You are on page 1of 19

INDUSTRIYA SA SASAKYANG PANGHIMPAPAWID: ANG PAG-AARAL AT

SULIRANIN

Nasyonal

T.A. 2018-2019

Ipinasa ni:

Amon, Jemina Yvonne C.

Cajandoc, Trisha A.

Camacho, Sean Simon P.

Espillardo, Maritess Joy E.

Punazalan, Niña Rica V.

BSA 1-1

Ipinasa kay:

Diomedes E. Rodriguez

Septyembre 2018
I. PANIMULA

Ang eroplano ay isa sa mga transportasyon sa buong mundo na kapaki-

pakinabang siya sa pagpunta ng isang isla o bansa hanggang sa ibang

malalayong lugar, ganon din sa mga barko. Samantala, ito ay natatanging sa

lahat ng mga transportasyon nang nagbibigay ito ng mabilis na paglalakbay

at mahusay na benepisyo sa mga pasahero na gustong pumunta sa mga

ibang bansa, lalo na sa pangkasalukuyang panahon.

Simulan ng pinakaunang eroplano sa Amerika

Ang pagpasok ng eroplano sa Pilipinas ay noong panahon ng mga

Amerikano ngunit sa konsepto nito ay hindi katulad ng mga nakikita ng mga

tao sa kasalukuyang panahon, kumbaga ito ay isang protopito. Noong 1903,

sa Estados Unidos, ginawa ng mga Wright Brothers – sina Orville at Wilbur

Wright – ang Wright Flyer na gawa sa spruce wood, cotton cloth, at blokeng

makina na gawa sa aluminyum at tanso (Just the Facts, n.d.); nadagdagan ito

ng mga elise at ang pakpak ay naaabot sa higit 500 talampakang kuwadrado

(Smithsonian National Air and Space Museum, n.d.). Pagkatapos, nagkaroon

sila ng negosyo sa pagbebenta ng mga kanilang eroplano sa Europa at

kilalang-kilala na sila sa Estados Unidos (History, 2009).

Panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas

Nang pumasok ang mga Amerikano sa Pilipinas noong 1898, nadala nila

ang mga konsepto, ideya, tradisyon, at kultura nila sa bansa; lalo na ang mga

sasakyan at konsepto ng sasakyang panghimpapawid. Noong ika-21 ng

2
Pebrero 1911, sa selebrasyon ng 1911 Manila Carnival, ang mga eroplanong

Shriver’s Skylark na pinaandar ng piloto si Bud Mars at ang Red Devil biplane

na pinaandar ni Thomas Baldwin ay naging mga pinakaunang eroplano sa

kasaysayan ng abyasyon sa Pilipinas (Kyrell, 2016).

Noong 1930s, ang pamahalaan ay lumikha ng opisina sa ilalim ng

Kagawaran ng Komersyo at Komunikasyon (DCC), katwiran sa paghawak ng

mga eroplano sa bansa (WCC Aviation, n.d.). Sa parehong dekada, itinayo

ang pinakaunang commercial airline sa Pilipinas, ang Philippine Aerial Taxi

Company (PATCO); itinayo ang PATCO sa paraan ng mabilis na paglalakbay

at kargada, karaniwan sa Luzon at sa mga ibang isla katulad ng Cebu, Leyte,

at Mindanao – ngunit ang mga eroplano sa PATCO ay pangmaikling

paliparan lamang (Funding University, n.d.). Nang lumipas ng dekada, noong

1941, napalitan ito ng Philippine Airlines (PAL) na itinatag ng mga grupo ng

mga negosyante na namuno ni Andres Soriano, ang pangulo ng San Miguel

Brewery (Bob, n.d.). Lumawak ang serbisyo ng PAL sa mga iba’t ibang panig

ng bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kasalukuyan ng industriya ng himpapawid

Sa kasalukuyang panahon, ang pagtakbo ng industriya sa himpapawid ay

unti-unting umunlad habang nagbabago rin ang takbo ng mundo. Higit daang

eroplano ay mayroon sa Pilipinas na hinahawakan ng mga iba’t ibang airline.

