You are on page 1of 7

Paghahambing at pagkokontrast

Mga seaman may kanya-kanyang raket sa barko


BUHAY OFW (Pang-Masa) | Updated April 17, 2016 - 12:00am
0 0 googleplus0 0
Likas sa Pinoy ang pagiging masipag na ipinapakita ito kahit saan lupalop pa ng
mundo dalhin ng kanilang mga paa sa kani-kanilang trabaho.
Lahat ng magagandang pagkakataon na pagkakakitaan ay papasukin lalot magbibigay
ito ng extra income na dagdag sa ipapadala sa kanilang mga pamilya.
Isang halimbawa ang mga seamen nating kababayan na kahit pa matataas ang
posisyon bilang chef o engineer sa barko ay nagagawa pang magkaroon ng sideline.
Kung ang ibang lahi na walang oras na linisin ang kanilang cabin, Pinoy pa mismo ang
nag-aalok na gawin ito para sa kasama nila sa barko. Sa simpleng tip na bayad kapalit
ng paglilinis ng kuwarto ng ibang lahi ay pinapatos ito ng mga Pinoy.
Malaking bagay na ang one dollar na ibinabayad sa kanila. Wais ang mga Pinoy dahil
ang mga naipong tips din ang pangdagdag na pangpasalubong nila sa kanilang mga
pamilya at ibang kaibigan bilang pagbabahagi rin ng blessings sa iba.

Sanhi at bunga
ANG PILIPINONG MARINO
Ang mga mahuhusay na marino sa Pilipinas ang dahilan kaya patuloy na dumarami ang
tinatanggap sa ibat ibang kumpanya sa buong mundo. Malaki ang naitutulong ng
reputasyong pinapakita ng mga magagaling at mahuhusay na Pilipinong marinong
ginagampanan nang mabuti ang kanilang trabaho sa barko para mas dumami pa ang
mga nagtitiwala sa bansang Pilipinas.
Marami ang mahusay na marino, kasi inaalam nila ang responsibilidad nila sa barko
mapa-kubyerta, makinista, o kusinero ka man, ang bawat isa ay mahalaga para
magkaroon ng maayos na samahan at pamamahala sa barko. Dahil sa magandang
pakikisama ng bawat isa ay nagkakaroon sila ng maayos na relasyon at nakakatulong
ito sa pag-uinlad ng kanilang kaalaman sa barko.

Problema at solusyon

Solusyon laban sa oil spills


SAPOL Ni Jarius Bondoc | Updated January 28, 2008 - 12:00am
0 2 googleplus0 0

BUONG mundo ang nalulunod sa malimit na oil spills sa karagatan. Sa dami ng oil tankers na bumibiyahe sa lahat ng
sulok ng daigdig, malaki ang tyansa na isa sa kanila ang sumadsad o mabunggo, at magsuka ng tone-toneladang
krudo na nagwawasak ng kalikasan. Kaya simula Abril 2008 ilalatag ng International Maritime Organization ang
patakaran: Lahat ng oil tankers ay dapat double hull na. Ang magpapatupad ng ruling sa Pilipinas ay ang Maritime
Industry Authority, sa pamamagitan ng Memo Circular 2007-001 noon pang Enero 2007.
Sa Pilipinas nito lang nakaraang taon, tatlong oil spill ang naganap sa Semirara (Antique), Guimaras (Iloilo), at
Ozamis (Misamis Occidental). Bilyon-pisong halaga ng laman dagat at tourist spots ang napinsala. Hindi matakpan
ng multa na mga ship owners ang pagkalugi ng mangingisda at resort operators. Kaya napapanahon ang pagbago
sa double hull tankers. Ngayon pa lang, sinasabihan na ng Petron, Shell at Chevron ang kanilang tanker contractors
na mag-double hull vessels na.
Ang hull ay ang pinaka-katawan ng barko. Kapag doble ito, merong dalawang protective layer: Ang water-tight steel
body sa labas, at ang dagdag pang bakal sa loob bilang backup kung sakaling bumigay o nabutas ang una. Hindi na
papasukin ng tubig-dagat o tatagas ang kargang krudo kapag double hull na.
Mahal magpa-convert ng single hull tungo sa double hull: Umaabot sa $12-15 milyon para sa 5,000-ton tanker.
Kung brand-new double hull, mahigit $35 milyon ang presyo.
Natural may mga ship owners na umaangal. Pinade-delay nila ang deadline sa pagbago sa double hull. Imbis na sa
Abril, saka na lang daw.
Pero hindi ito maaari. International ang deadline; kapag sumuway ang Pilipinas, maba-blacklist ito sa international
shipping. Walang choice ang tanker owners kundi sumunod sa patakaran. Kung hindi, baka wala silang makuhang
negosyo mula sa oil companies. Archipelago ang Pilipinas, kahiya-hiya sa mundo kung tayo pa ang hindi makatupad.

