You are on page 1of 11

PANGALAN:_________________________________

BAITANG/SEKSYON:_____________________________
3
SCIENCE
Kwarter IV – Linggo 2
Ang Ating Kapaligiran
(Anyong Lupa)

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Science - Baitang 3
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 2: Ang Ating Kapaligiran (Anyong Lupa)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa


Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Rexeanne Faith San Jose-Medeci


Pangnilalamang Patnugot: Ali Jr. G. Pinzon DComm
Editor: Ali Jr. G. Pinzon DComm
Tagawasto: Ali Jr. G. Pinzon DComm
Mga Tagasuri: Felisima G. Murcia PhD, Rolando A. Taha EdD, Ali Jr. G. Pinzon DComm,
Jasmin P. Jasmin PhD, Rixon E. Medeci, Christine Anne C. Rey,at
Meliza O. Regalo
Tagaguhit: Rexeanne Faith San Jose-Medeci
Tagalapat: Rexeanne Faith San Jose-Medeci
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Rolando A. Taha EdD, EPS-Science
Felisima G. Murcia PhD, District Supervisor
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Carissa Calalin,
Carmencita Daculap, at Liezl O. Arosio

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Ang Ating Kapaligiran
(Anyong Lupa)
MELC: Relate the importance of surroundings to people and other living things
(S3ES-Ivc-d-1)

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga anyong lupa na makikita sa paligid
2. Nailalarawan ang mga anyong lupa
3. Naiuugnay ang kahalagahan ng paligid sa tao at iba pang may buhay

Subukin Natin

Panuto: Basahin ang mga katanungan at isulat sa patlang ang


titik ng tamang sagot.

_____1. Kailangan ba ng mga tao, halaman, at hayop ang anyong


lupa?
A. Opo, upang maging maganda ang paligid.
B. Opo, dahil nakapagbibigay aliw ito sa kanila.
C. Opo, dahil kapag walang anyong lupa ay hindi masaya.
D. Opo, upang mabuhay ang mga tao, halaman, at hayop dahil
dito nagmumula ang kanilang pagkain at iba pang
pangangailangan.

______2. Ang bansang Pilipinas ay magandang pasyalan lalo na ang


mga isla na nakamamangha ang ganda tulad ng isla ng Palawan.
Ano ang tamang paglalarawan sa isla?
A. Ang isla ay pinakamataas na anyong lupa.
B. Ang isla ay isang uri ng lupa na patag at malawak.
C. Ang isla ay isang anyong lupa na pinalilibutan ng tubig.
D. Ang isla ay anyong lupa na mababa sa pagitan ng dalawang
bundok o burol.

_____3. Anong anyong lupa ang nakausli na pahaba at may tubig sa


paligid ng tatlong sulok nito?
A. bundok C. lambak
B. isla D. tangway

1
____4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng
kahalagahan ng mga anyong lupa sa tao at iba pang may buhay sa
mundo?
A. Nadaragdagan ang gastusin ng mga tao dahil sa kapamamasyal
sa mga magagandang anyong lupa.
B. Napagagaan ang trabaho ng mga tao dahil sa mga anyong
lupa.
C. Nadaragdagan ang tungkulin ng mga tao dahil sa mga
anyong lupa sa paligid.
D. Nadaragdagan ang kita ng mga tao dahil sa mga anyong lupa
at napararami ng ibang may buhay ang kanilang lahi dahil sa
malawak na espasyo at pagkaing nakukuha rito.

____5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa


kapatagan?
A. Ang kapatagan ay mataas na anyong lupa.
B. Ang kapatagan ay isang uri ng lupa na patag at malawak.
C. Ang kapatagan ay mababang anyong lupa sa pagitan ng
bulkan.
D. Ang kapatagan ay isang mataas na lupa ngunit mas mababa sa
bundok.

Ating Alamin at Tuklasin


Ang Pilipinas ay isang kapuluan o pitak-pitak na kalupaan na
napaliligiran ng tubig. Ang anyong lupa ay pisikal na kaanyuhan at
kaayusan na bahagi ng lupa. Ito ay may iba-ibang katangian.
Sa araling ito, ating alamin at kilalanin ang iba’t ibang uri ng anyong
lupa.
Ang bundok (mountain) ay ang
pinakamataas na anyong lupa. Maraming
bundok ang makikita sa Pilipinas kagaya ng
bundok Apo, Arayat, at iba pa. Sa lungsod
ng Puerto Princesa kilala ang Bundok
Cleopatra bilang pinakamataas na bundok.
Dito naninirahan ang iba-ibang uri ng hayop
tulad ng baboy ramo, tandikan, at iba pa.

bundok

2
Ang bulkan (volcano) ay isang uri ng bundok.
Ito ay may dalawang uri: aktibo at di-aktibong
bulkan. Ang aktibong bulkan ay sumasabog na
nagbubuga ng gas, apoy o mainit na putik, at
iba pa. Halimbawa: Bulkang Mayon, Bulkang
Taal, at iba pa.
tangway bulkan

