You are on page 1of 2

Sa ngalan ng Diyos Ama, ng Diyos Anak at ng Diyos Espiritu Santo, Amen.

Amang mapagmahal, sumasalangit ka


Papuri’t pagsamba, tanggapin po sana
Mabait na Ama, tunay kang dakila
Taga, Seiran, mahal mong talaga.

Ipinahintulot Mo pong Birhe’y parangalan


Paggalang sa Kanya, sa Iyo rin naman
Pagka’t Ikaw, Ama, sa Kanya’y humirang
Na sa Iyong Anak ay Siyang nagsilang

PARANGAL SA IYO, MAHAL NA BIRHEN

Sa pagsisimula po ng aking parangal


Papuri sa Birhen, nais kong itanghal
Sa munting makakaya Ko at nalalaman
Nais ko pong ihandog sa mga mahal sa buhay.

Batid Mo po, Birhen, ang aking damdamin


Pagmamahal at kalinga ang nais damhin
Tulad ng sa Anak Mo, O Birhen, walang maliw
Kapakanan ng magulang, nais maiparating

Mahal na Birhen na puspos ng pagmamahal


Hinanap ang Anak na si Hesus kasama ang mga paham
Nag alalang di mawari pagka’t Anak ay nawalay
Nagugulumihan, akala’y nawala’y na anak di na matatagpuan

Ang Anak Mong si Hesus nang Iyong Makita


Nag-uumapaw sa tuwa, puso’y maligaya
Sapagka’t ang kalooban mong puno ng pag aalala
Sa Anak na Mahal ay hindi maikakaila

Katulad mo Birhen, mapagmahal na magulang


Ang pagmamahal at pag-ala-ala ay di mapapantayan
Ng mga magulang Kong buhay ang inilaan
Para ako ay magkaroon ng magandang kinabukasan.
Ikaw po, kasantu-santusan at kataas-taasang Birhen
Sa dagat ikaw po ay salaaming malinaw
Ikaw din po sa balon ang tubig na buhay
Lilisan ng lahat ng mga Kristyanong mahal

Sapagka’t sa dagat ka nga nagbuhat


Kung kaya’t ang dagat hatid mo ay pag-iingat
Namimikluhid kaming iyong Mahal sa buhay
Pakaingatan Mo, sa panganib ay iligtas.

(Luluhod)

O Mahal na Birhen, ako po ay dumadalangin


Sa iyong kalinga ako po ay sumasailalim
Nawa’y matiis naming mga pangambang umaalipin
Sa mga sakuna at sakit, Kami’y kalingain

Bigyan mo po ako sampu ng mga mahal sa buhay


Nang mga biyayang lagging laan Mong ibigay
Sa munti naming dampa, ikaw ang pumukaw
Ang magmamahalang dalangin ko’y huwag maparam

Paalam nap o, O Birhen, Inang nililiyag


Ang lugar na banal na ito’y kasama sa dalangin
Kapayapaan at katahimikan, dito po’y panatilihin
Magandang pagsasamahan dito ay paghariin

Paalam nap o, o Birhen


Parangal sa Iyo ay natupad na rin
Umaasa po akong iyong pagpapalain
Lahat ng narito, sa Iyo’y nagmamahal

Sa Ngalan ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, Amen.

You might also like