You are on page 1of 15

INDUSTRIYA SA BIGASAN: ANG PAG-AARAL AT SULIRANIN

Lokal

T.A. 2018-2019

Ipinasa ni:

Amon, Jemina Yvonne C.

Cajandoc, Trisha A.

Camacho, Sean Simon P.

Espillardo, Maritess Joy E.

Punazalan, Niña Rica V.

BSA 1-1

Ipinasa kay:

Diomedes E. Rodriguez

Septyembre 2018
I. PANIMULA

Bilang mga mamamayan na may mga pangunahing

pangangailangan tulad ng tubig, tirahan, damit at higit sa lahat ay ang

pagkain, maituturing bilang isang napakahalagang sektor ang industriya

ng agrikultura na siyang pangunahing pinagmumulan ng mga pagkain na

ating kinakailangan tulad ng palay, mais, tubo, mga prutas, mga gulay at

iba pa. Kasama ng industriya ng agrikulturang ito, partikular na ang

agrikultura patungkol sa palay, ay ang industriya ng ricemill na kung saan

ang palay na siyang mga naani ng mga magsasaka mula sa kanilang

pagsasaka ay dadaan sa mga proseso upang ang mga palay ay maging

bigas na siyang isinasaing at kinakain natin sa pang-araw-araw.

Ayon kay William D. Dar, ang dating kalihim ng Department of

Agriculture, na naitala nina Balayugan et al. (2010):

“Ang palay ang siyang pinakamahalagang produkto para sa mga Pilipino

sapagkat isa itong pangunahing pagkain para sa buong bansa. Mapalad

ang Pilipinas sa pagkakaroon ng mga lupaing angkop sa naturang

produkto. Karugtong nito, ang produksiyon ng bigas sa Pilipinas ay

mahalaga sa suplay ng pagkain at ng ekonomiya ng bansa. Ang bigas ay

ang pinakamalahalagang inaaaning pagkain dahil nga sa isa itong

pangunahing pagkain para sa buong bansa. Ito ay inaani nang

malawakan sa Luzon, Kanlurang Bisayas, Katimugang Mindanao at

gitnang Mindanao.”
Tungkol sa Irish Rice Mill

Ayon kay Mr. Reymar Abalos, bise presidente ng Irish Ricemill na

naitayo noong 1970's na dati ay pagmamay- ari ng kanilang pamilya ay

kasalukuyan na ngayong isang corporation na pinapangunahan ng

kanilang presidente na si Catherine Ilano, ang Irish Ricemill ay kilala

bilang isa sa mga pinakamalaking ricemill sa buong Biñan, Laguna.

Proceso sa Ricemilling ng Irish Ricemill

Ayon rin sa kaniya 'Mayroong dalawang paraan ng ricemilling. Una

ay ang 'conventional' o ang tradisyunal na paraan ng rice milling kung

saan ibinibilad ang mga naaning palay sa arawan sa mga kalsada

hanggang sa matuyo ang mga ito at pagkatapos nito ay didikdikin ng

didikdikin hanggang sa matanggal ang mga ipa o darak nito at pagkatapos

naman ay aalisin ang mga darak o ipa nito sa pamamagitan ng paggamit

ng bilao upang ang tanging matira na lamang ay ang bigas. Ang

ikalawang paraan naman ay ang modernong paraan na siyang ginagamit

ng Irish Ricemill kung saan ginagamitan ito ng mga makinarya gaya ng

'rice mill paddy dryer furnace' o sa madaling salita ay ang 'dryer' na siyang

tumutuyo sa mga naaning palay at pagkatapos ito ay iiimbak muna sa

tinatawag nating 'warehouse' ng ilang araw o linggo batay sa kanilang

barayti at pagkatapos ay isasalang na ito sa 'rice mill' gilingan o kiskisan

ng mga natuyong palay. Ang rice milling na ito ay isang paraan o proseso
na ginagawa upang matagalan ang mga natuyong palay ng ipa at darak.

Pinapakinis ito at pagkatapos ay siyang nagbibigay sa atin ng isang

produkto na may maliwanag, maputi at makintab na anyo kung saan ang

dating palay ay tinatawag na bilang bigas.'