Ang tangway (peninsula) ay isa ring


anyong lupa. Ito ay lupa na nakausli
na pahaba at may tubig sa paligid ng
tatlong sulok nito.
Ang burol (hill) ay isang mataas na lupa
ngunit mas mababa sa bundok. Pabilog burol
ang hugis ng itaas nito. Pinakatanyag sa
ating bansa ang Chocolate Hills na
matatagpuan sa Carmen, Bohol.
Tahanan ito ng mga hayop, taniman,
nagsisilbing pasyalan, at iba pa.
Ang kapatagan (plain) ay isang uri ng
lupa na patag at malawak. Mainam dito
magtanim ng palay, mais, pinya,
saging, at tubo. Halimbawa, ang bayan
ng Narra ay kilala sa pagsusuplay ng
palay sa buong Palawan. Maliban dito
kapatagan ito ay sentro rin ng komersyo.
isla
Ang isla o pulo (island) ay isang
anyong lupa na pinalilibutan ng
tubig. Isa sa pinagmamalaking isla sa
ating bansa
Napaisip ka ay
na ang Palawan
ba minsan dahil
kung sa
paano
magagandang
nagtatrabaho ang tanawin
atingnito.
mga organong
Napaisip ka na ba minsan kung paano
pandama o sense organ? Ano kaya ang
nagtatrabaho ang ating mga
mangyayari kung mawawala ang isa saAng
lambak mgalambak (valley) ay
organong pandama o sense organ?
sense organ mo? Magagawa mo pa kaya ang lupa na mababa sa
anyong
Ano kaya ang mangyayari kung
mga bagay na madalas at paborito mong pagitan ngsadalawang bundok
mawawala ang isa mga sense
ginagawa? o burol. Halimbawa nito ay
organ mo? Magagawa mo pa kaya
Maaari mo bang sabihin kung ang mga ang
anong Lambak
sense
bagay ng Cagayan
na madalas at sa
organ ang iyong ginagamit sa tuwing Hilagang
paborito mong Luzon.
ginagawa?
minamasdan mo ang ibat-ibang bulaklak sa
Maaari mo bang sabihin kung
inyong hardin?
anong sense organ ang iyong
Tama!
Napaisip ka Ang ating
na ba mgakung
minsan mata ang ginagamit
paano
ginagamit sa tuwing minamasdan mo
kapag gusto nating
nagtatrabaho tingnan
ang ating mgao organong
malaman ang bulaklak sa inyong
ang ibat-ibang
3
isang bagay
pandama kung ito
o sense ba ?ay
organ maganda
Ano kaya ang
hardin? o pangit
Taglay ng iba-ibang anyong lupa ang angking kagandahan at likas na
yaman. Ito ay nakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga tao.
Gayun din, ang mga halaman, hayop, at mga puno ay nabubuhay sa
iba-ibang anyong lupa na angkop sa kanilang pangangailangan
tulad ng pagkain, tirahan, at iba pa.
(Pinagkunan: Arthur DC. Sacatropes et al., Science 3: Teacher’s Guide, Pasig City: Department of
Education- Instructional Materials Council Secretariat, 2015, 178.)

Tayo’y Magsanay

GAWAIN 1
Suriin ang mga larawan. Tukuyin ang pangalan ng mga
Panuto: anyong lupa sa larawan at isulat ang inyong sagot sa
mga kahon.

1. 4.

2. 5.

3.

4
GAWAIN 2
Piliin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang anyong
Panuto:
lupa na inilalarawan ng pahayag sa bawat bilang.

bundok burol isla kapatagan lambak

___________________1. pinakamataas na anyong lupa


___________________2. anyong lupa na pinalilibutan ng tubig
___________________3. isang patag at malawak na anyong lupa
___________________4. mataas na lupa ngunit mas mababa sa
bundok
___________________5. mababa at patag na lupain na nasa pagitan
ng dalawang bundok

Ang mga halaman, hayop, puno, at yamang mineral ay bahagi ng


likas na yaman na matatagpuan sa iba-ibang anyong lupa.

Ating Pagyamanin
GAWAIN 1
Lagyan ng tsek ( ) sa loob ng kahon kung
Panuto: nagpapahayag ng kahalagahan ng anyong lupa sa
tao at iba pang may buhay at ekis ( X ) kung hindi.

1. Nakapagtatanim ng mais, pinya, at saging sa kapatagan ang


mag-anak.
2. Dinarayo ng mga turista ang isla ng Palawan kung kaya
nadaragdagan ang hanapbuhay at kita ng mga tao.
3. Nawalan ng tirahan ang mga tao at namatay ang mga
hayop dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.
4. Nakakakuha ng maraming isda sa anyong lupa.
5. Nakapagtatanim ng maraming palay at iba pang gulay sa
kapatagan.

