You are on page 1of 32

5

EDUKASYONG PANTAHANAN
AT PANGKABUHAYAN
(AGRICULTURE)

IKALAWANG MARKAHAN
Module 2

Source: https://th.thgim.com/migration_catalog/article11977157.ece/alternates/FREE_435/23Y T_KI19COMPOST


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Grade 5
Quarter 2 – Week 2 Module 2:

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks,
etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has
been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective
copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over
them.

Regional Director: GILBERT T. SADSAD


Assistant Regional Director: JESSIE L. AMIN

Development Team of the Module

Writers: MARILOU T. RAŃESES, MasterTeacher II – Mercedes ES


Editors/Reviewers: MARIFE S. MADERAZO, Teacher III-Daet ES
SUSAN B. VERAS, SP II-Labo ES
Illustrator:
Layout Artist: ARNEL B. DELA PASION, SP I-Gavino Vinzons ES
Consultant: NIXON S. OLFINDO, Ph.D., EPS EPP/TLE

SDO – CAMARINES NORTE


EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5

PAMAMARAAN AT PAG-IINGAT SA PAGGAWA NG


ABONONG ORGANIKO

WEEK 2 DAY1

SA MAG-AARAL
Magandang araw!
Nalaman mo ang kahalagahan ng iba’t ibang pamamaraan ng
paggawa ng Abonong Organiko tulad ng Compost Pit at Basket Composting
sa nakaraang aralin.
Gusto mo bang malaman kung paano ito isinasagawa?
Pag-aaralan natin ngayon ang mga wastong pamamaraan sa paggawa
ng Compost Pit.
Handa ka na ba?

LAYUNIN

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang…


 Nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa Abonong
Organiko (Compost Pit).
EPP5AG -0b-4, CG p. 19
MELC 1.4.2
DLP Q2 Week 2 Day 1.
Bilang ng Araw: 1 araw

PANIMULANG PAGSUBOK

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Pagsama-samahin ang mga nabubulok
at di nabubulok. Ilagay ito sa tamang lalagyan. Isulat ang sagot sa
kuwadernong sagutan.

Nabubulok Di - Nabubulok
PAG-ARALAN MO!

Ang Abonong Organiko ay napabubuti ang hilatsa ng lupa at napapalusog ang


mga pananim. Ito ay epektibong pataba na hindi magastos. Maaari ng gamiting pataba
ang mga nabubulok na basura pagkaraan ng dalawang buwan o higit pa. Isang paraang
dapat gawin upang may mapagkunan ng Abonong Organiko ay ang paggawa ng
compost. Sa likod ng bakuran o sa isang lugar ay maaring gumawa ng Compost Pit.

ALAMIN MO PA!
Pamamaraan sa paggawa ng Compost Pit

1. Humanap ng medyo mataas na lugar, tuyo,


patag, at medyo malayo sa bahay o
anumang anyong tubig.

2. Gumawa ng hukay sa isang lugar


na ang lapad ay dalawang metro,
ang haba ay limang metro, at ang
lalim ay isang metro. Patagin ang
loob ng hukay. Hayaan itong
nakalantad sa araw upang hindi
mabuhay ang anumang uri nang
mikrobyo.
3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga
nabubulok na kalat gaya ng tuyong
damo, dahon, balat ng prutas at gulay,
at iba pa. Ilatag ito nang pantay sa
ilalim ng hukay hanggang umabot ng
30 sentimetro ang taas.

4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop


hanggang umabot ng 15 sentimetro
ang kapal at lagyan muli ng lupa, abo
o apog. Gawin ito nang paulit-ulit
hanggang mapuno ang hukay.

5. Panatilihing mamasa-masa ang hukay


sa pamamagitan ng pagdilig araw-
araw. Tiyaking hindi ito babahain kung
panahon naman ng tag-ulan,
makabubuting takpan ang ibabaw ng
hukay ng ilang piraso ng dahon ng
saging upang hindi bahain.

