(For G4 to G12)
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Paraňaque
ARALING PANLIPUNAN 4
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
Kahalagahan ng Likas Na Yaman
Mga Kasanayang Pampagkatuto
( Most Essential Learning Competencies)
Nasusuri ang kahalagahan ng pangangasiwa at pangangalaga
ng mga likas na yaman ng bansa.
Layunin (Subtask)
1. Natatalakay ang ilang mga isyung pangkapaligiran ng bansa.
2. Naipaliliwanag ang matalino at di- matalinong mga paraan ng
pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa.
3. Nai-uugnay ang matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad
ng bansa.
4. Natatalakay ang mga pananagutan ng bawat mamamamayan sa
pangangasiwa at pangangalaga ng pinag-kukunang yaman ng bansa.
5. Nakapagmumungkahi ng mga paraan ng wastong pangangasiwa ng likas
yaman ng bansa.
Balikan Natin
Ang Pilipinas ay pinagpala sa likas na yaman, nakabatay sa mga likas na yaman
ang uri ng kabuhayan ng mga mamamayan. Malaki ang kapakinabangang
pangkabuhayang ito na matatagpuan sa kanilang kapaligiran, dahil nai-uugnay ng mga tao
ang kanilang kabuhayan sa uri ng kapaligiran at sa mga likas na yaman na makukuha dito
Sa Kapaligiran , May Kabuhayan
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawang pangkabuhayan ayusin ang mga letra
para mabuo ang salita, Isulat ang tamang sagot sa papel.
1.hahapagpanyu 2.sakasapag
3.habihapag 4.pagnamimi
5.ngingisdapa
UNAWAIN NATIN
Ang bansang Pilipinas ay nakakaranas sa kasalukuyan ng iba’t ibang isyung
pangkapaligiran,at ito ay nahahati sa tatlo; isyu sa mga anyong lupa, isyu sa mga anyong
tubig, at isyu sa hangin.
1.Polusyon sa Hangin
1
Ito ay maruruming usok na sumisira sa kalawakan, laganap sa mga lungsod
kung saan maraming mga sasakyan at pabrika na nagbubuga ng maruming usok. Ang
paggamit ng mga insecticide, pesticide at aerosol spray ay sanhi din ng ng polusyon sa
hangin.
2. Global Warming
Ito ay bunga ng nakakapinsalang gawa ng tao tulad ng sistemang kaingin, pag
susunog ng basura at kagubatan,pagkakaroon ng singaw sa hinuhukay na langis. Ang
global warming ay nakakapagpapataas ng lebel ng tubig sa dagat.
3. Polusyon sa Tubig.
Pagtatapon ng iba’t ibang uri ng basura, mga dumi, paggagamit ng nakalalasong
kemikal,paggamit ng dinamita at cyanide sa pangingisda , dahilan ito ng pagkasira at
pagkamatay ng mga anyong tubig at yamang nakikita dito.
4. Polusyon sa Lupa
Dumi sa lupa na ang pangunahing dahilan ay ang basurang ginagamit ng tao gaya
ng plastik, papel, metal o mga tinatawag na solid waste, iba pang mga bagay na na
itinatapon sa landfill o dumpsite. Ito ay nanggagaling sa mga pabrika,minahan at pagamutan
na siyang naging sanhi ng dumi sa lupa.
5.Pagkasira ng Kagubatan/ Deforestration
Ito ang walang habas na pagputol ng mga puno sa kagubatan o pagkakaingin, at
isa rin sa malaking suliraning pangkapaligiran ng bansa. Ito ay bunga ng land conversion at
ang pag tira ng tao sa kagubatan or habitation, pagkakaingin or illegal logging na
nakakapagdulot ng landslide at matinding pagbabaha sa iba’t ibang lugar.
Matalino at Di- Matalinong Paraan ng Pangangasiwa ng mga Likas ng Yaman.
Maraming isyung pangkapaligiran ang kinakaharap ng ating bansa na nakaaapekto
sa ating likas na yaman, at pumipigil din sa pag-ulad ng ating bansa.
MATALINONG PANGANGASIWA
A. YAMANG LUPA
1. Pagpapatigil sa pagkakaingin.at pagtatanim ng puno.
2. Pagtanim ng iba’t ibang pananim,pagkatapos anihin ang unang pananim .
3. Paggamit ng organikong pataba sa pagtatanim.at pagbubungkal ng hindi
tinataniman para mapanumalik ang kalusugan ng lupa.
