You are on page 1of 3

Ang bayan ng Alaminos

Ang bayan ng Alaminos ay tanyag sa pagkakaroon ng isandaang


maliliit na mga pulo
(Hundred Islands) sa kanyang karagatan. Ngunit may kuwento
kung paano nagkaroon ng mga
pulong ito. Ang isandaang mga pulo ay umusbong pagkatapos
ng isang di makalilimutang
pangyayari sa nasabing bayan.
Noong unang panahon, ang Alaminos ay kilala bilang isang
maasensong bayan.
Sagana ang bayan sa mga likas na yamang dagat. Ang mga
mangingisda ay tuwang-tuwa sa
dami ng kanilang nahuhuli sa araw-araw. Maski ilang oras pa
lamang sila pumapalaot ay tiyak
silang babalik sa pampang na puno ng huli ng iba’t-ibang klase
ng isda.
Isang diwata ang nakatira sa karagatan ng Alaminos. Ayon sa
mga matatanda may
isang perlas ang diwata na siyang nagbibigay ng magandang
huli sa mga mangingisda.
Inatasan ng diwata ang kanyang nag-iisang anak na si Liglioa na
maging tagabantay sa
nasabing perlas. Di tulad ng kanyang ina, si Liglioa ay may
dugong mortal kung kaya’t siya ay
nakatira sa isang kubo malapit sa pampang at nakikihalubilo sa
taombayan. Mahal na mahal ng
mga taombayan si Liglioa hindi lamang dahil sa siya ang bantay
ng perlas kundi pati na rin dahil
mabait at matulungin ang dalaga.
Nalaman ng kabilang bayan ang dahilan ng likas na yamang
dagat ng Alaminos. Naiingit
sila at sa pamumuno ni Datu Masubeg ay nagpasya silang
dakpin si Liglioa at itago sa kanilang
bayan. Nakakasiguro silang ibibigay ng diwata ang perlas kapag
nakita nitong hawak nila ang
kanyang anak. Sa ganoon, ang bayan din naman nila ang
magkararanas ng masaganang huli.72
PANITIKANG-YAMAN NG mga REHIYON NG PILIPINAS
Ngunit bago pa man makalapit ng pampang ang mga taga-ibayo
ay tinipon na ni Datu
Mabiskeg (anak ni Datu Masubeg) ang mga mahuhusay na
mandirigma ng Alaminos upang
ipagtanggol si Liglioa. Nagkaroon nga ng digmaan sa karagatan
ng Alaminos. Maraming mga
mandirigma ang namatay mula sa parehas na kampo.
Nagmakaawa si Liglioa sa kanyang diwatang ina na gumawa ng
paraan upang matigil
na madugong digmaan. Hiniling niya sa kanyang ina na gumawa
na lamang ng isa pang perlas
para sa kabilang bayan upang hindi na nila asamin ang perlas ng
Alaminos.
Ngunit umiling ang diwata. Hindi na raw ito makakagawa ng isa
pang perlas. Paliwanag
ng kanyang ina na ang tunay na perlas na nagbibigay ng
masaganang huli sa taombayan ng
Alaminos ay walang iba kundi ang nag-iisa nitong anak- si
Liglioa.
Nang marinig ni Liglioa ang sinabi ng ina ay napa-isip ito ng
mabisang paraan upang
matigil na ang awayan. Nagsalita ang dalaga at hiniling nito sa
kanyang ina na siya ay pumalaot
na lamang at magtago sa ilalim ng dagat upang sa ganoon ay
walang sinoman ang
makakakuha ng perlas. Pumayag ang diwata sa nais ng dalaga.
Mas magiging ligtas para sa
lahat ang naisip na paraan ng dalaga.
Samantala ang mga patay na mandirigma na palutang-lutang sa
karagatan ay unti
unting naging mga pulo. Halos isandaan ang mga nasawi sa
nasabing digmaan para sa perlas
na nagdudulot ng masaganang huli. Ito ngayon ang naging
tanyag na isandaang mga pulo ng
Alaminos

You might also like