Ang pagtakbo ng negosyo

Ayon rin kay Mr. Reymar Abalos, may mga lugar ang ricemill

corporation nila na kinukuhaan ng mga bagong aning palay tulad ng

Cavite at Laguna na siyang isinasalang nila sa kanilang mga makinaryang

kagamitan sa pagpapatuyo at pagkikiskis ng palay na kung saan ang

produksiyon ng bigas na nagagawa ng kanilang ricemill sa loob ng isang

araw ay umaabot sa 650 na sako ng bigas na kung saan ang kada sako

ay naglalaman na 50 na kilo ng bigas na siyang ipinamamahagi nila sa

iba't ibang mga kumpanya o lugar gaya ng Laguna, Cavite, Batangas,

Manila at iba pa maging mga upisyal na institusyon tulad ng Army Navy,

Conception Carrier, maging mga kainan tulad ng Atoy's Porkchop at iba

pa.

Kahalagahan ng Industriyang Bigas sa Pilipinas

Kaakibat ng ng kahalagahan ng bigas sa buhay ng mga tao bilang

pagkain ay marami pang mga naitutulong o ambag ang mga industriya ng

ricemill sa ekonomiya ng bansang Pilipinas maging sa mga mamamayan

ng bansang ito.
Ayon kay JustHomeWorks (2015), nakaaambag ang mga industriya

ng ricemill sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansang Pilipinas dahil sa

ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga

sektor ng ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng

pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular ang agrikultura kasama na rito

ang industriya ng ricemill sapagkat dito nagmumula ang mga pagkaing

bigas na siyang tumutugon sa pangangailangan na pagkain ng

mamamayan. Mahalaga rin ito dahil dito kumukuha ng perang panlabas

ang basang Pilipinas, ito ang isa sa mga mahalagang pinagkukunan ng

dolyar ng ating bansa, nakakakuha tayo ng pera galing sa labas ng bansa

sa pamamagitan din ng pagpalit o paglabas ng mga produkto nating bigas

galing sa ating bansa patungo sa iba't ibang panig ng daigdig, at

nakatutulong pa ito sa iba pang sektor ng ekonomiya tulad ng

pagmamanupaktura at kalakalan. Tunay nga na ang industriya ng ricemill

ay isa sa mga salik at industriya na siyang nakakatulong sa

pagpapataguyod at pagpapaunlad ng ekonomiya ng ating bansa.


II. SULIRANIN

1. Kalamidad

Ang mga bagyong dumadaan sa ating bansa ay nagdudulot ng

malaking kapinsalaan. Bukod sa sinisira nito ang tirahan ng mga Pilipino,

sinisira rin nito ang kapaligiran at mga pananim. Dulot ng mga kalamidad

na ito, nawawalan ng aanihing palay ang mga magsasaka. Ang mga lugar

na tinamaan ng malakas na bagyo ay isang malaking kabawasan sa

industriya ng bigas, resulta nito ang kakaunting lugar na may kakayahang

umani ng palay kung kaya’t kakaunti lamang na palay ang magagamit sa

produksyon na ang kalamidad naman ang dahilan ng pagbaba ng suplay

ng bigas.

2. Lugar na taniman

Kung ikukumpara ang Pilipinas sa hitsura nito noon, masasabing

ang Pilipinas ay nagkaroon ng malaking pagbabago. Ang dating malawak

na lupain ay napalitan na ng mga gusali at bahay na yari sa bato at ang

lupang puro pananim ay ngayo’y kongkreto na. Dulot nito ang pagliit ng

lupang sakahan ng mga magsasaka. Sa maliit na sakahang ito ay

makakapag-ani lamang ng kakaunting palay.

Ang Thailand ay mayroong 60% na mas malaking lupain kumpara

sa 9.7 milyong ektarya ng Pilipinas, ayon sa NSO noong 2002. Bukod pa

rito, 32% lamang ng sakahan sa Pilipinas ang tinatamnan ng palay

kumpara sa 62% ng Vietnam at 57% ng Thailand. Ayon sa datos noong


2007, ang Pilipinas ay mayroon lamang 4.27 milyong ektaryang taniman

ng palay kumpara sa 7.34 milyong ektarya ng Vietnam at 10.43 milyong

ektarya ng Thailand. Gayundin, ang mga bansang may mataas na

produksyon ng palay gaya ng Thailand, Vietnam, Myanmar, at China ay

mayroong malalaking ilog na akma para sa pagtatanim ng palay. Sa

kabilang banda, ang Pilipinas at iba pang bansa na may mababang

produksyon ng palay gaya ng Indonesia, Japan, at Sri Lanka ay mga

kapuluang walang malalaking ilog na maaaring sumuporta sa

malawakang irigasyon (Mataia et al. 2010).

