You are on page 1of 24

2

MELC

MATHEMATICS

Balikan Mo

Balik-Aral: Natatandaan mo ba ang nakaraang aralin?


Sagutan ang gawaing ito. Kung masagot mo lahat nang tama ay magpatuloy sa
susunod na gawain. Kung hindi naman ay balikan at saguting muli ang mga aytem
na mali.
1. 226 2. 264 3. 627

+ 256__ + 516__ + 250__

4. 7 91 5. 372
+ 27 + 512

Balikan Mo

Mahilig ka bang umawit? Anong awit ang paborito mong awitin? Ang
pag-awit ay nagpapasaya ng damdamin. Ugaliing makinig sa mga awitin at
makiaawit din. Ito ay nagpapasigla at mainam na libangan.
Subukan mong awitin ito.
Addition Problems
(Tune: Brother Abraham)
Addition Problem
Madaling resolbahin
Kung ito’y iyong aalamin
Anong itinatanong
Anong given numbers
At Operation na gagamitin
Subukan mo itong lutasin (2x)
Sagot ay makukuha rin.

Ano-anong mga hakbang ang iyong aalamin sa paglutas ng addition


problem na binanggit sa awit?
3
Ang mga hakbang ba na ito ay tulad din ng natutunan mo sa unang baitang?
Simulan nating itong isa-isahin sa susunod na gawain.

Tuklasin Mo

Basahin ang sitwasyong ito.

Si Ginang. Marcus ay nakapagbenta ng 105 na pinya sa umaga at 82


naman sa hapon. Ilan ang kabuuang bilang ng pinyang naibenta niya?
Narito ang apat na hakbang sa paglutas ng word problems. Gamitin ang
bawat hakbang na ito sa inilahad na sitwasyon.
1. Unawain (Understand)
Upang maunawaan ang problema o sitwasyon, dapat basahin ito nang lubusan
at alamin kung ano ang itinatanong at kung ano ang mga ibinigay na bilang
(numbers/facts) dito.
Ano ang itinatanong sa sitwasyon ?
(Kabuuang bilang ng pinyang naibenta ni Gng. Marcus)
Ano ang mga ibinigay na bilang (number /facts) sa problema?
(105 at 82 naibentang mga pinya)
2. Planuhin (Plan)
Ang planuhin ay pag-alam ng mathematical operation na dapat gamitin. May
mga pahiwatig na salita o word clues sa sitwasyon na nagbibigay ng sinyales
kung anong operation ang iyong gagamitin. Ang mga salitang “ idinagdag, higit,
kabuuang
bilang,” ay nagpapahiwatig na Addition ang operation na iyong gagamitin.
Dahil itinatanong ang kabuuang bilang sa sitwasyong ito, gamitin ang
operasyong Addition.
3. Gawin (Do)
Ang Gawin ay subukan ang plano o isagawa ang operasyon.
H T O
10 5
+ 8 2
18 7
4. Suriin (Check)
Ang Suriin ay upang malaman o masuri kung tama ba at may
makabuluhan ang iyong sagot sa problema.
Nasagot mo ba ang tanong?
( Mayroong kabuaang 182 pinyang naibenta.)
Makabuluhan ba ang iyong sagot?
(Oo, ang sagot ay makabuluhan.)
Narito ang isa pang halimbawa. Subukan mong sagutin ang mga
katanungan .
Si Martin ay may 270 popsicle sticks. Si Tom naman ay may 140.
Ilan ang kabuuang bilang ng kanilang popsicle sticks?
Unawain:
Ano ang itinatanong?
Ano ang mga ibinigay na bilang?
5
Planuhin:
Anong operation ang gagamitin?
Gawin:
Isagawa ang operation.
Suriin :
Nasagot mo ba ang tanong?Makabuluhan ba iyong sagot?

