You are on page 1of 1

Mga Solusyon sa Polusyon: Ano Ang mga Maaaring Gawin para sa Mas Malinis na

kapaligiran

Ang Polusyon ay isang malaking hamon sa ating kalikasan at hindi lamang ito
nakakaapekto sa ating kalusugan kundi pati na rin sa kalikasan natin. Ang polusyon ay isa sa
mga pinakamalaking suliranin ng ating mundo ngayon Ito ay nagdudulot ng masamang
epekto sa kalusugan ng tao, hayop, at kalikasan. Kaya naman mahalagang magkaroon tayo ng
mga solusyon upang mapangalagaan ang ating kapaligiran.

Una sa lahat, kailangan nating magkaroon ng disiplina upang iwasan ang pagtatapon
ng basura sa kalye, ilog, dagat, at iba pang lugar na hindi tamang lugar kung saan ito dapat
itapon. Dapat nating tandaan na kahit maliit na basura, kapag pinagsama-sama ay magiging
malaki rin ito at magkakaroon ng malaking epekto sa ating kalikasan. Pangalawa, kailangan
nating magkaroon ng proper waste management. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng
paghihiwalay ng basura sa bahay, paaralan, trabaho, at iba pang lugar upang mas madaling
maisagawa ang recycling process. Sa ganitong paraan, mas mababa ang volume ng basura na
itatapon sa mga landfill at mas maraming matutulungan sa pag-iwas ng polusyon. Pangatlo,
mahalaga ang pagtayo ng mga wastewater treatment plant upang masiguro na ang mga
wastewater na galing sa mga establisimiento ay hindi nakakapagdulot ng polusyon sa ating
mga ilog at dagat. Hindi lamang ito makakatulong sa paglinis ng mga tubig sa ating mga
waterways kundi pati na rin sa kalusugan ng mga tao. Pang-apat, kailangan nating magkaroon
ng pagtatanim ng mga puno at halaman upang mas maigting ang mga panlaban nito sa
pollution. Dapat din nating bigyan ng atensyon ang mga open spaces upang hindi ito magamit
sa mga aktibidad na nakapapahamak sa kalikasan at mga species ng mga hayop.

Sa huli, ang kailangan natin ay hindi lamang ang pagpapalit ng Paraan kung sino
sumisira sa kalikasan kundi pati na rin ang mas maigting na implementasyon ng mga
polusyon laws. Sa ganitong paraan mas magiging epektibo ang mga solusyon na ginawa natin
sa pagpapabuti at paglilinis ng ating kalikasan. Nakasalalay ang ating kalusugan, kaligtasan at
ang mismong taglay nating lakas at buhay ngayon sa kung anong uri ng kapaligiran at
kalikasan mayroon tayo. Kaya iyan ang mabigat na dahilan kung bakit kailangan nating
pangalagaan ang ating kapaligiran at kalikasan.

You might also like