B.YAMANG TUBIG
1. Pagbabawal na maninirahan malapit sa lugar na daluyan.
2. Pagtatanim ng mga puno sa bakawan sa mga baybayin
3. Pagbabawal sa mangingisda na gumamit ng dinamita at pinong lambat.
4. Paglikha ng batas na magpapanagot sa tao at mga bahay kalakal na naging sanhi ng
polusyon sa dagat.
TANDAAN:
❖ Gawin o isabuhay ang 3R’s:
Reuse- muling paggamit ng bagay na luma.
Reduce- pagbawas sa paggamit ng mga bagay na na hindi mabuti sa kapaligiran.
Recycle-pagbubuo ng mga bagay mula sa mga lumang bagay.
DI MATALINONG PANGANGASIWA
A. YAMANG LUPA
1. Tuloy-tuloy at labis na pag-kakaingin.at pag tapon ng basura sa maling lagayan..
2
2. Pagtroso nang hindi nagtatanim ng bagong puno.at paggamit ng sobrang kemikal sa
pananim at lupa.
3. Maling pagtapon ng dumi galing sa minahan at pabrika.at pag buga ng nakalalasong
usok sa hangin mula sa pabrika at sasakyan.
B. YAMANG TUBIG
1. Pagtapon ng basura sa dagat, ilog at sapa.
2. Ilegal na pagkuha sa mga koral na pinaninirahan ng isda.
3.Pagtagas ng langis sa dagat mula sa makina ng barko at mga pabrika.
4. Pagtatayo ng mga pabrika, gusali, pook alagaan malapit sa ilog o dagat.
5. Paggamit ng mga illegal na paraan ng pangingisda , dinamita at pinong lambat
Kaugnayanan ng Matalinong Pagangasiwa ng Likas na Yaman sa Pag-unlad ng
Bansa.
Ang likas na yaman ang pangunahing pinanggagalingan ng ikinabubuhay ng mga tao.
Isa ito sa mga dahilan sa pagkakaroon ng masagana at maunlad na kabuhayan sa isang lugar,
May mga mauunlad na mga lungsod o lalawigan dahil sa matalinong paggamit ng likas na
yaman. Ilan sa mga likas na yaman ang lumago dahil napangasiwaan ng wasto ang turismo,
kalakalan at ang pangunahing produkto ng kanilang lalawigan.
Ilan sa mga lugar na naging maunlad dahil sa wastong pangangalaga sa likas na yaman ay
ang: Boracay sa Aklan, Karagatan sa General Santos, Baguio,Ilocos, Palawan at iba pang
lugar na may malagong kalakalan,bunga nito Malaki ang tulong nila sa ika-uunlad ng bansa.
Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinag-kukunang-Yaman ng
Bansa.
Bilang mabuting mamayan bawat isa sa atin at may pananagutan na dapat gampanan para
mapangasiwaan at mapangalagaan ang mga pinagkukunang yaman na ating bansa.
Pananagutan ng Pamahalaan
Nagtalaga ng ahensiya na siyang nangunguna sa pangangasiwa ng ating kalikasan
at kapaligan:
1. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman- (DENR) Bumalangkas ng isang
malinaw na batas-Artikulo II, Seksyon 16 ng Saligang Batas ng 1987,.”Dapat
pangalagaan at isulong ng Estado ang Karapatan ng sambayanan sa timbang at
kanais-nais na ekolohiya na tugma sa kalikasan.
2. Coral Resources Development and Conservation Decree.(PD1219/PD1698)
Ito ay naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa katubigan ng Pilipinas.
3. Republic Act 428- Batas na nagbabawal sa pagbebenta o pagbibili ng isda o ibang
yamang-dagat na pinatay sa pamamagitan ng dinamita o paglalason.
4. PD705 o Selective Logging (PD705). Isa sa mga batas ukol sa selective logging
ang pagpili lamang sa kung anong puno ang maaaring putulinat kung ano ang
dapat iwanan.
Pananagutan ng Paaralan
Nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas (1987) Artikulo XIV- Edukasyon,
Siyensya at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports (Sec. 1)- “ Pangangalagaan at
Itataguyod ng Estado ang Karapatan sa mataas na uri ng edukasyon. Pananagutan ng
paaralan na bigyan ng kaalaman ang mag-aaral sa lahat ng antas ukol sa tamang paraan ng
pangangasiwa ng yamang likas.
Pananagutan ng Simbahan
3
Pananagutan ng simbahan na himukin ang kanilang kasapi na magkaroon ng
mataas na pagpapahalaga sa mga likas na yaman, at maipakita sa kanilang paniniwala ang
paggalang sa lahat ng bagay na may buhay.
