You are on page 1of 2

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may mayaman na ekolohiya.

Kilala rin ang Pilipinas


bilang isang arkipelago o isang bansa na maraming nakapaloob na isla kung saan ang Pilipinas
ay may humigit kumulang na 7,107 pulo at isla. Isa rin sa mga yaman ng Pilipinas ay ang
pagiging sagana nito sa yamang dagat— klase-klaseng uri ng isda, coral reefs, at mga iba pang
species ng hayop sa dagat. Ayon sa napanuod kong dokumentaryo ni Ginoong Atom Araullo na
may pamagat na “Philippine Seas”, ang Pilipinas ay tinaguriang pinakasentro ng may
pinakamalaking export ng isda sa buong mundo. At kung sakali man na magkaroon ng
pagkaubos ng isda o pagbagsak ng bilang ng ibinebentang isda sa world market ay maaaring
maapektuhan ang buong mundo dahil dito.

Maraming mga magagandang tanawing dagat ang Pilipinas, katulad na lamang sa Negros
Occidental na kung saan makikita ang mga dolphins na malayang lumalangoy at namumuhay sa
karagatan. Ipinagbabawal din ang paglangoy kasama nila upang maipreserba ang kanilang
pamumuhay bilang mga hayop na nakatira sa karagatan. Ang sumunod naman ay ang lungsod ng
General Santos kung saan binansagan itong “Tuna Capital of the Philippines” dahil ito ang may
pinakamaraming nailalabas na produkto ng Tuna mula sa Pilipinas papuntang Japan, South
Korea at pati na rin sa ibang bansa. Ang sumunod naman na isa sa mga natatanging specie ng
isda sa Pilipinas— ang dugong sa Palawan. Napakahigpit ang proseso upang makita sila dahil sa
mga tinatawag na “bantay-dugong” o ang mga taga Tagbanwa Tribe upang protektahan ito. Ang
dugong ay makikita lamang sa Pilipinas kung saan nagmula ang mga kwentong-bayan patungkol
sa mga sirena. At dahil dito, marami ang humuhuli sa mga dugong kung kaya’t napabilang na ito
sa mga critically endangered species. Isa rin sa mga natatanging yamang dagat ng Pilipinas ay
ang mga pawikan o mas kilala bilang Philippine Sea Turtle na kung saan ay makikita sa
Palawan. Hindi maipagkakaila na ang gandang ito ay maging rason upang dayuhan siya ng mga
banyaga na kung saan ay mayroon ding masamang dulot sa buong karagatan ng bansa.

Isa sa mga tinukoy na rason ng pagkasira ng mga yamang dagat natin ay ang mga
dayuhan na pilit na hinuhuli ang mga ito sa illegal na pamamaraan. Ang pagpatay ng mga
pawikan para lamang gawing palamuti sa kanilang tahanan; pagpatay sa mga pating o pagtanggal
ng kanilang mga palikpik upang gawing sabaw sa mga kainan sa Tsina. Isa rin sa mga dahilan ng
pagkaubos ng produksyon ng tuna ay dahil sa demand nito sa world market kung saan dumarami
ang kumukunsumo nito kung kaya’t nauubusan. At dahil din dito, nagsusumikap ang mga
mananagat ng Pilipinas na pumalaot sa mga lugar na hindi na sakop ng Pilipinas kaya nahuhuli
sila at nakukulong sa ibang bansa.

Natukoy din dito na hindi lamang mga dayuhan ang may responsibilidad sa pagkasira ng
ating yamang dagat, kundi pati na rin ang sarili nating mga kababayan. Isa sa mga nakikitang
pagkasira nito ay ang mga gumagamit ng dinamita at cyanide sa panghuhuli ng isda kung saan
nakakasira ito ng mga coral reefs kung saan nagpaparami ang mga isda. Isa rin sa dapat bigyang
pansin ang mga basura natin na napupunta sa dagat kung saan ang Pilipinas umano ang
pumangatlo sa buong mundo bilang isa sa mga may pinakamaraming basura na napupunta sa
dagat.

Kahit gaano pa kaganda ang ating karagatan at kahit gaano pa kayaman ang ating
karagatan, atin dapat tatandaan na ipreserba ito dahil ito ay isa sa mga tutulong sa ating
mamamayan at sa ating bansa. Pahalagahan ang bawat buhay sa karagatan lalo na ang kanilang
mga tirahan upang mapreserba ito at mapanatili ang ganda ng ating ekolohiya upang masagana
pa ito ng mga susunod pang mga henerasyon.

You might also like