You are on page 1of 20

ANG PROBLEMA SA BASURA NG PUROK MANGO

BARANGGAY UMAPAD LUNGSOD NG MANDAUE

Sulating Pananaliksik Bilang

Bahaging Pag aaral sa Asignaturang

Filipino

Unang Semester Taunang Panuruan

STP-3

2022-2023

Ipinasa nina:

Mark Bangay
John Clifford B. Caburnay
Aj M. Cutang
May Jane Dinoy
Klensont Kent Zabala
Ipapasa Kay:

Bnb. Joyce Jimenez


PASASALAMAT

Buong pusong pasasalamat ang nais naming ipaabot sa mga sumusunod na

indibidwal dahil sa kanilang pagtulong at kontribusyong ibinibigay nila pati na rin sa

walang sawang pagsuporta upang matagumpay na maisaayos at maisagawa ang

pamanahong papel na ito.

Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay ng determinasyon upang isakatuparan ang

pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na kanilang ginamit sa kanilang pag-aaral.

Sa pagdinig ng aming dalangin lalung-lalo na sa sandaling kami ay pinanghihinaan na ng

pag-asang matapos ito ng ayon sa itinakdang panahon.

Sa mga magulang namin, na nagbibigay ng moral at pinansyal na suporta at

nagsilbing inspirasyon.

Sa aming guro na si Bnb. Joyce Jimenez , sa pagbibigay ng mga ideya at

payo sa paggagawa at pagrerebisa ng pag-aaral.

Muli nais naming ipahatid ang aming taos pusong pasasalamat sa inyo.

Maraming salamat po.!


TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I:

Ang problema sa basura ng purok Mango Barrangay

Umapad lungsod ng Mandaue

a. Introduksyon

b. Layunin ng Pag-aaral

c. Kahalagahan ng Pag-aaral

d. Saklaw at limitasyon sa Pag-aaral

e. Depinisyon ng mga Katawagan

Kabanata II:

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

a. Mga Kaugnay ng Literatura

b. Mga Kaugnay na Pag-aaral

Kabanata III:
Metodolohiya

a. Uri ng Pananaliksik

b. Mga Kalahok

c. Instrumentong Pampananaliksik

d. Lunan ng Pag-aaral

Kabanta IV: Paglalahat at Interpretasyon ng mga Datos

Kabanata V:

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

a. Natuklasan

b. Kongklusyon

c. Rekomendasyon

Mga Sanggunian
KABANATA l:
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

Introduksyon

Lahat tayo ay gusto ng mapayapa at malinis na tirahan,


makalanghap ng sariwang hangin mula sa ating kapaligiran,
ngunit sa nangyayare sa kasalukuyan ay marami ang hindi
nakakaranas nito lalo na sa mga nakatira sa mga lungsod.

Isa sa mga kinakaharap ngayon na suliranin sa ating


kapaligiran ay ang problema sa basura, ito ay sanhi ng hindi
wastong pagtatapon ng mga basura ng mga tao sa paligid
kayanaman ay mabilis itong dumadami. Sa paglaganap ng mga
basura ay nagkakaroon ito ng epekto sa ating paligid hindi
lamang sa atin. Kapag hindi ito agad mareresolbahan ay tayo du
mismo ang makakaranas sa epektong dulot nito.

Kaya naman ay nararapat lamang natin na talakayin ang mga


problemang dulot nito at mga hakbang na gagawin kung paano
natin ito masosolusyonan.

Layunin sa Pagaaral

Pangunahing layunin ng pag aaral na ito na malaman ang


mga problemang kinakaharap ng mga residente ng Purok Mango
tungkol sa basura

Tiyak na layunin ng pananalisik na ito ang mga sumusunod:

1. Matukoy ang mga problemang dulot ng basura sa mga


residente ng Purok Mango

2. Anu-ano ang mga dapat gawin upang maresolbahan ang


mga ito?

3. Pa'no nakakaapekto ang mga problema sa basura sa mga


residente ng Purok Mango?

Kahalagahan Ng Pag-aaral

Sa mga mag-aaral
- matututo sila ng tamang pagtapon at paghihiwa-hiwalay ng
mga basura.

Sa mga residente

- maiibsan ang kanilang problema sa basura, lalo na sa


epektong dulot nito.

Sa baranggay

- mapapanatili ang kalinisan at maiibsan ang mga


problemang dulot ng pagdami ng mga nasura.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang aming pananaliksik ay tungkol lamang sa epekto ng


pagdami ng mga basura at kung paano ito mareresolbahan.
Bilang karagdagan, ang buong pag-aaral ay nakatuon lamang sa
mga problema sa basura. Ang saklaw ng aming pag aaral ay mga
residente ng Purok Mango Baranggay Umapad Lungsod ng
Mandaue. Limitado lamang ito sa nasabing purok at ang mga
nasabing residente lamang ang saklaw nito.
Depinisyon ng mga Katawagan

Proper Waste Management

- ay isang proseso na kinakailangan upang pamahalaan ang


mga basura mula sa pinanggalingan nito hanggang sa huling
pagtapon.

