You are on page 1of 30

1

MATHEMATICS
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Paglutas sa Suliraning Routine at
Non-Routine na Ginagamitan ng
Pagbabawas
Ikalawang Markahan – Ikawalong Linggo

1|P ahi na
MATHEMATICS – Unang Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Paglutas sa Suliraning Routine at Non-Routine na Ginagamitan ng Pagbabawas
Ikalawang Markahan – Ikawalong Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte nito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng GLAK

Manunulat: Melody B. Ragudo


Editor: Liezel F. Ferido, Maribel D. Apdal, Lyndon L. Badillo
Lorena C. Villanueva
Tagasuri: Flor Vanessa T. Mora, Ruby Ann M. Merza
Tagaguhit/ Tagalapat: Jacobo C. Gereza, Hannah Grace F. Eata
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Rachelle C. Diviva
Garry M. Achacoso

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Paglutas sa Suliraning Routine at
Non-Routine na Ginagamitan ng
Pagbabawas

Panimula

Masayang buhay! Nasubukan mo na bang magtanim


at mag-ani ng mga halamang gulay? Eh, ang magbenta
nito? Makakaya mo kayang kuwentahin kung ilan ang
matitira sa iyong mga inani?
Maraming paraan ang maaari mong gawin upang
makatulong sa pang araw-araw na gastusin sa inyong
tahanan. Sa araling ito, ituturo sa iyo ang tamang paraan
at istratehiya na iyong gagamitin sa paglutas ng suliraning
routine at non-routine na ginagamitan ng pagbabawas.
Ito rin ay makatutulong sa iyo na malinang ang
kakayahan mong umunawa at sumuri ng isang sitwasyon.
Nawa ay maging makabuluhan ang iyong pagkatuto
sa araling ito.

1|P ahi na
Kasanayang Pampagkatuto

Visualizes, represents, and solves routine and non-


routine problems involving subtraction of whole numbers
including money with minuends up to 99 with and without
regrouping using appropriate problem-solving strategies
and tools. (M1NS-IIi-34.1)

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang


Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. nasusunod nang wasto ang mga pamamaraan sa
paglutas ng suliraning routine at non-routine;

2. naipakikita at nalulutas ang suliraning routine at non-


routine na may kasamang pagbabawas ng buong
bilang na may kasamang pera hanggang 99 gamit
ang angkop na estratehiya at kagamitan; at

3. nabibigyan ng pagpapahalaga ang paglutas ng


suliranin na ginagamitan ng pagbabawas.

2|P ahina
Balik Aral

Panuto: Tulungan ang batang nagbibisikleta upang


marating niya ang dulo ng linya sa pamamagitan ng
pagsagot sa sumusunod na pamilang na
pangungusap gamit ang isip lamang.

S
T
A
R
T

13 – 1 = ___

14 – 3 = ___

15 – 5 = ___

16 – 7 = ___

17 – 9 = ___

FINISH

3|P ahi na
Pagtalakay sa Paksa

Sa panahon ng kahirapan, ano ang maaari mong


maitulong sa iyong pamilya? Sa tulong ng nakatatanda,
basahing mabuti ang suliranin sa ibaba at sagutin ang
mga pamatnubay na tanong.

Tumutulong si Isko sa kanyang magulang sa


pamimitas ng okra tuwing Sabado. Nakapitas siya ng 38
piraso ng okra. Naipagbili niya ang 24 na piraso sa
kanilang kapitbahay. Ilang piraso ng okra ang natira?

Pamatnubay na Tanong:
Mula sa suliraning iyong binasa, sagutin ang mga
sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Anong gulay ang nabanggit sa suliranin?
a. talong b. kalabasa c. sitaw d. okra

4|P ahina
2. Ilang piraso ng okra ang napitas ni Isko?
a. 34 b. 36 c. 38 d. 40
3. Ilang piraso ng okra ang naipagbili ni Isko sa kanilang
kapitbahay?
a. 26 b. 24 c. 22 d. 20
4. Ano ang itinatanong sa suliranin?
a. Bilang ng okrang natira
b. Bilang ng okrang napitas
c. Bilang ng okrang naipagbili
d. Bilang ng okrang naipamigay
5. Ano ang magandang katangian ni Isko na dapat
tularan ng isang batang katulad mo?
a. Si Isko ay matalino. c. Si Isko ay mapagbigay.
b. Si Isko ay magalang. d. Si Isko ay matulungin.