5
GAWAIN 2
Tukuyin ang inilalarawan sa sumusunod. Piliin ang
Panuto:
tamang sagot sa loob ng kahon.

bundok burol isla kapatagan lambak

___________________1. Iba-ibang uri ng hayop tulad ng baboy ramo


at tandikan ang makikita dito at tinaguriang
pinakamataas na anyong lupa.
___________________2. Nakatutulong ito sa kabuhayan ng
mangingisda at mamamayang nasasakupan
dahil sa mga turistang nais mamasyal dito.
___________________3. Ito ay anyong lupa na nasa pagitan ng
dalawang bundok.
___________________4. Ito ay pinakamalawak na anyong lupa na
tinatamnan ng iba-ibang pananim tulad ng
mais, palay, at iba pa.
___________________5. Ito ay mas mababa sa bundok at ang hugis
nito ay pabilog.

Nakatutulong ba ang mga anyong lupa sa ating pamumuhay?


Paano?

Ang Aking Natutuhan


Isulat ang tamang salita sa loob ng kahon na
Panuto:
inihanda sa ibaba at isulat ito sa patlang.

bundok isla burol tao pagkain

Iba’t ibang anyong lupa ang matatagpuan sa Pilipinas. Nariyan ang


(1)b__n d__ __, bulkan, (2) b __ r __ l, kapatagan, (3)__sl__, lambak,
talampas, tangway.

Ang mga ito ay mahalaga sa (4)___a___ at ibang bagay na may


buhay dito sa mundo. Maraming may buhay ang nakatira sa mga
anyong lupa na pinagkukunan natin ng pangunahing
pangangailangan tulad ng (5)p__g__ __i__ at kabuhayan.

6
Ating Tayahin

Basahin ang mga katanungan at isulat sa patlang ang


Panuto:
titik ng tamang sagot.

_____1. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa


kapatagan?
A. Ang kapatagan ay mataas na anyong lupa.
B. Ang kapatagan ay isang uri ng lupa na patag at malawak.
C. Ang kapatagan ay mababang anyong lupa sa pagitan ng
bulkan.
D. Ang kapatagan ay isang mataas na lupa ngunit mas mababa sa
bundok.

_____2. Anong anyong lupa ang nakausli na pahaba at may tubig sa


paligid ng tatlong sulok nito?
A. bundok C. lambak
B. isla D. tangway

_____3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng


kahalagahan ng mga anyong lupa sa tao at iba pang may buhay sa
mundo?
A. Nadaragdagan ang gastusin ng mga tao dahil sa kapamamasyal
sa mga magagandang anyong lupa.
B. Napagagaan ang trabaho ng mga tao dahil sa mga anyong
lupa.
C. Nadaragdagan ang tungkulin ng mga tao dahil sa mga
anyong lupa sa paligid.
D. Nadaragdagan ang kita ng mga tao dahil sa mga anyong lupa
at napararami ng ibang may buhay ang kanilang lahi dahil sa
malawak na espasyo at pagkaing nakukuha rito.

_____4. Ang bansang Pilipinas ay magandang pasyalan lalo na ang


mga isla na nakamamangha ang ganda tulad ng isla ng Palawan.
Ano ang tamang paglalarawan sa isla?
A. Ang isla ay ang pinakamataas na anyong lupa.
B. Ang isla ay isang uri ng lupa na patag at malawak.
C. Ang isla ay isang anyong lupa na pinalilibutan ng tubig.
D. Ang isla ay anyong lupa na mababa sa pagitan ng dalawang
bundok o burol.

7
_____5. Kailangan ba ng mga tao, halaman, at mga hayop ang
anyong lupa?
A. Opo, upang maging maganda ang paligid.
B. Opo, dahil nakapagbibigay aliw ito sa kanila.
C. Opo, dahil kapag walang anyong lupa ay hindi masaya.
D. Opo, upang mabuhay ang mga tao, halaman, at hayop dahil
dito nagmumula ang kanilang pagkain at iba pang
pangangailangan.

Susi sa Pagwawasto
Aralin 1
SUBUKIN NATIN
ANG AKING
ATING PAGYAMANIN NATUTUHAN
1. D 3. D 5. B
GAWAIN 1 1. bundok
2. C 4. D
1. 2. burol
TAYO’Y MAGSANAY
2. 3. isla
GAWAIN 1 3. X
1. kapatagan 4. tangway 4. tao
4. X 5. pagkain
2. burol 5. bundok
5. X ATING TAYAHIN
3. isla
GAWAIN 2 1. B
GAWAIN 2
1. bundok 2. D
1. bundok
2. isla 3. D
2. isla
3. lambak 4. C
3. kapatagan
4. kapatagan 5. D
4. burol
5. burol
5. lambak

Sanggunian

Aklat

Sacatropes, Arthur DC., Luz E. Osmeña, Michelle H. Guadamor, Aiisa C.


Corpuz, Jennifer M. Rojo, Jennifer A. Tinaja, Job S. Jr. Zape, Leni S.
Solutan, John Fitzgerald Secondones, and Neolita S. Sarabia. Science 3:
Teacher’s Guide. Pasig City: Department of Education-Instructional
Materials Council Secretariat, 2015.

8
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at


pamamaraang nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa
iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap:

Petsa ng Pagbalik:

You might also like