Reduce

-ay anumang bagay na nagpapababa ng basura sa


pamamagitan ng paggamit ng mas kaunting materyal. Ang
pagbabawas ng basura ay maaaring kasing simple ng paggamit
sa ng isang sheet ng papel, paggamit ng mga ceramic na mug sa
halip na mga disposable cup, o pagbili ng maramihan kaysa sa
indibidwal na nakabalot na mga item.

Reuse

- ay tumutukoy sa paulit-ulit na paggamit ng mga bagay o


bahagi ng mga bagay na mayroon pa ring mga aspetong
magagamit. Ang mga bagay tulad ng mga plastik na lalagyan at
mga bote ng atsara ay dapat gamitin muli upang mag-imbak ng
iba pang mga bagay. Maaari rin nating gamitin muli ang mga
karton na kahon, mga papel na pambalot, at mga kahon ng
tsokolate. Maaari tayong mamigay ng mga lumang damit na hindi
na natin magagamit sa mga nangangailangan.

Recycle

- ibig sabihin ng pag-recycle ay ang paggamit ng basura


mismo bilang mga mapagkukunan. Maaaring makamit ang
pagbabawas ng mga basura sa isang mahusay na paraan sa
pamamagitan ng pangunahing pagtutuon sa una sa 3Rs, "reduce,"
na sinusundan ng "reuse" at pagkatapos ay "recycle."

KABANATA ll:
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Sa Pagtatapon sa Basura

Ang tamang pagtatapon ng basura o tamang pag dispose nito ay


isa sa malawakang problema na kinakaharap ng maraming bansa.
Kadalasan ang mga bansang ito ay ang mga pausbong pa lamang
o hindi pa kaganoon ang ang pag-usbong pagdating sa
teknolohiya at ekonomiya. Isa din sa nagpapadagdag sa
problema sa basura ay ang patuloy at mabilis na pagtaas ng
populasyon (Z. Minghua et. al., 2009) sapagkat kasabay ng
pagdami ng tao ay ang pagdami din basura sa ating kapiligiran.

Ayon sa datos ng ahensiya, sa isang araw lamang nasa 2,000 trak


na may capacity load na 20 tonelada ang nahahakot sa buong
bansa. Ang 450 dito, nahahakot sa Metro Manila.Sa tantiya nila,
humigit kumulang 40,000 tonelada ng basura ang nakokolekta sa
bansa sa isang buong araw lamang. "Sa 42,000 barangays sa
buong bansa, 70 percentay wala pang material recovery facility.
Kaya ang nangyayari, sa mga ilog at daluyan ng tubig itinatapon
ang basura," hinaing ni Eligio Ildefonso, director ng DENR Solid
Waste Management unit. Bagama't may kaniya-kaniyang
ordinansa ang mga lungsod pagdating sa waste management,
para sa grupong Greenpeace ay higit pa rito ang kailangan para
tuluyang masolusyonan ang lumalalang problema sa basura

Kaugnay sa Pag aaral

Ang municipal solid waste ay ang mga basura na mula sa mga


residensyal, industriyal. komersyal at institusyonal na mga
establishimento (Tchobanoglous & Kreith, 2002), kasama dito ang
mga paaralan at mga unibersidad hindi lamang sa ating bansa,
pati din sa buong mundo. Sa murang edad ay hindi pa ganoon
kasensitibo ang kanilang kaisipan pagdating sa kung gaano
nakakasama ang pagtatapon ng basura kung saan saan. Kahit
ang mga estudyante sa kolehiyo ay ganoon din, marami parin sa
kanila ang walang pakaialam at hindi lamang nagbibigay halaga
sa ating kalikasan. Ang pagtatapon pa lamang ng balat ng candy
ay mayroon ng malaking epekto sa ating kalikasan kahit na gaano
man ito kalit

Sa kadahilanang mahirap kontrolin ang problema ng basura kahit


sa mga paaralan at unibersidad, ay binigyan na ng mandato ng
Department of Education (DepEd) at Commission on Higher
Education (CHED) na italaga ang buong pagsasagawa ng SWM o
Solid Waste Management Part 6. Rule 21. Section 2 of RA 9003 sa
lahat ng ekwelahan sa bansa at pati na din sa mga komunidad na
malapit sa mga ito (Gequinto, 2016). Malaking tulong ang
pagtatalaga nito sa pagbabawas sa probelema sa basura
sapagkat ang batas na ito ay tumutukoy sa tamang pagbubukod-
bukod ng basura. Nais nitong maging responsable ang mga
mamamayan sa pagpapanati ng kalinisan at kalusugan ng bawat
isa (Tejada, 2019). Bukod rito ay maliiwasan din ang mga sakit na
maaaring makuha sa maruming kapiligiran tulad ng dengue na
maaari ding makuha ng mga estudyante sa kanilang paraalanı
(Estacio, 2018)

Ang hindi pagsunod sa RA 9003 ay may karampatang parusa.


