You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
DIVISION OF SAN JOSE CITY
SINIPIT BUBON ELEMENTARY SCHOOL

Nobyembre 26, 2021

Kgg. VENANCIO V. DOMINGO


Punong Barangay
Sinipit Bubon, Lungsod ng San Jose

Sir:

Mapagpalang araw po!

Ang Kagawaran ng Edukasyon sa sangay ng San Jose City ay naghahanda para sa nalalapit na Limited
Face to Face Expansion na pag-aaral ng mga bata. Kaugnay nito, ang lahat ng mga paaralan ay
kailangang makatugon sa itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon at ayon sa DepEd Memorandum
blg.71 s. 2021 na sa isang Resolusyong Pambarangay ay maisaad ang pakikiisa ng pamunuan sa
layuning ito na isa sa mga kinakailangan para maisakatuparan ang pagbubukas ng Face to Face sa
mga paaralan.

Ang mga sumusunod ay inaasahang suporta na masasaad sa Resolusyong Pambarangay.

1. Koordinasyon ng Barangay Health Workers (COVID Task Force) sa Health coordinators ng


bawat paaralan.
2. Regular na pagkolekta ng mga infectious waste materials (COVID) sa paaralan,
3. Pagtulong sa paghahatid ng mga mag-aaral na kailangang madala sa ospital, at
4. Iba pang mga bagay na may kaugnayan sa ligtas na pagbubukas na Face to Face na klase.

Inaasahan po namin ang inyong agarang pagtugon, malugod na pagsuporta at pakikiisa sa aming
kahilingan para sa kapakanan ng mga batang pag-asa ng kinabukasan. Maraming salamat po.

Gumagalang,

SUZANNE V. CLAUR
Gurong Namamahala

You might also like