6. Tusukan ang Compost Pit ng ilang


pirasong kawayan na inalisan ng buko at
binutasan sa gilid. Makakatulong ito upang
mahanginan ang Compost Pit at nang
madaling mabulok agad ang basura.

7. Pagkalipas ng tatlong linggo, bunutin ang


itinusok na kawayan at haluing mabuti ang
mga pinagsama-samang kalat at lupa.
Ipailalim ang kalat na nasa ibabaw upang
maging pantay-pantay ang pagkabulok ng
kalat. Pagkaraan ng dalawang buwan o
higit pa ay maaari ng gamitin na abono ang
laman ng Compost Pit.
TANDAAN MO!

Ang Compost ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong damo, dahon, balat
ng prutas at gulay at mga dumi ng hayop na ipinabubulok sa isang hukay sa isang
malawak na lugar na tinatawang na Compost Pit.

Matapos mong malaman ang mga paraan sa paggawa ng Compost Pit,


Handa ka na ba sa mga pagsasanay?

PAGSASANAY #1

SUBUKIN MO!
Panuto: Iguhit sa iyong kuwaderno ang mga bagay na kailangan sa paggawa ng
Compost pit.

Mahusay!
Dahil madali mong nasagutan ang unang pagsasanay, subukin pa ang iyong
kakayanan sa sunod na pagsasanay.
PAGSASANAY #2

Panuto: Iayos ang mga larawan sa ibaba ayon sa tamang pagkakasunod-sunod sa


tamang paraan ng paggawa ng Compost Pit. Lagyan ng bilang 1 - 5.

b.
a.

c.

d. e.

Ang galing-galing mo!


Natapos mo ang ikalawang pagsasanay.
Tingnan natin kung kaya mo pa ang susunod na pagsasanay..sa susunod na aralin.
SUSI SA PAGWAWASTO:

Panimulang Pagsubok
Nabubulok
1. damo
1. hukay
2. sanga
2. mga nabubulok na basura
3. dumi ng hayop o ipot
3. kawayan
4. mga balat ng gulat at prutas
4. dahon ng saging
5. pala at pandilig
Di-Nabubulok
1. bote
2. lata

Pagsasanay #2:
a. 3
b. 5
c. 2
d. 7
e. 4

Sanggunian:
DLP Q2 Week 2 Day 1 and 2
Deped Division of Cabanatuan City
Learning Resource Management And Development System Pp. 11-13
WEEK 2 DAY 2

SA MAG-AARAL
Magandang araw!
Nalaman mo ang iba’t ibang pamamaraan ng paggawa ng Abonong
Organiko tulad ng Compost Pit sa nakaraang aralin.
Pag-aaralang muli natin ang mga wastong pamamaraan sa paggawa ng
Compost Pit.
Handa ka na bang balikan ito upang makagawa ka rin ng sariling
compost pit?

LAYUNIN

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang…


 Nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa Abonong
Organiko (Compost Pit).
EPP5AG -0b-4, CG p. 19
MELC 1.4.2
DLP Q2 Week 2 Day 2.
Bilang ng Araw: 1 araw

PANIMULANG PAGSUBOK

Panuto: Tingnan ang kahon sa ibaba. Isulat sa loob ng kahon ang mga bagay na
maaring gawing pataba o abonong organiko gamit ang Compost Pit. Isulat ang sagot
sa kuwaderno.

Mga Bagay na Maaaring Gawing Organikong Pataba Gamit ang Compost Pit:
___________________ ________________ _______________
_______________________________ ______________________
PAG-ARALAN MO!

Ang Abonong Organiko ay nakakatulong at napapalusog ang mga pananim. Ito


ay epektibong pataba na hindi magastos.Isang paraang dapat gawin upang may
mapagkunan ng Abonong Organiko ay ang paggawa ng compost. Maaaring gawin sa
inyong likod bahay na may malawak na bakuran o sa isang lugar ay maaring gumawa
ng Compost Pit.

ALAMIN MO PA!