Paano mo kaya lulutasin ang ganitong suliranin?


Anong pamamaraan ang gagawin mo?

Maaari mo bang tulungan si Isko?


Halina at ating alamin kung ano ang mga estratehiya
sa paglutas sa mga suliraning routine na ginagamitan ng
pagbabawas.

5|P ahi na
Paglutas ng Suliraning Routine Gamit ang
Pagbabawas

Sa paglutas ng suliraning routine tulad ng suliranin ni


Isko, maaari mong gamiting gabay ang 4 POLYA’s Step.

1. Unawain (Understand)
• Ano ang tanong o hinahanapan ng sagot sa
suliranin? (What is asked?)

Bilang ng okrang natira.

• Ano ang mga ibinigay na datos na matatagpuan sa


suliranin? (What are the given facts?)

38 bilang ng okrang napitas ni Isko

24 bilang ng okra na naipagbili sa mga


kapitbahay

2. Planuhin (Plan)
• Anong operasyon (operation) o pamamaraan ang
gagamitin sa paglutas ng suliranin? (What is the
operation to be used?)

Pagbabawas (Subtraction)

6|P ahina
• Ano ang tamang pamilang na pangungusap?
(What is the number sentence?)

simbolo ng operasyon na gagamitin

38 – 24 = n Hinahanap na sagot

Mga bilang / given facts

3. Lutasin (Solve)
• Ipakita ang solusyon at sagot.
• Maaaring gamitin ang mga natutunang estratehiya
sa pagbabawas tulad ng:
a. pagguhit ng ilustrasyon,
b. paggamit ng algorithm; at
c. paggamit ng pinahabang pamamaraan
(expanded form).

Paglutas 1: Pagguhit ng Ilustrasyon


• Gumuhit ng 38 piraso ng okra at lagyan ng ekis (X)
ang 24 na piraso. Bilangin ang walang ekis.

7|P ahi na
Sa ilustrasyong iyong nakita, ang napitas na okra
ni Isko ay 38 piraso. Ang may ekis dito ay 24 na
ibinenta niya sa kanilang kapitbahay.
Ang bilang ng okra na walang ekis ay 14.
Kaya, 14 na piraso ng okra ang natira.

Paglutas 2: Paggamit ng Algorithm


• Isulat ang pamilang na pangungusap nang
pababa.
38
38 – 24 = N -24

• Unahin ang pagbabawas sa isahang bilang


at isulat ang sagot sa ibaba.

38
–24
4

• Pagkatapos, ibawas ang nasa sampuang


bilang at isulat ang sagot sa ilalim ng guhit

38
– 24
14
Kaya, 14 na piraso ng okra ang natira.

8|P ahina
Paglutas 3: Paggamit ng Pinahabang Pamamaraan o
Expanded Form
• Isulat ang 38 at 24 sa pinahabang
pamamaraan o expanded form bago
gawin ang pagbabawas.

Magiging ganito:

38 30 + 8 Pansinin na 10 + 4 = 14.
– 24 - 20 + 4 Kaya, 14 na piraso ng
10 + 4
okra ang natira.

4. Suriin (Check)
• Balikan ang katanungan at itala ang kumpletong
sagot.

Kaya, kung ibabawas ang mga naibentang okra,


mayroon pang 14 na piraso ng okrang natira.

Naintindihan mo ba?
Para mas maintindihan mo pang mabuti, narito pa
ang isang halimbawa ng suliraning routine.

Sa panahon ngayon, mahalaga ang maging


laging ligtas. Kaya, namili si Gel ng isang bote ng
alkohol na nagkakahalaga ng Php 28.00.
Magkano pa ang kanyang sukli kung nagbigay
siya sa nagtitinda ng Php 50.00?