Math Ideya

 Mga Salitang Pang-Matematika:


Add ( Idagdag, Pagsamahin)
Sum/ Total ( kabuuan)
Operation (tumutukoy sa Addition, Subtraction,
Multiplication, Division na ginagamit sa pagkukwenta)

Pagyamanin Mo

Gawain 1 :
Ginabayang Pagsasanay

Panuto : Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang


mga tanong tungkol dito. Sundin ang halimbawang ito.
Noong nakaraang linggo, ang mga manggagawa sa
manukan ni G.Gonzaga ay nakatipon 346 itlog ng manok
at 230 itlog ng pato. Ilan ang kabuuang bilang ng itlog ang
natipon nila?
6
a. Ano ang itinatanong? Kabuuang bilang ng natipong itlog
b. Ano ang mga ibinigay na bilang? 346 at 230
c. Anong operation ang iyong gagamitin? Addition
d. Ipakita ang solusyon sa tsart :
H T O
3 4 6
+2 3 0
5 7 6
e. Ano ang kasagutan ? 576 na mga natipong

itlog

1. Kahapon, si Ginoong Jose ay namigay ng 125 sakong bigas


bilang ayuda sa kanyang mga kabarangay. Ngayon naman
ay nakapamigay siya muli siya ng 130 sako ng bigas. Ilang
sakong bigas lahat ang kanyang naipamigay?

a. Ano ang itinatanong? __________________________________


b. Ano ang ibinigay na bilang? ____________________________
c. Anong operation ang iyong gagamitin? _________________
d. Ipakita ang solusyon sa tsart :
H T O

e. Ano ang kasagutan? _____________________


2. Si Tony ay nakapag –ipon ng Php113 mula sa kanyang baon.
Binigyan pa siya ng kanyang Lolo Badong ng Php150 .
Magkano ang kabuuang pera ni Tony?
7
a. Ano ang itinatanong? __________________________________
b. Ano ang ibinigay na bilang? ____________________________
c. Anong operation ang iyong gagamitin?_________________
d. Ipakita ang solusyon sa tsart : ___________________________

H T O

e. Ano ang kasagutan?


B. Panuto: Lutasin ang mga sumusunod na word problems.
1. Sa aming paaralan ay may 432 batang lalaki at 475 na batang babae sa
Ikalawang Baitang. Ilan ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa
Ikalawang Baitang?
Unawain
 Ano ang itinatanong?
 Ano ang mga ibinigay na bilang?
Planuhin
 Anong operation ang dapat
gamitin?
Gawin
 Isagawa ang operation na
gagamitin.

Suriin
 Nasagot mo ba ang tanong?
 Makabuluhan ba ang sagot mo?
8

2. Si Aling Minda ay nakapagbenta ng 655 na itlog at may natitira


pang 139.Ilang lahat ang mga itlog ni Aling Minda sa simula?
Unawain
 Ano ang itinatanong?
 Ano ang mga ibinigay na bilang?
Planuhin
 Anong operation ang dapat
gamitin?
Gawin
 Isagawa ang operation na
gagamitin.

Suriin
 Nasagot mo ba ang tanong?
 Makabuluhan ba ang sagot mo?

Gawain 2:

Malayang Pagsasanay

Panuto: Gawan ng solusyon ang mga sumusunod na word problems na ito. Isulat
ito sa tsart.
1. Si Mang Kardo ay may 156 na alagang manok. Apatnapu’t tatlo pa ang
nadagdag dito. Ilang lahat ang alagang manok ni Mang Kardo?

