You are on page 1of 23

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV A – CALABARZON
SANGAY NG LAGUNA
Santa Cruz

AKDA PARA SA TAHIMIK NA PAGBASA

SULAT NI MABINI SA KANYANG MAHAL NA INA

Sinasabing sa likod ng bawat dakilang lalaki ay naroroon ang anino ng isang babae

marahil ng kanyang ina, o kanyang kapatid, asawa kaya, o kasintahan. Kay Apolinario Mabini,

ito’y isang ina na pinatutungkulan niya ng liham sa dahong ito.

“Inang mahal, nang ako ay bata pa, sinabi ko sa iyong ako ay mag-aaral upang ika’y

bigyang kasiyahan sapagkat ang iyong gintong pangarap ay makita mo ang iyong anak na

maging isang pari. Ang maging alagad ng Diyos, sa ganang iyo, ang pinakadakilang karangalan

na maaaring makamit ng tao sa buhay na ito.”

“Namalas ko ang iyong kahirapan upang maitaguyod ang / aking pag-aaral; ika’y lubos

na naghirap, hindi mo inalintana ang init ng araw o ang patak ng ulan, hanggang sa ikaw ay

dapuan ng sakit na madaling naghatid sa iyo sa libingan.”

“Hindi itinulot ng mga pangyayari na ako’y maging pari, gayunman ay naniniwala akong

ang tunay na alagad ng Diyos ay hindi lamang ang nagsusuot ng mahahabang damit, kundi ang

sinumang lumuluwalhati sa Kanyang Pangalan. Ako’y alinsunod sa mabuti mong hangad

habang ako’y may buhay at lakas.”

“Sa paghahangad kong mailagay sa ibabaw ng iyong libingan ang isang koronang niyari

ng aking kamay, inihahandog ko sa iyo itong munting / aklat ng alaala; ito’y hamak at hindi

karapat-dapat sa iyo subalit hanggang sa panahong ito ay ito pa lamang ang pinakamabuting

putong na nayayari ng hindi pa bihasang mga kamay ng iyong anak.”

233 na salita

MGA KATANUNGAN
SULAT NI MABINI SA KANYANG MAHAL NA INA

1. Sino si Apolinario Mabini?


a. manunulat
b. bayani
c. manggagawa
d. wala sa nabanggit

2. Sino ang pinatutungkulan ng liham ni Mabini?


e. Asawa
f. Ina
g. Kapatid
h. Kasintahan

3. Ano ang gintong pangarap ng ina sa anak?


a. Maging pari
b. Maging doctor
c. Maging manunulat
d. Maging manananggol

4. Ang ina ay nagsisikap na siya’y maitaguyod kung kaya’t siya ay…


a. Nalumpo
b. Yumaman
c. Naging Masaya
d. Binawian ng buhay

5. Pinaniniwalaan ni Mabini na ang tunay na alagad ng Diyos ay..


a. Nagpari
b. Nag-aaral ng mabuti
c. Sumusunod sa utos ng ina
d. Niluluwalhati ang kanyang pangalan

6. Ano ang tangi niyang naihandog sa ina?


a. Aklat
b. Bahay
c. Bibliya
d. Kuwintas

7. Hanggang kailan siya tatalima sa hinahangad ng kanyang ina?


a. Hanggang kamatayan
b. Habang may buhay at lakas
c. Hanggang siya’y nabubuhay
d. Hanggang sa siya’y nananatiling manunulat

8. Bakit binawian ng buhay ang ina ni Mabini?


a. Kahirapan
b. Kalungkutan
c. Pighati sa buhay
d. Dinapuan ng sakit

9. “Sa paghahangad kong mailagay sa ibabaw ng iyong libingan ang isang koronang niyari ng aking kamay.”Ano ang ipinakakahulugan ng
salitang may salungguhit?
a. alay
b. pagkilala
c. regalo
d. suhol

10. “Hindi pa bihasang mga kamay ng iyong anak.” Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ?
a. mabait
b. matalino
c. mahusay
d. Wala sa nabanggit
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV A – CALABARZON
SANGAY NG LAGUNA
Santa Cruz

BAITANG 7

AKDA PARA SA MALAKAS NA PAGBASA

ANG AKING HALAMAN

May isa akong magandang halaman sa loob ng aking maliliit na hardin. May

hardin din si Rosy, ang aking kapitbahay, ngunit higit na maganda ang kanyang

halaman pagkat nabubusog sa alaga. Malalago ang puno at malalaki ang pasong

pinagtaniman niya. Ang ibang halama’y may magaganda at nagbabanguhang bulaklak.