Basahing muli ang mga pamamaraan sa


paggawa ng Compost Pit upang makagawa ng
sariling pataba sa pamamagitan ng mga sumusunod
na hakbang.

1. Humanap ng medyo mataas na lugar,


tuyo, patag, at medyo malayo sa bahay
o anumang anyong tubig.

2. Gumawa ng hukay sa isang lugar


na ang lapad ay dalawang metro,
ang haba ay limang metro, at ang
lalim ay isang metro. Patagin ang
loob ng hukay. Hayaan itong
nakalantad sa araw upang hindi
mabuhay ang anumang uri nang
mikrobyo.
3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga
nabubulok na kalat gaya ng tuyong
damo, dahon, balat ng prutas at gulay,
at iba pa. Ilatag ito nang pantay sa
ilalim ng hukay hanggang umabot ng
30 sentimetro ang taas.

4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop


hanggang umabot ng 15 sentimetro
ang kapal at lagyan muli ng lupa, abo
o apog. Gawin ito nang paulit-ulit
hanggang mapuno ang hukay.

5. Panatilihing mamasa-masa ang hukay


sa pamamagitan ng pagdilig araw-
araw. Tiyaking hindi ito babahain kung
panahon naman ng tag-ulan,
makabubuting takpan ang ibabaw ng
hukay ng ilang piraso ng dahon ng
saging upang hindi bahain.

6. Tusukan ang Compost Pit ng ilang


pirasong kawayan na inalisan ng buko at
binutasan sa gilid. Makakatulong ito upang
mahanginan ang Compost Pit at nang
madaling mabulok agad ang basura.

7. Pagkalipas ng tatlong linggo, bunutin ang


itinusok na kawayan at haluing mabuti ang
mga pinagsama-samang kalat at lupa.
Ipailalim ang kalat na nasa ibabaw upang
maging pantay-pantay ang pagkabulok ng
kalat. Pagkaraan ng dalawang buwan o
higit pa ay maaari ng gamitin na abono ang
laman ng Compost Pit.
TANDAAN MO!

Ang Compost ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong damo, dahon, balat
ng prutas at gulay at mga dumi ng hayop na ipinabubulok sa isang hukay sa isang
malawak na lugar na tinatawang na Compost Pit.

Matapos mong malaman ang mga paraan sa paggawa ng Compost Pit,


Handa ka na ba sa mga pagsasanay?

PAGSASANAY

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa sagutang kuwaderno ang
sagot.
1. Saan mainam na gumawa ng Compost Pit?
2. Sa paggawa ng hukay, ilan ang sukat ng lapad at lalim nito?
3. Paano mapapanatili na mamasa-masa ang hukay?
4. Kailan maaaring gamitin ang compost matapos gawin ito?
5. Bakit kailangang hayaan munang nakabilad sa sikat ng araw ang
ginawang hukay?

Nakakatuwa at iyong natapos ang mga pagsasanay sa araling ito. Maaari mo


ng iwasto ang iyong mga kasagutan sa pahina ___
Ikaw ba ay nasiyahan sa resulta ng iyong pagsisikap?

PANAPOS NA PAGSUBOK

Ito ay ang huling pagsubok na kailangan mong sagutin. Huwag mag-alala at


sigurado na kayang-kaya mo itong sagutin.
Panuto: Lagyan na wastong bilang 1 - 5 ayon sa sunod sunod na hakbang sa
paggawa ng Compost Pit. Kopyahin at sagutan sa kuwadernong
sagutan.
_____ a. Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng tuyong damo, dahon, mga
balat ng prutas at gulay, at iba pa. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng
hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro.
_____ b. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong linggo.
Haluing mabuti. Pagkalipas ng dalawang buwan o mahigit pa ay
maaari na itong gamiting pataba.
_____ c. Humanap ng pantay at tuyo na lupa,may kalayuan sa bahay, at malayo
sa anumang anyong tubig. Gumawa ng hukay na may may 5 metro ang
lalim at 2 metro ang lapad.
_____ d. Patungan ito ng mga dumi ng hayop hanggang umabot ng 15
sentimetro ang kapal at lagyan muli ng lupa, abo o apog. Gawin nang
paulit-ulit hanggang mapuno ang hukay.
_____ e. Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa pamamagitan ng pagdidilig
araw-araw. Tiyaking hindi ito babahain sa panahon ng tag-ulan.

