You are on page 1of 5

Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Quarter 4 - Modyul 13
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o
Kursong Akademik, Teknikal-Bokasyonal,
Sining at Disenyo, at Isports

Pangalan: ____________________________________ Taon at Pangkat:__________


Guro sa EsP:____________________________________ Petsa:__________________

Gawain 1: Talento - Mutiple Intelligences Survey Form


Kagamitan: sagutang papel, bolpen, ruler, calculator
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Gabay ang legend
sa ibaba, isulat pagkatapos ng bawat pangungusap ang bilang na nagla-
larawan sa iyong sarili sa bawat aytem. Maging tapat sa iyong sagot sa
bawat aytem. Huwag kang mahihiya kung Hindi (0) o Bihira (1) ang sagot
mo sa ilang aytem.

Legend:
4 – Palagi 3 – Madalas 2 – Paminsan-minsa 1- Bihira 0 - Hindi

1. Malaki ang naitutulong sa akin kung ang mga panuto ay isa-isang ipaliliwanag.
2. Nasisiyahan akong magbasa ng iba’t ibang babasahin.
3. Nakabubuo ako ng ideya sa pamamagitan ng isip.
4. Madali akong makasunod sa mga patterns.
5. Nasisiyahan akong gumawa ng mga bagay sa pamamagitan ng aking mga kamay.
6. Natututo ako nang lubos kapag nakikipag-ugnayan ako sa iba
7. May kamalayan ako sa aking mga paniniwala o pagpapahalagang moral.
8. Mahalaga sa akin ang mga isyung ekolohikal o pangkapaligiran.
9. Mahalaga sa akin ang relihiyon.
10. Madali para sa akin ang lumutas ng mga suliranin.
11. Nakikipag-ugnayan ako sa aking mga kaibigan sa pamamagitan ng sulat,
e-mail, texting(cellphone), telepono at mga social sites.
12. Nasisiyahan akong gumamit ng iba’t ibang uri ng pamamaraang pansining.
13. Nabibigyang-pansin ko ang tunog at ingay.
14. Mahirap para sa akin ang umupo nang matagal sa loob ng mahabang oras.
15. Mas masaya ako kapag maraming kasama.
16. Higit na natututo ako kapag malapit sa aking damdamin ang isang asignatura.
17. Nasisiyahan ako sa paggawa sa hardin.
18. Nasisiyahan akong magmasid ng mga likhang-sining.
19. Madali akong mainis sa mga taong burara.
20. Ang mga word puzzles ay nakalilibang.
21. Nag-eenjoy ako sa lahat ng uri ng mga entertainment media.
22. Nasisiyahan ako sa paglikha ng musika.
23. Hilig ko ang pagsasayaw.
24. Higit na marami akong natututuhan sa pangkatang pag-aaral.
25. Mahalaga sa akin ang pagiging parehas.
26. Mas mahalaga sa akin ang pakikipag-ugnayan kaysa sa pag-iisip.
27. Mahalaga sa akin ang pagninilay at pagpapahinga.
28. Masaya ang lumutas ng mga logic puzzles.
29. Ang pagsulat ay nakatutulong sa akin upang matandaan at maintindahan
ang itinuturo ng guro.
30. Ang music video ay mas nakapagpapaigting ng aking interes sa isang kanta.
31. Natatandaan ko ang mga bagay kapag nilalagyan ko ito ng ritmo.
32. Ang pagpapahayag sa pamamagitan ng sayaw ay magandang ipakita sa
publiko.
33. Para sa akin, ang pagpapakita at pagpaparanas ay mas mainam kaysa sa
pagpapaliwanag lamang.
34. Mahalagang malaman ko kung bakit kailangan kong gawin ang isang bagay
bago ko ito gawin.
35. May pamaraan ang pagreresiklo sa aming bahay.
36. Nasisiyahan akong magbasa ng isinulat ng mga kilalang pilosopo.
37. Nakatutulong sa akin ang pagpaplano upang magtagumpay sa isang
gawain.
38. Interesado akong matutuhan ang mga hiram na salita.
39. Nagdudulot sa akin nang labis na kasiyahan ang mga three-dimensional
puzzle.
40. Mahirap mag-isip habang nanonood ng telebisyon o nakikinig ng radyo.
41. Nais kong magtrabaho na gamit ang iba’t ibang uri ng musika.
42. Ako ay team player.
43. Nais kong makilahok sa mga gawaing tumutulong sa kapuwa.
44. Nasisiyahan akong mag-aral ng Biology, Botany, at Zoology.
45. Nakamamanghang isipin na sa daigidg ay may iba pang nilikhang may
angking talino.

Ang mga pangungusap sa itaas ay binubuo ng siyam na kategorya ng mga intelligences. Itala
sa kahon na kaugnay sa bawat aytem ang bilang na naglalarawan sa iyong sarili.
Pagsamasamahin ang inyong iskor sa bawat intelligences sa pamamagitan ng pagkuha ng
kabuuan nito. Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Halimbawa:

Logical/Mathematical: 4 + 4 + 2 + 1 + 3 = 14

Intelligences Item Total


Logical/ 1 10 19 28 37
Mathematical
Verbal/ 2 11 20 29 38
Linguistic
Visual/ 3 12 21 30 39
Spatial
Musical/ 4 13 22 31 40
Rhythmic
Bodily/ 5 14 23 32 41
Kinesthetic
Interpersonal 6 15 24 33 42

Intrapersonal 7 16 25 34 43

Naturalist 8 17 26 35 44

Existentialist 9 18 27 36 45

Isulat dito ang 3 intelligences kung saan ka nakakuha ng pinakamatataas na iskor.