Mataas na ang tanim kong kamoteng–kahoy ngunit, higit na mataas ang kamoteng-

kahoy sa tabi ng kanilang bakod, at lalong nagtitingkaran ang kulay ng mga bulaklak ng

gumamela sa tabi niyon. Gayon pa ma’y piling-pili ang aking mga halaman, kaya’t

napapatingin ang mga tao sa aming munti ngunit makulay na hardin.

99 na salita

MGA KATANUNGAN

ANG AKING HALAMAN

1. Saan matatagpuan ang kanyang halaman?


a. Bahay
b. Hardin
c. Kusina
d. Silid- tulugan

2. Kanino halamanan niya ikinumpara ang kanyang hardin?


a. Sa katulong
b. Sa kapitbahay
c. Sa kapitan ng baranggay
d. Sa kabilang baryo

3. Bakit higit na maganda ang halaman ng kanyang kapitbahay?


a. Binubungkal
b. Busog sa alaga
c. Dinidiligan araw-araw
d. Nilalagyan ng “fertilizer”

4. Ano ang uri ng bulaklakna nagtitingkaran sa kulay?


a. Gumamela
b. Rosas
c. Santan
d. Sunflower

5. “Lalong nagtitingkaran ang kulay ng mga bulaklak.” Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. tumatayo
b. lumulutang
c. kapansin-pansin
d. gumagalaw

6. Ano ang katangiang taglay ng kanyang hardin?


a. Maganda
b. Malago
c. Mayabong
d. Munti at makulay

7. Bakit napapatingin ang mga tao sa kanyang hardin?


a. Makulay ang mga halaman
b. Piling-pili ang mga halaman
c. Magaganda ang mga halaman
d. Mayayabong ang mgahalaman

8. Ano ang nag-iisa niyang magandang halaman?


a. Gumamela
b. Kamoteng – kahoy
c. Narra
d. Rosas

9. Ano ang katangian ng mga pasong pinagtaniman ni Rosy?


a. Malalago
b. Malalaki
c. Maluluwang
d. Mayayabong

10. Anong damdamin ang namamayani sa teksto?


a. pagkalungkot
b. pagka-inggit
c. pagmamalaki
d. pagka-inis
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV A – CALABARZON
SANGAY NG LAGUNA
Santa Cruz

BAITANG 8

AKDA PARA SA TAHIMIK NA PAGBASA

BAKIT NASA LABAS ANG BUTO NG KASOY

Noong unang panahon, katulad ng ibang prutas, nasa loob din raw ng bunga ang

buto ng kasoy. Subalit ayon sa sabi-sabi mainipin daw ang buto nito.

“Ang lungkot naman dito, nakakainip. Gusto kong lumabas. Gusto kong makita

ang kagandahan ng kapaligiran,” wika ng buto ng kasoy.

Narinig ito ng diwata ng kagubatan. Nais mo ba talagang makita ang kariktan ng

kapaligiran? Gusto mo bang lumabas sa iyong bunga?”, anang diwata.

“Opo, Inang Diwata, gusto ko po.”

“Maganda nga sa labas nguni’t ito’y mapanganib. Kaya mo bang harapin ang init

at lamig sa labas? Mababasa ka pag bumuhos ang ulan. Mahihirapan / kang makakita

pagsapit ng gabi. Mas komportable at tahimik sa loob ng iyong bunga,” paliwanag ng

Inang Diwata.

“Opo. Kakayanin ko po, basta’t makita ko lamang ang nasa labas,” paninindigan

ng makulit na buto.
“O siya, maaari kong pagbigyan ang iyong hiling; subalit hindi ko na maaari pang

bawiin ang aking mahika. Hindi ka na maaari pang bumalik sa loob,” kundisyon ng

diwata.

“Sige po. Hindi ko po hihilinging makabalik pa ulit sa loob ng bunga ko, “

pangako ng buto.