Kaunting-kaunti na lang matatapos mo na ang modyul na ito. Iwasto


ang iyong sagot tingnan sa huling pahina.

KARAGDAGANG GAWAIN:

Panuto: Isaisip ang natutuhang pamamaraan ng paggawa ng compost pit.


1. Hikayatin mo ang iyong kapitbahay na may bakanteng lote na gumawa ng
Compost Pit.
2. Ipaliwanag mo ang kahalagahan kung matututong gumawa ng sariling compost
pit.
Sa wakas narating mo na ang dulo ng aralin na ito. Binabati kita at
napagtagumpayan mo ang pagsasanay sa modyul na ito.
Maaaari mo ng gawin ang susunod na modyul.
SUSI SA PAGWAWASTO:

WEEK 2, DAY 2
Panimulang Pagsubok:

Ano-ano ang mga bagay na maaaring gawing organikong pataba gamit ang
compost pit?
_________________ ________________ __________________

___________________________________ __________________________________

Panapos na Pagsubok
1. Sa bakanteng lote na malayo sa bahay
at anyong tubig. a. 3

2. 2 metro lapad, 1 metro lalim b. 7

3. Diligin araw-araw c. 1

4. Pagkaraan ng 2 buwan o mahigit pa d. 4

5. Upang hindi mabuhay ang anumang e. 5


mikrobyo.

Sanggunian:
DLP Q2 Week 2 Day 1 and 2
Deped Division of Cabanatuan City
Learning Resource Management And Development System Pp. 11-13
WEEK 2 DAY3

SA MAG-AARAL

Magandang araw!
Pag-aaralan natin ang wastong pamamaraan sa paggawa ng
Abonong Organiko sa paraan ng Basket Composting.
Handa ka na ba?

LAYUNIN
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang…
Nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng
Abonong Organiko Gamit ang Basket Composting
EPP5AG -0b-4, CG p. 19
MELC 1.4.2
Bilang ng Araw: 1 araw

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:


Basahing muli ang usapan ng batang si Leo at Si Mang Lito tungkol sa
paggawa ng Basket Composting. Unawain ang nilalaman ng kanilang usapan.
Alamin mo kung ano-ano ang mga pamamaraan sa paggawa ng Basket
Composting.

Leo: Magandang umaga po, Mang Lito.


Mang Lito: Magandang umaga naman sa iyo. Ano ba ang maipaglilingkod ko
sa iyo?
Leo: Gusto ko pong malaman kung maaari pa ring gumawa ng Abonong
Organiko kahit wala kang sapat na lugar upang gumawa ng hukay.
Mang Lito: Oo naman. Ito’y sa pamamagitan ng Basket Composting. Isang
paraan din ito ng pagpapabulok ng mga basura pero sa sisidlan naman at hindi sa
hukay.
Leo: Ganon po pala. Maaari nyo po bang ituro sa akin kung ano-ano ang mga
hakbang na dapat sundin sa paggawa ng Basket Composting?
Mang Lito: Ah, madali lang yan. Sige, halika at makinig kang mabuti upang
malaman at maunawaan mo.

ALAMIN MO:

Mga Hakbang sa Paggawa ng Basket Composting

1. Maghanda ng isang sisidlan na may sapat na laki at haba. Ito ay maaaring


yari sa kahoy o yero na may isang metro ang lalim.

2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon, dayami,


mga balat ng prutas at gulay, dumi ng hayop at lupa tulad ng Compost Pit
hanggang sa mapuno ang lalagyan.
3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang
mabulok kaagad ang mga basura.