9|P ahi na
Subukang lutasin ang suliraning ito gamit ang isa sa
mga istratehiya sa paglutas ng suliraning routine.

1. Ano ang itinatanong sa suliranin? (What is asked?)


• Halaga ng sukli kung nagbigay siya ng Php 50.00.

2. Ano ang mga binigay na datos? (What are the given


facts?)
Php 50.00 perang ibinigay sa nagtitinda
Php 28.00 halaga ng alcohol

3. Anong operasyon o pamamaraan ang gagamitin sa


paglutas ng suliranin? (What is the operation to be
used?)
• Pagbabawas o Subtraction

4. Ano ang pamilang na pangungusap? (What is the


number sentence?)
• Php 50.00 – Php 28.00 = n
5. Ano ang kumpleto at tamang sagot?
4 10
Php 50.00
Php 50.00 – Php 28.00 = n - Php 28.00
Php 22.00

Si Gel ay mayroon pang Php 22.00 na sukli.

Mahusay!

10 | P a h i n a
Paglutas ng Suliraning Non - Routine Gamit ang
Pagbabawas

Ang suliraning non-routine ay isang kumplikadong


suliranin na kung saan ito ay nangangailangan ng masusi
at malikhaing pang-unawa sa suliranin upang ito ay
malutas. Kadalasan, ang suliraning ito ay malulutas sa
maraming pamamaraan.
Para iyong mas maintindihan, pag-aralan natin ang
suliraning nasa sa ibaba at tingnan kung paano ito lutasin.

Nakakuha si John ng 25 piraso ng itlog kahapon


at 14 ngayong araw. Kung ibinigay niya ang 10
pirasong itlog sa kaniyang mga kaibigan, ilan na
lang ang natira sa kaniya?

1. Ano ang itinatanong sa suliranin? (What is asked?)


• Bilang ng itlog na natira.

2. Ano ang mga binigay na datos? (What are the given


facts?)
25 piraso ng itlog na nakuha kahapon
14 piraso ng itlog na nakuha ngayon
10 ibinigay sa kaniyang mga kabigan

3. Anong operasyon o pamamaraan ang gagamitin sa


paglutas ng suliranin? (What is the operation to be
used?)

11 | P a h i n a
• Pagdaragdag o Addition

• Pagbabawas o Subtraction

4. Ano ang pamilang na pangungusap? (What is the


number sentence?)
(25 + 14) - 10 = n

5. Ano ang mga pamamaraan ng paglutas?

Paglutas 1: Pagguhit ng Ilustrasyon o Larawan


• Gumuhit ng 25 + 14 na piraso ng itlog at
lagyan ng ekis (X) ang 10 na piraso.

at ay

25 na itlog kahapon 14 na itlog ngayon

Sa ilustrasyon na iyong nakita, ang lahat ng itlog na


nakuha ni John ay 39. Sampu dito ay may ekis. Ito ang
ibinigay niya sa kaniyang mga kaibigan.

Ang bilang ng itlog na walang ekis ay 29.

Kaya, 29 na piraso ng itlog ang natira.

12 | P a h i n a
Paglutas 2: Paggamit ng Algorithm
• Isulat ang tamang pamilang na
pangungusap para sa suliranin.

(25 + 14) - 10 = ___

• Unahing sagutan ang bilang na


nakapangkat.
(25 + 14) - 10 = ___

39 - 10 = ___
• Isunod na gawin ang pagbabawas sa
isahang bilang at isulat ang sagot sa ibaba.
39
–10
9
• Pagkatapos, ibawas ang nasa sampuang
bilang at isulat ang sagot sa ilalim ng guhit.
39
–10
29

Kaya, 29 na piraso ng itlog ang natira.

13 | P a h i n a
Paglutas 3: Paggamit ng Pinahabang Pamamaraan o
Expanded Form
• Isulat ang pinagsamang 25 at 14 na mga
itlog sa pinahabang pamamaraan o
expanded form.
Magiging ganito:
25
+14
39 30 + 9

• Ganun din ang 10. 10 10 + 0

• Pagkatapos, gawin ang pagbabawas.

