You are on page 1of 20

1

MATHEMATICS
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagbabawas ng 1- Digit na Bilang
mula sa 2- digit na Minuend nang
Walang Regrouping Gamit ang Isip
Lamang
Ikalawang Markahan - Ikapitong Linggo

1|P ahi na
MATHEMATICS – Unang Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagbabawas ng 1- Digit na Bilang mula sa 2- digit na Minuend nang Walang Regrouping
Gamit ang Isip Lamang
Ikalawang Markahan - Ikapitong Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito. Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng GLAK

Manunulat: Liezel F. Ferido


Editor: Melody B. Ragudo, Maribel Apdal, Lyndon Badillo
Lorena C. Villanueva
Tagasuri: Flor Vanessa T. Mora, Ruby Ann M. Merza
Tagaguhit/ Tagalapat: Jacobo C. Gereza
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Rachelle Crisostomo-Diviva
Garry M. Achacoso

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
Website: www.depedzambales.ph
Pagbabawas ng 1- Digit na
Bilang mula sa 2- digit na
Minuend nang Walang
Regrouping Gamit ang Isip
Lamang

Panimula

Anong prutas ang madalas mong kainin? Anong


magandang naidudulot ng pagkain ng prutas sa ating
katawan? Ilan naman kaya ang iyong nakakain na prutas
sa buong isang Linggo? Kaya mo ba itong bilangin gamit
ang isip lamang?
Sa araling ito, matututunan mo ang pagbabawas o
subtraction gamit ang isip lamang. Ito ay isang kasanayan
na dapat mong matutunan upang mas madali mong
mabilang ang mga bagay na natitira o nababawas sa
mga bilang. Nawa ay makatulong ang araling ito sa iyong
pang-araw-araw na gawain.

Tara! Magsimula na tayo.

1|P ahi na
Kasanayang Pampagkatuto

Subtracts mentally one-digit numbers from two-digit


minuends without regrouping using appropriate strategies.
(MINS-IIi-33.1)

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang


Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. naisusulat ang mga sagot nang may kawastuhan at


mabilisan gamit ang iba’t ibang estratehiya;

2. nakapagbabawas gamit ang isip lamang ng 1-digit na


bilang mula sa 2- digit na minuend nang walang
regrouping gamit ang iba’t ibang estratehiya; at

3. napahahalagahan ang pagiging maagap sa


paggawa ng isang gawain.

2|P ahina
Balik Aral

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang sagot sa pamilang na


pangungusap sa hanay A. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa guhit bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

____1. 24 a. 47
-19

____2. 33 b. 29
- 24

____3. 76 c. 5
- 29

____4. 91 d. 54
- 37

____5. 58 e. 9
- 29

3|P ahi na
Pagtalakay sa Paksa

Basahin ang kuwento sa tulong ng nakatatanda.

Pinasalubungan ni Aling Nina ng prutas ang kaniyang


anak na si Lory. Sa tuwa ni Lory, binilang niya ang mga
piraso ng lansones. Sa kabuuan, 29 ang bilang ng
lansones. Kumuha lamang si Lory ng 9 na piraso ng
lansones. Ilan kaya ang natirang lansones?

Pamatnubay na Tanong:

Panuto: Mula sa kuwentong iyong narinig, sagutin ang


mga sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.

1. Sino ang nagpasalubong ng prutas kay Lory?


a. Si Aling Nelia c. Si Aling Naty
b. Si Aling Nina d. Si Aling Nora

4|P ahina
2. Anong prutas ang ipinasalubong kay Lory?
a. lansones c. bayabas
b. saging d. atis

3. Ilan ang kabuuang bilang ng lansones?


a. 93 c. 43
b. 63 d. 29

4. Ilang lansones ang kinuha ni Lory?


a. 9 c. 7
b. 8 d. 6

5. Ano ang kahalagahan ng pagkain ng prutas?


a. Nakatutulong ito upang lumusog ang katawan.
b. Nakasisira ito ng ngipin.
c. Nakaaalis ng gana kumain.
d. Nakapanghihina ng katawan.

