isang sitwasyon ay
makaaapekto sa kung ano ang iyong magiging desisyon. Maaaring pigilan ka nito o mag-
udyok sayo na gawin pa ang isang bagay. Piliing magkaroon ng positibong kaisipan. Kapag
may pumasok sa iyong isipan na negatibong bagay, tugunan ito sa positibong pamamaraan.
Halimbawa, pagsasabi sa sarili ng mga magaganda at positibong bagay. Huwag mong hayaan
na maimpluwensyahan ng negatibong kaisipan ang paraan ng pagtingin mo sa mga bagay.
Kapag nakararanas ng problema o napunta ka sa isang hindi magandang sitwasyon, agad na
humanap ng positibong bagay bago ka gumawa ng hakbang. Tandaan, may kakayahan kang
mamili ng dapat mong isipin.
2. Piliing magkaroon ng positibong relasyon- Isipin ang mga taong lagi mong nakakasama.
Sila ba ay nagtataglay ng magandang pag- uugali o hindi? Ang ugali ay nakakahawa. Hanggat
maaari ay sumama sa mga taong may positibong pag- iisip. Ang kagustuhan nilang makakita
ang mga magagandang bagay ay ang maghihimok sayo na maging katulad nila. Kung hindi
maiiwasang makipagsalamuha sa mga negatibong tao, humanap ng mga positibong tao at
sumama sa kanila. Sa ganitong paraan ay makontra ang mga negatibong impluwensya sa
iyong buhay.
3. Palakasin ang pananampalataya, waksiin ang mga takot- Sa una ay mahirap talagang
magkaroon ng positibong pag- uugali. Lalo na kung hindi mo pinupuno ng positibong bagay
ang iyong isip. Kung sa tingin mo ay kulang ka sa mga positibong bagay na makatutulong sa
iyo, kailangan mong humanap ng paraan upang matugunan ang kakulangang ito, tulad ng mga
materyal na pangganyak. Maaari kang magbasa ng libro o makinig ng mga mensahe na
nakatutulong upang maging positibo. Kapag mas lalo kang negatibo sa buhay, mas
mahihirapan kang baguhin ang iyong pag- uugali. Ngunit kapag naman pinuspos mo ng
magagandang kaisipan ang iyong utak, maaari kang maging taong positibo kung mag- isip.
UNANG ROUNDTABLE

Pag- uugali
Ang mundong iyong nakikita ay kinukulayan ng iyong pag- uugali.

Ikatlong Hakbang- Diskusyon (12 minuto)

Pag- isipan at Tugunan


Mamili ng isang importanteng bagay na iyong sinalungguhitan. Maglaan ng isang minuto
upang ipaliwanag bakit mo ito napili at bakit ito importante sa iyo.

Ika- apat na Hakbang- Pagtataya sa Sarili (12 minuto)

Pagsusuri at Aksyon
Kumpletuhin ang pansariling pagsusuri sa ibaba.

Sa bilang na 1 hanggang 10, i-rate ang sarili kung gaano mo naipapakita ang katangiang ito.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

Bakit mo binigyan ang sarili mo ng ganitong marka?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Ano ang makukuha mong benepisyo kung mapbuabuti o mapatataas mo ang iyong marka?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Sinong tao ang kakilala mo na nagpapakita ng ganitong katangian? Ano ang labis na
hinahangaan sa taong iyon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Ano ang tiyak na aksyon ang iyong gagawin upang mapabuti ang iyong marka?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ikalimang Hakbang- Talakayan tungkol sa pagtataya at intensyonal na hakbang sa pagkilos


(10 minuto)
Sa loob ng isang minuto, ibahagi ang iyong naging kasagutan sa pansariling pagsusuri,
kasama narin ang magiging hakbang mo upang maisaayos ang bagay na ito. Lahat ay
inaanyayahang makiisa.

You might also like