You are on page 1of 4

A.

Mga Sagalas ng Flores de Mayo (naka-hanay batay sa pagkaka-sunod


sunod)

1) Ina ng Grasya ng Diyos (Mater Divinae Gratiae)


- sagisag ng kasaganaan
- kulay puti ang kasuotan
- may korona
- may hawak na uhay ng palay

2) Salamin ng Katuwiran (Speculum Justitiae)


- sagisag ng katarungan
- ang kasuotan ay kahit anong kulay
- may korona
- may hawak na timbangan

3) Rosa Mistika (Rosa Mystica) –


- sagisag ng kasariwaan, kalusugan, at kagandahan
- kulay rosas ang kasuotan
- may korona
- may hawak na malaking bulaklak na rosas
- Siya ay pinangungunahan ng anim na dalagitang may
soot na kulay-rosas (tigatlo sa magkabilang-tabi)

4) Kaban ng Tipan (Foederis Arca) –


- sagisag ng pagkakasundo
- Ang kasuotan ay kahit anong kulay
- may korona
- may hawak na isang gintong lalagyan ng Hostia.

5) Talang Maliwanag sa Umaga (Stella Matutina) –


- sagisag ng liwanag; katumbas ng Reina de la Estrellas
- kulay dilaw na mura ang kasootan
- may koronang tinatampukan ng mga tala
- may hawak na isang malaking tala

6) Reyna ng mga Anghel (Regina Angelorum) –


- puting-puti ang kasuotan
- may malaking pakpak
- may korona
- Pinangungunahan ng mga anghelita.

7) Reyna ng mga Propeta (Regina Prophetarum)–

FDM 2022
- sagisag ng katalinuhan
- kahit anong kulay ang kasuotan
- may korona
- may hawak na isang aklat / Biblia

8) Reyna ng mga Apostol (Regina Apostolorum) –


- sagisag ng mabuting alagad ng Diyos
- Ang kasuotan ay kahit anong kulay
- may korona
- may hawak na dahon ng oliba
- pinangungunahan ng labindalawang mga Apostoles.

9) Reyna ng mga Martir (Regina Martyrum) –


- sagisag ng katapangan
- may mapulang kulay na kasootan
- may korona
- may hawak na mapulang bandila.

10) Reyna ng mga Confesores (Regina Confessorum) –


- sagisag ng pagbabalik-loob
- may korona
- maubeng kulay ang kasuotan

11) Reyna ng mga Birhen (Regina Virginum) –


- sagisag ng puri at kalinisan
- Kulay puti o bughaw na mura ang kasuotan
- may korona
- may hawak na babasaging kristal
- Pinangungunahan siya ng anim na dalagitang
nakasuot ng puti o bughaw na mura.

12) Reyna ng Lahat ng Mga Banal (Regina Sanctorum


Omnium)
- Sagisag ng pagtalima sa kalooban ng Diyos
- kahit anong kulay ang kasuotan
- may korona
- hawak na bandila ng Simbahan (puti at dilaw)
- pinangungunahan ng mga Santo at Santa

BEINTE MISTERIOS
13) Reyna ng Tuwa –
- Sagisag ng Misteryo ng Tuwa

FDM 2022
- nakasuot ng kulay rosas
- may korona
- pinangungunahan ng limang dilag na nakasuot ng
kulay rosas na sumasagisag sa mga misteryo ng Tuwa.

14) Reyna ng Hapis –


- Sagisag ng Misteryo ng Hapis
- nakasuot ng kulay bughaw
- may korona
- pinangungunahan ng limang dilag na nakasuot ng
kulay bughaw na sumasagisag sa mga misteryo ng
Hapis.

15) Reyna ng Kaluwalhatian –


- Sagisag ng Misteryo ng Luwalhati
- nakasuot ng kulay puti
- may korona
- pinangungunahan ng limang dilag na nakasuot ng
kulay puti na sumasagisag sa mga misteryo ng
luwalhati.

16) Reyna ng Kaliwanagan –


- Sagisag ng Misteryo ng Liwanag
- nakasuot ng kulay dilaw na mura
- may korona
- pinangungunahan ng limang dilag na nakasoot ng
kulay dilaw na mura na sumasagisag sa mga misteryo
ng Kaliwanagan.

17) Reyna ng Kabanal-banalang Rosaryo (Regina Sacratissimi


Rosarii) –
- Sagisag ng Kabanal-banalang Rosario
- Nakasuot ng kahit anong kulay
- may korona
- may hawak na malaking rosaryo.
- Pinangungunahan siya ng beinte misterios (naunang
sagala)

18) Reyna ng Kapayapaan (Regina Pacis) –


- sagisag ng katahimikan, pagkakaunawaan, at
pagkakaisa
- kulay puti ang kasuotan

FDM 2022
- may korona
- may hawak na isang kalapating puti.

19) Reyna ng mga Mag-aalay –


- Sagisag ng buong pusong pag-aalay ng puso sa Diyos
- Puti ang kasuotan
- May korona
- pinangungunahan ng mga batang mag-aalay na
bumubuo ng mga titik na AVE MARIA PURISSIMA
20) Binibining Sampaguita – *
- Isa sa mga abay ng Reyna de las Flores
- Nakasuot ng puti
- May hawak na tungkos ng sampaguita
21) Binibining Ylang-ylang – *
- Isa sa mga abay ng Reyna de las Flores
- Nakasuot ng puti o murang luntian
- may hawak na pumpon ng ilang-ilang
22) Reyna ng mga Bulaklak (Reina de las Flores) –
- sagisag ng kapistahan at pinaka-tampok na sagala ng
pagdiriwang
- may magarang kasuotan,
- may korona
- may hawak na tungkos ng bulaklak.
*Ang Binibining Sampaguita at Ilang-ilang ay mga karagdagan sa sagala ayon
sa lumang souvenir program ng Flores de Mayo. Maaari itong ibalik kung
ninanais dahil naging parte ito ng tradisyon sa ating bayan
B. Damas de la Virgen (Damas de Honor de la Virgen de las Flores) –
may hawak na mga laso na kakabit ng karosa. Ang mga pinipili bilang
damas de la Virgen ay kalimitang mga may asawa na; sila ay napili
upang umasisti sa Mahal na Virgen sa kanyang paglabas sa araw ng
Kapistahan. Ang kanilang kasuotan ay kahit anong kulay. Mayroon
silang maliliit na korona.

FDM 2022

You might also like