Ngayon naman ay ating tuklasin ang pamamaraan


sa pagsagot ng suliranin sa ating kuwento.

Ilan kaya ang natirang lansones?

Upang masagot ang tanong na ito, maaaring gamitin


ang iba’t ibang pamamaraan ng pagbabawas o
subtraction.

5|P ahi na
Pagbabawas ng Bilang na 1- Digit mula sa 2 – Digit
na Minuend na Walang Regrouping Gamit ang Isip
Lamang

A. Paglutas ng suliranin gamit ang Pinahabang


Pamamaraan (Expanded Method)

29 = 20 + 9 ➢ Una, pangkatin ang 29 ng


- 9 = 9 sampuan at isahan
(expanded form).

29 = 20 + 9 ➢ Pagkatapos, simulan
- 9 = 9 ang pagbabawas ng
0 value mula sa kanan
pakaliwa. Kaya 9
bawasan ng 9 ito ay 0.

➢ Panghuli, kapag ang


29 = 20 + 9 bilang sa minuend ay
- 9 = 9 walang katapat na
20 = 20 + 0 bilang sa subtrahend, ito
ay ibaba na lamang.

Sagot: 20 lansones ang natira

6|P ahina
Iba pang halimbawa ng pinahabang pamamaranan
(expanded method).

38 = 30 + 8 46 = 40 + 6
- 5= 5 - 4= 4
33 = 30 + 3 42 = 40 + 2

B. Paglutas ng suliranin gamit ang Place Value Method.

Place Value Chart


29
Sampuan( Tens) Isahan( Ones)
- 9
2 9
20
- 9
2 0
20

Mga Hakbang sa Pamamaraang Place Value:

1. Unang Hakbang

Simulan ang pagbabawas


Tens Ones mula sa isahang posisyon
2 9 (ones place). Ibawas ang 9
- 9
mula sa 9. Ang sagot ay 0.
0

7|P ahi na
2. Ikalawang Hakbang
Kapag ang bilang sa
Tens Ones minuend ay walang katapat
2 9 na bilang sa subtrahend, ito
- 9 ay ibaba na lamang. Kaya,
2 0 ibababa ang bilang 2.

Sagot: 20 lansones ang natira

Iba pang halimbawa ng place value method.

Tens Ones Tens Ones


2 5 3 8
- 4 - 7
2 1 3 1

Tandaan:
Sa pagbabawas (subtraction) ng 1-digit na
bilang mula sa 2 digit na minuend nang walang
regrouping gamit ang isip lamang, maaari nating
gamitin ang mga sumusunod na pamamaraan:

• Paggamit ng pinahabang pamamaraan o


expanded form
• Paggamit ng place value method

8|P ahina
Nasundan mo ba ang mga halimbawang inilahad?
Kung hindi mo pa lubos na naunawaan, maaari mo itong
balikan at unawaing mabuti. Kapag ganap mo na itong
naunawaan, magiging handa ka na pagsasagawa ng
mga gawain na may kinalaman sa pagbabawas o
subtraction nang walang regrouping gamit ang isip
lamang.

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Gamit ang pinahabang pamamaraan
(expanded form) sagutin ang mga sumusunod gamit ang
isip lamang. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.

Halimbawa: 28 = 20 + 8
- 7= 7
21= 20 +1

1. 37 = _____ +_____
2. 47 = _____ +_____
- 6 = ______+______
- 5 = ______+_____
____= _____ + _____
___= _____ + _____

9|P ahi na
3. 65 = _____ +_____ 4. 79 = _____ +_____
- 4 = ______+______ - 8 = _____+______
____= _____ + _____ ____= _____ + _____

5. 88 = _____ +_____
- 7 = ____________
_____= ____ + ____

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Gamit ang Place Value Method isulat ang
sagot o difference gamit ang isip lamang. Gawing gabay
ang halimbawa sa ibaba.