39 30 + 9
- 10 10 + 0
20 + 9 Pansinin na 20 + 9 = 29.
Kaya, 29 na piraso ng itlog ang natira.

Nakukuha mo na ba?
Kayang kaya naman hindi ba?

Upang lubos mo pang maintindihan, narito ang isa


pang suliranin.

Bumili si Belen ng isang balot ng biskuwit na


nagkakahalaga ng 7 piso at isang tetra pack ng fruit
juice sa halagang 9 na piso. Kung mayroon siyang 20
piso, magkano ang natirang pera ni Belen?
14 | P a h i n a
Handa ka na bang tulungan si Belen na lutasin ang
kanyang suliranin?

Pagmasdan ang paglalarawan sa ibaba.

1. Pagguhit ng Ilustrasyon o Larawan


• Bilangin ang kabuuang halaga ng kanyang nabili.

at ay

Php 7.00 + Php 9.00 = Php 16.00


(biskuwit) (fruit juice) (kabuuang halaga)

• Lagyan ng ekis (X) ang 16 na piso mula sa 20 piso.

Kaya, mayroon pang 4 na pisong natira si Belen.

2. Paggamit ng Algorithm
Php 20.00 - (Php 7.00 + Php 9.00) =
___
1 10

Php 20.00 - Php 16.00 = Php 20.00


___ - Php 16.00
Php 4.00
Kaya, mayroon pang Php 4.00 natira si Belen.
15 | P a h i n a
Tandaan
Sa paglutas ng suliraning routine at non-routine,
sundin lamang ang 4 POLYA’s Step na nasa ibaba:
1. Unawain (Understand)
• Tandaan ang ibinigay na detalye at kung ano
ang tinatanong sa suliranin.
2. Planuhin (Plan)
• Isipin ang prosesong gagamitin at isulat ang
pamilang na pangungusap
3. Lutasin (Solve)
• Gawin ang solusyon.
• Maaaring gamitin ang mga natutunang
istratehiya sa pagbabawas tulad ng:
a. pagguhit ng ilustrasyon,
b. paggamit ng algorithm; at
c. pinahabang pamamaraan (expanded form).
4. Suriin (Check) ang sagot.
• Tiyakin kung ang sagot ay makatuwiran o
makabuluhan.

Nasundan mo ba ang mga halimbawa? Kung hindi pa


ay maaari mo itong balikan at unawain nang mabuti.
Kung handa ka na, simulan mo na ang pagsagot sa
mga sumusunod na pagsasanay.
16 | P a h i n a
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Iguhit ang mga bagay na nakasaad sa bawat
bilang at sagutin ang mga tanong. Gawing gabay ang
halimbawa sa ibaba.
Halimbawa:
• Gumuhit ng 23 na bituin at lagyan ng ekis (X) ang 10
bituin.

• Ilan lahat ang bituin? 23 na bituin


• Ilang bituin ang may ekis (X)? 10 bituin
• Ilang bituin ang walang ekis (X)? 13 na bituin
• Isulat ang pamilang na pangungusap at ang tamang
sagot. 23 – 10 = 13

1. Gumuhit ng 32 puso at lagyan ng ekis (X) ang 24 na


puso.

17 | P a h i n a
2. Ilan lahat ang puso?
_______________
3. Ilan ang pusong may ekis (X)?
_______________
4. Ilan ang pusong walang ekis (X)?
_______________
5. Isulat ang pamilang na pangungusap at ang tamang
sagot.
_______________
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang bawat suliranin at isulat ang
hinihinging impormasyon sa tamang Column. Gawing
gabay ang naunang suliranin sa ibaba.

Ibinigay na datos Operation na


Suliranin
sa suliranin dapat gamitin
Halimbawa:

• Nag-post si Nanay
39 kabuuang
ng larawan ko sa
bilang ng FB
Facebook. Nag-like
friends
ang 16 niyang mga Pagbabawas o
kaibigan. Kung may Subtraction
16 kaibigang
39 siyang FB friends,
nag-like
ilan sa FB friends niya
ang hindi nag-like?

