You are on page 1of 5

RESEARCH IN

MAGSASAKA

Milyong magsasaka ang naghihirapan sa ating bansa. May mga magsasaka na mayroong
sariling lupa ngunit walang sapat na pondo para maging produktibo ang sakahan. Madalas na
problema ay kakulangan sa suporta ng mga gamit pantanim, pang transport ng mga produkto at
pangunahing kailangan sa pagtatanim. Kung mabibigyan lang sana ng pamahalaan ng aktibong
pamamahalan ang paglago sa Agrikultura ang ating bansa ay hindi siguro naghihirap ngayon ang
mga kababayan nating magsasaka. Kung may programa at suporta sana ang pamahalaan para
maging produktibo ang pagsasaka. Kung patas at malaking kita para sa mga magsasaka magiging
maunlad ang ekonomiyang n gating bansa matutugunan ang edukasyon ng mga susunod na
henerasyon at magiging anak ng mga magsasaka at darating ang araw na ang mga magsasaka ay
isa sa pinaka maginhawang mamamayan sa pilipinas.

Madalas sa panahon ng ating kabataan tayo ay nagsisimulang mangarap para sa


kinabukasan. Iniisip ang daang tatahakin at matapang ang bawa’t aksiyon at kilos. Ngunit
karamihan sa atin, ang planong maging magsasaka, ay hindi kasama sa kanilang mga pangarap.
Para sa kanila, ang pagsasaka ay isang mababang uri ng hanapbuhay at walang sapat ang
kikitain. Kaya mas naeengayo silang dumayo sa siyudad o mangibang bayan kung saan mas
malaki ang oportunidad at magkaroon ng mas malawak na karanasan. Ano na kaya ang ating
patutunguhan kung walang mga magsasaka? At ano ang magiging hinaharap natin kung walang
pagkain? Kung walang magsasaka, walang pagkain. Kung walang pagkain, walang buhay.

Mababang pagkakilanlan at imahe ang dahilan kung bakit hindi kaakit akit ang trabahong
pagsasaka sa mga kabataan. Ang pagsasaka ay itinuturing na mababa, mahirap, hindi kaakit-akit,
marumi at hindi kailangan ng edukasyon. Kadalasan, ang tingin ng lipunan sa magsasaka ay
mababa at walang dignidad. Ngunit maraming mga batang estudyante ang pangarap maging
doctor, enhenyero o abogado pero bihirang maging magsasaka. Ang mga magsasaka sa mga
mahihirap na bansa ay tinuturing na walang pinag-aralan at hindi sibilisado.

Sa ibang bansa ang magsasaka ay isa sa mga mayayaman kaya minsan mas gusto nila
kumuha ng isang magsasaka sa pilipinas para magtrabaho sa kanila. Paano na kaya ang bansa
natin? Kakaunti na nga lang ang mga natitirang magsasaka ay aalis pa para sa ibang bansa
magtrabaho dahil sa malaking oportunidad.

Ang kabataan ang ating kinabukasan. At ang kabataan sa agrikultura ang kinabukasan ng
agrikultura at industriya sa kanayunan. Kailangan na tayong kumilos ngayon, kung nais nating
may magsasakang magpapakain sa atin sa hinahanarap.
BASURA SA PILIPINAS

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na lumalala ang suliranin na ito bunga ng patuloy na


mga inobasyon sa teknolohiya. Karamihan sa mga Pilipino ay hindi marunong maghiwalay at
magtapon ng mga basura sa tamang lugar. Hindi rin tumutupad ang iba sa mga batas na
nangangalaga sa kalikasan. Ikalawa ang pamilya, ito ang pinakamaliit na yunit ng lipunan.
Subalit sa bawat pagkalimot ng bawat miyembro ng tahanan sa tamang paraan ng pagtatapon ng
basura, apektado nito ang kanilang barangay, ang kanilang lungsod at ang bansa.

