You are on page 1of 2

SCRIPT SOSA 2021-2022

LAN: Isang mapagpala at BANGgandang araw sa inyong lahat at MABUHAY! Malugod at Kasiya-siya
pong inihahandog ng Mataas na Paaralang Nasyunal ng Baras-Pinugay Phase 2 ang isang programa
ng pag-uulat, upang ituran sa atin ang mga pangyayaring naganap sa mga nagdaang taong
panuruan Dalawang libo dalawampu’t isa – Dalawang libo dalawamu’t dalawa na may temang:

LAN & DIN: “The PRIME Synergy in Education: Moving Forward as One in Sustaining Learning
Continuity”

DIN: Halina na! Samahan niyo kami at tunghayan ang mga nakamit na tagumpay, mga nailatag na
programa para sa mga batang PRIME, paglalahad ng datos patungkol sa (SRC) or School Report
Card at ang mga sumusunod na plano, paghahanda at hakbangin ng paaralan upang maipagpatuloy
ang pagbibigay ng dekalidad at tapat na serbisyo para sa mga batang Rizaleno.

DIN: Ako po si Bb.Geraldine V. Tonito, guro sa ika-siyam na baitang


LAN: At ako naman po si G. Olland Chesster E. Verano, guro sa ika-pitong baitang.
LAN & DIN: Kami po ang inyong mga guro ng palatuntunan.
DIN: Sa ating minamahal na Punong-guro, mga kapuwa ko guro, mga panauhin, mga magulang. Muli
ay binabati po namin ka’yo ng isang magandang umaga at mabuhay! Talaga nga namang
kapanapanabik at kaabang-abang ang araw na ito para sa mga naging kabahagi sa pag-unlad ng
ating paaralan! -------

LAN: Upang pormal na buksan ang ating palatuntunan, ang lahat po ay inaanyayahang tumayo at
magbigay galang sa watawat ng Pilipinas sa pagkumpas ni GINOONG. JAYSON C. TANCINGCO,
guro sa asignaturang MAPEH na susundan ng isang panalangin na pangungunahan ni BINIBINING.
MA. IVY H. CASTALONE, guro sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao, at ang pag-awit ng
CALABARZON March, Rizal Mabuhay at Baras Hymn sa pagkumpas naman ni BINIBINING ELSHA
JOESEL P. ACOL, guro sa asignaturang MAPEH.
-------------(CALABARZON March, Rizal Mabuhay, Baras Hymn)--------