Sampuan Isahan
Halimbawa:
3 7
- 3

3 4

1. Sampuan Isahan 2. Sampuan Isahan


4 9 6 8
- 6 - 5

10 | P a h i n a
3. Sampuan Isahan 4. Sampuan Isahan

4 7 2 6
- 3 - 5

5. Sampuan Isahan

3 7
- 5

Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Tulungan natin si Kevin upang mabilis siyang
makarating sa itaas. Sagutin ang sumusunod na pamilang
na pangungusap gamit ang isip lamang.

11 | P a h i n a
Pagsusulit

Panuto: Isulat ang sagot o difference gamit ang mga


natutunang pamamaraan sa pagbabawas gamit ang isip
lamang. Isulat ang tamang sagot sa loob ng kahon.

12 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap. Piliin


ang angkop na salita sa loob ng kahon. Isulat ang
sagot sa patlang.

1. Ang _______________ o subtraction ay ang pag-alis


o pagtanggal ng mga bagay sa isang pangkat.

2. Sa pagbabawas gamit ang isip lamang, may mga


pamamaraan na maaaring gamitin tulad ng:
__________________ method at pinahabang
pamamaraan o __________________ method.

pagbabawas place value expanded

13 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Padilla, Danilo, Rodrigo Pascua, Lolita Dacuba, Marivic


Calelao, Dahlia Silvania, and Maybellene Garlejo.
2017. Mathematics 1 Kagamitan Ng Mag-Aaral
(Tagalog). 2nd ed. Pasig City: Republika ng Korea
ng Prinpia Co., Ltd., 54 Gasanro 9 Gil,
Geumcheongu, Seoul, Korea.

Ulep, Soledad, Lydia Landrito, Edna Callanta, Allan


Canonigo, Dana Ong, Guillermo Bautista, Jr.,
Erlinda Ronda, Tesita Manalac, Gladys Nivera, and
Shirley Remoto. 2012. Math-Unang Baitang
(Kagamitan Ng Mag-Aaral Sa Tagalog (Quarters 3
& 4). 1st ed. Pasig City: DepEd-IMCS.

Villamayor, Adela, and Amelia Celeridad-Wright. 2006.


Math For Life 1 (A Worktext In Mathematics For
Grade One). 1st ed. Quezon City: Rex Printing
Company, Inc. Sta. Mesa Heights.

Most Essential Learning Competencies Mathematics


Grade 1 page 198

14 | P a h i n a
15 | P a h i n a
Balik Aral
Pinatnubayang Pagsasanay 2
1. c
2. e
3. a
4. d
5. b
Pamatnubay na Tanong
1. b
2. a
3. d
4. a
5. a
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Pang isahang Pagsasanay
99-6=93
83-2=81
68-5=63
59-7=52
37-5=32
Pagsusulit
1. 21
2. 33
3. 42
4. 52
5. 70
Pangwakas
1. pagbabawas
2. place value
3. expanded
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan
ng Zambales ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod,
na nakapag-ambag ng tagumpay para sa paghahanda, pag-
unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang
Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang
tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang
pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay
sa mga pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang
pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo
ng mga manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon
at kakayahan upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang
kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring
pangwika, at mga tagasuring pandisenyo na maingat na
nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa
kanilang patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang
mapunan ang gugugulin sa paglilimbag ng mga kagamitang
pampagkatuto na magagamit ng mga magulang at mag-aaral
sa tahanan.
Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa
bawat asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa
mga punongguro, sa kanilang lingguhang pamamahagi at
pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang
Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-
unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

16 | P a h i n a
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang
tagapagdaloy sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng
kinakailangang patnubay at gabay upang maisagawa ang mga
gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa
mapanghamong panahon ay lubos na makamit ang sama-
samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na pagsilbihan
ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala

17 | P a h i n a
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No.: (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like