You are on page 1of 1

Isang mapagpalang araw po sa ating lahat.

Isang mapaghamong taon po ang ating


natapos na may pakikibaka sa pandaigdigang pandemya. Ang Taong Panuruan 2020-2021 ay
punong-puno ng hamon para sa ating mga mag aaral. Hamon na napagtagumpayan nila, sa
kabila ng kanilang murang isipan.
Hindi man po lingid sa kaalaman ng lahat na tayo ay naharap sa isang pagsubok dulot
ng pandemya. Ang atin pong mga mag-aaral ay buong husay na nagpamalas ng kanilang
kakayahan sap ag-aaral sa paraang modyular.
Sa pagkakataon pong ito ay kanila ng makakamit ang unang yugto ng pag-aaral sa
ating paaralan. Ang kanilang pag-angat na ito ay masasabing simula ng kanilang pakikiharap
sa panibagong pagsubok sa mga susunod na antas ng kanilang pag-aaral.
Ang tema pong pagtatapos ngayong taon ay “Kalidad ng Edukasyon Lalong Patatagin
sa Gitna ng Pandemya”.
Sa mga batang nagsipag-angat, ito ang muling hamon sa inyong lahat na makamit ang
kalidad ng edukasyon sa kabila ng pandemyang ating nararanasan,
Sa mga magulang, lubos po ang pasasalamat ng pamunuan ng Paaralang San Juan,
sap ag-akay sa mga bata upang marating nila ito, kaagapay ng mga guro ang mga barangay
opisyal na maisakatuparan ang programang ito.
Muli po, binabati kong lahat ang mga batang nagsipag-angat. Mabuhay po tayong
lahat!

You might also like