You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Arellano University Apolinario Mabini Campus


Taft, Pasay City

EPEKTO NG LABIS NA BASURA SA LUNGSOD NG MAYNILA

Isang Akademikong Sulatin na Inihain kay

Bb. Donna Mae M. Solis

Ng Arellano University Apolinario Mabini Campus

Bilang bahagi ng pagtupad sa mga Pangangailangan

Para sa Asignaturang

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino

Ipinasa nina:

De Leon, Justin

Rasid, Ammarsaeed S.

De Ocampo, Jennifer

Delos Santos, Xyleen Mae O.

Mangalindan, Jasmine Lianne F.


PANIMULA O INTRODUKSYON

Tayo ay isinilang sa mundo at tayo ay nakatira sa mundo. Kaya ang kapaligiran

kung saan tayo ay nabubuhay ay napakahalaga at ito ay direktang nakakaapekto

sa ating buhay. Sinasabi na ang tao ay siyang produkto ng kaniyang kapaligiran.

Ang problema sa basura ay isang pandaigdigang alalahanin. Ito ay walang

hangganan. Sa ating paaralan, pagsisikap ay kailangan upang ang bawat

estudyante ay magkaroon ng kamalayan tungkol sa pagkasira ng kapaligiran

dahil sa hindi tamang paglalagay ng basura na naayon sa lalagyan. Ito ay isang

pangunahing sanhi ng polusyon at pinagsimulan ng mga karaniwang sakit.

Walang permanenteng solusyon para sa problema ng basura. Basura,isang

bagay na tayong mga Pilipino ay alam.Hindi na bago ang usaping ito,sa bawat

bagyong dumadaan,nakikita ang pagkawala ng disiplina ng mga tao.Ang pag-

aaral na ito ay sasaklaw sa lugar na tanyag sa ating bansa, ang Maynila.Bilang

isang maunlad na lungsod napahahalagahan pa ng mga mamamayan nito ang

pangangalaga sa kapaligiran.

Napakalayo na nga ng narating ng lungsod,simula sa turismo,mga pasyalan na

dinarayo hindi lang ng mga lokal na tao,maging ng mga dayuhan rin.Ang ibat-

ibang komersyo at establisyimentong naglalakihan,ngunit sa paglipas ng

panahon na umuunlad ang lungsod,kasabay rin ba nito ang pag-unlad ng

kalikasan?Kaakibat din nito ang paglaki ng populasyon ng lungsod,sa pagdami

ng tao ay ang pagdami rin ng pangangailangan ng mga tao na nagreresulta sa

mas maraming basura na naitatapon.Hindi ito maaring pigilan dahil lahat tayo ay

naglalabas ng dumi,kahit ang mga hayop ay ginagawa ito.Pero paano kapag

dumating ang pagkakataon na wala nang lugar upang itapon ang mga basurang
ito,at ibalik ito ng kalikasan sa ating mga tao.Tatakasan ba natin ito at kung

haharapin natin ay papaano?Aantayin ba nating dumating ito,o gagawin na natin

ang nararapat upang pangalagaan ang ating kapaligiran? Hindi natin

namamalayan na sa bawat pag kilos natin ay may basura ding patuloy na

dumadami.Gabundokna nga ang problema natin sa basura pero tila unti-unti pa

itong nadaragdagan imbes na nababawasan sa paglipas ng panahon. Patunay

dito ang kondisyon ng ilan nating mga kababayan, lalo na ang mga batang

namamasura, na hindi na nakawala sa pangangalakal para lang mabuhay. Pero

tama bang dagdagan pa ang mga basura sa ating mga tambakan at maging

bagsakan pa ng kalat mula sa ibang bansa?


LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng aming pag-aaral ay magbigay ng kamalayan sa bawat isa na

patuloy na nawawalan ng disiplina sa sarili at kawalang pake sa ating kalikasan.

Amin itong tinalakay upang mabigyan ng kahalagahaan ang ating kalikasan dahil

ito ay Nilikha ng Panginoon upang ating pangalagaan hindi para ilapastangan

lang. Kung ikaw ang tatanungin gaano ba karami ang iyong naitatapon sa

kapaligiran? Simpleng maliit na balat lang ng kendi ay may malaking epekto na

sa ating kapaligiran, simpleng balat ng saging na ating pinagkainin, sobrang

paggamit ng mga kemikal na lumalason sa mga ilog at marami pang iba.Aminin

man natin o hindi, nakakasiguro tayong hindi tayo mabubuhay kung wala ang

kapaligiran. Kaya’t habang maaga pa agapan na natin ang pagkasira nito, tayo

ay umaksyon na upang makita na natin ang bagong pag-asa. Layon ng aming

pananaliksik ay lumawak ang kaalaman ng bawat mang babasa ukol sa basura at

mga masasamang epekto nito sa ating lipunan . Ano nga ba ang mga

masasamang epekto nito sa ating lipunan?At sino ba talaga ang may kasalanan

sa patuloy na pagdami ng ating mga basura?At nais ng pananaliksik naming na

matuldokan ang problema na kaakibat sa pagtatapon ng basura. Gusto naming

silang turuan o ipaalam sa kanila ang kahalagahan ng tamang pagtapon ng

basura. Tayong lahat ay may magagawa kung tayo mismo ang siyang kumikilos

at hindi lang basta sabi sabi. Matutulungan natin ang ating mga sarili na maging

malinis at mapangalaga sa ating inang kalikasan.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng aming pag-aaral ay mabigyang pansin ang mga tone-