3. Pag-aangkat ng bigas galing sa ibang bansa

Ang mga bigas na inaangkat mula sa ibang bansa ay mas mura

kumpara sa bigas na gawa sa Pilipinas. Dahil sa mababa ang presyo nito,

mas tinatangkilik ito ng mga mamimili. Isa pang dahilan ng pag-aangkat

ng bigas ay dahil sa kulang ang produksyon ng bigas sa Pilipinas

kumpara sa pangangailangan ng mga Pilipino.

Halimbawa, noong 2007, ang Pilipinas ay may produksyon na

10.56 metriko tonelada (MT) ng bigas habang 12.49 MT ang kailangang

bigas ng mga Pilipino. Ito ay nangahulugan ng 1.93 MT na kakulangan sa

bigas sa bansa kung kaya’t umangkat ang Pilipinas ng 1.8 MT mula sa

Thailand at Vietnam para punan ang kakulangang ito (Mataia et al. 2010).
4. Kakulangan sa makinarya sa pag-aani

Dahil sa kakulangan sa makinarya, ang mga may sakahan ay

nangungupahan ng mga magsasaka na siyang mag-aani ng mga palay.

Ito ay karagdagang gatos sa produksyon ng bigas, dahil sa malaking

gastos sa produksyon nito naging mahal ang presyo ng palay sa ating

bansa.

Sa katunayan, tinatayang 55% ng kabuuang gastos sa bukid ay

napupunta sa upa sa pag-aani ng palay nang manu-mano at sa pag-aani

na gamit ang maliit na makinang pang-giik o thresher, na katumbas ng

halos 30 araw ng paggawa kada ektarya. Samantalang ang mga

magsasakang Thai, halimbawa, ay gumagamit ng combine harvester-

thresher na nakatatapos ng paggapas, paggiik, at pagsasako ng palay sa

loob lamang ng 5 araw na paggawa. Dahil dito, ang mga magsasakang

Thai ay nakatitipid ng hanggang 66% ng gastos sa upa kumpara sa mga

magsasakang Pilipino (Mataia et al., 2010).

5. Insekto sa bigas

Ang huling produkto ng produksyon ay ang bigas. Kapag ito ay ininsekto,

bukod sa masisira ang sakong lagayan, magkakaroon din ng itlog ng

insekto ang mga bigas, katulad ng kamakailang balita tungkol sa bukbok

(Rivas, 2018). Ang bukbok na ito ay hindi na maaaring ipamahagi sa

merkado sa kadahilangang ito ay maaaring magdulot ng masamang

epekto sa kalusugan ng tao.


III. SOLUSYON

1. Kalamidad

Ang kalikasan ay isang tahanan na nagbibigay buhay sa mga

supling ng bayan. Kinakailangan ng mga ito ang pangunahing produkto na

nagmumula sa kapaligiran tulad ng krudo, tubig, hangin at pagkain gaya

ng kanin. Lalo na ang mga Pilipino sapagkat ang mga tao sa bansang

Pilipinas ay kadalasang naghahain ng kanin sa kanilang mga hapag-

kainan. Ngunit sa kasamang palad may mga pangyayari na hindi

inaasahan at hindi rin mapipigilan. Isa na rito ang mga kalamidad tulad ng

mga pagbagyo, pagbaha at tagtuyot. Dahil na rin sa pagiging tropikal na

bansa ng Pilipinas, madalas itong daan ng mga bagyo na tinatayang

dalawampu (20) kada taon. Nagbubunga ang mga pangyayaring ito ng

mga malawakang pagkasira sa mga taniman ng palay. Kaya naman

kinakailangan ng mga plano na makakatulong sa pag ibsan ng mga

problemang naidudulot ng mga kalamidad sa produksyon ng bigas.

Isa na rito ang pagkakaroon ng mga programa na magtuturo sa

mga mamamayan na magtipid at huwag magsayang ng kanin araw-araw.