4.Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito
pamahayan ng langaw at iba pang peste

5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan upang
magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.
Mang Lito: Ayan! Ngayon, alam mo na ang paggawa ng Organikong Abono sa
paraan ng Basket Composting.
Leo: Opo, pero Kailan naman po pwedeng gamitin ito?
Mang Lito: Maaari nang gamiting pataba ang laman ng sisidlan pagkalipas ng
dalawang buwan o mahigit.
Leo: Ganon po pala. Maraming salamat po sa kaalaman na ibinahagi ninyo.
Ngayon alam ko na po kung paano gumawa ng Basket Composting.
Mang Lito: Walang anuman, Leo.

TANDAAN MO!

Ang Basket Composting ay isang paraan ng pagsasama-sama ng mga


nabubulok na basura upang gawing pataba. Ginagawa ito sa isang sisidlan, na
maaaring yari sa kahoy o yero at iba pang uri ng sisidlan.

Matapos mong malaman ang mga paraan sa paggawa ng Basket Composting,


handa ka na ba sa mga pagsasanay?

SUBUKIN MO!

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa sagutang kuwaderno ang
sagot.

1. Ano ang maaari mong gawin kung walang bakanteng lote at nais mong
gumawa ng Abonong Organiko?
2. Saan maaaring gumawa ng Basket Composting?
3. Bakit kailangang takpan ng dahon ng saging ang sisidlan?
4. Ano ang kailangan mong ilagay upang mas mabilis mabulok ang mga
basura?
5. Kailan maaaring gamitin ang pataba matapos gumawa ng Basket
Composting?
PAGSASANAY

Panuto: Iayos ang mga larawan sa ibaba ayon sa tamang pamamaraan sa


paggawa ng basket composting. Lagyan ng bilang 1 - 5.

a.______ b.______

a. ______

d.______

e.______

Nakakatuwa at iyong natapos ang mga pagsasanay sa araling ito. Maaari mo ng


iwasto ang iyong mga kasagutan sa pahina ___
Ikaw ba ay nasiyahan sa resulta ng iyong pagsisiskap?
SUSI SA PAGWAWASTO:

Pagsasanay #1: ( Subukin Mo)


1. Gumawa ng Basket Composting
2. Sa isang sisidlan na maaaring yari sa yero o kahoy
3. Upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste
4. Lagyan ng pasingawang kawayan upang mabulok kaagad ang mga basura.
5. Maaari ng gamitin ang pataba pagkalipas ng dalawang buwan o mahigit pa.

Pagsasanay #2:
a. 4
b. 3
c. 1
d. 5
e. 2

DLP Q2 Week 2 Day 3


Deped Division of Cabanatuan City
Learning Resource Management And Development System Pp. 11-13
https://www.ndtv.com/photos/news/5-simple-steps-to-turn-household-waste-into-
compost-24227#photo-298129
WEEK 2 DAY4

SA MAG-AARAL

Magandang araw!
Pag-aaralan nating muli ang mga pamamaraan sa paggawa ng
Abonong Organiko sa paraan ng Basket Composting.
Handa ka na ba?

LAYUNIN
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang…
Nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng
Abonong Organiko (Basket Composting)
EPP5AG -0b-4, CG p. 19
MELC 1.4.2
Bilang ng Araw: 1 araw

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:


Natatandaan nyo pa ba ang usapan ng batang si Leo at Si Mang Lito tungkol
sa paggawa ng Basket Composting.
Basahin at alamin mong muli kung ano-ano ang mga pamamaraan sa
paggawa ng Basket Composting upang makagawa ng sariling pataba sa halaman

Leo: Magandang umaga po, Mang Lito.


Mang Lito: Magandang umaga naman sa iyo. Ano ba ang maipaglilingkod ko
sa iyo?
Leo: Gusto ko pong malaman kung maaari pa ring gumawa ng Abonong
Organiko kahit wala kang sapat na lugar upang gumawa ng hukay.
Mang Lito: Oo naman. Ito’y sa pamamagitan ng Basket Composting. Isang
paraan din ito ng pagpapabulok ng mga basura pero sa sisidlan naman at hindi sa
hukay.
Leo: Ganon po pala. Maaari nyo po bang ituro sa akin kung ano-ano ang mga
hakbang na dapat sundin sa paggawa ng Basket Composting?
Mang Lito: Ah, madali lang yan. Sige, halika at makinig kang mabuti upang
malaman at maunawaan mo.