Kumumpas ang Inang Diwata.Namulat ang buto ng kasoy sa kagandahan ng

kapaligiran. Galak na galak ang buto sa kanyang / nakita. “Hindi ko akalaing ganito

pala kaganda ang mundo. Salamat Inang Diwata, pinasaya mo ako nang lubos,”

tuwang sambit ng buto ng kasoy.

“Walang anuman, mahal na buto.Tandaan mo lang ang iyong pangako,” sambit

ng diwata at naglaho.

Magdamag na nagmasid ang buto habang nakaungko sa ulunan ng kanyang

bunga. Nang unti-unting dumilim ang paligid, nakaramdam ng pangamba ang munting

buto. Nangitim ang ulap, nagbabadya ng mabigat na pag-ulan. Nagpalitan ng galit ang

kulog at kidlat.

“Inay kupo! Bakit naging ganito? Nakakatakot pala dito. Gusto ko nang bumalik

sa loob. Brrr. Nanlalamig ako,” nanginginig na saklolo ng buto. Naisip niyang / tawagin

ang Inang Diwata upang humingi ng saklolo. Subalit naalala niya ang pangako niya sa

diwata na hindi na siya maaari pang humiling na makabalik sa loob.

“Tama nga ang Inang Diwata. Sana’y hindi na ako nagmatigas na masunod ang

gusto ko” malungkot na wikang nanlulumo ng buto.

348 na salita
MGA KATANUNGAN

BAKIT NASA LABAS ANG BUTO NG KASOY

1. Anong katangian ang naglarawan sa buto ng kasoy?


a. mainipin
b. masayahin
c. mainggitin
d. hindi nabanggit

2. Ang nagnanais na makita ang paligid ay si _____________?


a. Diwata
b. Bunga ng kasoy
c. buto ng kasoy
d. punongkahoy

3. Nais mo bang makita ang kariktan ng kapaligiran?


Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay __________.
a. kaayusan
b. katapatan
c. kalinisan
d. kagandahan

4. Ano ang ipinangako ng buto ng kasoy sa Inang Diwata kapalit ng kanyang nais na makalabas sa
bunga?
a. Magpapakabait siya
b. Hindi niya hihilinging makabalik sa loob ng buto
c. Hindi siya mag- iingay
d. Magpapakasaya- saya

5. “Maganda nga sa labas, ngunit ito’y mapanganib”. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito?
a. Pagbibigay-babala
b. Pagbibigay-suporta
c. Pagbibigay-pag- asa
d. Pagbibigay-paumanhin

6. “Ang diwata ay biglang naglaho.” Ang kasalungat ng salitang may salungguhit ay ______.
a. nagpakita
b. nawala
c. nahiga
d. natumba

7. “Galak na galak ang buto sa kanyang nakita.” Ano ang ipinakakahulugan ng salitang may
salungguhit?
a. Lubhang nasiyahan
b. Lubhang natakot
c. Lubhang nalungkot
d. lahat ng nabanggit

8. Ano ang naramdam ng buto ng kasoy ng una niyang makita ang kapaligiran?
e. masaya
f. natakot
g. malungkot
h. lahat ng nabanggit

9. Sino ang nais tawagin ng buto ng kasoy ng siya ay nakaramdam na ng takot?


a. Bunga ng kasoy
b. Inang Diwata
c. ulan
d. Inang kapaligiran

10. Anong aral ang makukuha mula sa kuwento?


a. Matuto tayong makuntento kung anong meron tayo.
b. Nasa huli ang pagsisisi.
c. Magsikap tayo.
d. Magtiwala sa sarili.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV A – CALABARZON
SANGAY NG LAGUNA
Santa Cruz
BAITANG 8

AKDA PARA SA MALAKAS NA PAGBASA

BUDHI

Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Ang dahila’y sinurot ako ng aking budhi.

Nagunita ko ang maraming taong pagkakabilanggo ni Tatang dahil sa pag-ako niya sa

kasalanan kong nagawa. At ang pangyayaring ito ang nagbunsod sa akin upang

magpakasama-sama hanggang sa paghanapin ako ng mga alagad ng batas.

Nang mabalitaan kong pinalad si Tatang na mabigyan ng parol ay hinanap ko

siya. Hanggang sa masabi sa akin ni Insang Tuning na tuwing Biyernes Santo ay

pumapasan ng krus si Tatang.

