You are on page 1of 6

Learning Area    FILIPINO    

Learning Delivery Modality    MODYULAR    


Paaralan SDO LAGUNA Baitang  10
LESSON Guro Asignatura  FILIPINO
EXEMPLAR Petsa Agosto 24-26,2020 Markahan  UNA
Oras 1:00 - 2:00 ng hapon Bilang ng Araw  4
I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda


gamit ang mga ibinigay na tanong sa binasang mitolohiya
b. Nabibigyan –puna ang estilo ng may –akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda
c. Napapahalagahan ang mga kahinaan at kalakasan ng kapwa batay
sa mga tauhang nasuri sa mitolohiya .
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
akdang pampanitikan
B. Pamantayang Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga
isinasagawang critique tungkol sa alin mang akdang pampanitkang
Mediterranean
C. Pinakamahalagang Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit
Kasanayan sa Pagkatuto ang mga ibinigay na tanong sa binasang mitolohiya
(MELC) (F10PB- lb-c-63)
Nabibigyan –puna ang estilo ng may –akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda (F10PT –lb-c-62)

D. Pampaganang Kasanayan
II.NILALAMAN MITOLOHIYA: Cupid at Psyche

III.KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC FILIPINO G10, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide :
Guro (p.176) TG p 35
b. Mga Pahina sa Kagamitang Filipino - Ikasampung Baitang
Pangmag-aaral LM para sa Mag-aaral p.11-14
Unang Edisyon 2015
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/cupid-at-psyche-
mula sa Portal ng Learning mitolohiya-panitikang.html
resource
B. Listahan ng Kagamitang Panturo Modyul
para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

IV.PAMAMARAAN
A. INTRODUCTION (Panimula)
(1/2 Araw)
3. Development Gawain:
( Pagpapaunlad) Gagamitin ng guro ang mitolohiyang may pamagat na “Cupid at
( 1 ½ Araw) Psyche” upang malinang unti-unti ang konsepto ng aralin.
Magbigay ng sariling pananaw ukol sa larawan sa modyul.

UNAHAN TAYO SA PAGHAWAN JUAN!


Paglinang ng Talasalitaan
Isulat ang kasingkahulugan ng mga ito na gamit ang . Kikilalanin ng
guro ang naunang nakasagot. Ipagamit ang mga salita sa pangungusap.
prasko
punyal
ambrosya
patiyad

Pagganyak na Tanong
Bakit labis na sinasamba at hinahangaan ng mga kalalakihan si
Psyche?
Isulat ang sagot.
BASA PA JUAN!
 Ipababasa ng guro mitolohiya na nasa modyul.
Pamagat: “CUPID at PSYCHE”
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

ISIPIN MO PA JUAN!
Sagutan ang mga tanong na nasa modyul.

1. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na


suliranin sa kaniyang buhay?

2. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?

3. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkatao kay Psyche?

4. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus?


Ipaliwanag

5. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ang mga hamon ni Venus


para sa pag-ibig? Bakit?

Tinggna dayagram ni Cupid at Psyche na nasa modyul. Suriin ito at


tukuyin ang katangian ng dalawa.

KATANGIAN NG MAGKASINTAHAN
Kalakasan Kalakasan
Psyche cupid
Kahinaan Kahinaan

Paglalahad ng Konsepto
Ilalahad ng guro ang konsepto ng aralin na mababasa ng mga mag-
aaral sa modyul.
Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng
mga mito/ myth at alamat. Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito
mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng
mga diyos-diyusan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at
pinipintakasi ng mga sinaunang tao.

Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at


mula sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay
halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa
Klasikal na Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na
pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang
maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo,
ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag rin dito
ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad ng pagpapalit
ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy. Ito ay naglalahad ng ibang
daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang
kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani, tinuturing itong sagrado at
pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa
teolohiya at ritwal.

Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-


bayang naglalahad ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang
nilalang, at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang
mga mitong ito sa mga kuwentong – bayan at epiko ng mga pangkat-etniko
sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang mga
naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Elemento ng Mitolohiya

Makikita sa dayagram sa ibaba ang mga Elemento ng Mitolohiya na


kinabibilangan ng Tauhan, Tagpuan , Banghay at Aral

ELEMENTO NG MITOLOHIYA

TAUHAN TAGPUAN BANGHAY ARAL

Tumutukoy Ang Mga


Ito ang sunod- mahalagang
sa oras,
mga sunod na matututunan
karakter na
panahon at
lugar na pangya- pagkatapos
gumaganap
pinangyarihan yari sa mabasa ang
sa kuwento
ng kuwento kuwento kuwento
Ang Mitolohiya ay may limang (5) elemento ito ay ang Tauhan, sila
ang mga karakter na gumaganap sa kuwento at nagbibigay buhay sa akda.
Tagpuan naman ay tumuutukoy sa panahon,oras, lugar na pinagganapan ng
kuwento. Banghay ay isang mahalagang elemento ng parabula dahil
tumutukoy ito sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ang
huli ay ang Aral na tumutukoy sa mahalagang matututunan pagkatapos
mabasa ang kuwento.