Pangalawa kinakailangan ng mga makabagong makinarya na

kokontrol sa dami ng tubig na papasok sa lugar na pinagtataniman ng

palay, lalo sa panahon ng tag bagyo sa bansa.

Dapat din magkaroon ng maayos na patubig sa mga palayan na

ito, para maiwasan ang lubhang panunuyo ng lupa sa mga lugar na

apektado.
At ang panghuli magkaroon ng pagtutulongan sa paglilinis ng

kapaligiran upang mabawasan ang bigat ng pinsala na maidudulot ng mga

kalamidad.

2. Lugar na taniman

Malayo na ang itsura ng mga lupain sa bansa noon at ngayon.

Marami ng naipatayo na mga imprastraktura at pagawaan. Ayon sa datos

ng International Rice Research Institute (IRRI) noong 2012, mayroong na

lamang tatlong (3) milyong ektarya ng lupain ang may tanim na palay sa

buong Pilipinas, kung susumahin ito ay 30% lamang ng kabuuang sukat

ng lupain ng bansa (Tolentino, 2015). Sa kabilang banda kailangan ng

gobyerno na magpaigting ng batas na magpoprotekta sa mga natitirang

taniman ng pangunahing pangangailangan ng taong bayan. Magpatupad

ng mga patakaran na naglalayon ng pagbibigay ng importansya sa

aspetong ito ng bansa. Maghigpit sa mga proyekto ng pribadong

kompanya tungkol sa pagpapatayo ng mga gusali sa mga piling lugar na

kinakailangan ng mga magsasaka at manggagawa ng mga gilingan ng

bigas. Gayundin naman ang pagbibigay ng kaukulang suporta ng

pamahalaan sa pang agrikulturang samahan ng mga magsasakang

Pilipino.

3. Pag-aangkat ng bigas galing sa ibang bansa

Kabilang ang Pilipinas sa mga organisasyon na binubuo ng iba

pang bansa sa Timog Silangang Asya na pinagkukunan ng mga

pangunahing kalakal tulad ng bigas. May mga kasunduan ang mga


bansang ito tungkol sa pag aangkat ng mga produkto at kadalasang

nagtutulungan ang mga ito sa pagsusuplay ng mga kalakal sa bawat isa.

Kaya naman hindi na nakakapagtaka na isa ang bansang Pilipinas sa

mga bansa na umaangkat ng bigas mula sa bansang Thailand. Dahil sa

patuloy na pagkuha at pagbili ng bigas mula sa ibang bansa, natatabunan

na ang mga bigas na galing sa lokal na pamilihan. Bunga nito

nagkakaroon ng malaking problema ang mga lokal na industriya ng bigas

sa bansa. Sa pagresolba ng ganitong suliranin, kinakailangan ng

masusing pag aaral sa pag aangkat ng produkto. Magkaroon sana ng

mga polisiya tungkol sa pagtulong sa pagbebenta ng lokal na bigas. Sa

kabilang banda kailangan din ng mga Pilipino alisin ang kaisipang mas

pinipili ng mga ito na tangkilikin ang kultura at produkto ng ibang bansa.

Ang mga Pilipino ay dapat nagtutulungan sa pagresolba ng ganitong

klaseng problema ng bansa sapagkat ito ay tungkol sa pangunahing

pangangailangan araw-araw.

4. Kakulangan ng makinarya sa pag aani

Tulad ng nabanggit sa itaas ang Pilipinas ay kabilang sa samahang

Association of South East Asian Nations (ASEAN) pati na rin ang bansang

Thailand na gumagamit ng mga makabagong makinarya at teknolohiya sa

produksyon ng bigas at palay. Sa pagresolba ng mga suliranin tungkol sa

mga makinarya na ginagamit ng mga magsasakang Pilipino,

kinakailangang makipagtulungan at magkaroon ng mga kasunduan ng

gobyerno ng Pilipinas sa iba pang bansa na mayroong makabagong


kagamitan tulad ng bansang Thailand na ang kinaroroonan at malapit

lamang sa Pilipinas. Ang ahensiya ng pamahalaan na nakatuon sa

siyensiya at teknolohiya ay dapat magkaroon ng mga programa at

hakbangin na makakatulong sa industriya ng produksyon ng bigas at

palay.