Ang Cebu Pacific, Air Asia, Philippine Airlines, at Skyjet ay apat sa mga

pangunahing commercial airline sa bansa at sila ay parati nagkakaroon ng

3
mga paliparang internasyonal at nasyonal. Ayon sa Kagawaran ng Turismo,

higit mga 500,000 turista ay bumubisita sa Pilipinas noong Agosto 2016 at

ang mga turista ay nanggaling sa mga paliparan (WCC Aviation, n.d.).

Samantala sa 2017 naman, nagkaroon ng 24.4 milyong pasahero sa

internasyonal (CAPA, 2018).

Iba’t ibang ahensiya/organisasyon sa industriya ng himpapawid

May mga iba’t ibang ahensiya o organisasyon na umuukol sa

paghahawak sa abyasyong sibil.

 Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)

 Manila International Airport Authority (MIAA)

 Clark International Airport Corporation

 Civil Aeronautics Board (CAB)

 Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA)

 Philippine Aerospace Development Corporation (PADC)

Ang Pangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Pilipinas, o ang Civil Aviation of

the Philippines, ay responsibilidad nila na magpatupad ng mga polisiya ng

mga abyesyong sibil para magkaroon ng ligtas, matipid, at mahusay na

transportasyong panghimpapawid. Naitayo ito noong 2008 kasama siya sa

Batas Republika Blg. 9497 na napalitan ito ng pangalang Air Transportation

Office at namuno ito ng isang Tagapangasiwa-Heneral ng Abyesyong Sibil.

4
Iba’t ibang paliparan sa Pilipinas

Sa kasalukuyan, mayroong mga 85 kilalang paliparan sa Pilipinas;

Sampung (10) paliparang internasyonal, 35 paliparang lokal at 40 paliparang

komunidad (Silent Gardens, n.d.). Ang mga kilalang pinakamatrabahong

paliparan ay ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Mactan-Cebu

International Airport, Kalibo International Airport, Iloilo International Airport,

Puerto Princesa International Airport, at Francisco Bangoy International

Airport (FAQ, 2018).

Mga eroplano sa bansa

Ang mga eroplano sa Pilipinas ay binili sa mga internasyonal na

kumpanya katulad ng Boeing Commercial Airplanes at Airbus SE. Karamihan

sa mga eroplanong pinag-mamay-ari ng PAL, Cebu Pacific, at AirAsia ay mga

eroplanong Boeing 777, Airbus A320, at Airbus A330. Pagdating naman sa

bilang, mayroong 70 eroplano ang Philippine Airlines; 66 na eroplano sa

Cebu Pacific; at 21 eroplano sa Philippine AirAsia.

Sa bilis ng mga eroplano, ang Boeing 777-300ER ay umaabot sa 930

kilometro kada oras kapag nasa max cruising speed habang 900 kilometro

kada oras naman kapag nasa kanyang economical cruising speed (Baciu,

2010). Ang Airbus A320 ay umaabot ang kanyang maximum cruising speed

sa 903 kilometro kada oras habang ang kanyang economical cruising speed

ay nasa 840 kilometro kada oras (Airliners, n.d.). Ang Airbus A330-300

naman ay umaabot ang kanyang maximum cruising speed sa 880 kilometro

5
kada oras habang ang economical cruising speed ay umaabot sa 860

kilometro kada oras (Airliners, n.d.).

Ang mga piloto sa Pilipinas

Ipinagmamalaki ang mga Pilipino ang mga piloto sa bansa. Ayon

sa CAAP na nanggaling sa isang ulat nila Santos at Apolonio (2015),

mayroong 2,605 commercial pilot license-holders, 66 multi-crew pilots, at

4,074 student pilot license-holders. Ngunit sa kasalukuyang panahon, ang

industriya sa pangdaigdigang abyesyong komersyal ay nangagailangan ng

mga daang libong piloto upang masustinihan ito (ang industriya) (Wise,

2017). Dahil dito, naapekto rin ang industriyang abyesyon sa bansa nang

nangangailangan din mga bagong piloto sa bansa. Ayon naman sa WCC

Aviation Company (n.d.), na nangangailangan ng 498,000 na piloto sa buong

mundo sa susunod ng 20 taon.