Umaabot ito ng mula 300 hanggang 1,000 piso at serbisyong
pangkomunidad ng 1 hanggang 15 arawsa kung saan ginawa ang
paglabag. Ang maling paghihiwalay naman ng basura ang may
pinaka-mabigat na kaparusahan sapagkat ito ay umaabot sa 6 na
buwang pagkakakulong (nswmc.gov.ph).
KABANATA lll:
Metodolohiya

Uri ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalahad kung paano nakalap ang


mga impormasyon tungkol sa pag-aaral. Ang mananaliksik ay
gumamit ng isang “qualitative research method”. Kung saan ito ay
naglalaman ng mga nararapat na impormasyong kailangan sa
pag-aaral.

Mga Kalahok

Sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga


respondenteng napili ay may malaking kaugnayan sa pag-aaral.
Pinili namin ang mga resindente ng Purok Mango Baranggay
Umapad Lungsod ng Mandaue dahil madalas namomroblema
ang baranggay dahil sa epekto ng basura.

Ang mga napiling respondente ay malaki ang maitutulong sa


ginawang pag-aaral upang malaman ang mga epektong dulot ng
basura sa isang komunidad at kung paano ito mareresolbahan.
Ang naturang pagsagot ng respondenteng ito sa mga katanungan
ng mga mananaliksik ibabase ang resulta ng isinasagawang pag-
aaral.

Instrumento Ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang


instrumento sa pangangalap ng mga datos upang malaman ang
damdamin ng mga kalahok Ang Problema sa Basura ng Purok
Mango Baranggay Umapad Lungsod ng Mandaue.

Lunan Ng Pag-aaral

Inilarawan ng Pananaliksik na ito Ang mabuti at masama ng


pagtapon Ng basura kahit saan dahilan din nito ng epekto sa
ating kapaligiran at mga tao na naninirahan Dito.
KABANATA lV:
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalarawan kung paano nakuha ang


mga datos na nailahad. Sa pag-aaral at ang mga katulong sa
paggawa ng pag-aanalisa ng mananaliksik.

A. Maikling Kasaysayan Ng Basura

Ang problema sa basura ay talamak sa buong mundo. Simula


noong 1760, lubhang tumaas ang koleksyon ng mga basura
bunga ng Rebolusyong Industriyal. Hanggang sa kasalukuyan,
patuloy na lumalala ang suliranin na ito bunga ng patuloy na mga
inobasyon sa teknolohiya.Ang mga malalaki at mauunlad na
bansa ay nawawalan na ng espasyo para sa mga basurang
nililikha ng mga pabrika nito. Dahil dito, bilang isang third-world
country, ang Pilipinas ang kadalasang nagiging tambakan ng mga
basura mula sa first-world countries katulad ng Canada, China, at
iba pa: malalaking mga container vans na punong-puno ng mga
basura ang ipinapasok sa Pilipinas mula noong Hunyo 2013 (Eco-
Waste Coalition, 2015).Bukod sa ibang bansa, ang kultura ng mga
Pilipino ay isa ring salik sa problema ng basura sa
Pilipinas.Karamihan sa mga Pilipino ay hindi marunong
maghiwalay at magtapon ng mga basura sa tamang lugar. Hindi
rin tumutupad ang iba sa mga batas na nangangalaga sa
kalikasan katulad ng Batas Republika 9003 o mas kilala bilang
Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

B. Ano Ang Basura?

Tumutukoy ang basura sa mga bagay na hindi na


kakailanganin at hindi na nararapat gamitin. Ang basura ay
anumang bagay na itinatapon pagkatapos gamitin, o bagay na
walang halaga, depektibo at walang anumang pakinabang. Sa
kabilang panig, ang gulgol ay isang dugtong na produkto na may
medyo mababang pangkabuhayang halaga. Ang basura ay
maaaring maging gulgol, dugtong na produkto o kayamanan sa
pamamagitan ng imbensyon na nagpapataas ng kanyang halaga.

