You are on page 1of 6

Kabanata 2

Kaugnayan ng Literatura sa Pag-aaral

Sa panahon ngayon marami talaga tayong mga problema ditto sa ating bansa, isa na

dito ay ang maruming kaligiran. Ito ay ang resulta ng kapabayaan ng mga tao sa paglilinis, at

pagtatapon ng basura kahit saan. Dahil sa ating kapabayaan sa ating paligid, ito ay unti-unti ng

nasisira at nagdudulot ng mga sakuna.

Ang pagtatapon ng basura kahit saan ay isang maling kagawian ng mga estudyante at

ng pamayanan. Kahit na sa paaralan marumi din ang paligid dahil na rin sa kawalan ng disiplina

ng mga mag-aaral. Itinatapon nila ang mga basura kahit saan at iniiwang nakakalat ang mga

papel at plastiks.

Isa rin sa mga sanhi ng maruming kaligiran ay ang mga pabrika. Ang mga dumi ng

kanilang mga produkto ay napupunta sa mga ilog at dagat na nagiging dahilan ng pagkamatay

ng mga yamang dagat tulad ng mga isda.

Ito ay kadalasang nagdudulot ng mga sakuna tulad na lamang ng pagbaha, at pati na rin

ng iba’t ibang sakit na dulot ng mga mikrobyo na maaaring magdulot ng kamatayan.

Ang wasto at tamang pagtatapon ng mga basura ay isang solusyon upang maiwasan

ang mga sakunang ating haharapin. Ang simpleng paghihiwalay ng nabubulok sa di-nabubulok

ay malaki na tulong. Makakaiwas na tayo sa mga sakuna, maaari pa nating pagkakitaan kung

ibibinta ang mga narerecycle. Magagawa lamangnatin ito kung ipaiiral natin ang disiplina sa

ating sarili at magtulungan sa pananatili ng kalinisan ng kaligiran.


Kabanata 1

Problema

Panimula:

Isa sa mga kadalasang problema ng pamayanan, lalong-lalo na sa COC ay ang

pagpapanatili ng kalinisan sa kaligiran. Isang simpleng patakaran lamang ito sa paaralan ngunit

naging isang maling kagawian dahil na rin sa kawalan ng disiplina.

Ang pagpapanatili ng kalinisan ng kaligiran ng COC ay minsa’y di binibigyan pansin ng

mga mag-aaral. Kahit na striktong patakaran ito ng administrasyon tila binabaliwala lang ito na

ilang estudyante dahil na rin sa pagdedepende sa mga taga-paglinis o kilalang I-clean. Hindi

nila naisip na ang pagpapanatili ng kalinisan ng kaligiran ay may epekto sa kanilang pag-aaral.

Alam naman ng lahat na mas nakakapag-aral ng maayos ang isang mag-aaral kapag malinis

ang paligid.

Kawalan ng disiplina sa sarili ang karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng maduming

kaligiran. Dapat nating isaisip at isapuso na mapanatili ang kalinisan ng kaligiran sapagkat dito

tayo namumuhay at malaki ang maaaring epekto nito sa atin. Maaaring sakuna tulad ng

pagbaha at mga sakit na magdudulot ng kamatayan.

Sino ba naman ang may gusto ng maruming paligid? Hindi ba wala. Kahit na simpleng

mag-aaral lang na may disiplina sa sarili na wasto sa pagtatapon ng basura ay malaki ng bagay

sa pagpapanatili ng kalinisan ng kaligiran.


Tesis Isteytment:

1. Ang wastong pagtatapon ng basura sa pamamagitan ng paghihiwalay ng nabubulok sa

di-nabubulok ay mahalaga.

2. Ang pagpapanatili ng kalinisan sa kaligiran ay may mabuting naidudulot sa mga mag-

aaral.

3. Maiiwasan ang kahit na anumang sakuna kapag may disiplina sa sarili sa pagpapanatili

ng kalinisan ng kaligiran

4. Makakaiwas sa kahit na anong sakit kapag malinis ang paligid.

5. Huwag isawalang bahala ang pagtatapon ng basura kahit saan sapagkat maaari itong

magdulot ng suliranin.

