You are on page 1of 6

ESP M7Q3

John Carlo P. Dela Cruz


10-Baltazar

Gawain 1

1.
Hangin - Puro usok at mabaho.
Tubig - Puno ng basura.
Kahoy - Nakakalbo ang mga kahuyan.
Lupa - Puro asido na ang laman ng lupa at halos wala nang nutrisyong makukuha rito.

2.
Hangin - Puro usok na lamang ang nangyayari sapagkat sunog lamang ng sunog ang
mga tao ng mga basura tulad ng plastic.
Tubig - Ginagawang basurahan ng mga tao ang mga katubigan.
Kahoy - Malawakang pagputol o illegal logging ang pangunahing sanhi ng isyu sa
kahoy.
Lupa - Napalitan ang nutrisyon ng asido dahil sa mga pestisidyo at iba pang bagay na
puno ng mapanirang kemikal.

3. Limang paraan ng pangangalaga sa kapaligiran na kaya kong gawin:


● Pagtatanim ng puno.
● Pagtatapon ng mga basura sa tamang lalagyan.
● Pagsasagawa ng tatlong R (Reduce, reuse, recycle)
● Pagsumbong sa mga awtoridad kung may makita mang nagsusunog ng kanilang
mga basura sapagkat ito’y ilegal sa ilalim ng Ecological Solid Waste
Management Act o R.A. 9003 at ng R.A. 8749 or Clean Air Act.
● Pagsali sa mga organisasyong nakatuon sa pag-aalaga ng kalikasan tulad ng
Mother Earth Foundation, Save Philippine Seas, at Haribon Foundation.

Gawain 2

1. Walang tigil na pagtapon ng basura sa ilog, kanal, karagatan.


- Ilegal ang pagtatapon ng basura sa kahit na anong anyong tubig maging ano man ang
rason (Pang industriyal, komersyal, at mga aktibidad sa komunidad) sa ilalim ng
Philippine Clean Water Act of 2004 o Republic Act No. 9275. Ang sinomang mahuli ay
maaaring pagbayarin ng multa o makulong ng hindi hihigit sa isang taon.
2. Sinunog ng isang magsasaka ang mga puno sa gilid ng burol upang magkaroon
ng lupang mapagtatamnam.
- Linalabag ng gawaing ito ang Ecological Solid Waste Management Act o R.A. 9003 at
R.A. 8749 o Clean Air Act sapagkat pinagbabawalan at pinaparusahan nito ang
pagsusunog. Nakasaad dito ang mga salitang “No one shall be allowed to burn any
materials in any quantities which shall cause the emission of toxic and poisonous
fumes.” Bukod dito, linabag din ng gawaing ito ang R.A 3701 na naglalayong
protektahan ang kalikasan lalong lalo na ang mga puno at kagubatan mula sa pagkasira.
3. Pinapabayaan ng isang pastol na gumala sa daan at manira ng halaman ang
kanyang alagang kambing.
- Ayon sa R.A no. 386 o Civil Code of the Philippines Artikulo 2183, ang sinomang
nagmamay ari o nangangalaga ng isang hayop ay responsable para sa pinsalang
maidudulot nito.
4. Walang tigil na pagsunog sa mga plastic o guma.
- Ilegal ang gawaing ito sa ilalim ng Ecological Solid Waste Management Act o R.A. 9003,
R.A. 8749 o Clean Air Act. Pinagbabawalan nito ang pagsunog ng kahit na anong
basura dahil sa mga nakapaninirang epekto nito sa ating kalikasan.
5. Ang pagtatapon ng basurang toxic chemical sa karagatan.
- Pinagbabawalan ang gawaing ito sa ilalim ng R.A 9275 at R.A 6969. Nakasaad dito na
intensyonal man o hindi, ang pagtatapon ng kahit na anong magiging sanhi ng polusyon
sa mga anyong tubig ay mahigpit na pinagbabawal.

Gawain 3

1. Pinapahiwatig ng tula na dahil sa mga gawain ng tao, unti unting nasisira ang ating
kalikasan. Mula sa pagkaputol ng puno hanggang sa pagkasira ng mga bukiran para
lamang mapagkakitaan. Binabalaan tayo ng tula na balang araw, darating din ang
panahon na kakailanganin nating haharapin natin ang bunga ng mga kilos natin ngayon
o ang araw ng paghuhukom. At walang ibang hahatol sa atin kundi ang Poong
MayKapal.
2. Oo. Maganda ang pamagat sapagkat nakikipag-ugnayan ito ng mabuti sa kontent ng
tula. Nasa anyong patanong ang pamagat kaya naman, natural lamang na maging
interesado ang mga mambabasa sa kung san nga ba patungo ang ating kalikasan.
Habang binabasa ang tula ay unti unti nilang mahihinuha ang sagot sa katanungang
makikita sa pamagat.
3. Ayon sa may-akda kung tayo’y magpapatuloy sa ating mga ginagawa iisa lamang ang
patutunguhan ng ating kalikasan —patungong pagkawasak.
4. Ang mga susumusunod ang paglabag sa kalikasan na naihayag sa tula:
● Pagputol ng mga puno
● Pagtapon ng mga basura sa katubigan
● Pagsunog ng mga goma at gulong
● Pagsira sa mga bukiran para gawing gusali at mapagkakitaan