9
Solusyon : Sagot:
H T O

_____________________________________

2. Ang silid-aklatan ng paaralan ay may 147 aklat sa Matematika. May 625


aklat naman sa ibang asignatura. Ilan ang kabuuang bilang ng aklat sa silid
-aklatan?
Solusyon : Sagot:
H T O
_____________________________________

3. Ang mga klase sa Ikalawang Baitang ay naglunsad ng isang proyekto na "I-


save One Peso Coin". Ang perang maiipon nila ay gagamitin upang bumili
ng mga kagamitan ng mga mag-aaral na kapos sa gamit. Matapos ang isang
linggo ay nakalikom sila ng Php580. Nang sumunod na linggo ay
nakalikom sila ng Php408. Magkano lahat ang perang nalikom nila sa loob
ng dalawang linggo?
Solusyon : Sagot:
H T O

_____________________________________

10
4. Sa taong ito, 253 mag-aaral na babae ang nagpa-enrol sa Ikalawang Baitang
samantalang 275 naman ang mga lalaki. Ilan ang kabuuang bilang ng mag-
aaral ang nagpa-enrol sa Ikalawang Baitang?
Solusyon : Sagot:
H T O

_____________________________________

 Maaaring bisitahin ang link sa ibaba


para sa karagdagang kaalaman.https://www.youtube.com/watch?
v=t8ON6hmOghk&t=189 (Problem Solving, Addition word problem)

Tandaan Mo
 Upang malutas ang mga routine problems sa Addition, sundin ang
mga hakbang na ito:
 Unawain ang problema o sitwasyon.
 Planuhin kung ano ang operation na gagamitin.
 Gawin ang operation.
 Suriin kung tama ang kasagutan.

Isagawa Mo

Panuto: Basahin at lutasin ang mga word problem na ito.

1.Ipagbibili ni Mang Jerry ang mga naani Solusyon:


niyang mangga. 155 na kaing ang mga
manggang hinog na at 215 kaing naman
ay hilaw pa. Ilang kaing lahat ang mga manggang ipagbibili niya?
Kompletong Sagot : ________________________
2. Si Aling Cely ay gumastos ng halagang
Solusyon:
Php252 para sa mga gulay at Php525
naman para sa mga karne at isda. Magkano
kabuuang halagang nagastos niya?

Kompletong Sagot : ________________________

3. Dalawang barko ang dumaong sa Solusyon:


daungan. Ang isa ay naglalaman ng
152 na pasahero at ang isa naman
ay naglalaman ng 236 na pasahero.
Ilan lahat ang mga pasahero ng dalawang
barko?
Kompletong Sagot : ________________________

Anong Natutunan Mo?

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Bilugan ito.


1. Si Dex ay may 330 na animé cards. Binigyan siya ng kanyang kuya
ng 85 na bagong animé cards. Sa kabuuan, ilang anima cards mayroon si
Dex?
A. 415 B. 425 C. 430
2. Isang daan at limampung pakwan ang inihatid ni Mang Gardo sa isang
palengke at 209 naman sa kabilang palengke. Ilang pakwan an naihatid ni
Mang Gardo?
A. 350 B. 359 C. 369
3. Nakatanggap si Allan ng ₱350 bilang kabayaran sa pagtatrabaho niya sa
kantina ni Aling Doray. Dinagdagdagan pa ito ni Aling Doray bago siya
umuwi ng ₱150. Magkano ang kabuuang halagang natanggap niya?
A. ₱400 B. ₱ 450 C. ₱ 500

4. Si Mary ay bumili ng aklat sa halagang ₱279. Bumili din siya ng krayola


sa halagang ₱60. Magkano ang halagang nagastos niya para sa mga ito?
A. ₱339 B. ₱349 C. ₱350
5. May 562 buko sa isang trak at 331 naman sa isa pa. Ilan an kabuuang
bilang ng buko sa dalawang trak na ito?
A. 881 B. 883 C. 893

