You are on page 1of 1

Sophia Therese Canon Grade 7-STE 2 E.s.P.

Repleksyon sa National School Opening Day Program sa Setyembre 13, 2021

Sa ganap na 7:30 -8:00 ng umaga, sa pamamagitan ng DepEd Facebook Page ay


aking natunghayan ang programa para sa pagbukas ng pasukan ngayong S.Y. 2021-2022.
Sa talumpati ng Pangulo at ng Kalihim ng Edukasyon sa pagbubukas ng pasukansa taong
pampaaralan 2021 -2022, ibinanggit ang iba ’t ibang klase ng pag -aaral tulad ng online,
radio-based, modular at blended learning. Labis ang paghahandang ginawa ng iba’t ibang
kagawaran upang ang pasukan sa taong ito’y matuloy.
Isinaad ng Kalihim ng Edukasyon na ginawa nila ang lahat ngpossible upang ang
kaalaman ay magpatuloy sa mga kabataan. Atin ring natatandaan galing kay Dr. Jose
Rizal na ang kabataan ay pag -asa ng bayan. Kaya’t ang ating pamahalaan ay gumagawa
ng parran maging kapalit man nito ’y ang kanilang buhay sa ngalan ng serbisyong totoo.
Labis ang kanilang sakripisyo lalo na sa paghahanda. Sila ’y sumailalim sa Swab test at
iba’t ibang kahirapan upang matugunan ang pangangailangan ng Departamento ng
Edukasyon.
Nasabi rin ang mga protocols na dapat sundin sa loob ng pasukan ngayong taon.
Inaasahan kong ang Tabaco N ational High School ay mabibigyang katuparan ang aking
pangarap sa pmamagitan ng mga kaalamang aking makakalap sa loob ng pasukang ito.
Akin ring aasahan na bagama’t hindi kami nakakapag-usap ng pisikal, ay maihahatid pa
rin ang mataas na k alidad ng edukasyon. Sa E.s.P. naman ay makapagbibigay tulong sa
mga magulang ng mga bata na magkaroon ng mabuting asal kahit lamang sa virtual class.

You might also like