6
II. SULIRANIN

1. Mahal na Gasolina ng Eroplano

Ang isa sa mga suliraning kinakaharap sa industriya ng eroplano ay

ang pagtaas ng presyo ng langis o gasolina. Ang isa sa mga eroplano ng

PAL na nagngangalang Boeing 777-300ER ay naglalaman ng 47,890 U.S.

gallon (181,280 litro). Ang bawat galon ay nagkakahalagang US$2.13

(₱115.14) ngayong buwan ng Setyembre taong 2018. Sa kabuuan,

gumagastos ang PAL ng 5,514,054.60 pesos para sa langis ng iisang

eroplano pa lamang. Bukod pa dito ang iba’t ibang eroplano sa kanilang

paliparan na may iba’t ibang kapasidad ng paglalagyan ng langis. Tunay

na sobrang laki ng ginagastos ng mga paliparan, ayon kay Jaime J.

Bautista, presidente ng PAL, magdadagdagan ang kanilang gastos ng

₱7.522 bilyon para sa taong 2018 dahil sa 17% pagtaas ng ng langis mula

nitong Enero hanggang Abril (Marasigan, 2017).

2. Kawalan ng kasiguradurang pang kaligtasan ng mga pasahero sa mga

paliparan.

Dahil na sa bawat araw na lumilipas maraming Pilipino ang nagtutungo

sa iba’t ibang bansa o lugar sa Pilipinas. Ang iba sa mga ito ay tinaguriang

mga bagong bayani o mas kilala sa tawag na Overseas Filipino Workers

(OFW) at ang iba naman ay ang mga turista na nais masaksihan ang

ganda ng tanawin sa bansa. Ang mga taong ito ay kadalasang sumasakay

sa panghimpapawid na sasakyan tulad na lamang ng eroplano. Maraming

tanyag na paliparan sa bansa tulad ng Clark Air Base sa Pampanga at

7
Ninoy Aquino International Airport o mas kilala sa bansag na NAIA na

matatagpuan sa Pasay City. Mababatid ang suliranin ng congestion sa

mga lugar na nabanggit. Sa kabilang banda nakataya ang kaligtasan ng

mga pasahero sa mga nasabing paliparan. Dahil ayon sa pag-uulat ng

UNTV News bagsak sa pagsusuri na inilabas ng International Air

Transport Association (IATA) taong 2015, hindi nakapasa ang Civil

Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport

Authority (MIAA) hinggil sa safety operational performance ng mga

eroplano sa mga paliparan na kanilang naman binabantayan at

pinangangalaga tulad ng NAIA (Jocson, Navales, 2015). Mapapansin

nitong mga nakaraang taon ang mga bilang ng kaso ng tanim bala na

nagaganap sa airport. Isa pa rito ang kakulangan ng mga airport

markings, signage at lighting na maaaring magdulot ng panganib sa mga

eroplano na lalapag sa mga paliparan. Gayundin naman ang kakulangan

ng espasyo na lalapagan ng mga eroplanong magta-take off.

3. Kawalan ng Koordinasyon ng mga Pribadong Airlines

Matapos ang aberya sa sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines,

ipinatawag na ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA

ang mga airlines na nagsagawa ng uncoordinated flights. Ayon kay Manila

International Airport Authority o MIAA General Manager Ed Monreal, isang

malaking katanungan rin sa kanila kung bakit hindi nagpaalam sa kanila

ang nasa 61 flights (Aguirre, 2018). Dapat lamang aniyang magpaliwanag

8
ang mga sangkot na airlines dahil nakadagdag sila sa kaguluhan sa NAIA

sa panahong libu-libong pasahero ang stranded.