ALAMIN MO:

Balikan at isa-isahing muli ang mga Hakbang sa Paggawa ng Basket Composting

1. Maghanda ng isang sisidlan na may sapat na laki at haba. Ito ay maaaring


yari sa kahoy o yero na may isang metro ang lalim.

2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon, dayami,


mga balat ng prutas at gulay, dumi ng hayop at lupa tulad ng Compost Pit
hanggang sa mapuno ang lalagyan.
3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang
mabulok kaagad ang mga basura.

4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito
pamahayan ng langaw at iba pang peste

5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan upang
magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.
Mang Lito: Ayan! Ngayon, alam mo na ang paggawa ng Organikong Abono sa
paraan ng Basket Composting.
Leo: Opo, pero Kailan naman po pwedeng gamitin ito?
Mang Lito: Maaari nang gamiting pataba ang laman ng sisidlan pagkalipas ng
dalawang buwan o mahigit.
Leo: Ganon po pala. Maraming salamat po sa kaalaman na ibinahagi ninyo.
Ngayon alam ko na po kung paano gumawa ng Basket Composting.
Mang Lito: Walang anuman, Leo.

TANDAAN MO!

Ang Basket Composting ay isang paraan ng pagsasama-sama ng mga


nabubulok na basura upang gawing pataba. Ginagawa ito sa isang sisidlan, na
maaaring yari sa kahoy o yero at iba pang uri ng sisidlan.

Matapos mong malaman ang mga paraan sa paggawa ng Basket Composting,


handa ka na ba sa mga pagsasanay?

SUBUKIN MO!

Sa sariling pangungusap isa-isahin ang mga pamamaraan sa paggawa


ng basket composting. Maaari itong isulat sa sagutang kwaderno.
PAGSASANAY

Panuto: Iayos ang mga pangungusap sa kahon ayon sa tamang pamamaraan at


pagkakasunod-sunod sa paggawa ng Basket Composting .
tamang paraan ng paggawa ng Basket Composting. Lagyan ng bilang 1 -
5.
a._____Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan
upang mabulok kaagad ang mga basura.

b.______Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon,


dayami, mga balat ng prutas at gulay, dumi ng hayop at lupa tulad ng Compost
Pit hanggang sa mapuno ang lalagyan.

c. _____Maghanda ng isang sisidlan na may sapat na laki at haba. Ito ay


maaaring yari sa kahoy o yero na may isang metro ang lalim.

d._____Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan


upang magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang
buwan.

e.______Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang


hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste

Nakakatuwa at iyong natapos ang mga pagsasanay sa araling ito. Maaari mo ng


iwasto ang iyong mga kasagutan sa pahina ___
Ikaw ba ay nasiyahan sa resulta ng iyong pagsisiskap?
PANAPOS NA PAGSUBOK

Ito ay ang huling pagsubok na kailangan mong sagutin. Huwag mag-alala at


sigurado na kayang-kaya mo itong sagutin.

Panuto: Sa sariling pangungusap, Sagutan ang mga sumusunod ng tanong:


1. Ano-ano ang mga pamamaraan sa paggawa ng Basket Composting?
2. Paano inihahanda at ginagawa ang organikong pataba sa pamamaraang basket
composting?
3. Ano ang kahalagahan ng organikong pataba?

Kaunting-kaunti na lang matatapos mo na ang modyul na ito. Iwasto ang iyong


sagot sa pahina ___

KARAGDAGANG GAWAIN:

Panuto: Isaisip ang natutuhang paraan ng paggawa ng basket composting.


1. Humanap ng mga patapong bagay na maaaring gawing sisidlan ng pataba.
2. Isagawa ito ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pamamaraan sa paggawa ng
Basket Composting.
3. Ipaliwanag ang kahalagahan nito.

