You are on page 1of 6

Module 7

Scene 1 – Opening (same with the opening in module 6)

Scene 2
Talent: Sa linggong ito ay ating pag-aaralan ang pagdadagdag gamit ang isip lamang.
Adding mentally of 1- to 2-digit numbers with sums up to 50 using appropriate strategies

Pero bago tayo dumako sa ating aralin atin munang subukin kung kaya na ninyo ang ating aralin.

Sagutin ang mga sumusunod gamit ang isip lamang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.) 25 + 25 = ______
2.) 13 + 12 = ______
3.) 35 + 5 = ______
4.) 17 + 3 = ______
5.) 22 + 8 = ______
Talent: Tingnan nga natin kung tama ang inyong mga kasagutan
1. 50
2. 25
3. 40
4. 20
5. 30
Talent: Wow, magaling mukhang kaya na nga ninyo ang ating aralin. Tara at atin pang tuklasin ang mga kasanayan na dapat nating
matutunan upang mas magiging madali para sa inyo ang pagdadagdag gamit ang isip lamang

Scene 3

Talent: Natatandaan pa ba ninyo ang ating aralin noong nakaraang Linggo? Sige nga sagutin ninyo ang sumusunod.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang kabuuan ng 252 at 64 ay ______.


a. 216 b. 316 c. 346 d. 360
Sagot: b, tama ba kayo? Wow magaling
2. Ano ang kabuuan ng 43 at 123?
a. 245 b.132 c. 166 d. 104
Sagot: c ba ang sagot nyo? tama
3. Pagsamahin ang 245 at 465 , ano ang sagot?
a. 710 b. 657 c. 643 d. 896
Ang sagot ay …A, ang galing
4. Mayroong 34 at 155 na mga lapis. Ilan lahat ang mga lapis?
a. 165 b. 189 c. 134 d. 188
Sagot:b, wow
5. Mayroong 123 na mga bibe at 43 na aso. Ilan lahat ang bibe at aso?
a. 166 b. 206 c. 154 d. 321
Sagot: a, napakahusay

Scene 4
Talent: May ipapakita ako sa inyong sitwasyon. Basahin natin ito at sasagutan mamaya ang mga tanong kaya intindihing mabuti ang
sitwasyon ha…..
Si Mila ay namulot ng 15 malalaking bato at 4 na maliliit na bato? Ilan lahat ang bato na
napulot ni Mila?
1.Sino ang namulot ng mga bato? Si Mila, tama
2. Ilan ang napulot niyang malalaking bato? 15, tama
3. Ilan naman ang napulot niyang maliliit na bato? 4, magaling
4. Ilan lahat ang batong napulot ni Mila?
Scene 5
Para masagutan natin ang pang-apat na tanong, narito ang paraan na dapat na gawin:
Una, ayusin ang mga numero ayon sa kanyang place value. 15
+4
Pangalawa,pagsamahin ang mga numerong nasa isahan 15
+4
9
Panghuli, Ibaba ang numero na nasa sampuan dahil wala itong lkatapat na numero 15
+4
19
Kaya ang sagot sa pang-apat na tanong ay 19. Nakuha niyo ba mga bata, hindi ba’t napakadali…

Scene 6
Narito ang isa pang pagsasanay para mas mapagyayaman natin ang inyong kaalaman
Sumahin ang mga sumusunod gamit ang isip lamang.
1.46+ 3 = ____ sagot: 49
2.30 + 12 =____ sagot: 42
3.15 +14 = ____ sagot : 29
4. 24+ 14 = ____ sagot: 38
5. 36 + 13 = ____ sagot: 49

Scene 7
Ano-ano ang tamang pamamaraan sa pagkuha ng kabuuang bilang gamit ang isip lamang?
Una, ayusin ang mga numero ayon sa kanyang place value.
Pangalawa,pagsamahin ang mga numerong nasa isahan .
Panghuli, Ibaba ang numero na nasa sampuan dahil wala itong lkatapat na numero.

Scene 8

S Sumahin ang mga sumusunod gamit ang isip lamang. Hanapin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

17 485036 24

1. 12 + 12 = ______

2. 41 + 7 = ______
3. 14 + 3 = ______

4. 10 + 40 = ______

5. 31 + 5 = ______

Mga Sagot:

1. 24
2. 48
3. 17
4. 50
5. 36

Scene 9

Kwentahin ang kabuuang bilang gamit ang isip lamang. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Idagdag ang 13 sa 14.

2. Dagdagan ang 6 ng tatlumpu.

3. Ang 21 ay dagdagan ng 15.

4. 42 + 4 = _____

5. 12 + 2 = ____

Mga Sagot:

1. 27
2. 36
3. 36
4. 46
5. 14

Scene 10

Kumpletuhin ang addition tsart gamit ang isip lamang. Pagsamahin ang bilang na nasa row at bilang sa nasa column .

Column
Addends 23 15 21 32

11
ROW

Module 8

Scene 11

Talent: Ang susunod nating aralin ay may kaugnayan din sa nakaraang aralin na pagdadagdag gamit ang isip lamang.