Pananagutan ng Pamilya
Ang Pamilya ay tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan, ngunit malaki ang
tungkulin nito sa wastong paraan ng pangangalaga sa ating yaman. Tungkulin ng mga
magulang na himukin ang mga anak na pangalagaan ang likas na yaman.
Pananagutan ng Mamamayan
Tungkulin ng bawat mamamayan na isabuhay ang lahat na nalalaman tungkol sa
pangangalaga ng likas na yaman, hikayatin ang bawat isa at magtulungan na magkaroon
ng sariling disiplina para gawin ang tama para sa ikalago at ikabuti ng ating mundong
ginagalawan.
Ilapat Natin
Basura Mo Linisin Mo
Gawain A
Panuto: Buuin ang Graphic Organizer, Ano ang isyung pangkapaligiran ang tinutukoy ,
Hanapin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang tamang letra sa sagutang papel..
A. Global Warming D.Green House Effect
B.Polusyon sa Lupa E. Polusyon sa Hangin
C.Polusyon sa Tubig F.Pagkasira ng Kagubatan/ Deforestration
1. Pagtapon ng dumi sa lupa,, at iba
pang solid waste sa landfill, o
dumpsite mula sa pabrika,
minahan or pagamutan._____.
2. Pagputol ng mga puno sa
5. Maruming usok na sumisira
kagubatan dahil sa land
sa kalawakan,maging ang
conversion, pagkkaingin at
paggamit ng insecticide ,
illegal logging______.
pesticide at aerosol spray___
3.. Pagtapon ng mga dumi
4. Bunga ng mapinsalang gawain ng
tao tulad ng pagsusunog ng kagubatan satubig,paggamit na nakalalasong
o pagkaroon ng singaw ng langis at kemikal sa katubigan kagaya ng
pagmimina ng carbon.____ dinamita at cyanide sa
pangingisda.____
Mga Isyung Pang-Kapaligiran
Suriin Natin
Gawain A:
Gawain Mo, Apektado Ako
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap, Iguhit ang masayang mukha kung
naglalarawan ng matalinong pangangasiwa sa likas na yaman, iguhit ang malungkot na
4
mukha kung hindi matalinong pangangasiwa ang pinapahayag. Isulat ang tamang sagot
sa sagutang papel.
1.Pagsasabuhay ng reuse, reduce, recycle.
2. Paglagay ng mga basura sa iisang lagayan
3.Paggamit ng dinamita, cyanide at pinong lambat sa panigingisda.
4 Pagtanim ng mga puno sa mga bundok at maging sa bakanteng lote
5.Pagpapanatiling malinis ang katubigan kagaya ng kanal,ilog at dagat.
6. Pagbabawal ng mga sasakyan sa kalsada na nagbubuga ng maitim na usok.
7 Pagputol ng mga puno sa kabundukan para gawing tirahan ang bakanteng lupa.
8. Paggawa ng hagdan-hagdang pagtatanim para hindi gumuho ang lupa.
9. Paggamit ng organikong paraan sa pagtatanim kahit sa maliit na lote o espasyo.
10. Pagtagas ng mga langis sa mga pabrika at pagawaan maging sa mga barko sa
karagatan.
Pakikiisa Para sa Ekonomiya
Gawain B.
Panuto.Basahin ang mga sumusunod na gawain. Ilagay ang tsek kung ang sitwasyon ay
nag papakita ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman at nakakatulong sa pag -unlad
ng bansa, Ilagay ang ekis kung hindi nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Sagana sa malalagong punongkahoy ang kagubatan ng Palawan, para lalong kumikita
1. ang mga mamayan sa lugar, pinutol nila ang mga punong kahoy at ibinenta sa karatig
lugar.
Kilala ang Boracay bilang isa sa pinakamagandang paliguan na dinadayo ng mga
turista,ang mga mamamayan sa lugar na ito ay tulong -tulong sa paglinis ng
2. dalampasigan araw-araw.
Ang General Santos ay kilala bilang Tuna kapital ng bansa,maliban dito maraming
3. uri ng isda pa ang matatagpuan sa karagatan, para makahuli ng mas maraming isda,
gumamit ang mga tao ng dinamita at mga lambat na may pinong butas sa pangingisda.
Dinarayo ang Baguio dahil sa malamig nitong klima, at sa mga murang bilihin gaya
ng gulay,prutas at halaman,dahil dito lahat na bakanteng lupa sa lugar ay tinaniman
4. ng mga gulay gamit ang organikong pataba, nilagyan ng matitibay na harang ang lupa
para hindi ito gumuho.