“Buhay ka pa?”, ang tanong ni Ama matapos niya akong makilala. ”Buhay na

buhay, tatang upang magbalik sa inyo at / tuloy humingi ng tawad sa kasalanan kong

nagawa”, sagot ko.

Nagpaalam ako kay Tatang. Matagal kong pinagmasdan ang malaking krus na

nakasandig sa gilid ng barung-barung. Isang balak ang naisip ko. Tiyak na gagaan ang

mga paghihirap na kinukuyom ko sa aking dibdib. Saka, susuko ako sa may

kapangyarihan. Tiyak na mapapatawad ng Diyos at ni Tatang ang aking mga kasalanan.

161 na salita
MGA KATANUNGAN

BUDHI

1. Hindi makatulog ang nagsasalita sa kuwento dahil_________________.


a. Kinagat siya ng lamok
b. Maingay sa paligid
c. Sinusurot siya ng kanyang budhi
d. Maalinsangan ang panahon

2. Sino ang tinutukoy na Tatang ng nagsasalita?


a. Ang kanyang ama
b. Ang kanyang pinsan
c. Ang kanyang kaibigan
d. Wala sa nabanggit

3. Bakit na nakulong ang kanyang ama?


a. Dahil inako nito ang kanyang ginawang kasalanan
b. Dahil may ginawa itong kasalanan
c. Dahil ito ay napagbintangan
d. Wala sa nabanggit

4. Paano nakalaya ang kanyang ama mula sa bilangguan?


a. Nabigyan ng parol
b. Nagpiyansya
c. Tumakas
d. Napawalang-sala

5. Kanino niya nabalitaan ang kalagayan ng kanyang ama?


a. Sa kapitbahay
b. Sa kanyang pinsan
c. Sa kapitan
d. Wala sa nabanggit

6. “Nagunita ko ang maraming taong pagkakabilanggo ni Tatang dahil sa pag-ako niya sa


kasalanan kong nagawa”. Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay
_____________.
a. Nakalimutan
b. Nakatulugan
c. Naalaala
d. Nabigla

7. At ang pangyayaring ito ang nagbunsod sa akin upang magpakasama- sama hangang sa
paghanapin ako ng mga alagad ng batas. Sino ang tinutukoy ng may salungguhit?
a. Barangay tanod
b. Alkalde
c. Kapitan
d. Kapulisan

8. Anong damdamin ang ipinapahayag ng tanong na, “Buhay ka pa?”


a. Pagkagalit
b. Pagkatuwa
c. Pagkaawa
d. Pagmamahal

9. Ano ang nabuo sa isipan ng anak nang makita niya ang malaking krus?
a. Hindi tutuparin ang pangako sa ama.
b. Ipagpapatuloy ang masamang gawain.
c. Siya na magpapasan ng krus.
d. Magbabago na siya.

10. Ang paksa ng binasang akda ay___________________.


a. Ang kasalanan ay maaaring hindi pagbayaran.
b. Hindi tayo makaliligtas sa ating konsensiya
c. Walang kasalanan na hindi nabubunyag
d. Paghinging tawad sa kasalanan.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV A – CALABARZON
SANGAY NG LAGUNA
Santa Cruz

BAITANG 9

AKDA PARA SA TAHIMIK NA PAGBASA

ANG PAGLALAHO O EKLIPSE

Kapag may paglalaho o eklipse, ang mga tao sa Lanaw at Kotabato ay

nangagsisigawan at hinahampas nila ang mga lata at bakal upang magkaingay. Ito’y

upang mawala raw agad ang eklipse. Ayon sa kanilang alamat, noon daw kauna-

unahang panahon, ang buwan ay nilunok ng isang napakalaking ibon na kung tawagin

ay minokawa. Nang marinig ang sigawan ng mga tao, ang minokawa ay sumilip sa

pagitan ng mga ulap at ibinuka ang tuka. Sa pagbubukas niya ng tuka, ang buwan ay

nakatanan. Sa kalakihan ng minokawa, ang daigdig ay nagdidilim kapag nagdaraan

siya sa paligid. Ang kanyang tuka, mga kuko, at / tahid ay pawang bakal. Ang mga mata

ay mga salaming nagkikislapan. Ang bawat pakpak ng bagwis niya ay malaking barong

(espada) na napakatalas.
Binabantayan ng minokawa ang pagsikat ng buwan upang kainin. Naniniwala

ang mga tao na kapag nakain ng minokawa ang buwan, ang isusunod na ay ang araw,

at pagkatapos ay ang daigdig.