Ang mga basura, lalo na ang dumi ng tao at iba pang lusaw (liquid wastes) at buo (solid
wastes) na galing sa mga bahay at barangay na hindi wastong pinamamahalaan ay isang
malubhang panganib sa kalusugan at naghahatidng mga sakit na nakahahawa. Ang mga basurang
pinababayaang nakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw, lamok, ipis, mga daga at iba pang
mga hayop na nagkakalat ng mga sakit. Pangkaraniwan na ang mga basang basura at dumi ang
nabubulok at nagbibigay ng mabahong amoy. Nagiging daan ito sa maruming kapaligiran at sa
pagdami ng problema sa kalusugan. Ang mga plastic na basura ay isa pang sanhi ng masamang
kalusugan. Nanganganib dahil sa wala o kulang na pamamahala sa pagtatapon ng mgabasura
ang mga bata sa komunidad, mga basurero at mga nagtatrabaho sa mga plantang nagbibigay ng
nakalalasong mga bagay o sangkap. Nanganganib din ang mga taong malapit na naninirahan sa
pinagtatapunan ng mga basura, at mga taong ang pinagkukunan ng tubig ay marumi dahil
malapit sa tambakan ng basura at ang mga may butas na tubo ng tubig.

Araw-araw, maraming mga basura ang nakokolekta sa mga kabahayan at mga


establishimento. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng problema sa pamamahala sa mga solid
wastes. Ngayon, ang mga basurang ito ay nagkalat salansangan. Mayroon ding mga nakatambak
sa mga kanal at ang iba naman ay itinapon na lamang sa mga ilog. Ang mga basura na naikakalat
kung saan-saan ay matagal ng nagdudulot ng mga masasamang epekto sa ating lipunan. Tuwing
bumabagyo, umaapaw ang tubig sa kalsada dahil ang mga kanal na daluyan dapat ng tubig ay
puno na ng basura. Pagkatapos ng delubyo, makikita na lamang natin na naging dagat na ng
basura ang Maynila. Kapag umuulan ng malakas, parang ginagantihan lamang tayong mga
basura na naitatapon. Tayo ang dumadanas ng ating parusa dahil sa paulit-ulit na pagtapon ng
basura kung saan-saan.

Tungkulin ng bawat Pilipino, bata man o matanda, na siguraduhing maayos na inihiwalay


ang kanikanilang mga basura, saanman at kailanman. Kung nais natin makatulong sa pagsugpo
sa problema sa basura, kumilos tayo kaagad at magkompost sa ating bahay upang maging bahagi
ka ng solusyon. Nasasa atin ang desisyon kung nais talaga nating manatiling bahagi ng problema.
Ang pagkokompost ay isang gawain na magandang gawin at ituro sa ating mga kaibigan. Kung
nais natin magkaroon ng magandang kinabukasan ang buong mundo, simulan natin sa lalong
madaling panahon at pagkatapos ay tulungan natin matuto ang ating mga kapitbahay. Importante
ang disiplina ng mga tao sa pagpapatupad ng mga patakaran lalo na sa mga patakaran kaugnay sa
kapaligiran.
PROGRAMANG PANGKALUSUGAN

Ang Pilipinas ay kung tutuusin, isa sa mga pinakamayamang bansa sa buong mundo.
Napakaraming likas na yaman at iba’t ibang deposito ng mineral at langis ang matatagpuan.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, Bakit nanatili pa rin tayong isa sa mga mahihirap na bansa sa
buong mundo?

Kakatwang isipin na sa kabila ng sobrang rami nating mga likas na yaman ay karamihan
pa rin sa mga Pilipino ay walang makain at namamatay dahil sa gutom. Pinakamahalaga sa
pansariling pangangailangan ng mga Pilipino ang kalusugan. Nauunawaan ko ang damdaming
ito dahil bata pa ako ay nakita ko na ang hirap na dulot ng kawalang-katiyakan kung may sapat
na pagkain sa hapag. Kung minsan, ang aming malaking pamilya ay naiibsan ang gutom sa
pagkain ng kanin, isang kilalang tatak ng mantika, na inihahalo namin sa kanin at kaunting asin.
Ngunit ang ibig kong talakayin ngayon ay ang nauukol sa kalusugan. Maraming indikasyon na
marami pang dapat gawin upang magkaroon ng mataas na uri ng sistema sa healthcare, o
pangangalaga sa kalusugan na abot ng lahat ng mamamayan.