Ikinabahala rin nina Senators Nancy Binay at Risa Hontiveros ang 61

recovery flights sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA ng walang

koordinasyon sa mga opisyal ng paliparan (RMN News, 2018). Kaduda-

duda at maanomalya para kay Senator Binay na makalusot ang ganun

karaming hindi otorisadong biyahe ng eroplano. Diin ni Senator Binay, ang

nabanggit na uncoordinated flights ay nagpapakita ng kahinaan at

pagkukulang sa mga protocols na ipinapatupad ng Department of

Transportation o DOTr at kinauukulang ahensya sa ating mga paliparan.

4. Trapiko sa Himpapawid

Ayon sa Mimir, mayroon tayong tinatawag na Air Traffic Control (ATC)

na nagbibigay ng mga serbisyo ng pagpapayo sa sasakyang

panghimpapawid na walang kontrol sa airspace kung saan ang

pangunahing layunin nito ay maiwasan ang mga banggaan, maisaayos at

mapadali ang daloy ng trapiko sa himpapawid, at magbigay ng

impormasyon at iba pang suporta para sa mga piloto. Ayon din sa Asian

Business Aviation Association (AsBAA), ang trapiko sa himpapawid ay isa

sa mga suliraning kinakaharap ng industriya ng mga sasakyang

panghimpapawid dulot ng kakulangan sa paggagawa ng mga

imprastraktura upang mas mapalawak ang mga masisikip na airlines

9
katulad na lamang ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na siyang

madalas na pinag-lalandingan ng mga ito.

Kaugnay nito ay ang ulat ni Quejada (2018), na kung saan sinasabing

sa buong airport mismo ay mayroon nang nararanasan na pang araw-

araw na kasikipan sa air traffic dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng

mga flights na nagmumula sa loob at labas ng NAIA kung saan dahil sa

walang sapat na espasyo na maaaring pag-landingan ng mga piloto ng

mga eroplano ay hinihintay muna ng mga ito ang impormasyon mula sa

ATC kung mayroon na bang sapat na espasyo upang makalanding na ang

eroplano.

5. Kakulangan sa pagpapagawa ng imprastraktura at paliparan

Kakulangan sa pagpapagawa ng imprastraktura ang sinasabing

dahilan sa pagbagsak ng isang pwesto ng Pilipnas sa ranking nito sa

World Competitiveness Yearbook ng Institute of Management

Development. Ayon kay University of Asia and the Pacific (UA&P) Prof.

Bernardo Vellegas, ilan sa nagpapababa ng kumpiyansa ay ang palpak na

mass transport system gayundin ang mapabilang ang bansa bilang 'one of

the worst airport in the world' (Ojero, 2016). Maraming pasahero ang

nagrereklamo dahil sa hindi maayos na mga pasilidad, sira-sirang upuan

at madalas na pagkasira ng aircon sa NAIA.

Mayroon lamang na 85 na paliparan sa bansa at kulang ito para sa

halos daan daan libong pasahero na bumabyahe kada araw. Bukod pa

10
rito, ang hindi maayos na pasilidad sa mga paliparan sa bansa ay sinasabi

ring nagiging dahilan ng pagbaba ng turismo sa bansa.

11
III. SOLUSYON

1. Mahal na gasolina ng eroplano

Ang mga solusyon na naisip ng PAL ay ang pagbebenta ng shares

ng mga shareholders at ang pagbubukas nila ng shares para sa mga

bagong mamumuhunan. Ayon naman sa presidente ng PAL na si Jaime J.

Bautista, papalawakin nila ang kanilang operasyon sa Clark para

mapadalas ang kanilang paggamit sa turboprop aircraft, na siyang matipid

sa paggamit ng gasolina. Pinagplanuhan din nila na maliliit na eroplano na

lamang ang gagamitin sa paglipad.

2. Kawalan ng kasiguradurang pang kaligtasan ng mga pasahero sa mga

paliparan.