Sa wakas narating mo na ang dulo ng aralin na ito. Binabati kita at


napagtagumpayan mo ang pagsasanay sa modyul na ito.
Maaaari mo ng gawin ang susunod na modyul.
SUSI SA PAGWAWASTO:

Pagsasanay
a. 3
b. 2
c. 1
d. 5
e. 4

SUBUKIN MO
Ang mga inaasahang sagot ng mga bata ay iwawasto ng guro.

Panapos na Pagsubok:
Ang mga inaasahang sagot ng mga bata ay iwawasto ng guro.

DLP Q2 Week 2 Day 4


Deped Division of Cabanatuan City
Learning Resource Management And Development System Pp. 11-13
https://www.ndtv.com/photos/news/5-simple-steps-to-turn-household-waste-into-
compost-24227#photo-298129
WEEK 2 DAY 5

SA MAG-AARAL
Magandang araw!
Pag-aaralan natin ngayon ang mga pamamaraan ng pag-iingat sa paggawa
ng Abonong Organiko.
Handa ka na ba?

LAYUNIN
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang…
 Nasusunod ang mga pag-iingat sa paggawa ng Abonong
Organiko
EPP5AG -0b-4, CG p. 19
MELC 1.4.2
Bilang ng Araw: 1 araw

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:

Ang paggawa ng Abonong Organiko ay maganda sa lupa at sa halaman


sapagkat ito ay nakatutulong upang lumago at tumaba ang halaman. Narito ang
mga paraan ng pag-iingat na dapat sundin o tandaan sa paggawa ng Abonong
Organiko.
Mga pamamaraan sa pag-iingat sa paggawa ng Abonong Organiko
a. Gumamit ng mask habang gumagawa nang hindi malanghap ang
masamang amoy na nagmumula sa mga nabubulok na bagay.
b. Gumamit ng damit pantrabaho at bihisan pagkatapos gumawa.
c. Gumamit ng guwantes at maglagay ng takip sa bibig at ilong kung
gumagawa ng Abonong Organiko.
d. Hugasa nang mabuti ng kamay pagkatapos gumawa. Linisin ding
mabuti ang katawan na narumihan habang gumagawa.
e. Ituon ang pansin habang gumagawa ng Abonong Organiko.
f. Gumamit ng mga kagamitang nasa maayos na kondisyon sa paggawa
ng Abonong Organiko.
g. Gamitin nang buong ingat ang mga kagamitan sa paggawa ng
Abonong Organiko
h. Linisin ang mga kagamitan at itago sa ligtas na lugar.
TANDAAN MO!

Sa paggawa ng Abonong Organiko mahalagang sundin ang mga


pamamaraan sa pag-iingat sa paggawa nito.

Matapos mong malaman ang wastong mga pamamaraan sa paggawa ng


Abonong Organiko handa ka na ba sa mga pagsasanay?

SUBUKIN MO!
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa sagutang kuwaderno ang
sagot.
6. Bakit nararapat na magpalit ng damit pagkatapos gumawa ng abono?
7. Ano ang nararapat gawin sa mga kamay bago magsimula at pagkatapos
magtrabaho?
8. Bakit kailangang maglagay ng takip sa ilong at bibig habang gumagawa ng
abono?
9. Ano-ano ang mga pamamaraan ng pag-iingat na dapat gawin sa paggawa ng
Abonong Organiko?

