You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PANGASINAN II
Canarvacanan, Binalonan Pangasinan

MESSAGE
Kagalakan at pagmamalaki ang nais kong ipaabot sa lahat ng mga
Completers at mga nagsipagtapos sa taong panuruan 2022-2023. Hindi na
kakaunting sakripisyo, kasipagan at pagpapakasakit ang inilaan ng bawat
isa sainyo makamit lamang ang inyong mga pangarap. Bilang katunayan ay
makakamit na ninyo ang inyong katibayan sa pagtatapos, ang naging bunga
ng lahat ng inyong pagsusumikap. “GRADWEYT NG K TO 12: HINUBOG NG
MATATAG NA EDUKASYON”, saad nga sa tema ng taong ito, ang araw ng
inyong pagtatapos ay hindi lamang isang milestone na dapat ipagdiwang
bagkus ito rin ay isang simbolo ng inyong katatagan at katapangan bilang
mga mag-aaral na Filipino. Hinasa, hinubog at sinanay ng isang matatag na
sistema ng batayang edukasyon, ang inyong pagtatagumpay ay
sumasalamin sa isang edukasyon na tunay na umagapay sa inyo. Kayo’y
tunay na naging matatag sa kabila man ng lahat ng pagsubok, kahirapan o
pandemya man. Sa inyong pagtatapos, sa pagpapatuloy ng inyong
paglalakbay sa susunod na antas ng pag-aaral, nawa’y patuloy na inyong
baunin ang katatagang inyong taglay upang ipagpatuloy pa ang pagkamit
ng inyong mga pangarap. Higit sa lahat na inyong dapat taglayin ay ang
kababaang puso at pagpapasalamat sa PANGINOON sa patnubay at gabay
na kaloob Niya at patuloy na ipagkakaloob pa sainyo sa patuloy ninyong
pagkamit ng inyong mga pangarap. Maligayang pagtatapos at mabuhay
tayong lahat!

CORNELIO R. AQUINO, EdD


Chief Education Supervisor
Curriculum Implementation Division

You might also like