Karagdagang Gawain

Panuto: Ipakita kung paano masolusyunan ang


sitwasyong ito ayon sa mga hakbang na iyong natutunan.
1. Nagbebenta si Allyssa ng mga rosas sa kanyang tindahan ng mga bulaklak.
Mayroon siyang 230 pulang rosas at 320 puting rosas. na rosas Ilang lahat ang mga
rosas na kailangan niyang maibenta?
a. Ano ang itinatanong : ____________________________
b. Mga bilang na nabanggit : _______________________________
c. Operasyong gagamitin :______________________________
d. Solusyon: ________________________________
e. Eksaktong Sagot: ________________________
2. Si Mang Nestor ay kumita ng ₱495 sa umaga sa pagpasada ng traysikel at
₱320 naman sa hapon. Magkano ang kabuuang kinita niya sa araw na iyon?
a. Ano ang itinatanong : ____________________________
b. Mga bilang na nabanggit : _______________________________
c. Operasyong gagamitin :______________________________
d. Solusyon: ________________________________
e. Eksaktong Sagot: ________________________

3. Si Mang Daniel ay naglalako ng taho. Kahapong umaga nakapagbenta siya ng


250 baso ng taho. Ngayon naman ay nakapagpaubos siya 232 na baso. Ilang
basong taho ang naibenta niya sa loob ng dalawang araw?
a. Ano ang itinatanong : ____________________________
b. Mga bilang na nabanggit : _______________________________
c. Operasyong gagamitin :______________________________
d. Solusyon: ________________________________
e. Eksaktong Sagot: ________________________
MATHEMATICS 2
Unang Markahan
MODYUL 8 : Non-Routine Problems
Aralin 2 Involving Addition
Skills: Solving Non- Routine Problems involving Addition of 2-3 digit numbers by 3-digit numbers
without or with regrouping including money with sums up to 1000

Alamin Mo

Ang araling ito ay tungkol sa paglutas ng mga Non-Routine Problems


na may kaugnayan sa pagdagdag. Sinasabing bawat problema ay may solusyon.
Ang paglutas ng math problems ay madali lang kung ito ay iyong pagtutuunan ng
pansin. Hindi mo dapat isiping ito’y isang mahirap na gawain bagkus pagsikapin
mo itong matutunan hanggang sa ikaw ay maging mahusay na dito.
Maaaring magpatulong sa magulang sa mga konseptong nahihirapan kang
unawain. Ang paggabay ng magulang o tagapag-alaga ay kailangan para madaling
pagkatuto ng mag-aaral.

Mga Layunin sa Pagkatuto:


Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
 makapag-aanalisa ng mga non-routine word problems;
 malulutas ang non- routine problems sa pamamagitan ng paggamit ng mga
hakbang sa paglutas nito; at
 mailalapat ang kasanayang ito sa paglutas ng mga suliranin o sitwasyong
nakakaharap sa pang-araw-araw na buhay.
Subukin Mo

Bago mo simulan ang aralin ay subukin mo munang sagutan ang


paunang pagsusulit na ito.
Panuto : Basahin at pag-aralan ang sitwasyon. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong tungkol dito.
Isang umaga, pumunta si Mang Juan sa kanyang taniman ng talong. Nakakuha
siya ng 150 na mga bunga ng talong. Nang sumunod na araw, nakakuha naman
siya ng higit sampu sa bilang ng nakuha niya ng nakaraang araw. Ilang ang
kabuuang bilang ng mga nakuha niyang bunga ng talong?
______1. Ano ang itinatanong sa sitawasyong ito?
A. Bunga ng talong
B. Kabuuang bilang ng napitas niyang talong nang sumunod na araw
C. Kabuuang bilang ng mga nakuha niyang bunga ng talong
______2. Ano ang bilang na magrerepresenta sa bilang ng napitas nang sumunod
na araw?
A. 10 B. 157 C. 150 + 10
______3. Anong operasyon ang iyong gagamitin?
A. Addition B. Subtraction C. Multiplication
______4. Alin ang maaaari mong gawin upang makuha ang sagot sa
non- ruotine problem na ito?
A. Magdrowing
B. Gumawa ng diagram
C. Parehong maaaring gawin ang nasa A at B.
______5. Alin sa mga sumusunod ang wastong sagot sa sitwasyon?
A. 160 B. 167 C. 310
15
Balikan Mo

Balik-Aral: Natatandaan mo ba ang nakaraang aralin?