18 | P a h i n a
1. Si Kuya ay (1) (2)
mayroong Php
20.00. Bumili siya ng _____pera ni kuya
lapis sa halagang _________________
Php 12.00 para _____halaga ng
ibigay kay ate. lapis
Magkano ang
kanyang sukli?
2. Si Jay ay mayroong (3) (4)
56 na holen.
Matapos maibigay ____holen ni Jay
ang iba sa kanyang _________________
mga kaibigan, ____ bilang ng
mayroon na lamang holen na
siyang 18 na holen natira kay
na natira. Ilang Jay
holen ang naibigay
niya sa kanyang
mga kaibigan?
3. Bumili si Mina ng (5)
alkohol sa halagang _____halaga ng
Php 28.00 at sabon alkohol Pagdaragdag o
na Php 20.00. Kung ____ halaga ng Addition
meron siyang sabon Pagbabawas o
Php 50.00, magkano ____ pera ni Mina Subtraction
ang kanyang sukli?

19 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay

A. Panuto: Basahin ang bawat suiranin. Isulat ang


pamilang na pangungusap at lutasin gamit ang isa sa
mga natutunang pamamaraan ng pagbabawas.
Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.
Halimbawa:

Nag-post si Nanay ng larawan ko sa Facebook.


Nag–like ang 16 niyang mga kaibigan. Kung may 39
siyang Fb friends, ilan sa Fb friends niya ang hindi nag-
like?
Pamilang na Pangungusap: 39 – 16 = n

Paglutas: 39
-16
23

1. Si Kuya ay mayroong Php 20.00. Bumili siya ng lapis


sa halagang Php 12.00 para ibigay kay Ate. Magkano
ang kanyang sukli?
Pamilang na Pangungusap: _________________

Paglutas:

20 | P a h i n a
2. Si Jay ay mayroong 56 na holen. Matapos
maibigay ang iba sa kanyang mga kaibigan,
mayroon na lamang siyang 18 na holen na natira.
Ilang holen ang naibigay niya sa kanyang mga
kaibigan?
Pamilang na Pangungusap: ___________________

Paglutas:

3. Bumili si Mina ng alkohol sa halagang Php 28.00 at


sabon sa halagang Php 20.00. Kung meron siyang
Php 50.00, magkano ang kanyang sukli?
Pamilang na Pangungusap: _________________

Paglutas:

21 | P a h i n a
Pagsusulit

Panuto: Sagutin ang mga suliranin gamit ang napiling


pamamaraan sa pagbabawas. Isulat ang iyong paglutas
sa loob ng kahon.

1. May 55 kandila si Lina. Si Joy naman ay may 34. Mas


marami ng ilang kandila si Lina kaysa kay Joy?

2. Bumili ng 42 itlog si Nanay Delma. Pagkatapos niyang


gumawa ng pancake, may 13 itlog na natira. Ilang itlog
ang ginamit ni Nanay Delma sa paggawa ng pancake?

22 | P a h i n a
3. Nag-uwi ng 36 na bayabas si Brian at 63 naman ang
iniuwi ni Ben. Binigyan nila ng 28 na bayabas ang
kanilang ate. Ilang bayabas ang natira sa kanilang
dalawa?

4. Pumunta sa tindahan si Rowena at bumili ng 75 pirasong


popsicle sticks para sa kaniyang proyekto. Nang
bilangin niya ang popsicle sticks, nakita niyang 23 ang
sira. Ilang popsicle sticks ang hindi sira?

23 | P a h i n a
5. Nakatanggap ng Php 78.00 si Linda mula sa kanyang
ama. Binigyan niya ang kanyang kapatid ng Php 31.00.
Magkano ang natira sa kaniya?

Pangwakas

Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap upang


mabuo ang talata. Piliin ang letra ng angkop na salita sa
loob ng kahon at isulat sa patlang na nakalaan sa bawat
bilang.
a. 4 POLYA’s c. expanded form e. pagbabawas
b. algorithm d. ilustrasyon

Sa paglutas ng suliraning routine at non-routine gamit


ang (1) _________ ng bilang hanggang 99, sundin lamang
ang (2) _________ Step.