5. Insekto sa bigas

Ang mga insektong nasa paligid ay kadalasan nagdudulot ng

pagkasira sa mga pananim at nagdudulot ng sakit sa mga tao na

makakain ng mga produktong ito. Ang kalagayang ito ay isang

napakalaking suliranin ng mga magsasaka lalo na sa panahon ng anihan

ng mga palay sa mga bukirin. Kaya hindi maiwasan ng mga magsasaka

na gumamit ng mga insecticides na nakakasama din sa kalusugan ng

mga Pilipino. Pagkakaroon ng masusing pag aaral tungkol sa paggawa ng

mga organikong insecticides at abono ang dapat pagtuon ng pansin kung

nais ng pamahalaan na masolusyunan ang suliraning tungkol dito. Dapat

tulungan at turuan ng mga kinakauukulan ang mga magsasaka ng mga

programa na makakatulong sa pag aalaga sa mga aning palay. Gaya na

lamang ng paggamit ng mga alternatibong paraan ng pangangalaga sa

mga produktong ito na hindi makakaapekto sa pagkasira ng mga pananim

at hindi rin makakaapekto sa kalusugan ng karamihan.


IV. REKOMENDASYON

1. Sa Pamahalaan

Ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay ng sapat na

impormasyon sa lokal na pamahalaan ng Laguna nang sa gayon ay mas

mapagtuunan ng pansin ang mga mamamayang magsasaka at

matulungan ang mga ito na mabigyan ng kaukulang serbisyo at

benepisyo. Ang suporta ng mga kababayang magsasaka mula sa

pamahalaan ay napakahalaga upang mas makapagbunga sila ng mas

marami at magandang uri ng bigas. Isa rin sa maaaring maibigay na

suporta ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng libreng abono at pagbibigay

ng karampatang pondo para sa produksyon ng palay. Ayon din kay

Anakpawis Rep. Ariel Casilao, dapat din na isang prayoridad ng

pamahalaan ang pagbili ng palay mula sa mga local producers para hindi

na maging umasa ang lungsod sa inaangkat na bigas.

2. Sa mamamayan

Ang mga solusyong inihain sa pananaliksik ay makakatulong sa

mamamayan upang mas maging maingat ang mga mamimili sa pagpili ng

uri ng bigas. Bukod pa rito, magkakaroon sila ng karagdagang kaalaman

sa mga suliraning kinakaharap ng bansa sa industriya ng bigas at ang

mga dahilan ng pagtaas ng presyo nito. Ang pananaliksik din na ito ay

makapagbibigay kaalaman sa mamamayan upang ang pagbili ng mga

smuggled rice na isang rason ng pagbaba ng kita ng bansa ay maiwasan.


V. SANGGUNIAN

Balayugan P. et al. 2010. Pagpapaunlad ng Agrikultura sa Pamamagitan

ng Pagsasaka. Kinuha sa https://pagsasaka-sa-

pilipinas.blogspot.com/2010/03/pagpapaunlad-ng-agrikultura-sa.html

JustHomeWorks 2015. Ang Kahalaganan ng Agrikultura. Kinuha sa

https://www-justhomeworks-

com.cdn.ampproject.org/v/www.justhomeworks.com/2016/02/ang-

kahalagahan-ng-

agrikultura.html/amp?usqp=mq331AQCCAE%3D&amp_js_v=0.1#referrer

=https%3A%2F%2Fwww.google.com&amp_tf=From%20%251%24s&amp

share=http%3A%2F%2Fwww.justhomeworks.com%2F2016%2F02%2Fan

g-kahalagahan-ng-agrikultura.html

Mataia, A. B. et al. 2010. Economics of Rice (Ser. 17) [Filipino Version].

Kinuha sa http://www.pinoyrice.com/wp-content/uploads/economics-of-

rice-filipino.pdf

Rivas R. “EXPLAINER: What is Bukbok?”. Rappler. 28 Agosto 2018.

https://www.rappler.com/newsbreak/iq/210604-explanation-about-rice-

weevils-bukbok
Tolentino, V. B. J. Septyembre 2015. Rice farming in the Philippines:

some facts and opportunities. International Rice Research Institute.

You might also like