Sagutan ang gawaing ito. Kung masagot mo lahat nang tama ay magpatuloy sa
susunod na gawain. Kung hindi naman ay balikan at saguting muli ang mga aytem
na mali.
Panuto: Ibigay ang kompletong sagot sa bawat katanungan.

1. Si Marilou ay may Php155. Binigyan siya ng kanyang Lola Cely ng Php


200. Magkano na ang kabuuang pera ni Marilou?
2. Sa silid-aklatan ng paaralan ay may 362 na aklat sa Matematika.
Nadagdagan pa ito 223 na mga bagong aklat. Ilang lahat ang mga aklat sa
Matematika?
3. Si Tatay Philip ay nakakolekta ng 327 itlog mula sa kanyang manukan
kahapon. Nadagdagan pa ito 316 sa araw na ito.
Ilang lahat ang mga itlog na nakolekta niya?

Tuklasin Mo

May ilang mathematical problems na nangangailangan ng ibang


paraan ng paglutas bukod pa sa naunang paraan na iyong natutunan. Ang mga ito
ay tinatawag na non-routine problems.
Handa ka na bang alamin ito?

17
Basahin ang sitwasyong ito.
Ngayon ay ikawalong kaarawan ni Marina. Dahil sa banta ng Covid-19,
hindi siya makapagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga
kaibigan. Kaya naisipan ng kanyang nanay na maghanda ng pagkain na kanyang
ibinalot at ipinamahagi ito sa kanilang mga kapitbahay. Nakapagbigay sila ng
110 balot ng pagkain sa mga nakatatanda at higit pa dito ng 20 balot ang
naipamahagi sa mga bata. Ilang balot ng pagkaing ang kanilang naipamahagi?
Ilan nga kayang balot ng pagkaing ang kanilang naipamahagi?
Nabanggit ba sa sitwasyon ang eksaktong bilang ng naipamahagi sa mga bata?
Sa suliranin o sitwasyong inilahad ay hindi gaanong malinaw ang mga datos o
numerong iyong gagamitin. Paano nga ba kung ganito ang sitwasyon? Mag-aakto
kang parang isang “detective” sa pagkuha ng kasagutan sa suliraning ito kung saan
kakailanganin mo munang tuklasin ang mga nakatagong numero o datos bago ka
tumungo sa ibang hakbang sa paglutas.

Tuklasin Mo

Narito ang mga hakbang sa paglutas ng non-routine


problem na ito?
1. Unawain ang sitwasyon o problemang inilahad.
Ilang nakatatanda ang napamahaginan ng mga balot ng
pagkain? ( 110 balot ng pagkain)
Sino ang nabahaginan ng mas madami? ( mga bata)
Sa sitwasyong ito hindi binanggit ang eksaktong bilang ng
naipamahagi sa mga bata. Ito ang kailangan mo munang
alamin upang maipagpatuloy sa susunod na hakbang ng
paglutas.
Ano ang dapat munang alamin? (Bilang ng balot ng
pagkaing kanilang naipamahagi sa mga bata)
2. Iplano kung ano ang gagawin.
Maaaring gumamit ng diagram o block model, pagguhit (drawing), o
paglilista (listing method).
3. Isagawa ang solusyon.
Gamit ang block model:
a. Ipakita ng naipamahagi sa mga nakatatanda
Bilang ng mga naibahagi
sa mga nakatatanda = 110 100 10

b. Ipakita ang bilang ang naipamahagi sa mga bata


Bilang ng naipamahagi sa mga bata : ________?
(Higit pa ng 20 balot sa mga nakakatatanda ang naipamahagi
sa mga bata)

100 10 10 10

naipamahagi sa mga nakatatanda + 20 higit pa


110 + 20 = 130 bilang ng naipamigay sa mga bata
c. Pagsamahin ang mga datos upang makuha ang kabuuan
(Dahil kabuuang bilang tinatanong, gagamitin an operasyong Addition
para dito.)