Napakahalaga ng aspetong transportasyong panghimpapawid sa

bansang Pilipinas bunsod na rin ng pagkakaroon ng 7,107 na isla ng

bansa. Gayundin naman bunsod sa pagnanais ng mga Pilipinong

mangibang bayan upang makipagsapalaran roon. Kaya naman inihain ng

isang tanggapan ang kasunduan na naglalayon na magkaroon ng

rehabilitasyon ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon kay

Maribojoc ng UNTV News and Rescue, nagsumite na si Senador Grace

Poe ng kasunduan sa gobyerno na nagkakahalagang 350 bilyong piso

para sa pagpapalawak at pagsasaayos ng nasabing paliparan. Upang

maiwas ang traffic congestion sa NAIA at lalong higit na rin sa kaligtasan

ng mga pasahero. Isang mabisang paraan rin ay ang pagkakaroon ng iba

pang paliparan sa ibang panig ng bansa. Pagsasaayos ng mga

12
pamamaraan ng mga airline company na mag-abot ng serbisyo sa mga

pasahero at pagsunod ng mga ito sa mga patakaraan na ihahain ng

gobyerno sa pagsasaayos ng mga paliparan sa bansa.

3. Kawalan ng Koordinasyon ng ilang mga Pribadong Airlines

Isa sa sinasabing suliranin ng DOTr ay ang kawalan ng

koordinasyon ng ibang mga airlines na siyang naging sanhi nang lalong

paglala ng aberya sa NAIA. Bilang solusyon, nagpatawag ng isang

pagpupulong ang Manila International Airport Authority (MIAA) General

Manager na si Ed Monreal upang pagpaliwanagin ang mga sangkot na

airlines dahil nakadagdag sila sa kaguluhan sa naia sa panahong libu-

libong pasahero ang stranded. Bagaman hindi niya pinangalanan ang

mga sangkot na airlines ngunit pinaalalahanin niya ang mga ito na dapat

silang magplano at makipagkoordina sa mga nakataas at empleyado ng

NAIA. Sinabi rin niya na idudulog niya ito sa Civil Aeronautics Board

upang bigayang aksyon (Rappler, 2018).

4. Trapiko sa Himpapawid

Bilang solusyon sa trapiko sa himpapawid iminungkahi ng Asian

Business Aviation Association (AsBAA) kasama na ang Civil Aviation

Authority of the Philippines (CAAP) at ang Manila International Airport

Authority (MIAA), na nararapat lamang na ayusin ang mga industriyang

panghimpapawid. Sa katunayan, ipinakita nila ang mga kasalukuyang

maaaring solusyon dito na makakatulong sa pagpapahusay ng

13
pagpapatakbo ng paliparan, tulad na lamang pagtatayo ng communication

navigation surveillance and air traffic management system sa buong

bansa. Kaugnay nito, nagsumite na rin ang Ninoy Aquino International

Airport (NAIA) ng kanilang proposal sa gobyerno para sa rehabilitasyon at

pagpapalawak ng airport.

5. Kakulangan sa pagpapagawa ng imprastraktura at paliparan

Isinusulong ni House Committee on Transportation Chairman Rep.

Cesar Sarmiento ang pagkakaroon ng paliparan sa labas ng Metro

Manila. Ito ay kasunod ng aberya sa Ninoy Aquino International Airport

(NAIA) dahil sa pagsadsad ng Xiamen Airlines na nagdulot ng ilang araw

na pagka-stranded ng libu-libong pasahero sa NAIA Terminal 1 matapos

isara ang runway doon (Garcia, 2018). Kung kaya’t ang pinakapraktikal na

ideya umano dito ay magtayo ng bagong paliparan para mas mapadali at

maayos ang pagtanggap ng pasahero at maiwasan ang trapiko sa Metro

Manila.

Giit ni Sarmiento, dapat maging tulad sa ibang bansa tulad ng South

Korea at Japan airports na halos isang oras ang layo sa main city hindi

tulad dito sa Pilipinas na sentro ng siyudad. Paliwanag pa ni Sarmiento na

ang mga pasahero mula sa mga area ng North Luzon tulad ng Bulacan ay

maaari na sa Clark International Airport. Sinangayunan din ito ng Special

Assistant to the President Secretary Bong Go, sa pamamagitan ng mga

airports sa labas ng Metro Manila ay mas mababawasan pa ang

congestion sa NAIA.