toneladong basura na patuloy na sumisira sa ating kalikasan. Atpara

masolusyonan ang problema tungkol sa basura,dahil ang basura lalo na ang

dumi ng tao at iba pang lusaw atbuo na galing sa mga bahay at barangay na

hindi wastongpinamamahalaan ay isang malubhang panganib sa kalusugan at

naghahatidng mga sakit na nakahahawa. Ang mga basurang

pinababayaangnakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw, lamok, ipis, mga

daga at ibapang mga hayop na nagkakalat ng mga sakit. Pangkaraniwan na ang

mgabasang basura at dumi ang nabubulok at nagbibigay ng mabahong

amoy.Nagiging daan ito sa maruming kapaligiran at sa pagdami ng problema

sakalusugan. Ang mga plastic na basura ay isa pang sanhi ng

masamangkalusugan. At hindi natin alam na sa bawat basura na ating itinatapon

ay may badya ng masasamang epekto sa ating lipunan at sa ating

kalusugan.Upang malutas ang ating lumalaking problema sa basura, nararapat

tayong maghanap ng mga alternatibong paraan sa pagtatapon nito. O kaya’y

maghanap tayo ng mga paraan upang maiwasan ang pagtatapon ng anumang

basura.

Ang pangunahing dahilan ng ating problema sa basura ay ang walang tigil na

paglaki ng ating populasyon. Ang paglaki ng populasyon ay nangangahulugan

din ng pagdami ng mga gawain ng tao. Ang pagdami ng mga gawain ng tao ay

humahantong din sa pagdami ng basura. Sa simpleng pananalita, mas maraming

tao, mas maraming basura.


Bakit natin isinasagawa ang pagaaral na ito?

Isa sa importansya ng pagaaral na ito ay makapagbigay kamalayan sa ating

komunidad. Ang pag-aaral rito ay isa ring epektibong pamamaraan upang

masolusyunan ang malaking suliranin na kinakaharap ng lungsod ng maynila.

Nararapat rin na makapagbigay ng impormasyon ukol sa epekto ng labis na

basura sa ating lungsod para na rin maibsan ang mga suliranin na maari nating

kaharapin.
SULIRANIN

1) Paano maiibsan ang pag labis napagtatapon ng basura sa ating lungsod?

2) Paano natin mapapangalagaan ang ating kalikasan kasabay ng pagunlad

ng ating lungsod

3) Paano ba natin madidisiplina ang ating mga sarili sa labis na pag tatapon

ng basura?
SAKLAW AT LIMITASYON

Ang sinasaklaw ng pananaliksik na ito ay kung anu-ano ba ang sanhi ng labis na

basura sa ating lungsod.Dahil hindi sapat na alam lang natin kung ano ang

bunga ng problema,nararapat na alam rin natin kung sino ang nagdudulot

nito.Maamin ba natin sa ating mga sarili na tayo ang ugat ng lahat ng ito.Ang

pagkawala natin ng disiplina ay naging bunga ng pagkasira ng ating kalikasan.Sa

lahat ng nangyayaring ito tayong mga mamamayan ng lungsod ang dapat

sisihin.Isa pang sinasaklaw ng aming pagaaral ay ang mga hakbang na maari

nating gawin upang maibsan ang labis nabasura na patuloy na dumadami dahil

sa walang habas na pagtatapon ng mga taong walang disiplina sa sarili at ang

labis na pagaabuso sa kalikasan.May limitasyon ang aming pag-aaral sa

kadahilanang ito ay simpleng pananaliksik lamang at mga suwestiyon lamang

namin ito at hindi nangangahulugang ito ang pinakasolusyon sa ating

suliranin.Nararapat pa din ng malawakang solusyon at kooperasyon ng mga

mamamayan sa lungsod,dahil mawawalan ng saysay ang lahat ng paghihirap

nila.Mapababayaan at patuloy pa ring magiging malubha ang dumi sa lungsod.


DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

1).Establisyemento- Ang gusali o edipisyo ay istraktura na ginagawang opisina,

kondominyum, paaralan at marami pang iba. Maaari rin tawaging gusaling

tukodlangit kung ang pag babasihan ang taas (kinakailangang higit pa sa 150 m o

492 ft ang taas). Importante ang gusali sa isang umuunlad na lungsod.

Gawa ng tao ang mga gusali na mayroong bubong at mga pader kadalasang

nananatiling nakatayo sa isang lugar, tulad ng isang bahay o pabrika. Mayroong

iba't-ibang hugis, laki, at, silbi ang mga gusali, at sa paglipas ng panahaon ay

tuluyang nagbabago dahil sa maraming bagay, mula sa mga matatagpuang

kasngkapang panggawa, hanggang sa lagay ng panahon, partikular na punsyon

ng mga gusali, at pagpapaganda sa kapaligiran.