C. Mga mabuti at masamang epekto sa pagtapon ng basura

Ang mabuting pagtapon ng basura ay hindi nasisira ang mga likas


yaman na ating pinagkukunan ng ating mga pangangailangan. at
dahil nga sa kadahilanang ang ating pinagkukunan ng
pangangailangan ay ang likas yaman, hindi tayo mag-kakaroon ng
sakit na dulot ng maruming kapaligiran. Maganda pagmasdan
ang ating kapaligiran lalo na kapag ito ay malinis at maayos. Dahil
dito maipagmamalaki natin ang ating pamayanan.
Ang Mga Masamang Epekto Nito?

Bukod sa pagsira at pang-aabuso ng kalikasan para sa mga


personal na hangarin, ang ibang tao ay kulang rin sa kaalaman
tungkol sa kahalagahan nito sa atin ngayon at sa kinabukasan pa
ng mga susunod na henerasyon.

At sa Pilipinas, taon-taon ay nakakaranas tayo ng ibat-ibang mga


penomena tulad ng pagbaha, landslide, at bagyo at ito ay dahil
hindi na maganda ang kalagayan ng ating kapiligiran. At isa sa
mga pangkapaligirang suliraning ng mundo ay ang mga solid
waste o mga basura.

Ang basura ay hindi natin maiaalis na parang magic. Hindi ito


basta-basta nawawala lang. Ang kailangan ay ang pagiging
responsable natin mula sa pagtapon at paghihiwalay ng mga
nabubulok, di nabubulok, at recyclables

Ito ang magiging epekto nito sa kapaligiran:

#Kalamidad tulad ng pagbaha.

#Pagkamatay ng mga hayop dahil sa mga oil spills at iba pang


gawain ng pagkakalat.
#Pagkasira ng kagubatan na makaka-apekto sa buhay ng mga
hayop na naninirahan dito.

#Pagkawala ng produktong mula sa ating mga yamang tubig.

#Kasiraan ng turismo.

#Nagdudulot ng polusyon na masama sa kasulugan.

#May mga sakit na epekto tulad ng inpeksyon, pagkalason, at


iba pa
KABANATA V:
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Mga Natuklasan

Ang papel na ito ay naglalarawan sa kaugalian ng mga tao


partikular ang mga residente tungkol sa problema ng basura.
Marami ang mga pwedeng masamang epekto ng basura sa ating
paligid at pati sa'tin. Kumikilos lamang tayo kapag nararamdaman
na natin ang epektong dulot nito. Bagama't alam natin na hindi
tama ang pagtatapon ng basura sa kung saan-saan ay minsa'y
sinusuway pa rin natin ito. May maganda ring dulot ang basura
kung ito ay mapapamahalaan nang mabuti. Pwedeng gamitin na
lalagyan ng mga halaman yung mga plastic bottle, gawing pang
desinyo yung mga basurang pwede pang gamitin, at pwedeng
gawing bagong produkto ang mga basurang pwede pang
mapakinabangan. Meron ngang magandang dulot ang basura at
hindi lamang masama lagi ang epekto ng basura kung
napapamahalaan lang ito nang maayos.
Kongklusyon

Base sa isinagawang pag-aaral at sa mga nakalap na


impormasyonay napag-alaman ang mga sumusunod:

1. Hindi mismong basura ang problema kung hindi ay ang paraan


natin ng pamamahala nito.

2. Maraming pwedeng gawin sa mga basura keysa itapon ito


kung saan-saan at pabayaan na lamang.

Rekomendasyon

Iminumungkahi ng mga mananaliksik na paghusayin at


palawakin pa ang mga pag-aaral tungkol sa mga basura. Ito ay sa
kadahilanang dapat na higit na maunawaan ng mga tao ang mga
mabubuting dulot nito kung ito lang ay mapapamahalaan nang
maayos at upang matuto ang mga tao sa tunay na kahalagahan
nito.lubos na lubos ang kaalaman ng mga mag- aaral hinggil sa
mga solusyon ng suliranin. Subalit nakalulungkot isipin na hindi
ito isanasagawa. Iminumungkahi na isaaksyon ang mga
nalalamang solusyon sa suliraning tungkol sa basura. Kabilang na
Dito ang pagrerecycle sa mga bagay o basura na maaari pang
gamitin. Ang paghuhiwalay sa nabubulok at di nabubulok ,
pagtitipid at marami pang iba. Iminumungkahi din ang pagbuo at
pagsali sa mga organisasyong naglalayon ng kalinisan ng ating
kapaligiran.

Mga Sanggunian

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Basura
https://brainly.ph/question/878613
https://philnews.ph/2022/02/17/epekto-ng-solid-waste-ano-ang
-mga-masamang-epekto-nito/
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https:
//www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/conferences/arts-
congress-proceedings/2018/ejg-
02.pdf&ved=2ahUKEwjS8fWptdz8AhW0kWMGHSV1Aqs4ChAWe
gQIDBAB&usg=AOvVaw0-kF_s58gAUvTHUml443EN

You might also like