You are on page 1of 2

Opening Program

Isang maganda at mapagpalang araw po sa ating lahat! Upang pormal na simulan ang ating programa ngaung
umaga, inaanyahan ko po ang lahat na magsitayo ng may paggalang para sa pag awit ng Lupang Hinirang na
kukumpasan ni Gng. Aldrelyn B. Cabatay, gurong tagapayo ng Ikaanimna baitang.
Manatili pa rin pong nakatayo para sa pambungad na panalangin na pangungunahan ni Bb. Mary Ann D.
Pasia, na susundan ng pag awit ng mga makabayang awitin sa pagkumpas ni Gng. Concepcion C. Ramos, guro
sa ikalawang baitang.
Maari na pong magsiupo ang lahat.
Sa lahat po ng bumubuo ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating iginagalang na Punong
Barangay,Kgg. Edwin H. Sarmiento, sa ating masipag na ulong guro ng paaralan, Gng. Estelita P. Oliveros,
gayundin po sa aking mga kasamahang guro at lalot higit sa lahat po ng mga magulang at mga guardian na
naririto, muli po, isang mapagpalang umaga po sa ating lahat and welcome po sa ating first General
Assembly para po sa School Year 2023-2024. Para po sa ating mga magulang ng Kindergarten at ng ating
mga transferees, welcome po sa Macalamcam Elementary School.
Sa pagpapatuloy po , Upang magbigay ng kanyang Pambungad na Mensahe ng Pagbati, akin pong tinatawagan
ang aming masipag na Ulong Guro II ng paaralan, Gng. Estelita P. Oliveros.
Maraming salamat po mam!

II. NLC
Sa oras pong ito ay dadako naman tayo sa ikalawang bahagi ng ating programa, ang National Learning Camp
Completion Ceremony. Ang National Learning Camp, or NLC po, ay isang comprehensive learning recovery
program ng ating Kagawaran na naglalayong mapaunlad ang kakayahan ng mga bata lalot higit sa larangan po
ng pagbasa. At ngayon nga pong araw na ito ay matagumpay nilang natapos ang __ lingo ng Learning Camp.
At upang magbigay po ng kanyang inspirational message, muli ko pong tinatawagan aming Ulong Guro II, Gng.
Estelita P. Oliveros.
Maraming Salamat po mam!
At sapagkakataon pong ito ay dadako naman tayo sa Awarding of Completion Certificate para sa mga batang
maltagumpay na nakatapos ng Learning Camp. Ito po ay pangungunahan ng ating Ulong Guro, ng gurong
tagapayo ng Kindergarten, Gng. Alma M. umali at gurong tagapayo ng Unang Baitang, Gng. Kristina D.
Dimaano.

III. Closing Program


Sa punto pong ito ay tayo ay nasa ikatlong bahagi na ng ating programa, ang Closing Program for Brigada
Eskwela 2023.
Ang Brigada Eskwela sa taong panuruan 2023-2024 na may temang “Bayanihan sa Matatag na
Paaralan” ay nagbigay-daan po sa atin upang maisagawa ang mga dapat kumpunihin, mga paglilinis
at pagsasaayos ng mga silid-aralan at pagpapaganda ng buong paaralan bilang paghahanda po sa
pagbubukas ng klase. Tunay na mapalad po ang ating paaralan sapagkat ang suporta ninyong lahat,
mga magulang, mag-aaral, at iba pang stakeholders at community partners mula sa pribado at
pampublikong institusyon ay nagkaroon po ng magandang resulta sa ating paaralan na naging dahilan
upang matapos ang aktibidad na ito.
At upang ibigay sa atin ang kanyang mensahe ng pasasalamat ay tinatawagan ko pong muli ang Ulong Guro ng
paaralan, Gng. Estelita P. Oliveros.
Maraming Salamat po mam.

Para po pangunahan ang Awarding of Certificates sa ating mga donors at mga stakeholders na naging
katuwang natin upang maging matagumpay ang gawaing ito, akin pong tinatawagang muli si Mam Tilet
na sasamahan po ng ating School Brigada Coordinator ngayong taon na si Gng. Liezl L. Dimaano para po sa
pagbibigay ng ating certificates.
At hayaan nyo pong basahin ko ang nilalaman.

Ang Brigada Eskwela po ay naging matagumpay dahil sa walang sawang suporta mula sa iba’t ibang
taong kabahagi ng ating paaralan. Kaya muli po, isang taos pasasalamat ang amin pong ipinaabot sa lahat at
sana po ay patuloy nyo pong suportahan ang mga programa ng ating paaralan sa buong taon at sa mga
susunod pang panahon. Thank you somuch po mga kabrigada.
IV. At para naman po sa huling bahaging ating programangaung umaga, tayo po ay dadako na sa Orientation
for the Opening of Classes for SY 2023-2024 na pangungunahan po ng ating Ulong guro II, Gng. Estelita P.
Oliveros.

At dito na po nagtatapos ang ating programa kaya inaanyayahan ko po ang lahat na magsitayo para sa ating
closing prayer na pangungunahan ng Gurong tagapayo mula sa ikalimang Baitang, Gng. Rowena D. Porillo.

You might also like