14
IV. REKOMENDASYON

1. Para sa Pamahalaan

Mahalagang sangay ng industriya ng transportasyon ang mga sakayan

at sasakyang panghimpapawid. Hindi lang ito nagbibigay ng mabilis na

serbisyo, mahalagang papel din ang ginagampanan ng aspetong ito sa

paglalakbay patungo sa mga malalayong lugar at bansa. Kinakailangan

na maayos ang daloy ng bawat byahe na palabas at paloob ng bansa

para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero at trabahador ng mga airlines

at airport. Nararapat lamang na maganda ang bawat serbisyo ng mga ito

upang mas tangkilin ng mga manlalakbay ang kanilang negosyo at para

na rin maging sulit ang bayad ng mga Pilipino at dayuhan. Ang

pamahalaan ang unang dapat nagiging punong abala sa pagsasaayos ng

mga paliparan sa bansa. Kinakailangan magtagala ang gobyerno ng

pamunuan na magbibigay ng mas higit na atensyon sa mga paliparan.

Magkaroon sana ng mas maraming paliparan ng sa ngayon ay maiwasan

ang mga traffic congestion sa mga paliparan. Magkaroon ng mas maayos

na runway ang mga ito upang mas ligtas ang pagbaba o pag-landing ng

mga eroplano.

2. Para sa mga namumuno ng industriya

Dapat magkaroon ng mahusay na atensyon ng mga namumuno sa

industriya ang mga aktibidad o mga nangyayari sa loob ng industriya, lalo

na sa mga paliparan, eroplano, at serbisyo. Karamihan sa mga reklamo

ng mga pasahero ay ang hindi mabuting sebisyo at ang dagsa ng mga

15
stranded na pasahero na palibhasa ay nagkakaroon ng problema sa mga

dapat na sasakyan nilang eroplano. Dito rin ipopokus ng mga

administrasyon o tagapamahala ng mga estatrehiya at paraan nang

magkaroon ng maayos at ligtas na serbisyo para masiyahan ang mga

pasahero sa magiging karanasan nila sa pagsakay ng eroplano.

16
V. SANGGUNIAN

Airliners, n.d. “Airbus A320.” Airliners. https://www.airliners.net/aircraft-data/airbus-


a320/23

Airliners, n.d. “Airbus A330-300.” Airliners. https://www.airliners.net/aircraft-data/airbus-


a330-300/25

Aguirre, L. 22 Agosto 2018. “AIRLINES NA NAGSAGAWA NG ‘UNCOORDINATED


FLIGHTS’ IPINATAWAG NA NG MIAA.” DWIZ 882 AM.
http://www.dwiz882am.com/index.php/airlines-na-nagsagawa-ng-uncoordinated-flights-
ipinatawag-na-ng-miaa/

Baciu, J., 18 Abril 2010. “2004 Boeing 777-300ER.” TopSpeed.


https://www.topspeed.com/aviation/aviation-reviews/boeing/2004-boeing-777-300er-
ar88099.html

Bob. n.d. "The Philippines First Commercial Air Line – PATCO (Philippine Aerial Taxi
Company) 'The Mile High Line' (1930's)." Bob's Blog. http://bobblume.com/the-
philippines-first-commercial-air-line-patco-philippine-aerial-taxi-company-the-mile-high-
line-1930s/

CAPA. 27 May 2018. "Philippines international aviation market: booming passenger


growth." CAPA – Center for Aviation.
https://centreforaviation.com/analysis/reports/philippines-international-aviation-market-
booming-passenger-growth-410102

FAQ. 10 April 2018. "Top 10 Busiest Airports in the Philippines." FAQ.ph.


https://faq.ph/top-10-busiest-airports-in-the-philippines/

Funding Universe. n.d. "Philippine Airlines, Inc. History." Funding University.


http://www.fundinguniverse.com/company-histories/philippine-airlines-inc-history/

