You are on page 1of 4

Emcee Script

• "Mga kaibigan,/ sa ilang sandali po'y magsisimula na ang


palatuntunan. /Mangyaring humanda na ang lahat.”

MOVING UP
CEREMONY

I- Processional
“Isang kaaya-aya at mapagpalang araw po sa ating lahat /at MAGANDANG
BUHAY! Sa araw pong ito’y ating masasaksihan /ang taunang Moving-up
Ceremony sa TUGBO INTEGRATED SCHOOL taong panuruan/ dalawang
libot dalawamput dalawa/ hanggang dalawang libot dalawamput tatlo,/ na may
paksang diwang:

“GRADWEYT NG K TO 12: HINUBOG NG MATATAG NA EDUKASYON.”

Simulan po natin ang palatuntunan sa pagpasok ng mga magsisipagtapos,/ mga


magulang mga gurong tagapayo.

Matutunghayan/Masasaksihan po natin ang pag-pasok ng mga mag-aaral mula sa


pangkat ng kindergarten na sinusundan ng ikasampung baitang, kasama ang ka nilang
mga magulang/ sa pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo

Tunghayan natin ang pagpasok ng mga guro, kawani at mga pinuno ngapaaralan, ,
sa pangunguna ni Bnb. Framel Marie D. Ponferrada, Pang-Ulong guro ng Tugbo
integrated School, Gng. Rita C. Veracis and Superbisor Pandistrito ng Pampublikong
Paaralan ng Hilagang Distrito ng Mobo, Si G. Gringo B. Oliva, bilang ating Opisyal
ng Pagkumpirma Punong-Guro Mula sa Paaralng Elementarya ng Carlito C. Bolon,
Mula naman sa tanggaapan ng ating barangay, pingangungunahan ng ating Punong
Barangay na Si Honorable . DOMINGUITO A. APAYA kasama ang kanyang mga
kawani ng Barangay Tugbo, Mobo at panauhing tagapagsalita G. Dan E.
Dumalaon, Jr. ________ mula Tanggapan ng Dibisyong Panlalawigan ng Probinsya
ng Masbate.

I- (Pambansang Awit-Panalangin)
Manatiling nakatayo at sabay sabay nating ipagmalaking awiting ang Lupang
Hinirang. Ito ay susundan ng Panalangin na pangununahan ni Ysabelle Diniece S.
Mamac, mag-aaral mula sa kindergarten.
Ito ay susundan ng ating pag awit ng Bicol Regional March At SDO hymn.

Pakinggan naman natin Si Ronald O. Pacion,Jr. mag-aaral mula sa kinder garten upang
ihatid ang Panimulang pagbati.

II- Pagpapakilala sa panauhing tagapagsalita


Lahat po tayo ay may inspirasyon sa buhay. Marami sa atin ang inspirasyon ang
mga magulang at pamilya. Ang iba naman ay inspirasyon ang kanilang mga kaibigan, o
kaibigan. Ang iba naman po ay inspirasyon ang kanilang mga guro. Ngunit ang iba ay
naging inspirasyon ang hamon ng kahirapan, pagsubok, at suliranin sa buhay.
Sa araw pong ito ay may isang natatanging tao na magbibigay sa atin ng inspirasyon.
At upang siya ay ating makilala, narito po ang ating Panauhing Tagapag salita, G.
Dan A. Dumalaon, Jr. ________ mula Tanggapan ng Dibisyong Panlalawigan ng
Probinsya ng Masbate.

<<<<<<>>>>>

Upang iharap ang mga kindergarten at Junior High School Completers, malugod
po nating inaanyayahan ang masipag at kagalanggalang, Bnb. Framel Marie D.
Ponferrada,punong guro ng Tugbo Integrated School.

III- Pagpapatibay at Pag aabot ng katibayan


Mga mag-aaral, upang pagtibayin ang inyong pagtatapos sa kindergarten at Junior
High School at upang iabot ang katibayan ay narito ang ating Opisyal ng
Pagkumpirma Si G. Gringo B. Oliva, Punong-Guro Mula sa Paaralang Elementarya ng
Carlito C. Bolon,

<<<<>>>>>
Dumako naman tayo sa pagbibigay parangal sa mga natatanging mga mag aaral sa iba’t
ibang baitang. Upang tulungan tayo sa paggagawad ng medalya ng karangalan sa mga
nangungunang mag-aaral. Hinihiling name na umakyat sa tanghalan ang kani-kanilang mga
magulang upang igawad ang medalya ng karangalan. Sila ay tutulungan ng ating punong guro, mga
panauhing pandangal, at mga pang-ulong guro.