154 na salita

MGA KATANUNGAN

ANG PAGLALAHO O EKLIPSE

1. Ano ang eklipse ?


a. Ang paglalaho ng buwan
b. Ang pagtakip ng buwan sa araw
c. Ang pagkawala ng araw
d. Walang binanggit

2. Ano ang ginagawa ng mga tao sa Lanaw at Kotabato?


a. Nagsisigawan at nag-iingay
b. Nagtatago
c. Nag-aalisan sa kanilang tahanan
d. Wala sa nabanggit

3. Ayon sa alamat, ano ang nangyari sa buwan?


a. nilunok ng malaking ibon
b. natunaw dahil sa init ng araw
c. natabunan ng ulap
d. kinain ng buwaya

4. Ano ang tawag sa malaking ibon?


a. Mikonawa
b. Minokawa
c. Miwanoka
d. Miwokana
5. “Sa pagbubukas niya ng tuka, ang buwan ay nakatanan.” Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
a. nakatakas
b. nalunok
c. naglaho
d. Wala sa nabanggit

6. Bakit dumidilim ang paligid sa pagdaan ng minokawa ?


a. dahil ito ay kulay itim
b. dahil sa sobrang laki nito
c. dahil kinakain nito ang araw
d. dahil tinatapakan ito ng ibon

7. Anong bahagi ng ibon ang pawang bakal?


a. tuka, kuko at tahid
b. bagwis
c. mata
d. balahibo

8. Anong uri ng pakpak ang bagwis ng ibon?


a. espada
b. salamin
c. bakal
d. walang nabanggit

9. “Ang mga mata ay mga salaming nagkikislapan.” Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag?
a. simile
b. metapora
c. personipikasyon
d. pagmamalabis

10. Ano ang kinatatakutan ng mga tao ?


a. Na ang susunod na kakainin ng ibon ay ang daigdig
b. Na kakainin sila ng ibon
c. Na dadagitin ng ibon ang mga tao.
d. Hindi nabanggit

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV A – CALABARZON
SANGAY NG LAGUNA
Santa Cruz

BAITANG 9

AKDA PARA SA MALAKAS NA PAGBASA


ANG PAGKAKALIKHA SA TAO

Noon daw unang panahon na wala pang tao sa daigdig, si Lumawig ang dakilang

hilagyo, ay nanaog mula sa langit, nagputol ng mga damong malalaki, at dala-dalawang

ikinalat sa iba’t ibang pook ng daigdig. “Magsalita kayo,” ang sabi niya. Ang mga damo

ay naging tao, at sa bawat pares ng damo ay may lumabas na isang lalaki at isang

babae, ngunit iba-iba ang wika ng bawat pares. Ikinasal niLumawig ang bawat pares na

siyang naging simula ng maraming tao sa daigdig na may iba’t ibang wika, ayon sa

pinagmulan nilang pares.

Ang mga tao ay binigyan ni Lumawig ng asin, / at itinuro ang paggamit. Pumili

siya ng isang pangkat na unang pinagbigyan, upang ito’y ipagbili naman sa mga ibang

pangkat. Ngunit nang makaraan ang ilang panahon ay dinalaw sila ni Lumawig at

natagpuang hindi man lamang hinipo ng mga tao ang asin dahil sa di nila nauunawaan

ang turo ni Lumawig. Kinuha ni Lumawig ang asin at ibinigay niya sa mga nakatira sa

pook kung tawagi’y Mainit at ang mga ito ang unang natutong gumamit ng asin.

Tinuruan ni Lumawig ang mga taga-Bontok ng paggawa ng palayok, ngunit ang

palayok na kanilang niyari ay tabi-tabingi, kaya’t ang mga taga-Samoki naman / ang

tinuruan at ang mga ito’y nakagawa ng magagandang palayok. Sa ganitong paraan ay

nabigyan ni Lumawig ng sari-sariling gawaing mahusay na nagagampanan ng bawat

isa sa mga pangkat ng mga taong nanggaling sa unang pares ng damo.