A ng Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman


sa Panahon ng Globalisasyon sa Industriya ng Pagbabarko
Joanne V. Manzano
UP Integrated School
Ang Globalisasyon ng Industriya ng Pagbabarko
Kasabay ng pagdami ng mga migranteng nakabase sa lupa ay lalaki rin ang
bilang ng mga sea-based na
OFW. Naging posible ito noong dekada 70 dahil sa sistemang Flags of
Convenience (FOC) kung
saan nagpaparehistro ang may-ari ng barko sa mga bansang may kaluwagan
ang patakaran sa mga
batas paggawa.
1

Sa ilalim ng sistemang ito ay pinapayagan ang magrekrut ng mga seaman


saan mang
panig ng daigdig. Sa panahong ito lumobo ang bilang ng mga multinational
crew
2
sa mga barko.
Tumaas din ang bilang ng mga Pilipinong seaman na sumasakay sa mga
international vessels.
3
Sa taong
2000 ay umaabot na sa 200,000 o 20% ng kabuuang seaman sa buong
daigdig ang nanggagaling sa
Pilipinas.
4
Hanggang sa kasalukuyan ang Pilipinas pa rin ang nagpapadala ng
pinakamaraming seaman
sa buong daigdig.
5
Sa panahong ito nagsimula ang tinatawag na rebolusyong teknolohikal sa
mga inuupahang barko
naging mas malaki at mas abante ang mga barkong panlayag. Sa pagsasara
ng Suez Canal ay ginamit
ng mga barko ang Cape of Good Hope na mas maluwang na daanan para sa
mga sasakyang
pandagat. Nangailangan din ang mga kumpanya ng mas malalaking barko
dahil sa pagtaas ng
demand sa economies of scale o maramihang produksyon na kailangang
itransport. Ang dating
itinuturing na mga supertanker na may bigat na 28,000 DWT (deadweight
tonnage) noong dekada 50 ay
napalitan ng 250,000 500,000 DWT VLCC (very large crude carriers) na
supertanker noong dekada 70
bilang tagadala ng mga gasolina.

Pagtukoy sa layunin ng teksto


Ang Buhay Marino.
sa panahon ngayon, maraming kabataan ang piniling tahakin ang landas ng
pagbabarko,sa kadahilanang nais nilang umahon sa hirap at abutin ang

