You are on page 1of 10

LEARNING MODULE 7

SUBJECT: Edukasyon Sa Pagpapakatao


GRADE LEVEL: Grade 3
MONTH: January
SCHOOL YEAR: 2020-2021
TEACHER: BETH V. BALBIDO
CONTACT NUMBER: 09350673172

PANIMULA
Ang pakikipagkapuwa-tao ay isang magandang kaugalian ng mga Pilipino na dapat mong
matutuhang gawin habang ikaw ay bata pa. ito ay isinasagawa anuman ang katayuan o pangkat na
kinabibilangan ng bawat isa. Maraming paraan upang maipakita ang iyong mabuting pakikipagkapuwa-
tao. Tunay na kasiyahan ang nadarama kapag ikaw ay bukas-palad sa iyong kapuwa.pp
PAMANTAYAN
ARALIN PAMANTAYAN MELCs LAYUNIN
G
PANGNILALAM
AN
Bukas-palad Naipamamalas ang Nakapagpapakita  EsP3P-  Nailalarawan ang
Ako sa Aking pagunawa sa nang may kasiyahan IIh-i – 17 isang taong bukas-
Kapwa kahalagahan ng sa pakikiisa sa mga palad sa kapuwa
pakikipagkapwa- gawaing pambata  Nagpapakita ng
tao Hal. paglalaro pagiging bukas-palad
programa sa sa taong may
paaralan kapansanan.
(paligsahan,
pagdiriwang at iba
pa)
Mahal Ko Naipamamalas ang Nakapagpapakita ng  EsP3P-  Naiisa-isa ang mga
ang mga pagunawa sa mga kaugaliang IIh-i – 17 kaugaliang Pilipino
Kaugaliang kahalagahan ng Pilipino tulad ng: na nagpapakita ng
Pilipino pananatili ng mga pagmamano paggalang sa mga
natatanging paggamit ng "po" at nakatatanda;
kaugaliang Pilipino "opo" pagsunod sa  Nagagamit ang
kaalinsabay ng tamang tagubilin ng
magagalang na mga
pagsunod sa mga mga nakatatanda
salita bilang isang
tuntunin at batas na
may kaugnayan sa kaugaliang Pilipino
kalikasan at  Natutukoy ang mga
pamayanan magagalang na
pantawag
 Nagpapakita ng
paggalang sa
nakatatanda
 Naipagmamalaki ang
mga magagandang
kaugaliang Pilipino sa
iba’t ibang
pagkakataon

PAGLILIPAT
Pagkatapos ng aralin na ito, naipapamalas ang pagiging bukas palad sa kapuwa taonaipapamalas
ang pag unawa sa kahalagahan ng pananatili ng mga natatanging kaugaliang Pilipino kaalinsabay ng
pagsunod sa mga tuntunin at batas na may kaugnayan sa kalikasan at pamayanan.
PAGTATALAKAY

Bukas-palad na Pagtulong
Ang batang bukas-palad ay marunong magmalasakit sa kaniyang kapuwa. Hindi siya makasarili.
Wala siyang pinipiling tao na tutulungan. Marunong siyang umunawa sa kalagayan at kahinaan ng
kaniyang kapuwa. Ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya dahil nais niyang makatulong at
mapasaya ang iba.
Maipapakita ng isang batang tulad mo ang pagiging bukas-palad sa mga taong may kapansanan
sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanilang mga simpleng pangangailangan tulad ng mga pagkain,
damit, at laruan. Ang pakikipagkaibigan mo sa kanila ay nagpapakita rin ng pagtanggap sa kanilang
kalagayan. Pakitunguhan sila nang maayos at igalang sapagkat sila ay bahagi rin ng pamayanan.

Gawain 1
A. Pag-isipan kung gaano mo kadalas ginagawa ang bawat sitwasyon. Kulayan ng itim ang bilog bilang
3 kung madalas mo itong ginagawa, 2 kung paminsan-minsan, at 1 kung hindi kailanman.

1 2 3 1. Nagbibigay ako ng mga lumang damit sa mga nangangailangan.

1 2 3 2. Hindi ko pinapansin ang namamalimos na mga taong may


kapansanan.

1 2 3 3. Nakikipaglaro ako sa mga taong may kapansanan.

4. Tinuturuan kong magbasa ang kaibigan kong may kapansanan.


1 2 3

1 3 5. Hindi ko pinagtatawanan ang mga taong may kapansanan.