2) Turismo- Ang turismo isang lugar upang makita ang isang lugar. Tinatawag na

turista ang sinumang naglalakbay ng 50 milya (80.5 kilometro) na layo mula sa

kanyang tirahan, ito ang kahulugan ng World Tourism Organization (isang

katawan ng Mga Nagkakaisang Bansa).

Ang turismo ay napakahalaga sa ekonomiya ng isang bansa. Bukod sa salaping

ipinapasok ng mga turista, ito ay nagbibigay ng hanapbuhay sa mga lokal na

mamamayan ng isang bansa sa industriyang serbisyo.

at kaligtasan & kapatanagan. Kabilang naman sa mga di-nahahawakang elemento

ang pamamahinga, kultura, pagtakas, adbentura, bago at lumang karanasan.

3).Komersyo-Ang kalakalan ay isang kusang palitan ng mga produkto, serbisyo, o

pareho. Tinatawag din ng kalakalan ang komersyo. Ang mekanismo na


pinapahintulutan ang kalakalan ay tinatawag na pamilihan. Ang pinagmulan ng

kalakalan ay baligya, ang tuwirang palitan ng mga produkto at mga serbisyo. Ang

mga makabagong mangangalakal ay nakikipagkasundo nang pangkalahatan sa

halip, sa pamamagitan ng midyum ng palitan, tulad ng salapi. Ang bunga nito ay

ang paghihiwalay ng pamimili sa pagtitinda, o pag-iipon. Ang pag-imbento ng

salapi (at sumunod ang salaping pautang, salaping papel at di-pisikal na salapi)

ay nagpapagaan sa takbo ng kalakalan. Ang kalakalan na may pagitan ng

dalawang mangangalakal ay tinatawag na kalakalang bilateral, samantala ang

kalakalan na may higit sa dalawang mangangalakal ay tinatawag na kalakalang

multilateral.

4).Kamalayan-Ang malay o kamalayan ay isang katangian ng kaisipan.

Nangangahulugan ito ng pagiging gising, alisto, at tumutugon sa

kapaligiran.Maaaring magkakaiba ang kahulugan ng kamalayan sa sikolohiya,

neurosiyensiya, pilosopiya at iba pang kaugnay na mga agham.

5) Maibsan- Ang kahulugan ng salitang maibsan ay mabawasan,halimbawa sa

kalungkutan gagawa ka ng paraan upang maibsan ,ibig sabihin mabawasan.

6)Saysay- Ang katuturan o depinisyon ay ang pahayag ng kahulugan ng isang

salita o parirala. Ito ang saysay, nilalaman o laman, ubod, buod,

esensiya,kabuluhan, diwa, katotohanan ng salita, parirala, pati na ng

pangungusap o talata, at katulad.

7) Malubha- ang kahulugan ng maluha ay maraming gamit at isa na rito ay ang

mahigpit sa paghatol, disiplina, o pamahalaanb: ng isang mahigpit o mabagsik na

tindig o paraan: mabagsik, mahigpit sa pagpigil, parusa, o kinakailangan:


mahigpit, Mahigpit na kritikal o nagpaparusa sa isang matinding kritiko,

pagpapanatili ng isang matibay na pamantayan ng pag-uugali o disiplina sa

sarilib: pagtataguyod ng mga pamantayan ng katumpakan at integridad sa mga

prosesong intelektwal na isang matinding logician


ARELLANO UNIVERSITY

(APOLINARIO MABINI CAMPUS)

LAYUNIN NG PANANALIKSIK NA ITO NA MALAMANANG INYONG MGA OPINYON

AT KAALAMAN PATUNGKOL SA PROBLEMANG BASURA SA ATING LUNGSOD

PANGALAN:_________________________________

STRAND:____________________________

KASARIAN:__________________________

EDAD:______________________________

PANUTO:LAGYAN NG TSEK ANG TUMUTUGON SA INYONG KASAGUTAN

MGA KATANUNGAN OO MEDYO HINDI

1).Alam mo ba ang Iba’t- ibang

paraan ng pamamahala ng

basura?

2).kailangan ba na isaalang -

alang ang tamang pag tatapon

ng basura?

3).Naniniwala ka ba na may

epekto ang pag tapon ng basura

sa tama nitong lagayan?

4).Sa Iyong tingin, importante


ba ang kalinisan ng

kapaligiransa ating lungsod?

5).Gumagamit ka ba ng plastic?

6).Papayag ka ba na Ipagbawal

na ang pag gamit ng plastic sa

ating lungsod?

7).Ginagamit moba ang proper

waste disposal sa inyong

bahay?

8).Sang-ayon ka ba na ipatupad

ang ‘NoSegragation,No

collection

Policy’

9).Sapat ba ang hakbang na

ginagawa ng ating

lokalnapamahalaan sa

pagpapanatili ng kalinisan sa

ating kaaligiran?

10).Bilang Isang mamamayan ano ang dapat mong gawin upang mapanatiling

malinis ang ating kapaligiran?

You might also like