kanilang mga pangarap. inakala nilana ang buhay sa barko ay masaya at


madali. marahil ay isa na ako sa mga kabataang iyon, peroni minsan hindi
pumasok sa isip ko ang magsisi. pinili ko ang kursong ito ng may ganap na
pag-unawa sa mga alon na dapat kong salubungin sa landas na aking nais
tahakin.
Hindi madali ang isang buhay Marino,
-ayon kay Shalnark from Marikina
Ibat iba ang pananaw ng tao sa pagbabarko, nais ko sanang ibahagi ang
aking panigtungkol sa larangang tinatawag nilang, larangan ng
pagbabarko.hindi maubos ang aking galak, ng una akong sumampa sa barko,
hindi maubos ang tuwana aking nadarama, sa ganda ng makukulay na
tanawin na aking napagmamasdan habangnaglalayag. unti-unti, ang oras ay
nagdaan, hindi ko na namalayan, na unti-unti na ring nauuposang apoy na
naglagablab ng unang beses akong makasampa sa barko. walang trabahong
madali,pero di ko rin namang masabi na mahirap na mahirap ang trabaho sa
barko. kung tutuusin, paulit-ulit lang ang trabaho dito, nakakabagot lang at
nakakasawa. sabi nila ang numero uno mongkalaban sa barko, ay ang
lungkot. pero para sakin, nalulungkot ka, dahil pinili mong magingmalungkot.
ika nga nila "ang buhay ay idinidikta ng kung ano ang gusto mo at hindi ng
kung anoang gusto ng iba para sayo". pinili kong maging masaya, inisip ko
na lang na ang mga taongkasama ko dito ay ang bago kong pamilya. Andyan
si maestro amo, siya ang gumagabay sa akinsa kubyerta, maituturing
pangalawang ama, parehas din sila ng kaarawan ng aking ama. andyansi
mayor (ma-yor not may-or) na nagsisilbing parang ina, naghahanda ng
masasarap na pagkainupang bigyang lakas ang bawat myembro ng pamilya
na makapagtrabaho ng mabuti sa kubyerta.andyan ang mga a/b at o/s na
nagsisilbing mga kuya na gumagabay din sa araw araw napamumuhay sa
loob ng barko, nariyan din si messman na nagsisilbing kaibigan, nariyan ang
mgaopisyal na nagsisilbing guro. at nariyan ang kapitan na nagsisilbing
batas upang mapanatili angkaayusan. isang malaking pamilyang maituturin
ang mga tauhang bumubuo sa buhay sa loob ngbarko.

Pagkilala sa damdamin,tono, at pananaw, ng teksto


Umakyat na sa 24 pasahero ang natagpuang patay, habang bumaba naman sa 217
mula sa 274 ang nawawala kaugnay sa nangyaring banggaan ng dalawang barko sa
Talisay, Cebu Biyernes ng gabi.
Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) alas
siyete ng umaga ng Sabado, nasa 24 na ang kumpirmadong patay.

Samantala, nagsanib pwersa naman ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine
Navy (PN) sa paghahanap sa mga nawawalang pasahero ng pampasaherong barko ng
2Go na MV St. Thomas Aquinas.
Ayon sa report ng NDRRMC, naglalayag papuntang Cebu City, galing sa Butuan City,
ang pampasaherong nang bumangga ito sa cargo ship na MC Sulpicio Express 7 sa may
Lawis Ledge, Talisay City bandang 9:03 p.m. ng Biyernes.
Ayon naman kay Rear Admiral Luis Tuazon, PCG Officer-in-Charge, malaki ang butas sa
bandang kanan ng St. Thomas Aquinas, kung saan bumangga ang cargo vessel, na
maaaring naging sanhi nang paglubog nito makalipas lamang umano ang sampung
minute. Tinataya naman na nasa 33 hanggang 35 metro o 140 talampakan ang lalim ng
nilubugan ng barko na kalahating milya naman ang layo sa baybayin.
Ang MV St. Thomas Aquinas ay may sakay na 118 crewmembers at 752 pasahero,
kabilang na ang 55 sanggol, habang ang cargo vessel naman ay may 38 crewmembers.
Sinabi naman ng NDRRMC na ang mga na-rescue at sugatang pasahero ay binigyan ng
paunang lunas ng mga health workers at lokal na pamahalaan, habang ang
administrasyon ng 2Go Shipping Lines ay nagtayo ng passenger assistance center kung
saan nagpapamahagi sila ng tulong sa kanilang mga pasahero. Dinala rin umano nila sa
hotel ang mga na-rescue na pasahero at ang iba ay dinala sa mga ospital.
Samantala, nagsisimula nang lumabas ang langis sa barko ng St. Thomas Aquinas na
pinapangambahang magdudulot ng malaking oil spill sa lugar. Nagsasagawa na rin ng
imbestigasyon ang PCG at iniimbestigahan na ang kapitan ng naturang barko kung ito
ba ang maaaring magiging responsable sa naturang banggaan.
Sinabi naman ni Tuazon na maaaring makipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard ang
mga kamag-anak ng mga pasaherong nadamay kaugnay sa insidente kung nakaligtas
ba o hindi ang mga ito. (PTVNews)