LAN: Upang magbigay ng Pambungad na Pananalita atin pong inaanyayahan si GINANG MA.
JUNELIA M. TIBAY Officer-in-charge ng Baras-Pinugay Phase 2 NHS. Bigyan po natin siya ng
masigabong palakpakan.
DIN: Maraming Salamat po, Ginang. Junelia Tibay, sa napakahalagang mensahe na inyong ibinahagi
sa araw na ito.
LAN: Sa pagpapatuloy po ng ating palantuntunan, kaisa ang ating pamahalaang bayan sa
pagsasakatuparan ng iba’t-ibang proyektong pampaaralan, upang magbigay ng kanyang mensahe,
narito ang ating kagalang-galang na ALKALDE NG BARAS GINANG KATHERINE B. ROBLES.
DIN: Maraming Salamat po, Mayor Robles, sa inyong makabuluhang mensahe. Ngayon naman ay
ating tunghayan ang mensahe na ihahatid ng ating BRGY. CAPTAIN. Bigyan po natin ng
masigabong palakpakan si GINOONG. JEOFRE R. SECLOT.
LAN: Pasasalamat po sa iyong makabuluhang mensahe Ginoong Seclot. Ngayon naman po ay
susundan ito ng ating butihing presidente ng Sangguniang Kabataan ng Baras, BB. PAULINE CRUZ
ARIMADO. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan.
DIN: Maraming Salamat po, Binibining Arimado, sa inyong napakagandang mensahe. Patunay po na
ang mga kabataan ng baras ay handang umagapay, maging inspirasyon, at magsilbi ng buong puso
sa mga kapuwa kabataan pati narin sa ating komunidad. Akin naman pong ipinakikilala ang susunod
nating tagapagsalita. Siya po ang butihing pastora ng Jesus is Hope and Rock Church na isa po sa
mga bumubuo ng ating Prime Stakeholder. Bigyan po natin ng masigabong palakpakan si Ginang
MARIA ANGELIE B. TAN.
LAN: Maraming salamat po, Ginang Tan sa iyong hindi matatawaran na pagsuporta sa ating
paaralan. Ngayon naman po ay ating tunghayan at pakinggan ang mensahe na magmumula sa ating
pinagpipitaganang tagamasid pampurok, GINOONG TIRSO M. ARAMBULO.
DIN: Maraming Salamat po, Ginoong Arambulo, sa inyong makahulugang mensahe. Amin pong
kinikilala ang inyong hindi matatawaran na pag gabay at malasakit sa paaralan. Ngayong umaga
naman po ay masasaksihan din natin ang isang mensahe na magmumula sa isa pa nating masipag
at kagalang-galang na tagamasid pampurok , DR. CECILIA D. RAMIREZ.
LAS: Pasasalamat po sa inyong mensahe Dr. Ramirez,_________________________. Sa dako
pong ito ng ating palatuntunan, ating tunghayan ang inihandang pampasiglang bilang. Narito ang
piling Prime teachers na magpapamalas ng kanilang kahusayan sa larangan ng pagsayaw. Bigyan
po natin sila ng masigabong palakpakan.
DIN: Maraming Salamat po sa ating mahuhusay at talentadong guro, Tunay nga naman na ang mga
guro sa Baras Pinugay Phase 2 national high school ay hindi lamang nakapagpapamalas ng kanilang
kahusayan sa pagtuturo kundi nagpapakita rin ng kagalingan sa iba’t ibang larangan.
Ngayon naman po ay dumako na tayo sa sentro ng ating programa. Buong karangalan po naming
ipinakikilala sa inyo ang ina ng Mataas na Paaralang Nasyunal ng Baras-Pinugay Phase 2 para
ilahad sa atin ang kanyang State of the School Address 2021-2022. Handugan po natin ng
masigabong palakpakan an gating mahal na punong-guro, GINANG. KRISTINE JOY S. PEDROSO.
----------------SOSA Proper------------
LAN: Maraming Salamat po, Gng. Kristine Joy S. Pedroso,
________________________________________ 
Ngayon naman po ay mapapakinggan natin ang ating Officer-in-Charge, GNG. MARIA JUNELIA M.
TIBAY para talakayin ang Governance for Excellent Performance.
DIN: Maraming Salamat po, Ginang. Tibay, natitiyak po namin na ang inyong ibinahaging mensahe ay
magsisilbing inspirasyon sa amin bilang inyong kapwa guro upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng
dekalidad na serbisyo sa ating mga mag-aaral.
Ngayon naman po ay ating maririning ang munting mensahe na magmumula sa Presidente ng ating
General Parent teacher Association or GPTA President, GNG. GRACE T. PANTAN. Bigyan po natin
siya ng masigabong palakpakan.
LAN: Maraming salamat po, Ginang Pantan____________________________________________.
ngayon naman ay pakinggan natin ang pang wakas na pananalita na magmumula sa ating butihing
pangulo ng samahan ng mga guro, GINANG. CHARMAINE C. ANZALDO.
DIN: Maraming Salamat po, Gng. Anzaldo, sa inyo pong nakalulugod na mensahe. Tunay nga
namang hindi matatawaran ang sakripisyo, dedikasyon at pagsisikap ng ating mga guro, magulang, at
stakeholders.
mahal na punong-guro, GINANG. KRISTINE JOY S. PEDROSO.
----------------Pangwakas na pananalita------------
LAN: Ang nagdaang taon ay hindi maipagkakailang nagbigay sa atin ng maraming bilang ng
pagsubok, sa kabila nito ay ating natuklasan na kaya nating ipagpatuloy ang buhay at edukasyon
basta’t tayo’y nagkakapit-bisig ng may iisang adhikaing patuloy na suportahan at paunlarin ang ating
paaralan, kaguruan, at ng ating mga Batang PRIME. Kaisa tayo sa ating PRIME Community!
DIN: Ikinagagalak po naming ipabatid ang aming taos pusong pasasalamat at pagbati sa ngalan ng
pamunuan ng Paaralang Nasyunal ng Baras-Pinugay Phase 2 at sa pangunguna po ng aming
punong-guro na si Gng. Kristine Joy S. Pedroso, sa pamunuan ng pamahalaan at sangay ng bayan
ng baras, mga kaguruan, mga magulang, mga mag-aaral, sa lahat po ng sumuporta, tumulong at
patuloy na nakikiisa sa mga aktibidad hanggang dito po sa ating State of the School Address 2021-
2022 at sa mga susunod pang programa ng ating paaralan.
Naging matagumpay at ganap po ang palatuntunang ito dahil sa pagkakaisa ng bawat isa.
Nakatitiyak po ta’yo na sa kabila ng nararanasan nating pandemya ta’yo ay sama-samang babangon
at magpapatuloy na mabigyan ng dekalidad na edukasyon at ligtas na balik-eskwela ang mga batang
rizaleno. Muli kami po ang inyong lingkod _________
DIN: Ako po si Binibining. Geraldine V. Tonito
LAN: At ako naman po muli si G. Olland Chesster E. Verano
LAN & DIN: Ang inyong guro ng palatuntunan. Maraming Salamat po!

You might also like