19
110 - bilang ng naibahagi sa mga nakatatanda
+ 130 - bilang ng naipamahagi sa mga bata
240 kabuuang bilang ng ballot ng pagkaing
naipamahagi nila
4. Suriin kung tama ang iyong sagot.
Sa pagsuri, pagsamahin ang blocks ng daanan.
100 + 100 = 200
Sunod, pagsamahin naman ang mga sampuan.
10 + 10 +10 +10 = 40
Pagkatapos, pagsamahin ang kabuuan ng dalawa.
200 + 40 = 240
Tanong :
Maayos bang nalutas ang hinahanap na kasagutan
sa inilahad na sitwasyon? Nauunawaan mo na ba ito?
Kung hindi mo pa ito ganap na naunawaan ay makabubuting
pag-aralang muli ang mga hakbang na ipinakita sa Suriin Mo.

 Maaaring bisitahin ang link na ito para sa karagdagang kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=vAOppXIRHNA&t=115s
(Addition Sums for Grade 2)

Math Ideya
 Ang non-routine problem ay ang anumang kumplikadong
problema na nangangailangan ng maliwanag na istratehiya para
sa paglutas nito. Kadalasan, ang mga problemang ito ay
maaaring
malutas sa maraming paraan.
20

Pagyamanin Mo

Gawain 1 :
Ginabayang Pagsasanay
Panuto : Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Bigyan ito ng
solusyon.
Si Mang Joe ay nakapag-ani ng 320 dilaw na mais. Higit
pa ng 150 sa mga dilaw na mais ang mga puting mais
na naani niya. Ilang lahat ang mais na naani ni Mang Joe?

Lutasin ang problema sa pamamagitan ng pagguhit o paggamit ng isang modelo


o diagram. Gawin ito sa loob ng kahon sa ibaba.
Paalala: Gawing daanan at sampuan ang mga blocks para dito.
Bilang ng dilaw na mais = 320
Bilang ng puting mais = Higit ng150 sa 320 dilaw na mais
Kabuuang bilang ng naaning mais = ________
Suriin kung tama ang iyong sagot.

21
Gawain 2:

Malayang Pagsasanay

Panuto :Lutasin ang problemang ito sa pamamagitan ng paglista


at pagguhit.
a. Nag-iipon ng pera si Anton. Sa unang buwan, nakapag-ipon
siya ng ₱150. Sa pangalawang buwan, nakapag-ipon siya ng
higit ₱50 sa naipon niya sa unang buwan. Magkano ang lahat ng naipon
niya sa loob ng dalawang buwan?

Ipakita ang solusyon gamit ang paraang block model.


( Ang una ay ginawa na para sa iyo. )
Unang buwan = P150 100 50

Ikalawang buwan = P150 + P50

Pagkatapos, pagsamahin ang:


Naipon sa unang buwan:
Naipon sa ikalawang buwan:
Kabuuang Sagot : _________________
Suriin kung tama ang iyong sagot.

b. Bumili si Ginang. Reyes ng 209 itlog. Ngayon ay bumili naman siya ng higit
30 kaysa kahapon. Ilang ang kabuuang bilang ng
mga itlog ang kanyang nabili sa loob ng dalawang araw?

22
Ipakita ang solusyon sa pamamagitan ng pagguhit ng daanan (hundreds),
sampuan (tens), at isahan (ones).
a. 209 itlog na nakolekta kahapon
b. 209 itlog + 30 = ______ itlog na nakolekta ngayon
c. Bilang ng itlog na binili kahapon
Bilang ng itlog na binili ngayon +
_____________
Kabuuang bilang ng itlog na nabili
ni Gng.Reyes sa loob ng dalawang araw

Tandaan Mo

 Sa paglutas ng non-routine problems, ilapat ang mga hakbang na


iyong natutunan:
 Unawain ang problema.
 Magplano ng gagawin.
 Isagawa ang naisip solusyon
Suriin kung tama ang sagot.