2

Magagandang Kaugaliang Pilipino


Maraming magagandang kaugalian ang mga Pilipino. Ang ilan sa mga ito ay ang paggalang sa
nakatatanda sa pamamagitan ng pagmamano o paghalik sa pisngi, paggamit ng magagalang na salita
tulad ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda, at paggamit ng magagalang na pantawag gaya
ng ate, kuya, manong, manang, sir, ma’am, ale, o mama. Ipinakikita o ginagawa ng mga Pilipino ang
mga ito dahil sa pagpapahalaga sa kapuwa.
Isa pang magandang kaugalian ng mga Pilipino na dapat linangin ay ang pagpapaalam sa mga
kasama kung aalis at pagbati naman sa iba kapag dumating. Mahalagang malinang ang kaugaliang ito sa
mga batang tulad mo dahil ito rin ay pagpapakita ng paggalang sa iyong kapuwa.
Ang mga magulang ang dapat manguna sa pagpapakita ng magagandang kaugaliang Pilipino
upang sila ay tularan ng mga bata. Kapag ang mga bata naman ay nakalilimot sa pagpapakita ng
magandang kaugalian, dapat silang paalalahanan ng kanilang magulangh. Mahalagang magpakita sa
tuwina ng magagandang kaugalian ang mga bata upang maging mabuti ang kanilang pakikipag-ugnayan
sa kanilang kapuwa—sa tahanan, sa paaralan, at sa pamayanan.

GAWAIN 2
Lagyan ng tsek ang hanay na nagsasaad kung gaano mo kadalas ginagawa ang sinasabi sa bawat
pangungusap.
Gawain Oo Paminsan- Hindi
minsan
1. Nagmamano ako sa aking magulang kapag
dumarating o bago ako umalis sa bahay.
2. Nagpapaalam ako sa aking magulang kapag aalis
ako ng bahay.
3. Gumagamit ako ng po at opo kapag nakikipag-usap
ako sa aking magulang.
4. Nagmamano ako sa aking mga nakatatandang
kamag-anak kapag nakikita ko sila.
5. Palagi akong gumagamit ng po at opo kapag
nakikipag-usap ako sa mga nakatatanda sa akin.
6. Hindi ako sumasagot sa aking magulang kapag
pinagsasabihan ako.
7. Binabati ko ng “Magandang umaga” o “Magandang
hapon” ang aking mga guro.
8. Nagmamano ako sa aking mga ninong at ninang
kapag nakikita ko sila.
9. Binabati ko ang mga nakasasalubong na matanda sa
gabi.
10. Tinatawag ko ng kuya ang aking nakatatandang
kapatid na lalaki at ng ate ang aking nakatatandang
kapatid na babae.

PAGLALAHAT
 Ang batang bukas-palad ay marunong magmalasakit sa kaniyang kapuwa. Hindi siya makasarili.
Wala siyang pinipiling tao na tutulungan. Marunong siyang umunawa sa kalagayan at kahinaan ng
kaniyang kapuwa. Ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya dahil nais niyang makatulong at
mapasaya ang iba.
 Maraming magagandang kaugalian ang mga Pilipino. Ang ilan sa mga ito ay ang paggalang sa
nakatatanda sa pamamagitan ng pagmamano o paghalik sa pisngi, paggamit ng magagalang na salita
tulad ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda, at paggamit ng magagalang na pantawag
gaya ng ate, kuya, manong, manang, sir, ma’am, ale, o mama.
EBALWASYON
A. Piliin ang bagay o Gawain na kaya mong gawin sa pagpapakita ng pagiging bukas-palad sa bata o
mga batang may kapansanan sa bawat bilang . bilugan ang letra ng iyong sagot.
1. Batang bulag
a. Bibigyan ko siya ng bagong salamin na sunod sa uso.
b. Babasahan ko siya ng mga kuwento mula sa aking bagong aklat.
c. Yayayain ko siyang mamasyal habang inilarawan ko sa kaniya ang lugar.
2. Batang pilay
a. Bibigyan ko siya ng bagong saklay.
b. Ipinakikilala ko siya sa aking mga kaibigan para makapaglaro kami.
c. Gagabayan ko siya sa kaniyang paglalakad para walang anumang masamang mangyari sa
kaniya.
3. Batang pipi
a. Kakausapin ko siya nang may respeto sa kaniyang kalagayan.
b. Gagamit ako ng sign language kapag kinakausap ko siya upang magkaintindihan kami.
c. Gagawin ko ang lahat para maintindihan ko ang mga sinasabi niya sa akin.
4. Batang bingi
a. Bibigyan ko siya ng hearing aid.
b. Makikipagkuwentuhan ako sa kaniya gamit ang sign language upang magkaintindihan
kami.
c. Yayayain ko siyang maglaro sa aming bahay.
5. Batang walang braso
a. Kakaibiganin ko siya.
b. Tatanungin ko sa kaniya ang mga bagay na gusto niyang gawin para masamahan ko siya
na gawin ang mga ito.
c. Gagabayan ko siya sa kaniyang ginagawa.
6. Nga batang-lansangan
a. Bibigyan ko sila ng pagkain at pera.
b. Bibigyan ko sila ng mga luma ngunit maayos pang damit.
c. Dadalhan ko sila ng mga aklat para sila ay makapag-aral siya nang mas malinaw.
7. Batang Malabo ang mga mata
a. Papayuhan ko siyang magpatingin sa doktor sa mata.
b. Papayuhan ko siyang magsuot ng salamin upang makakita siya nang mas malinaw.
c. Sasabihin ko sa kaniya na huwag masyadong lumapit sa telebisyon kapag nanonood dahil
masama ito sa kaiyang mga mata.
8. Batang may isang binti lamang
a. Tatanungin ko siya kung ano ang maaring maitulong ko sa kaniya.
b. Ipinakikilala ko siya sa aking mga kaibigan upang makapaglaro kami.
c. Kakaibiganin ko siya.
9. Batang pulubi
a. Bibigyan ko siya ng sobra naming pagkain.
b. Ibibili ko siya ng bagong pagkain.
c. Bibigyan ko siya ng kaunting barya para ibili niyabng pagkain.
10. Batang walang paa
a. Tatanungin ko siya kung anong mga Gawain o laro ang puwede naming gawin.
b. Gaganyakin ko siyang ipakita ang kaniyang talento.
c. Kakausapin ko siya nang maayos.
Tingnan ang mga larawan. Pag-isipan kung bakit dapat mong gawin ang kaugaliang Pilipino na
ipinakikita sa bawat larawan. Biluhan ang letra ng iyong sagot.