Skematik Diagram

IB DB
 Kasarian  Nabubulok

 Edad  Di-

 Kurso nabubulok

Layunin ng Pananaliksik

1. Mamulat ang bawat isa sa kahalagahan ng wastong pagtatapon ng basura at ang

mabuting epekto nito.

2. Mahikayat ang lahat lalung-lalo na ang mga mag-aaral na panatilihing malinis ang

kaligiran.

3. Maiparating sa lahat ang kahalagahan ng disiplina sa sarili at pakikibahagi sa

pagpapanatili ng kalinisan ng paligid.


Desinyo ng Pananaliksik

Ang Desinyong Deskriptibo ay paglalahad, pagtalakay, at pagpresinta ng mga datos na

nalikom ng mananaliksik gamit ang pamamaraan sa pangongolekta ng datos gaya ng

pagmamasid o obserbasyon na madalas gamitin sa pananaliksik na may kinalaman sa

aspetong pisikal at sikolohikal. Maaari ding makalikom ng datos sa pamamagitan ng

pakikinayam sa mga respondent, at pagkuha ng impormasyon sa mga aklat o internet. Ito ay

nagsisilbing gabay sa paggawa at pagsulat ng mga datos o impormasyong nalikom ng maayos.

Teknik sa Pamimili ng Populasyon

Ang “Stratified Random Sampling” ay ang pagsusulat ng mga numero sa maliit na piraso

ng papel, pagkatapos ay ihuhulog sa kahon. Dito bubunot ang mga inaakalang populasyon, ang

mga mananaliksik mismo ang maghihiwalay ng mga numero. Pagkatapos ay magpupulong at

pagkakasunduan kung anong numero ang kanilang gagamitin bilang representante sa pag-

aaral.

Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga pinag-aralan sa paksang ito ay ang mag-aaral ng COC. Lahat ng kumukuha ng

iba’t ibang kurso gaya ng CMA, CIT, Criminology, CAS, Education, Engineering, at Nursing.

Instrumento sa Pananaliksik

Ang ginamit na instrument ay mga sorbeying katanungan. Ito ay nagsasaad ng mga

markahang tsek sa bawat katanungan sa papel. Maaari ding magkaroon ng direktang talakayan

sa mga kalahok o mga mag-aaral kung gusto ng mabilisang pagkalap ng datos.


Kagamitan sa Pananaliksik

Gumamit ng tsek list at sorbeying katanungan upang makakalap ng mga datos o

impormasyong kinakailangan.gumamit din kami ng mga aklat at computer (internet) para sa

ibang mga impormasyon. Ang computer din ay ginamit upang gawin ang research paper at

maimprinta ito.

Hakbang sa Paglikom ng mga Datos

Ang mga mananaliksik mismo ang nagbigay ng mga katanungang papel sa mga

respondent. Nagbasa din kami ng mga aklat na may kaugnayan sa paksang pinagsasaliksikan.

Nakatulong din ang pag-oobserba o paggamit ng mga pandama upang makalikom ng mga

datos.
Konklusyon

Buhat sa aming pananaliksik tungkol sa pananatili ng kalinisan sa kaligiran, ito ay may

epekto sa ating pamumuhay. Ang mga mag-aaral ay ang karaniwang pinagtanungan namin at

ang pinagkunan ng datos.

Bilang isang mag-aaral, ang simpleng pagtatapon ng basura sa wasto at tamang

lalagyan ay malaking tulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating paligid. Maiiwasan natin ang

kahit na anumang sakuna tulad ng pagbaha at mga sakit na maaaring magdulot ng kahirapan o

suliranin sa atin.

Ayon sa aming nakalap na datos, hindi masyadong binibigyang halaga ang

pagpapanatili ng kalinisan sa kaligiran dahil na rin sa kawalan ng disiplina ng ibang tao. Kaya

gumagawa ang ibang organisasyon pati na ang gobyerno ng mga programang aaksyon na

panatilihin ang kalinisan ng paligid.

You might also like