PAGSASANAY #2
Panuto: Isulat ang Tama kung ang larawan ay nagpapakita ng wastong pag-iingat sa
paggawa ng Abonong Organiko at Mali kung hindi. Isulat ang tamanag sagot
sa sagutang kuwaderno.

a.______ b.______

Source: https://www.ecofarmingdaily.com/build- Source: https://themicrogardener.com/easy-diy-


soil/soil-inputs/fertilizers/homemade-fertilizers/ potting-mix-recipe/

c.______
Source: https://www.handyman.net.au/how-protect-
garden-tools-rust-and-corrosion
e.______

d.______
Source:https://www.gardeningknowhow.com/compos Source: https://www.handyman.net.au/how-protect-
ting/basics/starting-compost-pile.htm garden-tools-rust-and-corrosion
Nakakatuwa at iyong natapos ang mga pagsasanay sa araling ito. Maaari mo
nang iwasto ang iyong mga kasagutan sa pahina ___
Ikaw ba ay nasiyahan sa resulta ng iyong pagsisiskap?

PAGSASANAY #3

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang mga pamamaraan ng pag-iingat sa paggawa


ng Abonong Organiko. Itala ang sagot sa sagutang kuwaderno.

1.

2.

3.

4.

5.

PANAPOS NA PAGSUBOK

Ito ay ang huling pagsubok na kailangan mong sagutin. Huwag mag-alala at


sigurado na kayang-kaya mo itong sagutin.

Panuto: Lagyan ng ang puwang kung nagpapakita ng pagsunod sa


pamamaraan at ligtas na paggawa ng Abonong Organiko at kung
hindi.
_____ 1. Magsuot ng manipis na damit kung naghahanda ng mga pataba lalo na
kung ito’y kemikal.
_____ b. Hugasan ang kamay matapos gumawa.
_____ c. Kausapin ang mga kasama habang gumagawa at naghahanda ng
abono.
_____ d. Gumamit ng guwantes na kung naghahanda ng abono
_____ e. Maglagay ng takip sa ilog at bibig habang naghahanda at gumagawa
ng abono.
Kaunting-kaunti na lang matatapos mo na ang modyul na ito.
Iwasto ang iyong sagot sa pahina ___

KARAGDAGANG GAWAIN:

Panuto: Gumawa ng poster na nagpapakita ng wastong pag-iingat sa paggawa nga


Abonong Organiko.

Sa wakas narating mo na ang dulo ng aralin na ito. Binabati kita at


napagtagumpayan mo ang pagsasanay sa modyul na ito.
Maaari mo ng gawin ang susunod na modyul.

SUSI SA PAGWAWASTO:

Pagsasanay #1: (Mga inaasahang sagot)


1. Upang hindi dumikit ang masamang amoy at dumi sa katawan.
2. Maghugas ng mga kamay.
3. Upang hindi malanghap ang masamang amoy ng mga nabubulok na basura
na ginagawang abono.
4. Maghugas ng kamay pagkatapos gumawa, maglagay ng takip sa ilong at bibig,
at iba pa.

Pagsasanay #2:
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Tama
Pagsasanay #3: Panapos na Pagsubok
1. 1.
2.
2.
3.
3.
4.
4.
5.
5.

DLP Q2 Week 2 Day 4-5


https://imgix.bustle.com/uploads/image/2019/6/5/b123d03a-2374-4131-8bbf-
ad94a3f6bfdd-shutterstock_393130729.jpg
https://themicrogardener.com/wp-content/uploads/2012/01/Wear-protective-clothing-
gloves-mask-when-making-potting-mix-wm-600.jpg
https://www.gardendesign.com/pictures/images/400x320Exact_0x56/dream-team-s-
portland-garden_6/spade-hose-cleaning-garden-tool-shutterstock-com_13169.jpg
https://i.pinimg.com/originals/c6/8b/6e/c68b6e5507d64b1c1aeafc4c33e91c1f.jpg
https://www.theswitchers.eu/wp-content/uploads/2018/09/Compost-Baladi-is-helping-
businesses-and-individuals-across-Lebanon-to-manage-organic-waste-
1365x1024.jpeg
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.homedepot.com%2Fc
%2Fah%2Fhow-to-make-a-hanging-basket-
planter%2F9ba683603be9fa5395fab90a08af7b8&psig=AOvVaw2S8QY8AJ1G8Muf5
P0i_TQz&ust=1590537237259000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTC
PCCn5Cb0OkCFQAAAAAdAAAAABAE

You might also like