1. a. Nagmamano ako upang magustuhan ako ng


aking pamilya.
b. Nagmamano ako upang maipakita ko na
iginagalang ko ang aking magulang at
matatandang kamag-anak.
c. Nagmamano ako upang madagdagan pa aking
baon.

2. a. Ipinakikita ko ang aking pagmamahal sa


aking guro.
b. Gusto ko na madagdagan ng puntos ang aking
marka.
c. Natutuwa ako sa aking guro dahil siya ay
maganda
3. a. Mahal ko ang aking magulang.
b. Ayaw kong mapagalitan ng aking magulang.
c. Mayroon akong gustong hingin sa aking
magulang.

4. a. Mahal ko ang aking lola kaya nagmamano


ako.
b. Takot akong mapagalitan at masigawan ng
lola ko.
c. Nais kong bigyan ako ng pera ng aking lola.

5. a. Matanda na siya at kailangan kong ipakita sa


kaniya na mabait akong bata upang makuha
ko ang parangal na Best in Conduct sa
paaralan.
b. Para ko na rin siyang lolo at naawa ako sa
kanya.
c. Ginagawa ko iyon upang mabigyan ako ng
pera na ipambibili ko ng laruan.

6. a. Bibigyan ako ng regalo kung magmamano


ako sa kanila.
b. Nagmamano ako bilang pasasalamat sa
ibinigay na regalo at bilang paggalang sa
nakatatanda.
c. Pinilit ako ng aking magulang na magmano.

7. a. Tinawag kong Ma’am ang aking guro at


gumamit ako ng salitang po dahil natatakit
akong magalit siya.
b. Tinawag kong Ma’am ang aking guro at
gumamit ako ng salitang po bilang paggalang
sa nakatatanda.
c. Tinawag kong Ma’am ang aking guro at
gumamit ako ng salitang po dahil gusto kong
maging sikat sa klase.

8. a. Binabati ko siya dahil nakatatanda siya sa


akin.
b. Pinapansin ko siya para hindi niya ako
isumbong sa aking guro.
c. Binabati ko siya dahil may guro na nakatingin
sa akin.

9. a. Palagi kong binabati ang aking guro para


madagdagan ang aking marka.
b. Palagi kong binabati ang aking guro bilang
pagpapakita ng aking pagmamahal o
pagpapahalga sa kaniya.
c. Binabati ko ang aking guro para makita ng
ibang tao na ako ay may mabuting ugali.

10. a. Nagpapaalam ako sa aking magulang upang


hindi sila mag-alala dahil alam nila ang
kinaroroonan ko.
b. Nagpapaalam ako sa aking magulang upang
dagdagan ang aking baong pera.
c. Nagpapaalam ako sa aking magulang upang
ibigay nila ang anumang naisin ko.

