You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education

M E N S A HE

Maalab na pagbati sa inyong lahat na


magtatapos ngayong taong panuruan 2022 -2023.

Natatangi sa kasaysayan ng edukasyon dito sa


Pilipinas at ng buong mundo ang inyong pagtatapos
sa pag-aaral dahil kayo ang unang grupo na
magsisipagtapos pagkatapos ng pandemya sa
kauna-unahang panuruang nagsimula sa buwan ng
Agosto at natapos ngayong buwan ng Hulyo.
Nalinang ang inyong mga kakayahan sa gitna ng maraming pagsubok na
nagpatibay sa inyong marubdob na hangaring makatapos sa pag-aaral.
Kabilang kayo sa libu-libong magtatapos sa taong ito na hinulma gamit ang
natatanging kurikulum akma sa kasalukuyang kundisyon ng ating bansa at
ng buong mundo. Saludo ako sa tatag at tibay ng loob ninyo para abutin ang
rurok ng tagumpay, ang inyong PAGTATAPOS, na tugma sa tema na
"Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon".

Sa mga magulang, guro, at lahat ng mga taong bukas-palad na


tumulong sa mga "anak" nating magtatapos sa taong ito, malugod na pagbati
rin sa inyo.

Papuri sa Poong Maykapal sa lahat ng ating tagumpay!

NESTOR C. HERAÑA, CESO VI


Pansangay na Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan

You might also like