Talent: Adds mentally the numbers using appropriate strategies:

a. 3-digit numbers and 1-digit numbers


b. 3-digit numbers and tens
c. 3-digit numbers and hundreds
Scene 12

Talent: Subukan nga natin kng kaya ninyong magdagdag gamit ang isip lamang

Sagutin ang mga tanong gamit ang isip lamang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.) 365 + 2 = ______ sagot: 367
2.) 113 + 5 = ______ sagot: 118
3.) 564 + 30 = ______ sagot: 594
4.) 362 + 20 = ______ sagot: 382
5.) 766 + 100 = ______ sagot: 866

Scene 13
Atin munang balikan ang ating napag-aralan.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1.) Ang kabuuan ng 25 at 5 ay ______.
a.30 b. 31 c. 34 d. 36
2.) Ano ang sagot kapag pinagsama ang 43 at 7?
a.44 b. 55 c. 50 d. 49
3.) Pagsamahin ang 24 at 12 , ano ang sagot?
a.35 b. 36 c. 38 d. 45
4.) Mayroong 13 at 6 na mga aklat. Ilan lahat ang mga aklat?
a.16 b. 18 c. 13 d. 19
5.) Mayroong 23 mga pusa at 24 na aso. Ilan lahat ang mga pusa’t aso?
a.47 b. 48 c. 46 d. 49
Mga Sagot:
1.a
2.c
3. b
4. d
5. a
Tama ba lahat ang inyong mga kasagutan? Magaling
Scene 14
Sa ating pagsisimula, tingnan ninyo ang tsart ng mga lapis ni Noel. Tingnan ninyong maigi at mamaya tatanungin ko kayo tungkol
dito.
Column
Row

Mga Lapis Dilaw - 3 Pula - 30 Berde - 200


Itim - 234
1.Sino ang may iba’t- ibang kulay na lapis? Si Noel
2. Ilan ang kanyang itim na lapis? 234
3. Ilan ang kanyang dilaw na lapis? 3
4. Ilan ang kanyang pulang lapis? 30
5. Ilan ang kanyang berdeng lapis? 200
6. Kung pagsasamahin ang itim at dilaw na lapis, ilan lahat ito?
Scene 15
Narito ang paraan para makuha ang kabuuang bilang ng mga numerong pinagdadagdag gamit ang isip lamang.
A. Sa pagtutuos gamit ang isip lamang ng 3-digit na bilang sa 1-digit na bilang dapat pagsamahin muna ang nasa isahan
tapos ibaba ang mga bilang na nasa sampuan at daanan.
2 3 4
+ 3
2 3 7 pagsamahin ang isahan (4+3=7
ibaba ang sampuan (3)
ibaba ang daanan (2)
Kaya ang sagot sa bilang na ito ay: 237
Scene 16
7.Kung pagsasamahin ang itim at pulang lapis, ilan lahat ito?
Sa pagkukwenta o pagkuha ng kabuuang bilang ng 3-digit at tens o sampuan gamit ang isip lamang ay:
Una: Pagsamahin ang nasa isahan.
Ikalawa: Pagsamahin ang nasa sampuan.
Ikatlo: Ibaba ang bilang na nasa daanan
2 3 4
+ 3 0
2 6 4 pagsamahin ang isahan (4+0=4)
pagsamahin ang sampuan (3+3=6)
ibaba ang daanan (2)

Scene 17
8. Kung pagsasamahin ang itim at berdeng lapis, ilan lahat ito?
Sa pagdadagdag ng 3-digit na bilang at daanan gamit ang isip lamang kinakailangang
1.Alaming mabuti ang pangunahing paraan sa pagdadagdag. Pagsamahin muna ang nasa isahan, sunod ang nasa
sampuan at panghuli ang nasa daanan.
2. Alamin ding mabuti ang Zero Identity Property of Addition na anumang numero ang idadagdag sa zero ay ang
numero.

2 3 4
+ 2 0 0
` 4 3 4 pagsamahin ang isahan (4+0=4)
pagsamahin ang sampuan (3+0=3)
pagsamahin ang daanan (2+2=4)

O di ba sadyang napakadali lamang ng paraan kung paano magdagdag gamit ang isip lamang

Scene 18

Ngayon naman ay ating titingnan kung talagang naintindihan ninyo ang ating aralin.

Sumahin ang mga sumusunod gamit ang isip lamang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. 631 + 3 = ______ sagot: 634, tama
2. 264 + 5 = ______sagot: 269, magaling
3. 327 + 10 = ______sagot: 337, mahusay
4. 545 + 40 = ______sagot: 585, wow
5. 152 + 700 = ____sagot: 852, wow na wow
6. 323 + 500 = ____sagot: 823, napakahusay talaga ngang naunawaan nyo na

Scene 19

Paano na ang pagkuha ng kabuuang bilang gamit ang isip lamang?

Una: Alaming mabuti ang pangunahing paraan sa pagdadagdag o addition.

( Pagsamahin muna ang nasa isahan, sunod ang nasa sampuan at panghuli ang nasa daanan.)

Ikalawa: Alaming mabuti ang Zero Identity Property of Addition na anumang numero ang idadagdag sa zero ay ang numero.

Scene 20
Gamit ulit ang inyong sagutang papel. Pagtambalin ang Column A at Column B. Isulat ang letra ng tamang sagot

Column A Column B

1.) 351 + 6 a. 637

2.) 633 + 4 b. 274

3.) 224 + 50 c. 357

4.) 413 + 60 d. 721

5.) 237 + 100 e. 473

6.) 421 + 300 f. 337

Mga sagot

1.c

2. a

3.b

4. e

5. f

6. d

Para sa karagdagang Gawain


Kumpletuhin ang addition tsart gamit ang isip lamang. Pagsamahin ang bilang na nasa row at bilang na nasa column .

Column
Addends 4 30 200

104
Row
135

511

723

Kayo ba’y nasiyahan sa ating naging aralin? Wow, natutuwa ako dahil bukod sa natuto na kayo sa ating aralin kayo pa ay
nasiyahan… Sige hanggang sa muli, paalam…..

You might also like