WORKSHEET
Lagyan ng tsek (√) ang maliit na kahon kung ang larawan ay nagpapakita ng pagiging bukas-palad sa
taong may kapansanan. Lagyan ito ng ekis (x) kung hindi.
1. 2.
3. 4.

5.

Tukuyin ang kaugaliang Pilipino na maari mong gawin sa bawat sitwasyon. Ikahon ang letra ng iyong
sagot.
1. Ikaw ay inanyayahan sa pagdiriwang ng kaarawan ng iyong kamag-aaral.

a. Magpapaalam ako sa aking magulang isang araw bago ang petsa ng kaarawan ng aking kamag-
aaral.
b. Sasabihin ko sa aking magulang na gagawa kami ng proyekto ng aking mga kamag-aaral upang
payagan agad ako.
c. Itatanong ko sa aking ate kung maari niya akong samahan sa pagdiriwang ng aking kamag-aaral
upang payagan ako ng aming magulang.
2. Isinama ka ng iyong ina sa pagdalaw sa iyong lolo at lola.
a. Hahalik ako sa aking lolo at lola at hihingi ako ng pera.
b. Doon lang ako sa sala at manonood ng telebisyon.
c. Hahalik ako sa aking lolo at lola at magbibigay ng pasalubong pagkatapos ay
makikipagkwentuhan ako sa kanila.
3. Paalis ka na sa inyong bahay upang pumasok sa paaralan.

a. Magmamadali ako para hindi ako mahuli sa oras.


b. Magpapaalam ako sa aking magulang.
c. Kakawayan ko na lang ang aking magulang habang ako ay paalis na.
4. Mahuhuli ka na sa iyong klase at kailangan mong magpahatid sa drayber ninyo.

a. Mamadaliin ko ang aming drayber at magtataas ako ng boses upang bilisan niya ang
pagmamaneho.
b. Pagagalitan ko ang aming drayber kapag mabagal siyang magmaneho.
c. Babatiin ko ang aming drayber at pakikiusapan kong maging maingat sa pagmamaneho.
5. Sinamahan mo ang iyong ina sa doktor, at habang nakaupo kayong naghihintay sa loob ng klinika,
may dumating na pasyenteng naka-wheelchair.
a. Bubuksan ko ang pintuan ng klinika at tutulungan kong makapasok ang pasyente.
b. Hindi ko siya papansinin dahil bata pa ako.’
c. Tatawagin ko ang dyanitor upang tulungan siya.
6. May tumapon na pagkain sa sahig ng silid-aralan at inatasan ka ng iyong guro na tawagin ang
dyanitor.

a. Sisigaw ako para marinig ng dyanitor hanggang sa siya ay dumating.


b. Pupuntahan ko ang dyanitor at pakikiusapan ko siyang tulungan ako sa paglilinis ng kalat.
c. Pababayaan ko na lang ang kalat sa sahig dahil lilinisin naman iyon ng dyanitor.
7. Ang iyong magulang ay parehong wala sa bahay kaya ang kasambahay ninyo ang pinagbilinan nila
na paalalahanan ka na mag-aral kasama ng iyong tutor.

a. Hindi ko papansinin an gaming kasambahay.


b. Hihintayin ko munang bumalik ang aking magulang bago ako magsimulang mag-aaral kasama
ng aking tutor.
c. Susunod ako sa sasabihin ng aming kasambahay at mag-aaral ako kasama ng aking tutor.
8. Kasama ka ng iyong ina sa palengke at ikaw ang inutusang makipag-usap sa tindera ng gulay.
a. Susunod ako sa aking nanay at gagamit ako ng po at opo sa pakikipag-usap sa tindera.
b. Hindi ako susunod sa aking nanay dahil ayokong makipag-usap sa mga tinder sa palengke.
c. Sasabihin ko sa aking nanay na siya na lang ang makipag-usap sa tinder dahil baka dayain lang
ako.
9. Nakita mo sa paaralan ang iyong nakatatandang kamag-anak habang naglalakad kayo ng iyong mga
kamag-aaral.

a. Hindi ko papansinin ang aking kamag-anak dahil hindi naman ako malapit sa kaniya.
b. Lalapitan ko agad ang aking kamag-anak upang batiin at magmamano rin ako sa kaniya.
c. Kakawayan ko na lang ang aking kamag-anak dahil kausap ko ang aking kamag-aaral.
10. Masaya kang dumating sa inyong bahay.

a. Magbibihis agad ako at maglalaro ng kompyuter.


b. Magbibihis agad ako at mag-aaral.
Hahanapin ko agad ang aking magulang at hahalik sa kanila bago magbihis at mag-aaral.

You might also like