238 na salita

MGA KATANUNGAN
ANG PAGKAKALIKHA SA TAO

1. Sino ang nanaog mula sa langit?


a. Lumawig
b. Lanaw
c. Taglay
d. Damo

2. Anong uri ng nilalang si Lumawig?


a. Tao
b. Hilagyo
c. Hayop
d. Damo

3. Mula saan ang mga tao, ayon sa kwento?


a. Kawayan
b. Damo
c. Unggoy
d. Hangin

4. Bakit dala-dalawa ang ginawang pagkalat ni Lumawig sa mga damo?


a. Upang maging pares ng lalaki at babae
b. Upang hindi malungkot ang mga nilikha niya
c. Upang dumami ang mga tao
d. Walang nabanggit

5. Ano ang pinagkaiba ng mga tao ayon sa kwento?


e. Sa wika
f. Sa hitsura
g. Sa kulay
h. Sa gawain

6. Ano ang ibibigay ni Lumawig sa mga tao?


a. Asin
b. Bigas
c. Tinapay
d. Tubig

7. Ano ang kahulugan ng dakila?


a. Banal
b. Mapagtanim
c. Maamo
d. Relihiyoso

8. Ang gumawa ng palayok na tabi-tabingi?


a. Taga-Bontoc
b. Taga-Manobo
c. Taga-Mainit
d. Taga-Samoki

9. Sino ang gumamit ng asin?


a. Taga-Manggagaod
b. Taga-Manobo
c. Taga-Mainit
d. Taga-Samoki
10. Ano ang pangunahing kaisipan sa kwento?
a. Ang Pandarayuhan
b. Ang paglalang sa tao
c. Ang pagkakaiba ng mga wika
d. Ang paggawa ng mga bagay

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV A – CALABARZON
SANGAY NG LAGUNA
Santa Cruz

IKAAPAT NA TON

AKDA PARA SA TAHIMIK NA PAGBASA

MGA DAPAT NINYONG GAWIN PARA SA BAYAN


May malaking pananagutan ang bayan sa inyong edukasyon, mga libangan,

katiwasayan, kaligtasan at kalusugan. Ano naman ang iyong magagawa bilang ganti?

Una, sundin ninyo ang mga batas tungkol sa trapiko na ginawa para sa inyong

kaligtasan. Ikalawa, pangalagaan ninyo at gamitin nang maingat ang mga aklat na

hiniram sa aklatan. Ikatlo, itapon ang mga balat ng kendi at mga papel sa basurahan at

huwag ikalat sa daan. Ikaapat, sapagkat ipinalalagay na kayo,y matalinong

mamamayan, ingatan ninyo ang inyong kalusugan at kung kayo nama’y magkasakit,

ingatan ninyong huwag makahawa. Dapat ding sikapin na makasunod sa patakaran na

magsasagawa sa pagpapaunlad ng / ating mga sariling produkto.

Dapat ding makisama sa pagsasagawa ng mga proyekto sa ikagaganda, ikalilinis

at ikabubuti ng ating mga pamayanan. Magpatulo ng pawis upang mabuhay at huwag


umasa lamang sa tulong ng kapwa. Kailangang magkaroon ang bawat tao ng sariling

disiplina, sapagkat ito ang susi sa pagpapaunlad ng bayan.

150 na salita

MGA KATANUNGAN

MGA DAPAT NINYONG GAWIN PARA SA BAYAN

1. Sino ang may malaking pananagutan sa inyong edukasyon?


a. Magulang
b. Bayan
c. Simbahan
d. Paaralan

2. Sino ang pinatutungkulan ng akda?


a. Mag-aaral
b. Magulang
c. Gobyerno
d. Lahat ng nabanggit

3. Ano ang nag sisilbing susi sa pagpapaunlad ng bayan?


a. Pagsunod sa trapiko
b. Pagatatapon ng basura
c. Sariling disiplina
d. Pag-iingat sa kalusugan

4. Ano ang kinakailangang gawin upang mabuhay?


a. Magkaroon ng sariling disiplina
b. Magpatulo ng pawis
c. Tangkilikin ang sariling produkto
d. Ingatan ang kalusugan