Ayon pa rin sa WHO at DoH, 75,000 mga bata may gulang na mababa sa limang taon
ang namamatay bawat taon. Hindi ito katanggap-tanggap. Anuman ang kalagayan ng ekonomiya
at lipunan, dapat mabigyan ng mataas na uri ng pangangalaga sa kalusugan ang mga ina at
supling.
Kaugnay ng isyung ito ang pagtatayo ng mga ospital para sa mga mahihirap ngunit hindi lahat ay
nabibigyan ng magandang trato o mabilis na serbisyo dahil madami pang proseso para maasikaso
sila. Sa napapansin ko ngayon kahit na nakikita nilang kailangan ng magamot ng isang pasyente
ay hindi nila agad inaasikaso na nagdudulot ng mas delikadong kalagaya nila. Hindi lang iyon
ang problema sa ibang ospital dahil karamihan din ay nagkakamali sila sa mga gawain nila.

Kailan kaya ito mapapansin ng ating gobyerno? Sana magawan nila ito agad ng aksyon.
Kailan pa kaya makakaunlad ang ating bansang Pilipinas? Dapat tayo na mismo ang gumawa ng
paraan upang makatulong na lutasin ang mga mahahalagang suliranin na ito. Suportahan natin
ang mga panukalang alam natin na makabubuti para sa pag-unlad ng ating bansa. Dapat rin ay
maging masuri tayo sa pagpili ng mga opisyal ng gobyerno na iboboto natin dahil sa kanila
nakasalalay ang pagpapatakbo ng ating bansa ng maayos. Paano tayo uunlad kung hindi tayo
kikilos, kaya dapat tayo ay kumilos na para sa kinabukasan ng ating bayan.
ILLEGAL LOGGING

Isa sa mga dahilan ng Pagkasira ng Kalikasan ay ang Illegal Logging. Ang illegal logging
ay ang pagputol ng puno ng walang permiso galing sa pamahalaan lokal na nasasakupan ng isang
lugar. Sa kadahilanan na ang mga puno ay isang parte na syang pumipigil para maiwasan ang
pagguho ng bundok at para maiwasan ang baha. Ang Illegal Logging ay isang bagay na dapat na
mahinto pero dahil may mga taong ang iniisip laman na kumita ay hindi na nagkaraoon ng
konsensya na maisip na mas maraming tao ang nadadamay sa matinding pagbaha. Ang
Kalikasan ay isang biyaya ng Diyos na bigay sa atin na dapat natin mahalin. Pero dahil sa mga
Illegal Loggers na ito ang kagubatan ay nasisira. Ang biyaya ng Diyos ay dapat nating ingatan at
mahalin. Pero dahil sa Pagtrotroso na ito walang humpay na nakakalbo ang ating kagubatan. At
dahil sa pagkalbo ng kagubatan kaya nagkakaroon ng landslide.

Madaming mapag samantala sa ating likas yaman lalo na sa usapang “Illegal” kasi para
sa aking pananaw madali ang pera dito. Isa ko pang ikinagulat ay imbis na solutionan ito ng
gobyerno ay nakikinabang din pala sila sa perang nakukuha sa illegal ng pagputol ng puno. Hindi
ba nila alam na kapag naubos na ang puno sa kagubatan ay wala ng sisipsip sa tubig tuwing
bumagbagyo at magiging dahilan pa ito ng pagbaha, at kung maubos na ang puno sa kagubatan
mawawalan na din ng tirahan ang mga hayop. Mapapanatili natin ang magandang kagubatan
kung mag tatanim tayo ng puno sa simpleng paraan ay mapaparami ulit natin ang mga punong
kanilang pinutol. Makialam tayo sa bagay na tayo rin ang aani balang araw. Sa ating mga
mamamayan dapat nating panatilihin ang kagandahan ng ating kapaligiran para masaksihan pa
ito ng mga susunod na henerasyon. Huwag natin sayangin ang oras para ayusin ang mga
pagkakamaling ating nagawa. Huwag nating hintaying na bumalik sa atin mga maling gawain
natin. Matigil lamang ito kung sa pamahaloaan mismo ay sila ang manguna upang sugpuin ang
Illegal logging.