1. ____________________________________________
2. ____________________________________________
3. ___________________________________________
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Quarter 4 - Modyul 13
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o
Kursong Akademik, Teknikal-Bokasyonal,
Sining at Disenyo, at Isports

Pangalan: ____________________________________ Taon at Pangkat:__________


Guro sa EsP:____________________________________ Petsa:__________________
Gawain 2: Hilig
Kagamitan: sagutang papel, bolpen at ruler
Panuto: Ang sumusunod ay nagpapakita ng iba’t ibang hilig. Alin sa mga ito ang gustong-
gusto mong gawin? Iguhit ang masayang mukha ( ) kung gusto mo ang gawain at
malungkot na mukha ( )kung di mo gusto ang gawain. Iguhit ang iyong sagot sa
inilaang kolum sa bawa bilang.
MGA GAWAIN
1. Mga gawaing may kaugnay sa mga sasakyan.
2. Magkumpuni ng kung anu-anong bagay.
3. Mag-alaga ng hayop.
4. Magluto
5. Paglalaro ng puzzle.
6. Gumawa ng eksperimento o pag-aaral.
7. Gawaing may kaugnayan sa Agham.
8. Gawaing may kaugnayan sa bilang o numero.
9. Paggawa ng gawaing mag-isa.
10. Magbasa ng mga babasahing may kaaugnayan sa sining.
11. Malikhaing pagsusulat.
12. Tumugtog at umawit.
13. Paggawa ng gawain kasama ang iba.
14. Tinuturuan at sinasanay ang ibang tao.
15. Tulungan ang ibang tao sa kanilang problema.
16. Mamasyal sa iba’t ibang lugar.
17. Mangarap at magplano.
18. Iniimpluwensiyahan at himukin ang ibang tao.
19. Magbenta ng iba’t ibang bagay.
20. Mag-isip ng pagkakakitaan.
21. Isaayos ang gamit at ilagay sa lalagyan ang mga ito.
22. Gawin ang isang bagay ayon sa tamang pamamaraan.
23. Magtrabaho ng higit sa walong oras.
24. Nakikinig at inuunawa ang bawat panuto.
Pagkatapos gawin ang sumusunod:
1. Bilangin ang mga masayang mukha sa mga bilang na makikita sa legend.
2. Ilipat ang nakuhang bilang ayon sa pagkakasunod nito at bilugan ang may

Legend:
1 – 4 Realistic 13 – 16 Social
5 – 8 Investigative 17 – 20 Enterprising
9 – 12 Artistic 21 – 24 Conventional
pinakamataas na iskor. May halimbawa na para sa iyo sa ibaba.
Halimbawa:
R I A S E C
3 2 2 4 2 3
Ikaw naman:
R I A S E C
Isulat dito ang pagkakasunod ng 3 hilig na may pinakamataas kang nakuhang iskor.
1. _________________________
2. _________________________
3. _________________________
Gawain 3: Kasanayan
Kagamitan: sagutang papel, bolpen, at ruler
Panuto: Ang tseklist sa ibaba ay isang pamamaraan ng pagsusuri sa iyong mga kasanayan.
Mahalagang maunawaan mo na ang pagsagot ng tapat sa pagsusuring ito ay higit na
makapagbibigay gabay sa iyo. Lagyang ng tsek (√) ang kolum ng Kayang Gawin o
Kailangang Paunlarin sa bawat bilang na naglalarawan sa iyong sarili.

Kasanayan Kayang Kailangang


(Skills) Gawin Paunlarin
1. Pangunguna sa mga gawaing pampaaralan o
pampamayanan.
2. Pakikisalamuha sa iba’t ibang tao.
3. Pagtuturo sa kabataan.
4. Nakikilahok sa mga gawaing may kinalaman sa pagtulong
sa mga nangangailangan.
5. Pagsasaliksik sa mga isyu sa lipunan.
6. Pagpaplano ng mga gawain.
7. Pagbibigay at pagwawasto ng pagsusulit.
8. Pag-aanalisa ng mga dokumento.
9. Pag-oorganisa ng mga datos.
10. Pagtutuos (computation)
11. Pagkukumpuni ng mga sirang gamit.
12. Pagmamaneho
13. Paggamit ng mga makina at iba pang mga kagamitang
pang-konstruksiyon.
14. Pagbuo ng mga gusali at iba pang istraktura
15. Pagsasaayos at pagsisinop ng mga gamit sa bodega,
warehouse, at iba pa.
16. Pag-eeksperimento sa syentipikong pamamaraan.
17. Pagpapaunlad ng mga inobasyon at makabagong
pamamaraan ng pagsasaliksik.
18. Pagtuklas ng mga makabagong teknolohiya.
19. Pagbibigay kahulugan sa mga pag-aaral at eksperimento.

20. Pagpapaliwanag sa pagkaka-ugnay ng mga bagay o


pangyayari.
Pagbubuod:
1. Bilangin ang mga salitang Kayang Gawin at Kailangang Paunlarin sa bawat kategorya na
makikita sa ibaba at isulat ang bilang nito sa loob ng kahon sa bawat kategorya.
2. Ang tatlong kategorya na may pinaka maraming bilang sa Kayang Gawin ay isusulat sa
ibaba.
KASANAYAN Kayang Kailangang
Gawin Paunlarin
1 -5 Kasanayan sa Pakikiharap sa Tao (People Skills)
6 -10 Kasanayan sa mga Datos (Data Skills)
11-15 Kasanayan sa mga Bagay-bagay (ThingsSkills)
16 -20 Kasanyan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills)
Isulat dito ang pagkakasunod ng 3 kasanayan na may pinakamataas kung nakuhang iskor
sa kolum na Kayang Gawin.
1. _________________________
2. _________________________
3. _________________________

You might also like