You are on page 1of 1

MENSAHE SA PAGTATAPOS

Binabati ko kayo, mga mahal kong mag-aaral, sa inyong pagtatapos mula sa


Paaralan nating sinta ngayong taong panuruan 2022-2023. Ang inyong
pagsusumikap sa anim na taong pag-aaral ay mabibigyan na ng
katuparan sa pamamagitan ng pagkamit ng katibayan ng pagtatapos.

Sisimulan ko ang aking mensahe sa isang katagang, “Dream Big. Start


Small.” Ibig sabihin, lakihan ninyo ang inyong mga pangarap pero kasabay
nito ay dapat na malawak din ang inyong pang-unawa sa landas na
tatahakin patungo sa inyong mga naisin. Lahat ng ito ay simulan ninyong
buuin ng paunti-unti nang may karampatang aksyon, dahil walang shortcut
sa pagiging matagumpay na tao.

Tulad ngayon, isang hakbang ang nakumpleto ninyo-- ang makapagtapos


ng elementarya. Bilang “Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na
Edukasyon”, naniniwala ako na ang mga susunod pang yugto pagkatapos
nito ay magbibigay sa inyo ng tibay na paghandaan ang pagkamit ng inyong
mga pangarap. Huwag lamang kayong tatamarin dahil ang pag-aaral ang
siyang tunay na susi upang matupad ang inyong mga mithiin sa buhay.

Gradwets, ang pangarap, hindi pansarili lang. “Ang tamang bagay daw kahit
nasa tamang panahon, wala na ring saysay kapag wala na ang mga tamang
tao sa buhay natin.” Kaya sa araw-araw na kasama ninyo ang inyong mga
magulang, matuto kayong pahalagahan sila. Aanhin mo ang katuparang ng
pangarap mo kung wala ka namang kasamang mag-eenjoy sa lahat ng
pinaghirapan mo? Patuloy kayong mangarap, siguraduhin na kasama ang
buong pamilya, at ang kagustuhan na makatulong sa iba - sa binubuo
ninyong mga mithiin.

Ngayon sa pagtanggap ninyo ng sertipiko ng pagtatapos, tanggapin din


ninyo ang hamon kung paano marating ang inyong mga naisin sa buhay.
Ipagpapatuloy ang pag-aaral ng may kahusayan, katapatan at
pagpupunyagi alang-alang sa inyong kinabukasan, ng inyong pamilya, at
para na rin sa inyong bayan. Nawa’y maging matibay kayo sa darating na
mga pagsubok sa buhay. Maging isang pagpapala kayo sa iba!

Muli Maligayang pagtatapos! Binabati ko kayo Maybunga Annex Elementary


School Graduates Batch 2022-2023!

You might also like