Lahat tayo ay may karapatan na makialam sikapin natin na sugpuin ito bago pa bumalik
sa ating ang karma. Naniniwala ako na kung ano ang mabuting gawain natin, mabutin rin ang
babalik sa atin pero kung mali naman na pinaggagawa, mali rin at kapahamakan ang babalik sa
atin. Huwa nation hintayin na dumating tayo sa punto na iyon. Simulan natin mismo sa sarili
natin kung kailangan nating magtanim gawin natin ngunit wala din mapapala kung ang ilan sa
atin ay patuloy na gagawin ang Illegal Logging. Ang kailangan lang ng bawat isa ay ang
disiplina sa sarili isipin ang kahihinatnan ng bawat gagawin natin hindi lang ang sarili dapat ay
pangkalahatan. Kung lahat tayo ay may pagkakaisa doon natin makikita ang totoong pagbabago
ng ating bansa.
METRO MANILA TRAFFIC
Sa panahon ngayon isa sa mga problema ng malalaking lungsod ang problema sa trapiko.
Isa sa matindi at malalang trapikong nararanasan ng mga kababayan nating mga Pilipino ay sa
Maynila.

Gaano nga ba ang kaibahan ng dating mga lansangan sa Maynila sa kasalukuyang


kalagayan ng mga lansangan sa ngayon? Masasabi nating malaki ang naging pag-unlad at
pagbabago ng mga lansangan sa kalakhang Maynila, naging malaki din ang naging epekto nito
sa bawat araw-araw na pamumuhay ng mga tao dito. Mga dating larawan at sitwasyon ng
lansangan sa kalakhang Maynila

Upang masolusyonan ang lumalalang trapiko sa Maynila gumagawa ang gobyerno ng


mga karampatang solusyon upang masolusyonan ang lumalalang trapiko na ito. Isa sa mga
ahensya ng pamahalaan ang nagpapatupad ng mga batas at kaayusan ng lansangan sa Metro
Manila ay ang Metro Manila Development Authority o (MMDA), sa dami ng mga pinatupad ng
MMDA na mga batas sa lansangan lahat ito ay hindi naging epektibo para masolusyonan ang
lumalalang trapiko sa Metro Manila. Masasabi nga na dala ng mabilis na pag-unlad ay ang mga
suliranin at problema ng kaunlaran, sa araw-araw na trapik sa Metro Manila madami o malaki
ang nagiging pagkalugi ng pamahalaan at mga negosyante, at higit sa lahat madami ang mga
naabalang mga gawain dahil sa trapik na ito. Lumalala ang haba ng paghihintay ng bawat
motorista at mga pasahero sa gitna ng kalsada dahil sa walang pagbabago at pag-usad sa
kanilang pwesto, dalawa hanggang tatlong oras ang nagiging tagal ng byahe sa bawat lansangan
sa Metro Manila.

Sa sobra tagal na pinagtitiisan ng mga mamamayan sa Metro Manila ang ang lumalalang
trapik, hindi na din makaya ng mga taga Metro Manila Development Authority o MMDA kung
paano sosolusyonan ang problemang ito, kaya gumawa ang pamahalaan ng isang solusyon na
ang mga pulis o taga Highway Patrol Group ang mamamahala na sa trapiko.
Highway Patrol Group sa EDSA.

Sa pagtatalaga ng pamahalaan sa mga Highway Patrol Group ng mga kapulisan sa bawat


lansangan ng Metro Manila naging isa ito upang maibsan ang sobrang lumalalang trapiko sa
Maynila. Nagkaroon ding ng mahigpit na pagpapatupad sa batas trapiko ang mga enforcer na ito.

Sa pagsisikap ng pamahalaan na mabigyan solusyon ang trapiko naging imposible ito,


lumawag ng konti ang malalaking lansangan ng Maynila. Kailangan lang ng DISIPLINA upang
higit na magtagumpay ang mga solusyon na ginagawa ng pamahalaan.

You might also like