Isagawa Mo
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na word problems.
Gamitin ang paraan o istratehiyang angkop dito.
1. Si Mike ay may 273 na paper clips. Si Tom naman ay may higit na 99 kaysa sa
paper clips ni Mike. Ilan ang paper clips ni Tom?
23
(Gamitin ang diagram o block model. Punan ito ng angkop na
numero.
Mike 273

Tom 273 99 ?
__________ paper clips ni Tom
2. Sa Kids Play Store ay may 132 na mga bola. Higit naman dito ng 55 ang bilang
ng mga manika. Ilan ang kabuuang bilang ng mga laruang ito?
Gamit ang illustration o drawing, ipakita ang bilang na hinihingi.

bola 100 10 10 10 1 1

1 1 1
manika 100 10 10 10 + 10 10 10 10 10
1
1 1 1

bola =

manika =
______________

Anong Natutunan Mo?


Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Bilugan itoLutasin ang mga
sumusunod na non-routine problem. Gumamit ng anumang naaangkop na
istratehiya na sa palagay mo ay angkop
para dito tulad ng pagguhit, paggawa ng modelo o diagram, o paglilista.
1.Nag-iipon ng pera ang magkapatid na sina Jack at James. May Php325 si
Jack. Doble naman ng kay Jack ang halagang naipon ni James. Magkano ang
kabuuang halaga ng naipon ng magkapatid? (3 puntos)

2. Si Marla ay may 250 makukulay na mga popsicle sticks. Ang kanyang


kapatid na si Beth ay may 50 pang higit ng mayroon siya. Kung pagsasamahin nila
ang mga ito, ilang lahat ang popsicle sticks mayroon sila ? (3 puntos)

3. Si Alleiah at ang kanyang mga kapatid ay naglalaro ng Number Game.


Pinahuhulaan niya ang kanyang numero . Sinabi niya, "Ang aking unang numero
ay 123. Ang aking pangalawang numero ay higit ng 5 sa aking unang numero. Ang
pangatlong kong numero ay kabuuan ng una at pangalawa kong numero . Ano
ang aking pangalawa at pangatlong numero? (4 puntos)
Karagdagang Gawain

Panuto: Bigyan ng solusyon ang sumusunod non-routine problem na ito. Gamitin


ang angkop na mga paraan sa paglutas ng problema.

1. Si Alona ay mayroong 3 numero. Ang unang numero ay 182.


Ang pangalawang numero ay higit ng 8 sa unang numero.
Ang pangatlong numero ay ang kabuuan ng una at
pangalawang numero. Ano ang pangalawa at pangatlong
numero?

Unang numero - 182

a. Ikalawang numero = higit ng 8 sa unang numero

182 + =

b. Ikatlong numero = unang numero + Ikalawang numero

+ =
26
c. Ang Ikalawang numero ay _______.
Ang Ikatlong bilang ay ______.
2. Ang ama ni Drew ay may limang sakong buko na tig-50 ang laman.
Nadagdagan pa ito ng 2 sako higit sa naunang limang sako na tig-50 din ang
laman.Ilan ang kabuuang bilang ng mga buko?
Gamit ng paraang paglilista o listing method:

Gamitin ang skip count by 50s hanggang maklimang skip para sa bilang ng
unang limang sako:

a) 50, 100, 150, 200, 250 = ______ buko


Ituloy ang skip counting by 50s para sa dalawang nadagdag
b) 250, ____, _____ = _______ nadagdag na mga buko
c) Pagkatapos ay pagsama-samahin ang mga bilang upang
makuha ang kabuuan nito.
Naunang bilang ng mga buko :

Bilang ng mga nadagdag:


_____________

Kabuuang bilang ng mga buko :

Suriin kung tama ang iyong sagot.

You might also like