You are on page 1of 2

Script for Virtual Graduation

Maraming bagay ang nagbago simula ng subukin tayo ng Coronavirus. Maraming sektor ang
naapektuhan at isa na nga rito ang sektor ng Edukasyon. Social distancing, tamang pagsusuot
ng face masks at face shields, pati na rin ang pagdidisinfect ng mga kamay ay naging bahagi
na ng ating mga buhay. Ngayon na ang lahat ay nasa ilalim na ng bagong normal na
edukasyon, pati ang paraan ng pag-aaral ng mga bata ay nagkaroon din ng pagbabago.
Naipatupad ang modular distance learning o ang pagpapatuloy ng edukasyon ng mga mag-
aaral mula sa kanilang mga bahay. Maraming mga bagay ang nagbago dahil sa Covid. Ang
mga gawain na dati ay nakasanayan nang gawin sa loob ng paaralan ay hindi na ngayon
binibigyan ng pahintulot katulad na lamang ng pagdaraos ng pagtatapos ng mga bata na nasa
ika-anim na baitang.
Ang pagsubok na ito ay hindi magiging hadlang upang kilalanin ang mga batang
magsisipagtapos sa taong ito. Ang paaralan ng Mangino ay kaisa ng mga mag-aaral sa
paglalakbay patungo sa kanilang mga pangarap. Tayo ngayon ay magdaraos ng Birtuwal na
Pagkilala para sa mga mag-aaral sa taong 2020-2021 sa pamamagitan ng tulong ng
makabagong teknolohiya. Sa mga magulang at mag-aaral na nagsumikap upang maitawid ang
panuruang 2020-2021, makikita na ninyo ang bunga ng inyong itinanim na sipag at tiyaga.
Buong puso kaming nagpapasalamat at sumasaludo sa inyong kasipagan at dahil rito, naging
matagumpay ang panuruang ito sa ilalim ng modular distance learning.
Malugod kong inihaharap sa inyo ang masisipag, matatalino, at mapagmahal na mga guro e
Sisimulan natin ang ating programa sa pag-awit ng Lupang Hinirang na susundan ng
Panalangin, Martsa ng DepEd Rehiyon III at Martsa ng DepEd Gapan City. Pagkatapos nito,
ating masasaksihan ang Pambungad na Pananalita ng isa mga batang magsisipagtapos at may
mataas na karangalan, Jasmine E. Estibar.

Ating pakinggan ang mensahe ng pag-asa na manggagaling sa ating masigasig na
Tagapamahalang Panlungsod, G. Alberto P. Saludez.

Upang magbigay ng mensahe ng pagbati sa mga batang magsisipagtapos, narito ang ating
Kalihim ng Edukasyon, Gng. Leonor Magtolis-Briones.

Tayo ay lubos na nagpapasalamat sa ating SDO-Gapan pagbibigay katuparan sa Birtuwal na
Pagtatapos nating ito. Sa ina ng ating paaralan na simula’t sapul ay nakaagapay na sa ating
lahat at hindi tayo pinabayaan sa pagtataguyod ng bagong normal na edukasyon na ito,
Ginang Julita J. Aguilar, maraming salamat. Sa mga guro na nagsilbing liwanag na naging
daan upang mas lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang edukasyon sa bagong normal,
maraming salamat.
Sa mga magulang at mag-aaral, ito na ang inyong pinakahihintay. Narito na ang Paghaharap,
Pagtanggap, at Pagpapatibay sa mga Batang Magsisipagtapos. Ito ay pangungunahan ng ating
Punong Guro III, Gng. Julita J. Aguilar, ang ating Tagapamatnubay Pansangay, Gng. Evelyn
T. Garcia, at ang ating Tagapamahalang Panlungsod, G. Alberto P. Saludez.

Script for Virtual Graduation

Inyong masasaksihan ang mensahe ni Princess Kreesha S. Ventura, batang nagkamit ng


mataas na karangalan. Susundan ito ng pangako ng mga nagsipagtapos na pangungunahan
nin Racie P. Antonio, batang nagkamit ng karangalan.

Ating pakinggan ang pangwakas na pananalita ng masipag at mapagmahal na ina ng ating
paaralan na si Gng. Julita J. Aguilar.

Sa puntong ito, ating pakinggan ang awit ng pagtatapos ng mga mag-aaral. Mapapanood din
natin ang kanilang naging paglalakabay sa mapaghamong pag-aaral sa bagong normal sa
pamamagitan ng outputs, online teaching, video lessons, at iba pang mga larawan na
nagpapakita ng kanilang pagsisikap bilang mag-aaral, kasama ng kanilang mga magulang at
tagapamatnubay.

Maraming salamat sa inyong lahat sa pagsama sa amin sa pagdaraos ng Birtuwal na
Pagtatapos ng mga mag-aaral na nasa ika-anim na baitang. Isang birtuwal na masigabong
palakpakan ang nais naming ialay sa inyong lahat. Ako si Gng. Ma. Elaine Christine S.
Paguio, ang Guro ng Palatuntunang ito ay muling nagpapasalamat sa inyo aming mga mahal
na magulang sa inyong walang sawang pagsuporta at paggabay sa inyong mga anak. Tayo
nawa ay kasihan ng poong Maykapal.

You might also like