Pagkilatis sa katotohanan at opinion


Marino isang propesyon na ikinabubuhay ng isang nilalang. Isang propesyon na laganap na sa
buong mundo.Anu ba ang buhay ng isang marino? Anu ba ang propesyon na ito?
Buhay marino ay sadyang napakahirap , kung ikukumpara sa ilang propesyon sa panahon
ngayon. Dito sa propesyong ito, mabubuhay ka kung saan , para kang isang bilanggo. Wala kang
masisilayan , kungdi ang mga tala sa pagsapit ng kalaliman at katahimikan ng gabi, at ang asul
na kulay ng karagatan naman sa pag halik ng bukang liwayway.kung si kristo ay namahinga sa
ikat pitong araw ng kanyang pasakit, sa klaseng ng propesyong ito , dito walang araw ng
pahinga. Dito masusubukan ang tatag ng katawan, ng isipan , at ang tibay ng iyong kalooban.
Tulad ko, isa akong marino. Dito ko naranasan sa mundo ito kung paano humarap ng mga
pagsubok na mag isa lang, kung paano labanan ang lahat ng panahon o ang mga sandali na
parang di ko na matatanaw pa ang pag putok ng araw sa dakong silangan. Dito ko din naranasan
na kahit may nararamdaman kana, kailangan mong kumayod dahil tawag ng pagkakataon. Dito
ko din naranasan ang matakot sa bawat hamon ng kalikasan, ang mga galit na ipinadadama nito
sa mga tao. Mahirap , pero kailangan mong paglabanan ang lahat ng ikaw lamang. Para kang
isang bilanggo na wala ka naman kasalanan. Ang mamuhay na mag isa at walang karamay. Ang
bawat ngiti mo, sa mga sandaling bughaw ng kulay ng kalangitan , ay syang din luha mo sa
panahon ng tag-ulan at makulimlim ang kapaligiran.
Gaano kahirap ang nararamdaman mo pag humalik ang mga luha sa pisngi, kung saan ay
nakahimlay ka sa isang malambot na himalayan? Minsan, hindi mo namamalayan ang pagpatak
ng tubig mula sa mapupungay mong mata, sa harap ng hapag kainan. Sa panahon kung saan , ang
mga bagay na nagsisilbing buhay sayo at iyong gabay, ay naman unti-unti na sayo ay pumapatay.
Sapagkat sa panahon na wala kang karamay ay sya din panahon kung saan ang mundo ay
napakadilim. Nababalot ng maitim na ulap ang kalangitan at nagkukubli ang ning-ning ng araw,
naghuhudyat na pagluha ng langit.

Yan ang buhay ng isang marino, punong- puno ng lungkot, hinagpis at pasakit. Lungkot,
nadarama mo sa panahon ng tag-lagas, at mga sandali na wala kang karamay na parang nag iisa
ka lang sa mundo na lumalaban. Hinagpis, dumadahoyhoy sa iyong puso at isipan sa mga
sandaling nararamdaman ang awa sa sarili. Pasakit, pag sasakripisyo para mga nilalang na
sumasandal sayo , at ikaw ang pumapasan ng daigdig para sa mga ito.

You might also like