Sa paglutas ng suliranin maaaring gamitin ang


pagguhit ng (3) _________, paggamit ng (4) _________, at
paggamit ng pinahabang pamamaraan o (5) _________.

24 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Cruz, Gloria. 2006. Number Sparklers 1. 1st ed. Quezon City:


Sunshine Interlinks Publishing House, Incorporated
Brgy. South Triangle.
Padilla, Danilo, Rodrigo Pascua, Lolita Dacuba, Marivic
Calelao, Dahlia Silvania, and Maybellene Garlejo.
2017. Mathematics 1 Kagamitan Ng Mag-Aaral
(Tagalog). 2nd ed. Pasig City: Republika ng Korea
ng Prinpia Co., Ltd., 54 Gasanro 9 Gil,
Geumcheongu, Seoul, Korea.
Tuayon, Michael. 2020. Visualizes, Represents & Solves
Routine And Non Routine Problems Involving
Subtraction. Ebook. 1st ed. Zamboanga City:
DepEd LRMDS, Zamboanga City.
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17818.
Ulep, Soledad, Lydia Landrito, Edna Callanta, Allan
Canonigo, Dana Ong, Guillermo Bautista, Jr.,
Erlinda Ronda, Tesita Manalac, Gladys Nivera, and
Shirley Remoto. 2012. Math-Unang Baitang
(Kagamitan Ng Mag-Aaral Sa Tagalog (Quarters 3
& 4). 1st ed. Pasig City: DepEd-IMCS.
Villamayor, Adela, and Amelia Celeridad-Wright. 2006.
Math For Life 1 (A Worktext In Mathematics For
Grade One). 1st ed. Quezon City: Rex Printing
Company, Inc. Sta. Mesa Heights.
25 | P a h i n a
26 | P a h i n a
Balik Aral Pagsusulit
1. 12 (Tanggapin ang makatuwirang paraan ng
2. 11 pagsagot sa suliranin ng bata)
3. 10 1. Mas marami ng 21 kandila si Lina kaysa
4. 9 kay Joy
5. 8 2. 29 na piraso ng itlog ang nagamit ni
Nanay
Pamatnubay n na Tanong 3. 71 na bayabas ang natira sa kanilang
1. d dalawa
2. c 4. 52 na popsicle sticks ang hindi sira
3. b 5. Php 47.00 ang natira sa kaniya
4. a
5. d
Pangwakas
1. e
Pinatnubayang Pagsasanay 1 2. a
A. 1. Tanggapin ang makatuwirang pagguhit 3. d
ng ilustrasyon ng bata. 4. b
2.
32 kabuuang bilang ng mga puso 5. c
3.
24 ang pusong may ekis
4.
8 ang pusong walang ekis
32 -24 = 8
5.
Pinatnubayang Pagsasanay 2
1. Php 20.00 pera ni kuya
Php 12.00 halaga ng lapis
2. Pagbabawas o Subtraction
3. 56 holen ni Jay
18 bilang ng holen na natira kay Jay
4. Pagbabawas o Subtraction
5. Php 28.00 halaga ng alkohol
Php 20.00 halaga ng sabon
Php 50.00 pera ni Mina
Pang-isahang Pagsasanay
1. Php 20.00 – Php 12.00 =n
Php 8.00 sukli ni kuya
2. 56-18=n
38 naibigay sa mga kaibigan
3. PhP 50.00 – (Php 28.00 + Php 20.00) =n
(Tanggapin ang makatuwirang paraan ng
pagsagot sa suliranin ng bata.)
• Php 2.00 ang kaniyang sukli
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng
tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag
at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang
tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang
pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng
pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga


manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan
upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at
mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang
kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng
Edukasyon;
Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang
patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa
paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga
magulang at mag-aaral sa tahanan.
Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat
asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,
sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na
pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy
sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay
upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang
bawat mag-aaral na maging responsableng indibidwal sa hinaharap.

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong


panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay
na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o tumawag
sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No.: (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like