Isagawa
Ako ito Hindi Ako Ito Di ko tiyak ang
aking sarili

1. Nababahala ako sa patuloy na


pagkasira ng daigdig at kalikasan. /
2. Sumasali ako sa mga
organisasyon na nagkakampanya
para sa proteksyon ng kapaligiran.
/
3. Hindi importante ang
pagpapahalaga sa kalikasan. /
4. Nakapagtanim na ako ng kahit
isang
puno lamang.
/
5. Inirereport ko agad sa kinauukulan
kapag may sirang tubo ng tubig. /
6. Sinusuportahan ko na dapat
maipatupad ang “total log ban”. /
7. May malasakit ako para sa daigdig
at kalikasan subalit wala akong
magawa.
/
8. Naniniwala ako na ang tao ay may
moral na pananagutan sa daigdig na
kanyang tinitirahan.
/
9. Hindi ko iniintindi ang malakas na
konsumo sa kuryente hangga’t may
pambayad.
/
10.Hindi ako naglalakad kahit
malapit lamang ang aking
pupuntahan upang madali akong
/
makarating.

a. Oo. Sa katunayan ay miyembro ako sa isang organisasyon sa paaralan na kung tawagin


ay Youth for Environment in Schools-Organization o Yes-O club. Ang aming club ay
nakatuon sa pagprotekta at pagpapanatili ng kalikasan maging ito man ay sa loob o
labas ng paaralan. Sa mga nakaraang taon, kami ay nagsasagawa ng mga tree planting
programs, mga jingle at campaign upang mabuksan ang mga mata ng aming mga
kapwa kamag-aral ukol sa mga isyung kinakaharap ng ating kalikasan. Pinatutunayan
lamang ng pagsali ko sa ganitong klaseng organisasyon na kaya at handa akong
tumulong upang mapangalagaan ang ating kapaligiran ngayon man o sa hinaharap.

b.
Sa loob ng Bahay

Isa sa pinakamadali at mainam na paraan para makatulong sa ating kalikasan kahit nasa
loob lamang tayo ng tahanan ay sa pamamagitan ng pagkonserba ng paggamit ng tubig at
kuryente. Mas kaunting tubig na iyong gagamitin, mas kaunting wastewater na mapupunta
sa karagatan. Ang pagbabawas naman sa paggamit ng kuryente ay nakakapagpababa sa
mga carbon dioxide emissions na nakakapagpalala sa climate change.

Narito ang ilan sa mga paraan upang magawa ito:


● Pagpatay ng ilaw at gripo kung hindi naman ginagamit.
● Paliligo ng mabilis ngunit maayos kung shower ang ginagamit.
● Pag ayos o pagpapaayos agad kung may sirang tubo ng tubig.
● Pagbunot ng mga hindi ginagamit na electronic appliances tulad ng electric fan.
Paaralan

Gaya ng nabanggit kanina, isa akong miyembro sa aming paaralan ng Yes-O club na
nakatuon sa pagpoprotekta at pagpapanitili ng kalikasan sa loob at labas ng paaralan.

Ilan sa mga aktibidad ng aming organisasyon sa loob ng paaralan:


● Paggawa ng mga jingle at campaign upang maitaas ang kamalayan ng aming mga
kapwa mag-aaral ukol sa mga isyu sa kalikasan.
● Pagtatanim ng mga puno at halaman sa loob ng paaralan at bahay.
● Pagpipinta at pagdodonate ng mga paso upang ibigay sa ibang paaralan at
mapagtaniman.

Ilan pa sa mga gawaing maaaring isagawa upang makatulong sa kalikasan sa loob ng


paaralan kahit hindi ka miyembro ng isang organisasyon ay ang mga susumunod:

● Pagpulot ng mga basurang nakikita sa paligid.


● Kung walang malapit na tapunan, ilagay muna ang basura sa loob ng bag

Lipunan
Ang pinakamabisang paraan upang makatulong sa kalikasan bilang miyembro ng lipunan ay
ang paglahok sa mga nangyayari sa loob mismo ng lipunan.

Narito ang ilang halimbawa:


Karagdagang Gawain
● Pagsali sa mga organisasyon na nakatuon sa pagprotekta ng kalikasan.
● Pagsasagawa ng tatlong R (Reduce, reuse, recycle). Isang halimbawa nito ay ang
pagbabalik ng mga babasaging bote ng mga softdrinks sa tindahan.
● Pagbili sa malapit kaysa sa malayong tindahan. Mababawasan nito ang paggamit ng
mga sasakyan at gayon na rin ang mga carbon dioxide emissions na linalabas nito.
Bukod dito, masusuportahan mo ang mga lokal na negosyo at magsasaka.
● Pag-iwas ng pagbili ng mga plastic o paggamit ng mga plastic bags. Gumamit na
lamang ng mga paper bags sapagkat ito ay nabubulok at mas madaling irecycle.
Karagdagang gawain
Isang tula batay sa kasabihang “Ang puno ay parang piso. Malalaman mo lang ang halaga
kapag naubos na.”

You might also like