May malawak na sakahan ang Rehiyon ng Gitnang Luzon, kaya lalong pinangalagaan
5. nila ang lupang sakahan sa pamamgitan ng iba’t ibang paraan tulad ng crop rotation,at
paglagay ng mga iregasyon, hagdan - hagdang lupang taniman para lalong
magkaroon ng masaganang ani.
Pananagutan Kita
5
Gawain C.
Panuto: Kilalanin kung kaninong pananagutan ang mga sumusunod na gawain. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon, Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
A. Pananagutan ng Pamilya D. Pananagutan ng Dayuhan
B. Pananagutan ng Paaralan E. Pananagutan ng Pamayanan
C. Pananagutan ng Simbahan F. Pananagutan ng Pamahalaan
___1.Ang pamilya Cruz ay sama-samang naglilinis ng kanilang kapaligiran.
___2. Mahigpit na ipinagbabawal ng ahensya ng DENR ang pagputol ng mga puno sa
kagubatan.
___3. Ang simbahan ay tumutulong sa pangangaral tungkol sa pangangalaga ng mga likas
na yaman.
___4. Nakiki-isa ang mga guro at mag-aaral ng Sun Valley Elem. School sa Clean and Green
Drive na inilunsad ng Sangguniang Kabataan.
___5. Ang buong pamayanan ng Brgy. Don Galo ay tulong- tulong sa paglilinis ng mga
basura, mga kanal at lagusan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha sa kanilang
lugar.
Sukatin Ko ang Kaalaman Mo
Tayain Natin ( Ebalwasyon)
Panuto: Basahin ang mga tanong, Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay isang paraan ng paglilinis ng lupa sa kagubatan sa pamamagitan
ng pagsunog at pagputol ng puno.
A. Pagkakaingin
B. Tree Planting
C. Reforestration
D. Green Revolution
2. Ito ang kahulugan ng 3R’s na makatutulong sa matalinong pangangasiwa ng mga likas
na yaman.
A. Rain, Road, Rice
B. Rest, Repeat, Release
C. Read, Ready, Receive
D. Re-use, Reduce, Recycle
3. Ito ay ang pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo bunga ng mapinsalang gawain
ng tao tulad ng pag sunog ng kagubatan at paggamit ng mga napinsalang kemikals.
A. Rain Forest
B. Tree Planting
C. Global Warming
D. Green Revolution
4. Ito ay isa sa mga isyung pangkapaligiran na naging dahilan ng pag baha, at pagguho ng
lupa sa matataas na lugar.
A. Pagputol ng puno.
B. Pagtanim ng puno.
C. Paggamit ng mga organikong pataba.
D. Pag tanim ng iba’t ibang uri ng mga gulay.
5. Ito ay uri ng polusyon na ang pangunahing dahilan ay ang pagtapon ng mga
basura,plastik, metal o iba pang solid waste sa dumpsite o landfill.
6
A. Polusyon sa Lupa
B. Polusyon sa Tubig
C. Polusyon sa Hangin
D. Palusyon sa Kagubatan.
6. Ito ang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa pangangalaga ng
ating kalikasan at kapaligiran.
A. Kagawaran ng Turismo
B. Kagawaran ng Kalusugan
C. Kagawaran ng Transportasyon
D. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
7. Ang bawat isa ay may pananagutan sa pangangasiwa ng likas na yaman,tungkulin nito na
mabigyan ng mataas na uri ng edukasyon at tamang kalalaman ang mga bata sa
pangangalaga ng kalikasan.
Kaninong pananagutan ito?
A. Pananagutan ng Pamilya
B. Pananagutan ng Paaralan
C. Pananagutan ng Simbahan
D. Pananagutan ng Mamamayan
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman
bansa ?
I. Pagtanim ng mga puno sa bakanteng lote
II. Paghiwalay ng mga basura na nabubulok at di nabubulok
III. Pagwalis ng mga basura papunta sa mga daluyan ng tubig.
IV. Pagsunod sa batas na itinakda ng pamahalaan tungkol sa pangangalaga ng likas na
yaman.
A. I, II at III B. III, I at IV C. I, II at IV D.I, III at IV
9. Ang mga sumusunod ay magiging bunga kung mapangasiwaan ng tama ang ating likas
na yaman.
I. Uunlad ang turismo at kabuhayan.
II. Dadami ang tao at mawalan ng kabuhayan ang mga nakatira dito.
III.Madadagdagan ang mga produkto at lalago ang mga negosyo ng isang lugar.
