You are on page 1of 1

Isang Daang Pulo (Alamat ng Hundred Island)

Noong unang panahon, ang Alaminos ay kilala bilang isang maasensong bayan. Sagana
ang bayan sa mga likas na yamang dagat. Ang mga mangingisda ay tuwang-tuwa sa
dami ng kanilang nahuhuli sa araw-araw. Maski ilang oras pa lamang sila pumapalaot
ay tiyak silang babalik sa pampang na puno ng huli ng iba’t-ibang klase ng isda.

Isang diwata ang nakatira sa karagatan ng Alaminos. Ayon sa mga matatanda may isang
perlas ang diwata na siyang nagbibigay ng magandang huli sa mga mangingisda.
Inatasan ng diwata ang kanyang nag-iisang anak na si Liglioa na maging tagabantay sa
nasabing perlas. Di tulad ng kanyang ina, si Liglioa ay may dugong mortal kung kaya’t
siya ay nakatira sa isang kubo malapit sa pampang at nakikihalubilo sa taombayan.
Mahal na mahal ng mga taombayan si Liglioa hindi lamang dahil sa siya ang bantay ng
perlas kundi pati na rin dahil mabait at matulungin ang dalaga.

Nalaman ng kabilang bayan ang dahilan ng likas na yamang dagat ng Alaminos. Naiingit
sila at sa pamumuno ni Datu Masubeg ay nagpasya silang dakpin si Liglioa at itago sa
kanilang bayan. Nakakasiguro silang ibibigay ng diwata ang perlas kapag nakita nitong
hawak nila ang kanyang anak. Sa ganoon, ang bayan din naman nila ang magkararanas
ng masaganang huli.

Ngunit bago pa man makalapit ng pampang ang mga taga-ibayo ay tinipon na ni Datu
Mabiskeg ang mga mahuhusay na mandirigma ng Alaminos upang ipagtanggol si
Liglioa. Nagkaroon nga ng digmaan sa karagatan ng Alaminos. Maraming mga
mandirigma ang namatay mula sa parehas na kampo.

Nagmakaawa si Liglioa sa kanyang diwatang ina na gumawa ng paraan upang matigil na


madugong digmaan. Hiniling niya sa kanyang ina na gumawa na lamang ng isa pang
perlas para sa kabilang bayan upang hindi na nila asamin ang perlas ng Alaminos.

Ngunit umiling ang diwata. Hindi na raw ito makakagawa ng isa pang perlas. Paliwanag
ng kanyang ina na ang tunay na perlas na nagbibigay ng masaganang huli sa taombayan
ng Alaminos ay walang iba kundi ang nag-iisa nitong anak- si Liglioa.

Nang marinig ni Liglioa ang sinabi ng ina ay napa-isip ito ng mabisang paraan upang
matigil na ang awayan. Nagsalita ang dalaga at hiniling nito sa kanyang ina na siya ay
pumalaot na lamang at magtago sa ilalim ng dagat upang sa ganoon ay walang sinoman
ang makakakuha ng perlas. Pumayag ang diwata sa nais ng dalaga. Mas magiging ligtas
para sa lahat ang naisip na paraan ng dalaga.

Samantala ang mga patay na mandirigma na palutang-lutang sa karagatan ay unti-


unting naging mga pulo. Halos isandaan ang mga nasawi sa nasabing digmaan para sa
perlas na nagdudulot ng masaganang huli. Ito ngayon ang naging tanyag na isandaang
mga pulo ng Alaminos.

You might also like