<<<<<>>>>

DUMAKO naman tayo sa pagagawad ng katibayan ng pagtatapos sa mga mag


aaral mula sa kindergarten at ika-sampung baitang, ating inaayayahan ang ating punong
Guro, Bnb. Framel Marie D. Ponferrada at ang kanilang mga gurong tagapayo, dito sa
entablado.
Atin ding inaanyayahan sina Gng. Rita C. Veracis and Superbisor Pandistrito ng
Pampublikong Paaralan ng Hilagang Distrito ng Mobo, Si G. Gringo B. Oliva, bilang
ating Opisyal ng Pagkumpirma Punong-Guro Mula sa Paaralng Elementarya ng
Carlito C. Bolon, G. Dan A. Dumalaon, Jr. ________ mula Tanggapan ng Dibisyong
Panlalawigan ng Probinsya ng Masbate.Mula naman sa tanggaapan ng ating barangay,
pingangungunahan ng ating Punong Barangay na Si Honorable . DOMINGUITO A.
APAYA.

Upang igawad ang katibayan ng pagtatapos sa mga mag aaral mula sa


kindergarten, ating inaayayahan ang kanilang gurong tagapayo, Gng. MA. THERESA
T. CAPELLAN.

Inaanyayahan din po sina G. JERSON A. NATURAL, gurong tagapayo NG


Ikasampung baitang.

IV- Pag abot ng plake

Sa puntong into ng programa ay inaanyayahan namin ang ating punong guro, Bnb.
Framel Marie D. Ponferrada, ng Tugbo integrated School, upang tulungan kami sa
pagbibigay ng parangal sa ating panauhin.

<<<<>>>>>

V- Mensahe

Sa punto pong ito ay atin nmang pakinggan ang mensahe ng pasasalamat na ihahatid
satin ni Princess B. Beringuila mula sa Grade 10-lapu lapu.
Panunumpa.

Hinihiling na Tumayo ang lahat ng mga Junior High School Completers para
sa kanilang panunumpa ng katapatan na pangungunahan ni Loren O. Pacion, bilang kinatawan ng ,
Supreme Secondary Learner Government (SSLG).

VI- Pangwakas na awit

Sa punto pong ito mga magulang at mga panauhin, atin pong saksihan ang mga batang
nagsipagtapos sa kanilang natatanging awit. Ang awitin na naglalarawan ng mga nabuong
pagkakaibigan sa loob ng apat na taon sa junior high school ng Tugbo Integrated School.

VII- Bating Pamamaalam


Upang maghatid ng bating pamama alam, inanyayahan po namin sa ating entablado si Bnb. Framel
Marie D. Ponferrada, Pang-Ulong guro ng Tugbo integrated School.

VIII- Exit

At dito po nagtatapos ang ating palatuntunan. Sa muli maligayang pagbati mga bata,
mga magulang. Maraming salamat sa lahat ng mga guro, sa aming punong-guro, si
Bnb. Framel Marie D. Ponferrada, Pang-Ulong guro ng Tugbo integrated School, at sa
atin pong panauhing tagapagsalita na G. Dan A. Dumalaon, Jr. ________ mula
Tanggapan ng Dibisyong Panlalawigan ng Probinsya ng Masbate. Sa ating Opisyal ng
Pagkumpirma, Punong-Guro Mula sa Paaralng Elementarya ng Carlito C. Bolon, G.
Gringo B. Oliva. Mula naman sa tanggaapan ng ating barangay, na pingangungunahan
ng ating Punong Barangay na Si Honorable . DOMINGUITO A. APAYA.

<<<<<<>>>>>
Nais din po nating pasalamatan ang lahat ng tumulong upang ang seremonyang ito
ay maging isang kaganapan. Maraming salamat po sa lahat ng mga gurong tagapayo
mula sa iba’t ibang baitang ng Tugbo Integrated School na nag tulong tulong upang
mangyari ang pagdiriwang na ito.
Ito po ang inyong lingkod, Gng. Mary Grace C. Baguio,
at G. Rey A. Antonio.
Magandang hapon po at mabuhay ang Tugbo Integrated School!
lOMoARcPSD|15359470

You might also like