IV.Matugunan ang mga pangangailangan at magkaroon ng masaganang kabuhayan .
A. I, III, IV B. I,II,III C.II, III, IV D.II, I. IV
10. Paano mo maipapakita ang pakikibahagi sa tamang pangangasiwa ng likas na yaman ng
bansa.
I. Sundin ang mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan..
II. Ipaubaya sa mga nakatatanda ang paglilinis ng kapaligiran
III. Ilagay ang mga basura sa tamang lagayan para mapakibangan pa ng iba.
IV. Makibahagi sa mga gawain na nagpapakita ng tamang pangangasiwa ng yamang
likas.
A. I.II, III B. I,III,IV C.II,III,IV D.II,IV,I
Likhain Natin
Bilang isang batang mag-aaral sa ika-apat na baitang nakabubuting makiisa tayo sa
pangangalaga ng ating kapaligiran o ano mang uri ng likas na yaman sa ating lugar.
Maipapakita ninyo bilang mag-aaral kung paano makibahagi at makapagbigay ng
mungkahi sa gawaing ito sa pamamagitan ng pag guhit/paggawa ng Poster na may
7
tema” Sa Ikakaununlad ng Likas na Yaman, Tamang Pangngalaga ng kapaligiran
ang Kailangan.”
Kalikasan ay Alagaan Para Umunlad ang Bayan
Paggawa ng Poster
Sundin ang mga sumusunod na na paraan sa pagawa ng Poster
Nakagagawa ng isang Poster na may paksang wastong pangangalaga
Layunin (Goal) ng kapaligaran at likas na yaman.
Gampanin (Role) Malikhaing Pintor
Mga manonood Mga mag-aaral sa ika-apat na baitang at mga magulang
(Audience)
Inaatasan ng guro sa Araling Panlipunan 4 ang mga mag-aaral sa ika-apat
Sitwasyon (Situation) na baitang na gumuhit/gumawa ng isang poster na nag papakita ng
wastong pangangalaga ng kapaligiran o likas na yaman
Produkto (Product) Nakabuo ng isang Poster tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran
Pamantayan (Standard) Gagamitin ang rubrik sa ibaba upang maging gabay sa pagbibigay ng
marka sa awtput na natapos ng mga mag-aaral
Sundin ang sumusunod na paraan sa paggawa ng Poster.
➢ 1.Ihanda ang mga kagamitan sa paggawa, pwedeng gamitin ang lumang krayola, mga
tiratirang pastel, lapis, cardboard, malinis na karton at iba pang gamit na pinaglumaan
na noong nakaraang taon.
➢ 2. Pag- isipang mabuti ang mga gawaing nagpapakita ng tamang pangangasiwa ng
kapaligiran at iba pang likas na yaman na makikita sa inyong lugar.
➢ 3. Isulat sa papel at planuhing mabuti kung paano ito maiguhit at malagyan ng tamang
kapsyon base sa tema.
➢ 4. Lagyan ng magandang kombinasyon ng kulay na naaayon sa tema ng iyong ginawa.
➢ 5. Ilagay o idikit ito sa labas ng inyong bahay, sa mga lugar malapit sa parke o
nadadaanan ng tao para makatawag pansin para masuri.
➢ 6. Kuhaan ng larawan/bidyo ang iyong paggawa ng poster at ang mismong nakapaskil
na gawa. ( ilagay sa facebook/ messenger
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos sa Paggawa ng Poster
Mamarkahan ang inyong gawa ayon sa rubrik na ito
Mahusay
MGA KRAYTERYA Pinakamahusay 5 Napakahusay4
3
Lubos na nagpamalas ng Naging malikhain sa Hindi gaanong naging maikhain
Pagkamalikhain pagkamalikhain sa paghahanda. sa paghahanda.
paghahanda.
Buo ang kaisipan, konsistent, May kaisahan at may Konsistent, may kaisahan,
kumpleto ang detalye at sapat na detalye at kulang sa detalye at hindi
Organisasyon
napakalinaw malinaw na intensiyon. gaanong malinaw ang
intensiyon.
Kaangkupan sa Angkop na angkop ang mga Angkop ang mga salita Hindi gaanong angkop ang mga
Paksa at larawan sa paksa. sa larawan ng paksa. salita at larawan sa paksa.
Kabuuang Puntos Kahulugan
14- 15 Pinakamahusay
12- 13 Napakahusay
7 - 11 Mahusay
8
.