Garcia, G. 20 Agosto 2018. "Airport sa labas ng MM isinulong." Philippine Star.


https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/08/20/1844255/airport-sa-
labas-ng-mm-isinulong

17
History. 6 Nobyembre 2009. "Wright Brothers." History.
https://www.history.com/topics/inventions/wright-brothers

Jocson, M. at Navales, R. 28 Enero 2015. "CAAP at MIAA, bagsak sa safety


assessment ng International Air Transport Association." UNTV News & Rescue.
https://www.untvweb.com/news/caap-at-miaa-bagsak-sa-safety-assessment-ng-
international-air-transport-association/

Just the Facts. n.d. "1903 Wright Flyer." Just the Facts http://www.wright-
brothers.org/Information_Desk/Just_the_Facts/Airplanes/Flyer_I.htm

Kyrell. 15 Hunyo 2016. "10 Fascinating Firsts in Philippine History." FilipiKnow.


https://filipiknow.net/ten-fascinating-firsts-in-philippine-history/

Marasigan, L. S. 31 Mayo 2018. "PAL may incur $143-million more expenses due to
higher jet-fuel prices, weak peso." Business Mirror. https://businessmirror.com.ph/pal-
may-incur-143-million-more-expenses-due-to-higher-jet-fuel-prices-weak-peso/

Ojero, R., II. 31 Mayo 2016. "Kulang sa imprastraktura, kaya bagsak ang Pilipinas sa
ranking ng WCY." Veritas. https://www.veritas846.ph/kulang-sa-imprastraktura-kaya-
bagsak-ang-pilipinas-sa-ranking-ng-wcy/

Quejada, B.M. 2 Oktubre 2018. “Dutdutan sa NAIA T2.” Pang-Masa.


https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2018/10/02/1856489/dutdutan-sa-naia-t2

Rappler. 19 Agosto 2018. “'Lack of coordination' of some airlines worsened NAIA


delays.” Rappler. https://www.rappler.com/nation/209920-airlines-lack-coordination-naia-
flight-delays

RMN News. 23 Agosto 2018. “61 ‘uncoordinated’ flights sa NAIA, ikinabahala.” RMN
News Nationwide: The Sound of the Nation. https://rmn.ph/61-uncoordinated-flights-sa-
naia-ikinabahala/

Santos, R. C. at Apolonio, E. B., 16 Hulyo 2015. “Filipina pilots take to the skies.” Manila
Standard. http://manilastandard.net/news/top-stories/182363/filipina-pilots-take-to-the-
skies.html

Silent Gardens, n.d. “All Airports in the Philippines.” Silent Gardens. https://www.silent-
gardens.com/air-domestic.php

18
Smithsonian National Air and Space Museum. n.d. "Designing the Flyer." Smithsonian
National Air and Space Museum. https://airandspace.si.edu/exhibitions/wright-
brothers/online/fly/1903/designing.cfm

WCC Aviation. n.d. "An Overview of the Airline Industry in the Philippines." WCC
Aviation Company. http://www.wccaviation.com/overview-airline-industry-philippines/

WCC Aviation Company, n.d. “Why Filipino Pilots Get Top Priority in Airline Companies.”
WCC Aviation Company. http://www.wccaviation.com/why-filipino-pilots-get-top-priority-
in-airline-companies/

Wise, A., 21 Hulyo 2017. “Shortage of pilots could hinder growth of airlines.” Manila
Bulletin. https://business.mb.com.ph/2017/06/21/shortage-of-pilots-could-hinder-growth-
of-airlines/

Zhang, B. 17 Hulyo 2018. "Business Insider." RANKED: The 20 best airlines in the
world. https://www.businessinsider.com/best-airlines-in-the-world-2018-skytrax-2018-7

https://www.indexmundi.com/commodities/?commodity=jet-fuel

https://mimirbook.com/tl/1a14bdf846e

https://www.planespotters.net/airline/Philippine-Airlines

https://www.planespotters.net/airline/CEBU-Pacific-Air

https://www.planespotters.net/airline/Philippines-AirAsia

19

You might also like