Susuriin ng mga mag-aaral ukol mga mahahalagang


tauhan,tagpuan ,banghay at aral ng mitolohiyang binasa sa modyul.

ALALAHANIN MO JUAN!
Suriin muli ang mitolohiyang : Cupid at Psyche”. Sagutan ang tsart
sa ibaba ang hinihinging impormasyon hinggil sa elemento ng parabula.
Babasahin ng mga mag-aaral ang nakatala sa modyul.
Pamagat Tauhan Tagpuan Banghay Aral

Ang mitolohiya ay akdang tuluyan makikita ang istilo o pamamaraan batay


sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda. Kalimitang ang mga pahayag
na nakapaloob sa bahagi ng mitolohiya ay nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin.

Halimbawa 1
“Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin”

Kung bibigyang puna natin ang istilo ng may-akda batay sa ekspresyong


ginamit masasabing ang damdaming nangibabaw ay pagkagalit dahil
ipinahihiwatig ng mga salita ang emosyong nakapaloob sa hanay ng mga
salita.
Halimbawa 2
“Subalit huwag na huwag kang magpapakita sa kanila sapagkat
magbubunga ito ng matinding kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo,”

Kung bibigyang puna natin ang istilo ng may-akda batay sa


ekspresyong ginamit masasabing ang damdaming nangibabaw ay
pagmamalasakit dahil ipinahihiwatig ng mga salita ang emosyong
nakapaloob sa hanay ng mga salita.

Isusulat ng mga mag-aaral ang ilan pang sariling mga halimbawa ng


mga ekspresyon na sumasalamin sa istilo ng may akda.

Mahalagang mabatid natin ang estilo ng may-akda batay sa mga


ekspresyon at mga salitang ginamit dahil nakatutulong ito upang mabatid
natin ang damdaming nagingibabaw sa akda.

DAMA MO BA JUAN?
Panuto: Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at
ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng pagkilala damdaming nangibabaw
sa bawat pahayag.

1.“Pumasok ka, para sa iyo ang mansiyong ito. Maligo ka, magbihis, at
ihahanda namin ang piging para sa iyo. Kami ang iyong mga alipin.”

2. “Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa kung hindi ka daraan sa


butas ng karayom.”

3. “Sige gawin mo ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili
mong kapahamakan.”

4.” Bawal na kitang makita, pati ba naman ang mga mahal kong kapatid?”
pagmamaktol na sumbat ni Pysche.

5.“At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang


magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”

4. Engagement ( Pagpapalihan)
( 1 araw)
Sino ka sa kanila Juan?
Batay pagkakasuri mo sa nilalaman ng mitolohiya Cupid at
Psyche, sino sa mga Diyos/Diyosa ang masasabi mong may pagkakapareho
sa iyong pagkatao at karanasan? Isulat ito sa talaan.

ISA PA JUAN!
Tinggnan ang modyul na may dayagram ng caravan.Suriin l ang
nilalaman ng mitolohiyang “CUPID at PSYCHE .Itala sa Caravan ang
mga patunay na taglay ng mitolohiya ang mga elemento at kakanyahan
nito.

ELEMENTO KAKANYAHAN
CUPID at
PSYCHE

Ano ang istilo niya Juan?


Magtala ng teleserye/penikula na napanood mo na may
impluwensiya ng mitolohiya. Ilarawan ang istilo ng manunulat batay sa
mga ekspresyon at damdamin ng may akda.
5. Assimilation (Paglalapat) RESIPI NG BAGONG JUAN!
( 1 araw)
Tinggnan sa modyul ang modelo na makikita sa ibaba. Ipagawa ito
sa mga mag-aaral .
Panuto: Bumuo ng resipi ng buhay. Nakapaloob dito ang mga
katangiang dapat mong taglayin upang maging mabuting tao at maging
bagong ikaw batay sa aral na naisapuso mo sa mitolohiya na binasa.

ng Bagong Ako!
1 tasang pagmamahal
1 kutsarang tapang

Panapos na Pagtataya
 Pasasagutan sa mag-aaral ang pagtataya o maaaring ang
panimulang pagtataya na nasa modyul
MAGSALAMIN KA NAMAN JUAN!
Kulturang Masasalamin

Tukuyin ang masasalaming kultura ng mga taga-Rome sa akdang


binasa. Suriin ang pagkakahawig nito sa kultura ng mga Pilipino. Gawing
batayan ang halimbawang naibigay. Pagtulungan ito ng bawat pangkat. Itala
ng inyong mga kasagutan .

V. Pagninilay Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno o journal ng kanilang


(Kasabay sa araw ng Paglalapat) nararamdaman o realisasyon batay sa kanilang naunawaan sa aralin.
Nauunawaan ko na __________________________________________
Nabatid kong _______________________________________________

You might also like