You are on page 1of 7

Global Warming sa Pilipinas

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa


sa kasalukuyan. Ngunit kung ako’y bibigyan ng
pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung
ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay
ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa
ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang
mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng
ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran,


dahilan upang magkaroon ng negatibong
pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa
bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang
lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan
upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag
na global warming. Ang global warming ay ang
pagtaas ng temperature ng ating mga
karagatan at atmosphere at ang patuloy na
paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga
eksperto na ang dahilan nito ay ang
pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging
sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating
atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas
ang ozone layer, ang init na galing sa araw o
itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib
sa ating kapaligiran kung ito’y direktang
makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa
kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang
siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang
hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang
makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na


pagtuunan ng pansin ang mga bagay na
nagiging dahilan ng ganitong pangyayari.
Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi
ng global warming. Sa ganitong paraan,
malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira
ng ating atmosphere at magagawan natin ng
paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing
nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng
ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga
fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring


makaapekto ang global warming. Higit na
mararamdaman ito ng ating mga anak at
kanilang mga pamilya kung hindi natin
maaagapan ang pagkasira n gating kapaligiran.
Marapat lamang na hanggang maaga ay
kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang
sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa
tayo upang masolusyunan natin ang
problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng
bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis
na kapaligiran. Huwag n asana tayong
dumagdag pa sa mga taong patuloy ang
pagsira sa ating kapaligiran.
Kapag Lumaki Na (Sulating di Pormal)

Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang


tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi
naman natin nakikita. Kapre, tikbalang,
manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam.
Mga lamang-lupa daw ang tawag dito.
Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang
kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din
naman iyon.

Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay


na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit
mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o
panis na mantika. Para mapainom ka,
kailangang pasinungalingang pagkasarap-
sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom
nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot.
At may batok ka galing kay Tatay kapag
nailuwa mo at naisuka. Sayang ang ipinambili
ng gamot.

Ipapanood sa iyo sa TV ang mas lalong


pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame
Street na hindi mga totoong tao ang
gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-
partner na puppet na parehong lalaki (sino
kaya ang bading?), halimaw na mahilig sa
biscuit, bampirang hanggang 10 lang ang
kayang bilangin (minsan up to 12), ibon na
kasing laki ng elephant at elepanteng balbon
(saan ka nakakita ng elepanteng pagkahahaba
ng balahibo sa katawan?) at isang nilalang na
mahilig mag-ipon ng basura at nakatira sa
basurahan. May tagalog version ito dito sa
Pilipinas, ang Batibot. Ang problema, ang
pinakabida sa program na ito, isang tuso at
isang tanga.

Ililipat naman sa ibang channel na ang tampok


ay mga magkakaibigang superheroes. Marami
sila sa istorya at lahat ay may angking super
powers. Ipinakikita lamang dito ang kanilang
kahinaan, na hindi pala kaya ng isang
superhero lang ang problema ng mundo.
Kailangan din ang tulong ng iba para masagip
ang daigdig. Kawawang Superman, walang
sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga
paa.
Tapos ka nang manood ng kasinungalingan
este palabas pala sa TV. Gusto mong maglaro
sa labas kasama ng ibang mga bata sa
kapitbahay. Pero narinig mo ang sinabi ni
Nanay. May bumbay na nangunguha ng bata sa
kalsada. Tarantadong bumbay ito. Akalain
mong pati mga batang nananahimik ay gustong
kidnapin. Pero ang totoo niyan, hindi ka
pwedeng lumabas dahil bagong paligo ka. At
magkakalkal ka na naman ng dumi sa kalye
kapag nakipaglaro ka. Tinatamad na si Mommy
na maglinis sa iyo.

Ayaw mong matulog sa tanghali? Lagot ka,


andiyan ang “lizard”. Pikit ka na, bababa na
yung “lizard”.

Kaya, kasama sa paglaki ng bata na kahit ang


pinakamaliit na problemang kasing liit ng
butiki ay hindi kayang masolusyunan dahil
“lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard”.

Sa hapunan, hindi pwedeng hindi mo uubusin


ang pagkain. Mabubulag ka. Kahit
magkandasuka ka sa pagsubo, ubusin mo.
Hindi dahil sayang ang inihanda sa mesa. Kung
hindi bahala ka, mabubulag ka.

Isasama pa ba natin dito ang mga


kasinungalingan tungkol kay Santa Claus, ang
tatlong hari, ang mga pamahiin ni Lolo at Lola,
ang pagiging “disente” (daw) ni Rizal,
nakakabungang-araw ang pagkain ng sobra ng
mangga at ang tungkol sa mga alamat ng pinya
at Olongapo? Huwag na. Ayoko nang dagdagan
ang mga kasinungalingan dito.

Lumalaki ang bata sa kasinungalingan. At sa


kaniyang pagtanda, pag-aasawa at
pagkakaroon ng sariling mga anak, uulitin
niyang muli ang istoryang ito ng mga
kasinungalingan.

You might also like