5. Ayon sa binasa, ano ang ikatlong dapat ninyong gawin para sa bayan?
a. Ingatan ang kalusugan
b. Magpatulo ng pawis
c. Itapon ang mga balat ng kendi at papel sa basurahan
d. Pagtupad sa batas trapiko

6. Anong batas ang dapat ninyong sundin?


a. Batas sa kalikasan
b. Batas sa pagtangkilik sa produkto
c. Batas trapiko
d. Pangalagaan ang aklat na hiram sa aklatan

7. Alin ang hindi kabilang sa mga sumusunod na pahayag?


a. Pangangalaga sa kalusugan upang huwag magkasakit
b. Pangangalaga sa aklat na hiniram sa aklatan
c. Pagtatapon ng balat ng kendi at papel sa basurahan
d. Paghihiwalay ng mga basura

8. Ano ang dapat ninyong ingatan?


a. Kalusugan
b. Kayamanan
c. Kalikasan
d. Kapangyarihan

9. Alin ang dapat nating paunlarin?


a. Produkto
b. Pamayanan
c. Kabuhayan
d. Talento

10. Ano ang susi sa pag-unlad ng bayan?


a. Negosyo
b. Edukasyon
c. Produkto
d. Disiplina

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV A – CALABARZON
SANGAY NG LAGUNA
Santa Cruz

IKAAPAT NA TON

AKDA PARA SA MALAKAS NA PAGBASA

KABUTIHANG ASAL NG MGA PILIPINO


Kilala ang mga Pilipino sa pagiging mga mamamayang may magandang asal.

Ang kabutihang–asal na ito’y makikita sa lahat ng larangan sa lipunan, sa pamahalaan,

sa paaralan, sa tahanan at sa lahat ng dako.

Di iilan sa mga taong banyaga ang dumalaw rito sa ating bayan at sa kanilang

pag-alis ay dala nila ang alaala ng kabutihan ng mga Pilipino. Ito’y ang tinatawag nilang

magiliw na pagtanggap ng mga panauhin.

Taglay ang ugaling ito mula sa tahanan hanggang sa mga tanggapan. Sa

tahanan, anumang oras, ay tumatanggap tayo ng panauhin at hindi sila pinapapanaog

hanggang hindi nabibigyan ng anumang pamatid-uhaw. / Sa paaralan, ang mga mag-

aaral na Pilipino ay nasisiyahang makisama sa mga kaklaseng dayuhan. Ito’y larawan

ng kabutihang–asal na minana pa natinsa ating mga ninuno. Dapat nating taglayin ang

pamanang-asal na ito at isagawa sa lahat ng pagkakataon sapagka’t ito’y tatak na

pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.

147 na salita

MGA KATANUNGAN

KABUTIHANG ASAL NG MGA PILIPINO


1. Ang kabutihang-asal ay minana natin kanino?
a. Sa mga dayuhan
b. Sa mga ninuno
c. Sa ating mga guro
d. Sa simbahan

2. Ang kabutihang-asal ay tatak ng bawat Pilipino bilang:


a. Pamanang-asal
b. Pamatid-uhaw
c. Alaala
d. Pagkakakilanlan

3. Sino ang higit na makapagpapatunay ng magandang asal ng mga Pilipino?


a. Ang mga ninuno
b. Ang mga dayuhan
c. Ang gobyerno
d. Ang kasaysayan

4. Ang mga Pilipino ay kilalang-kilala sa:


e. Kagandahang-asal
f. Mga produktong gawangPilipinas
g. Pagtanggap sa mga panauhin
h. Paggalang sa mga matatanda

5. Ang kabutihangasal ay makikita saan?


a. Pamahalaan
b. Lipunan
c. Paaralan
d. Lahat ng dako

6. Ang mga Pilipino ay nagtataglay na ng kabutihang-asal. . .


a. Mula ng dumating ang mga Kastila
b. Mula pa noong una
c. Mula noong panahon ng Hapon
d. Mula noong panahon ng Amerikano

