You are on page 1of 1

Buwaya sa Dagat, Sumusobra na

Hindi na mawawala sa ating lipunan ang mga buwaya. Mga buwaya na hindi marunong
makuntento kung anong meron sila. Pati teritoryo ng iba sinasakop nila.

Ilang taon na ang nakalipas nang magsimula ang kontrobersiyal na isyu tungkol sa agawan ng
teritoryo sa West Philippine Sea na hangang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng solusyon.

Ang Scarbrough ay isang mahalagang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas. Ito ay mayaman sa likas na
yaman tulad ng langis, gas, at iba pang mineral. Ngunit, ang mga tsino ay patuloy pa rin sa pang-aangkin
dito.

Ang mga insidente ng pagbabanta at panghaharas sa mga Pilipinong mangingisda ay


nagpapakita ng kawalan ng respeto at paglabag sa karapatang pantao. Ito rin ay nagdududlot ng
panganib at pagkabahala hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa mga karatig na bansa.

Sumosobra na talaga ang mga buwaya sa dagat. Sa kanilang pagiging sakim, hindi na nila
isinaalang-alang ang karapatan ng Pilipinas at ng ating mga mangingisda na makinabang sa mga yamang
dagat na maaring makuha sa lugar na ito.

Kaya dapat tayong manindigan at ipaglaban ang ating karapatan sa Scarborough. Hindi dapat
tayo magpatalo sa pang-aapi at pang-aabuso ng ibang bansa.

Lagi ring tandaan na huwag maging sakim sa teritoryo at matutong makuntento kung anong
meron tayo.

You might also like