You are on page 1of 28

Pangangalaga sa Kalikasan,

Pananagutan Ko
Isulat sa sagutang papel kung
Tama o Mali ang tinutukoy
ng bawat pangungusap.
1. Ang pagputol ng mga puno ay
isang dahilan ng pagbaha.
2. Nakalalason sa mga isda
ang pagtapon ng kemikal sa
ilog at dagat.
3. Polusyon sa hangin ang maaaring
maidulot ng pagsusunog ng
basura.
4. Ang paghihiwa-hiwalay ng mga
basura ay walang epekto sa
suliraning pangkapaligiran.
5. Ang pagtatanim ng mga puno at
halaman ay nakatutulong sa
kalikasan.
Paano mapangangalagaan
ang mga likas na yaman
at mapananatili ang
kalinisan ng sariling
komunidad?
Basahin at unawain ang
maikling kuwento tungkol sa
isang bata na nagpakita ng
pagmamahal at
pagmamalasakit sa
kapaligiran. Sagutin ang mga
tanong pagkatapos nito.
Pananagutan ni Atoy
ni: Alma M. Angeles
Ika-anim pa lamang ng
umaga ay gising na si Atoy.
Sasamahan niya ang
kaniyang tatay sa
pamimingwit ng isda sa ilog.
Sabado noon kaya wiling-
wili siyang pumunta sa lugar
na ito dahil walang pasok sa
paaralan. Habang nasa tabi
ng ilog ay may napansin
siyang mga basura na
nakakalat.
Dali-dali niya itong
pinulot at inilagay sa sako
na kanilang palaging dala
upang itapon sa tamang
basurahan. Ito ay madalas
niyang ginagawa habang
hinihintay ang kaniyang
tatay.
Maya-maya ay narinig
na niya ang pagtawag ng
kaniyang ama upang
sabihing sila ay uuwi na
bitbit ang mga nahuling
isda.
• Basahin nang mabuti ang
bawat tanong. Isulat sa
sagutang papel ang wastong
sagot.
1. Sino ang bata sa kuwento?
2. Ano ang ginagawa niya
tuwing sumasama sa
kaniyang tatay sa pagpunta
sa ilog?
• 3. Gaano kadalas niya itong
ginagawa?
• 4. Bakit kailangang alisin ang
mga basura na nakakalat sa
ilog?
• 5. Ano ang maaaring
maging epekto nito sa mga
likas na yaman at sa
komunidad?
• Pananagutan ng bawat isa
na pangalagaan ang likas na
yaman at panatilihin ang
kalinisan ng sariling
komunidad. Ilan sa
pamamaraan ng paggawa
nito ay ang mga sumusunod:
• Panatilihing malinis ang
kapaligiran.
• Magtanim ng mga puno at
halaman.
• Iwasan ang pagtapon ng
dumi at nakalalasong
kemikal sa sapa, ilog, at iba’t
ibang anyo ng tubig.
• Gumamit ng lambat na may
malaking butas sa
panghuhuli.
• Gamitin nang wasto ang
tubig at huwag sayangin.
• Isumbong sa kinauukulan
ang mga taong namiminsala
sa mga likas na yaman ng
komunidad.
• Piliin sa loob ng panaklong ang
angkop na salita na tumutukoy sa
pangangalaga sa likas na yaman at
pagpapanatili ng kalinisan ng
komunidad. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
• 1. Ang pagsusunog ng basura
ay nagbibigay ng (polusyon,
solusyon) sa hangin.
• 2. Nagiging pataba ang
pagbabaon sa lupa ng
(nabubulok, di-nabubulok)
na basura.
• 3. Ang (malinis, maruming)
paligid ay nagdudulot ng
pagkalat ng sakit tulad ng
COVID-19.
• 4. Maganda sa tanawin ang
(maraming, kaunting) mga
puno.
• 5. Ang pagtatapon ng
kemikal sa ilog ay may
(masamang, mabuting)
maidudulot sa mga isda.
Iguhit sa sagutang papel
ang kung ang gawain ay
tumutukoy sa
pangangalaga sa mga likas
na yaman at kung
nakapipinsala.
• 1. pagre-recycle ng mga
basura
• 2. pagwawalis ng bakuran
at pag di-disinfect
• 3. pagsasara ng gripo kung
hindi ginagamit
• 4. pagtatanim ng mga puno
• 5. paglilinis ng mga
baradong kanal
PANUTO: Basahin nang mabuti ang
bawat pangungusap. Isulat sa sagutang
papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay biyaya ng Diyos na
pinagkukunan ng iba’t ibang yaman
tulad ng pagkain, tubig, at kagamitan sa
araw-araw.
A. Kalikasan
B. Karagatan
C. kakayuhan
D. kalupaan
2. Ano ang dahilan ng pagkasira
ng ating kalikasan?
A.malasakit ng bawat isa
B. pakikilahok sa mga
programang pangkapaligiran
C.pagtupad sa tungkulin sa
pangangalaga ng kalikasan
D.kawalan ng disiplina ng bawat
3. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pangangalaga sa mga likas na yaman?
A. Magtapon ng basura kahit saan.
B. Gumamit ng dinamita sa
pangingisda.
C. Putulin ang mga puno ng walang
pahintulot.
D. Magsumbong sa kinauukulan kung
may nakitang sumisira sa mga likas
na yaman.
4. Paano mapananatili ang sariwang
hangin?
A. Sunugin ang mga nakakalat na
basura
B. Hayaang magbuga ng usok ang
mga sasakyan.
C. Paghiwa-hiwalayin ang mga
basurang nabubulok at hindi
nabubulok at gawin ang 3Rs
( reduce, reuse, recycle ).
D. Lahat ay wasto.
5. Alin sa mga sumusunod ang
hindi programa ng
pamahalaan tungkol sa
pangangalaga sa ating likas
na yaman?
A. “Bantay-Gubat”
B. “Bantay-Dagat”
C. “Bantay-Bata”
D. “Bantay-Kalikasan”

You might also like