You are on page 1of 3

Isang mapagpalang araw po sa ating lahat.

Ngayon ay hayaan nyo pong mailahad


ang mga proyekto ng paaralan na napagtagumpayan sa isang buong taon ng
panuruan dalawang libo dalawampu hanggang dalawang libo dalawamput-isa (2020-
2021).

Una ang proyekto sa ilalim ng Quality ay ang Reading program na BR-B4


(Blue Rizal, Barangayan para sa Bawat Bata Bumabasa) na kung saan ang layunin
ay mapataas ang interest at reading skills ng mga mag-aaral. Ang paaralan ay
naglunsad ng 10:00 O’clock storytelling and story reading habit, gamit ang mga
kwento at babasahin ng Kwento at Kulay Kwarantin at inihatid via facebook live.

Dahil limitado lamang ang face-to-face na pakikipagugnayan alinsunod sa


mga safety health protocols, ang mga Guro ay nagsagawa ng mga online reading
activities katulad ng Book Talk, Tongue Twister at Poem Recital. Upang lalo pang
pataasin ang performance ng mga mag-aaral na hirap bumasa mula Grade 7
hanggang grade 10, Sila ay binigyan ng intervention sa pamamagitan ng
Homevisitation at Conferences.

Naglunsad din ang paaralan ng Adopt-a-Reader Program sa ilalim ng


programang BR-B4 upang mas lalo pang matutukan ang mga mag-aaral na hirap sa
pagbasa sa tulong ng mga nagkakaisang guro ng paaralan.

Upang lalo pang palawakin ang pag-aaruga sa mga batang Prime, pinalakas
ang Project GUIDE (Guiding & Understanding Students Individually through
Development & Education) sa pamamagitan ng Project AKAP na naglalayong
AKAPIN at I-GUIDE ang mga mag-aaral na hindi nakakatugon sa pagsasagot ng
module or mga tinatawag na students lagging behind. Ang lahat ay naki-isa sa
pangunguna ng Punong-guro upang alamin ang mga dahilan at pinagdadaanan ng
mga batang hindi makatugon sa Modular Distance Learning. Ang mga guro ay
Nagsagawa ng scheduled limited face to face interventions at constant home
visitations and follow-up.

Sa patuloy na paglaban sa mga hamon ng edukasyon sa pamamagitan ng


Project TETRIS o ang Teaching Enhancement Through Responsive Intervention in
School, ang pagbibigay ng intervention ay nagpatuloy upang mapataas ang Learning
Outcome and Assessment or LOA, nagkaroon ng magandang resulta kada Quarter,
unti-unti tumataas ang learners’ performance.
Ang paaralan ay hindi lang nakatutok sa pagtaas ng performance ng mag-
aaral, ito rin ay naglayon na mapaunlad ang kasanayan ng mga Guro. Sa
pamamagitan ng Project SuPpORT o ang Supporting Professional Development
Opportunities to Refine Teachers’ Competencies, patuloy na pinapalawak ang
kasanayan at propesyunal na pag-unlad ng mga guro.

Ang mga Guro ay naglaan ng oras sa ibat ibang trainings at seminars via
online platforms upang mahasa sa mga makapabagong pamamaraan ng pagtuturo,
mula International , National, Regional , Sub-Office at School Level. Ang ilan sa
mga ito ay ang sumusunod: Akadasia’s Teachers Upskilling Program, National
Virtual In-Service Training for Public School Teachers, Capacity Building for
Teachers and School Leaders on the Development of IDEA Lesson Exemplar, series
of School In-Service Training on development of video lessons, School Learning
Action Cells on different issues and concerns on New Modality at marami pang iba
na punong-puno ng mga aralin upang malinang ang kasanayan ng mga guro.

Bukod sa mga mag-aaral at mga guro, ang paaralan ay naglaan din ng


proyekto para sa kahandaaan at kaligtasan ng bawat guro at buong kawani, ito ay
ang Project ARMOUR. Nagsagawa ng simultaneous Earthquake Drill at Home and
in school, information dissemination through chat, virtual Meetings with students and
parents. Sa pamamagitan ng mga infographics at shared video sa social media.

Ang tagumpay ng paaralan sa mga proyekto ay hindi lang sa mga nabanggit


bagkus higit na Malaki ang naging gampanin ng mga stakeholders sa pamamagitan
ng Project Prime Movers, na naglayun na suportahan ang patuloy na
implementasyon ng kaligtasan ng mga mag-aaral, mga magulang at mga guro, at
paunlarin ang patuloy na pagsuporta ng mga stakeholders.

Sa loob ng isang buong taon ang proyekto ng Baras-Pinugay Phase 2


National High School ay naging matagumpay at patuloy na binibigyan ng katuparan
para sa mga Batang Prime at sa buong Prime Community.
SBM part

Nang dahil sa lahat ng tagumpay na nakamit ng paaralan mag mula sa maliit


hanggang sa malalaking proyekto nito ay nagbunga noong School Based
Management Validation. Nakamit ng paaralan ang rating na 1.77 level II na may
katumbas Maturing.

You might also like