You are on page 1of 2

Lunes ng umaga, ika-4 ng marso sa taong 2021.

Nasa loob parin ng pandemia ang panahon na ito


dulot ng sakit na kumalat na tinatawag na Corono Virus o mas kilala bilang Covid-19. May isang
lalaking abalang abala sa ginagawang module mula sa kanyang laptop, ang kanyang pangalan ay
Shalimar --- na may bilang lumabas na isang video at sya ay nagulat.

Shalimar: Hah!? ano to? …. ads? Hindi.

Lalaki mula sa video: mic check mic check one two one two one two three, tagumpay ang pagpasok sa
mga piling program sa taong 2021. Auto Recording On. Dahil mababa lang ang kapasidad na kaya para
makapag send ng Live mula sa nakaraan ay maikli lang video na ito. --sapat na para makapag bigay
babala.

- ako nga pala si Sj3420, mula ako sa inyong hinaharap.

Shalimar: hah!? posible ba yun? Kalokohan... paano pa to I-exit

Sj3420: Alam ko isiisip nyo na kalokohan lang ito, pero bilang patunay ay hindi mamamatay ang
computer nyo kahit tanggalin nyo sa saksakan o tanggalan nyo ng batirya.

Shalimar: hhhaaaaahhh… ano nangyari ito?

Sj3420: Makinig kayo!! Ito ay isang babala… Kung maaari lang ay baguhin nyo ang kasaysayan namin.
Iki-kwento ko sa inyo ang kasalukuyan lagay ng mundo at kung bakit dinaranas namin ito.

Ang taon dito ay 2121, isang daang taon mula sa panahon nyo. Sadyang kay bilis ng mga pangyayari at
hindi nyo aakalain na mangyayari ang panahon na ito. Sa panahon nyo na malapit na ang pagtatapos
ng pandemiya, dahil sa labis-labis na masamang dulot ng pandemiya ay para kayong mga aso na
nakakawala sa kani-kanilang mga kulungan sa pagtatapos nito. Magsasaya kayo ng magsasaya na para
bang susulitin nyo na ang huling mga taon ng buhay nyo. Yan ang dahilan kaya ang taon nyo ang pinili
kong padalahan ng minsaheng ito. Sa inyo mag sisimula ang lahat.
Tataas ang bilang na populasyon at magdudulot uli ito ng panibagong suliranin ng mundo.
Magkukulang ang pinagkukunan ng pagkain at tataas ng labis-labis ang presyo ng ano mang uri ng
bilihin. Kung dati-rati ay may kasabihan ang tao na libre lang ang hangin, sa panahon na ito ultimo
hangin may bayad na rin. Kung paano nyo binabayaran ang tubig at kuryente, ganun din ang
pagbabayad sa hangin. Dahil maniwala man kayo o sa hindi, sa panahong ito ay mas madali pang
makahanap ng ginto kaysa sa puno’t halaman. Tunay ngang maganda ang pag-unlad kung hindi ito
nakakasira sa kalikasan. Sa panahon nyo, kahit wala tayong pera pambili ay hinding hindi tayo
mamamatay sa gutom pero ngayon literal na mayayaman lang ang mabubuhay. Yung dagat na sagana
sa mga laman-dagat ngayon ay lamang-basura na ang naninirahan. Asul at matatanaw ang repleksyon
ng araw at buwan sa yamang tubig sa panahon nyo ngunit ngayon kahit ang hangin na dumaraan sa
karagatan ay nagkukulay alikabok dahil sa dumi at kawalangyaan ng mga tao.
Dahil sa mga pangyayaring ito ay sinisi ng mga tao ang Dyos at nagdulot ito ng pagkawala ng mga
relihiyon na nananampalaya sa Dyos. Ngunit kung iisipin ay tao ang may kasalanan at imbis na
humingi ng tawad sa kalangitan ay nagawa pang isisi sa Dyos ang mga bagay na kagagawan ng tao. Ito
na ata ang katapusan ng mundo at tayo ang gumawa ng sarili nating katapusan.
Kaya dumudulog ako sa inyo. Baguhin nyo ang kasaysayan namin. Huwag nyong isipin na hindi nyo na
maaabutan ang panahong ito kaya wala kayong pakialam. Kung saka-sakaling hindi nyo man
maabutan ang panahon na ito, mamamabutan naman ito ng mga anak at mga apo nyo. At maniwala
man kayo sa hindi, hindi ang kamatayan ang katapusan ng tao. Dahil dito sa panahon na ito, araw-
araw namin naririnig ang mga pag-iyak nyo na para bang gusto nyo ng mawala. At kinumpirma na
syensya na ang mga pag-iyak na naririnig namin araw-araw ay galing sa inyo. Kaya naman huwag
ninyo itong baliwalain. Para rin ito sa inyo at hindi lang para sa amin. Alagaan nyo ang kalikasan at
humingi kayo ng tawad sa kalangitan.

(Ingay sa labas ng bahay at mga putok ng baril)


Bbbrrrttt Bbbrrrtttt
May tao pa rito sa loob
Shalimar: Ano yun??

Sj3420: Hanggang dito nalamang. At pakiusap baguhin ng ang mun(Bbbrrttt).

lalaki mula sa labas ng bahay : Clear na dito…. Teka… Ano to??


Nag-send sya ng live… sa nakaraan

kasama ng lalaki: Barilin mo yung computer…

(namatay na ang video)

Shalimar: (gulat na gulat) ano yun?? totoo ba yun??


bakit sya pinatay?? maayy --- mmaayy tao ba na gusto ng magwakas ang mundo?

(The End)

You might also like