You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA MAKABAYAN III

I. Layunin:
Natutukoy ang mga anyong lupa at tubig sa sariling rehiyon.
II. Paksang Aralin
Paksa: Anyong lupa at tubig
Kagamitan: Bigbook, larawan
Sanggunian: Aralin 8, Kagamitan ng Mag- aaral, pp. 70 – 78
Pagpapahalaga: Pagsunod at kooperasyon
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Balik-Aral
Itanong: Ano – ano ang mga anyo ng lupa? Tubig?
3. Pangganyak
Ipaawit sa klase.
“Kami maglalakbay at sasakay sa jeep, maglalakbay kami, little
Einstein
At kayo ay sasama rin dito para matuto little Einstein
Simulan ang mission pag nagcountdown 5,4,3,2,1” (2x)

May nakalaang mga imahe ng anyong lupa at tubig na nakadikit sa


ibat-ibang bahagi ng klasrum. Ipapangkat sa tatlo ang klase at mamimili sila
ng lider at tagasulat. Ilagay sa gilid ang mga silya at uutusang bumuo ng
maliit na bilog ang bawat grupo.
Bibigyan ang bawat grupo ng tig-dadalawang minuto upang
puntahan at ilarawan o sumulat ng kung ano ang nasa larawan. Pagkatapos
ng dalawang minuto, pupunta na naman sila sa ibang imahe at gawin ang
tulad hanggang matapos ang lahat ng imaheng nakadikit.
Pagkatapos ay pababalikin sila sa kaniling mga upuan. At hayaan
ang lider na ipresenta ang mga ginawa.
Itanong sa klase:
 Ano ang inyong napansin sa ating ginawa?
 Ano ang naramdaman ninyo habang tayo ay naglalakbay?
 Ano-anong anyong lupa ang ating narating? Anyong tubig?
 Ano ang masasabi ninyo sa mga anyong lupa at tubig na ating
narating?
 May alam ba kayong anyong lupa at tubig sa ating rehiyon
 Alin dito ang inyong napuntahan? Ano ang masasabi niyo sa
mga ito?

Tanggapin ang lahat ng sagot ng mag- aaral at iugnay ang mga ito sa
aralin
Ilahad ang layunin.
Sabihin sa klase:
“Maglalakbay tayo sa ating rehiyon at kilalanin natin ang ating mga
magaganda at natatanging mga anyong lupa at anyong tubig.”
B. Panlinang na Gawain
Gawain 1
Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper at panulat. Ipasulat sa
bawat pangkat ang alam nilang mga anyong lupa at tubig na makikita sa rehiyon.
Ilagay ito sa talahanayan.

Lugar Anyong Lupa Anyong Tubig


Kiamba, Sarangani Talon

Ipaulat sa harap ng klase ang ginawang talahanayan.

Katanungan:
1. Ano – ano ang nabanggit na anyong lupa sa rehiyon?
Anyong tubig?
2. Anong masasabi mo tungkol sa bawat anyong lupa at tubig
na nabanggit?
3. Paano nakatutulong ang mga ito sa ating rehiyon?

Gawain 3.
Tingnan ang mapa. Isulat sa loob ng kahon ang mga anyong lupa
at tubig na nakasaad sa mga lugar sa rehiyon.
C. Pangwakas na Gawain

Paglalahat

Itanong:
 Ano-anong anyong lupa at tubig and makikita sa ating rehiyon?
 Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng kagandahan ng mga anyong
lupa at tubig sa rehiyon?
IV. Paglalapat

Pangkatang Gawain:
*Pangkat 1:
Bigyan ng isang long coupon bond ang grupo.
Gumuhit ng isang mapa ng sariling lalawigan at tukuyin ang
mga anyong tubig at lupa.

*Pangkat 2:
Gumawa ng isang dula na nagpapakita ng
importansya ng mga anyong lupa at tubig sa pang-araw
araw na pamumuhay.

*Pangkat 3:
Gumawa ng yell gamit ang makikitang anyong lupa at
tubig sa rehiyon o sa lalawigan.

V. Pagtataya
Bilugan ang tamang sagot.
1. Pumunta sila sa Mt. Matutum kahapon. Anong anyong lupa ang Mt. Matutum?
a. Bulkan b. Bundok c. Bukid
2. Ang Gumasa Beach ay napakaganda. Anong anyong tubig ang Gumasa
Beach?
a. Lawa b. Talon c. Dagat
3. Ang Sanchez Peak ay isang anyong lupa. Saan matatagpuan ang Sanchez
Peak?
a. South Cotabato b. Gensan c. Sarangani
4. Ang Seven Falls ay isang talon na makikita saan?
a. T’boli b. Tupi c. Lake Sebu
5. Maraming anyong tubig ang napakaloob sa Rehiyon XII. Alin sa sumusunod
na pangkat ng mga anyong tubig ang hindi kabilang sa Rehiyon XII?
a. Lake Sebu, Lem Lunay Beach, Ala Valley River
b. Kawil Falls, Lake Lahit, Gumasa Beach
c. Tinuy-an Falls, Maria Christina Falls, Lake Taal

VI. Takdang Gawain


Gumawa ng sariling mapa ng lalawigan na nagpapakita ng iba pang mga
anyong lupa at tubig na matatagpuan sa inyong lugar.
Banghay Aralin sa AP II

I. LAYUNIN
 Natutukoy ang epekto ng kalamidad sa tao at sa kalagayan ng mga
anyong lupa at tubig.

II. 1. Teacher’s Guide in AP


Mga larawan, tsart

III. PAMAMARAAN
A. 1. PAGSASANAY
 Ayusin ang jumbled letters upang makabuo ng salita.
EEKPOT-epekto
AAAMDKIDL-kalamidad
OAT-tao
NYTGNBAGIUO-anyong tubig
YAUNOGLPAN-anyong lupa
2. BALIK-ARAL
 Anu-ano ang mga natural na kalamidad at sakuna?
B. 1. PAGLALAHAD
 Ipakita ang mga sumusunod na larawan sa mga mag-aaral.
 Ano ang ipinapakita sa larawan?
 Ano kaya ang nagging dahilan kung bakit nangyari ang mga nasa
larawan?
 Alin sa mga ito ang iyong nasaksihan sa iyong komunidad dulot ng
kalamidad at sakuna?
2.PAGTATALAKAY
 Ipakita sa klase ang dalawang larawan.
 Anu-ano ang iba pang maaaring maging epekto ng kalamidad sa
tao at sa kalagayan ng anyong lupa at anyong tubig?
 Anu-ano ang epekto ng kalamidad sa anyong lupa?Anyong
tubig?Tao?
3. PAGLALAHAT
 Anu-ano ang mga epekto ng kalamidad sa tao at sa kalagayan ng
mga anyong tubig at lupa?

4. PAGLALAPAT
 Magkaroon ng pangkatang dula tungkol sa epekto ng kalamidad
sa tao at sa kalagayan ng mga anyong lupa at tubig.

IV.PAGTATAYA
Tukuyin at isulat ang mga epekto ng mga kalamidad sa tao at sa kalagayan ng
mga anyong lupa at tubig.

V.KASUNDUAN
Maghanap sa magasin ng mga larawan ng epekto ng kalamidad sa tao at sa
kalagayan ng anyong lupa at tubig.Idikit ito sa inyong kwaderno.

You might also like