7. Ano ang mahigpit na nagbibikis sa magkakamag-anak?


a. Paggagalangan
b. Kabutihang-asal
c. Pagkakaunawaan
d. Lahat ng nabanggit

8. Ang mga Pilipino ay tumatanggap ng panauhin para sa anong dahilan?


a. Ipakilala ang sarili
b. Mapatanyag
c. Isa sa ating kaugalian
d. Ipagmalaki ang bagong putahe

9. “Hindi sila pinapapanaog hanggang hindi nabibigyan ng anumang pamatid-uhaw.” Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Tanghalian
b. Hapunan
c. Merienda
d. Umagahan
10. Ano ang nais ipahiwatig ng akda?
a. Huwag nating kalimutan ang ating mga ninuno.
b. Makisama tayo sa mga dayuhan.
c. Ipatikim natin ang ating masasarap na pagkain sa mga bisita.
d. Ipagpatuloy natin ang magandang asal sa lahat ng pagkakataon.

BATAYAN SA PAGMAMARKA
PAIMBENTARYONG PAGTATAYA NG DI-PORMAL NA PAGBASA

MALAKAS NA PAGBASA

A. PAGKILALA SA SALITA

Bilang ng Salita – Bilang ng Mali x 100% 97- 100% Malaya (M)


Bilang ng mga Salita sa Kwento 90-96% Pampagkatuto (P)
89% - below Kabiguan (K)
B. PAG-UNAWA SA BINASA

Bilang ng Tamang Sagot x 100% 80-100% Malaya (M)


Bilang ng Tanong 59-79% Pampagkatuto (P)
58% below Kabiguan (K)

PANGKALAHATANG KAKAYAHAN SA MALAKAS NA PAGBASA


PAGKILALA NG MGA SALITA PANG-UNAWA ANTAS NG PAGBASA
MALAYA MALAYA MALAYA
MALAYA PAMPAGKATUTO PAMPAGKATUTO
MALAYA KABIGUAN KABIGUAN
PAMPAGKATUTO MALAYA MALAYA
PAMPAGKATUTO PAMPAGKATUTO PAMPAGKATUTO
PAMPAGKATUTO KABIGUAN KABIGUAN
KABIGUAN MALAYA KABIGUAN
KABIGUAN PAMPAGKATUTO KABIGUAN
KABIGUAN KABIGUAN KABIGUAN
DI-MAKABASA MAY KAPASIDAD SA PAKIKINIG DI-MAKABASA

TAHIMIK NA PAGBASA

A. BILIS NG PAGBASA

Bilang ng Salita sa Kwento x 60 170- pababa Mabagal (ML)


Bilang ng Segundo 171-190 Katamtaman (KM)
191 pataas Mabilis (MS)
B. PAG-UNAWA SA BINASA
Bilang ng Tamang Sagot x100% 74 Pababa Kabiguan (K)
Bilang ng Tanong 75-89% Pampagkatuto (P)
90-100% Malaya (M)

PANGKALAHATANG KAKAYAHAN SA TAHIMIK NA PAGBASA


BILIS NG PAGBASA PAG-UNAWA SA BINASA ANTAS NG PAGBASA
MABILIS MALAYA MALAYA
MABILIS PAMPAGKATUTO PAMPAGKATUTO
MABILIS KABIGUAN KABIGUAN
KATAMTAMAN MALAYA MALAYA
KATAMTAMAN PAMPAGKATUTO PAMPAGKATUTO
KATAMTAMAN KABIGUAN KABIGUAN
MABAGAL MALAYA PAMPAGKATUTO
MABAGAL PAMPAGKATUTO KABIGUAN
MABAGAL KABIGUAN KABIGUAN
ITO ANG SUSUNDING BATAYAN SA PAGMAMARKA SA PHIL-IRI SA TAHIMIK NA PAGBASA

Baitang 7
77 - pababa Mabagal (ML)
171-154 Katamtaman (KM)
155 pataas Mabilis (MS)

Baitang 8
116 - pababa Mabagal (ML)
117-233 Katamtaman (KM)
234 pataas Mabilis (MS)

Baitang 9
51 - pababa Mabagal (ML)
52-103 Katamtaman (KM)
104 pataas Mabilis (MS)

Ikaapat na Taon
50 - pababa Mabagal (ML)
51-101 Katamtaman (KM)
102 pataas Mabilis (MS)

You might also like