You are on page 1of 1

Name: Mary Claire L.

Pejer Score:

Grade 11 – Fluorine Date: October 11, 2022

Laban sa pagitan ng puso at isip


Sa laro ng pag-ibig o sa buhay, ano nga ba ang dapat sundin? Ang utak na
laging nagdidikta ng tama o mali? O ang puso na nagsasabi kung sasaya ka o
hindi? Isang tanong na madaling sabihin, pero isa ring tanong na mahirap
sagutin. Ikaw, ano ang iyong pipiliin? Puso o Isip?

Sa laro ng buhay, ano nga ba ang pinapairal natin isip, diba? Marahil sa
karamihan sa inyo ito ang mas pipiliin ang isip dahil sa panahon ngayon
kailangan praktikal na, hindi na ginagamit ang puso kasi mas importante na
may laman ang sikmura o may pera. Isa pang dahilan ay mas pinapahalagahan
mo ang sarili mo kapag ginagamit ang isip dahil hindi mo hinahayaang
masaktan ka at siguradong mas may alam ka. Matalino ka kung tatawagin. Sa
laro naman ng pag-ibig ang mas pipiliin ng nakakarami ay puso dahil sa
kadahilanang puso ang dapat pairalin dahil ito ang mahalaga. Magiging masaya
lang ang tao kapag tunay ang kanilang pag-iibigan. Kung iisipin ng dalawang tao
ang nakaraan at hinaharap ay walang mangyayari. Dapat ay pakiramdamanan
ang isa’t isa. At kapag na siguro nilang mahal nila ang isa’t isa ‘yun na ‘yun!

May isang line na hindi ko makakalimutan sa isa sa kaunahan kong nabasa na


storya sa wattpad. Ito ay "May mga bagay na pwedeng hindi na maalala pero
nandun pa rin 'yung nadarama. Ang mga memories o memorya naman kasi
binabaon sa utak, doon mo inaalala ang mga alaala. Sa puso, doon mo naman
nararamdaman at pinapahalagahan ang memorya." Ibig sabihin pareho natin
kailangan ang puso o ang ating utak. Pareho natin sila kailangan gamitin sa
pangaraw-araw na gawain o desisyon. Pareho dapat pinaiiral ang isip at puso
sa lahat ng bagay. Ang isip para magabayan ang puso sa pagpili ng mga
desisyon sa buhay maging sa buhay pag-ibig. Mas maganda kung pantay natin
gagamitin ang ating puso o isip sa lahat ng ating desisyon.

You might also like