You are on page 1of 5

Learning Area Mathematics

Learning Delivery Modality Modular Distance Modality

Paaralan Bagong Pook Elementary School Baitang 3


Guro Jenny Lyn G. Mandigma Asignatura Mathematics

LESSO
N
EXEMPLAR Petsa December 14, 2021 Markahan Ikalawa
Oras Bilang ng 1 araw
Araw

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ito ang mag-aaral ay inaasahang:
Solves routine and non- routine problems involving multiplication without or with
addition and subtraction of whole numbers including money using appropiriate
problem- solving strategies and tools
A. Pamantayang Demonstrates understanding of multiplication and division of whole
Pangnilalaman numbers including money
B. Pamantayan sa Pagganap The learner is able to apply multiplication and division of whole numbers
including money in mathematical problems and real life situations
C. Pinakamahalagang Solves routine and non- routine problems involving multiplication without or
Kasanayan sa Pagkatuto with addition and subtraction of whole numbers including money using
(MELC) appropiriate problem- solving strategies and tools
M3NS-IIJ-56.2
PIVOT2Q- MELC 23
D. Pagpapaganang Kasanayan
Walang nakasaad na pampaganang kasanayan
E. Pagpapayamang
Kasanayan Walang nakasaad
II. NILALAMAN
III. KAGAMITAN PANTURO A.
Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Pahina 207
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pahina 19- 21
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk d.
Karagdagang Kagamitan www.google images .com,
mula sa Portal ng Learning hhttps://www.youtube.com/watch?v=kfXWwPddkt4
Resource
ttp://youtube.com/watch?v=1qVxTcaN1RM

B. Listahan ng mga Kagamitang


Panturo para sa mga Gawain sa Power point presentation, pictures, Learning Activity Sheets, laptop, song
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

Method Inquiry based- instruction


IV. PAMAMARAAN
1.Pagbibigayngmgapamantayan
A. Pangkalusugan (IntegrasyonsaHEALTH)
I Panoodin ang video ukol sa bakit kailangan natin manatili sa loob ng
bahay.
A.Panimula
http://youtube.com/watch?v=1qVxTcaN1RM

(Balik-aral)

Ibigay mo ang sagot gámit ang pagkukuwenta sa isip. Hanapin ang katapat na
sagot sa kahon.
1. Ilan ang 4 na pangkat ng 22?
88 100
2. Ano ang product ng 32 at 2?

3. Ibigay ang sagot: 43 x 2 = .

4. Ilan ang 5 pangkat ng 20?

5. Ang 4 na kahon na may 21 na lamáng holen. Ilan lahat ang holen?

Paghahabi ng layunin ng aralin

Tukoy-alam:

Sa nakaraang taon ay natutuhan mo na ang paglutas ng suliranin na may


kinalaman sa pagpaparami o multiplication kasama na rin ang
pagdaragdag at pagbabawas gámit ang iba pang pamamaraan ng paglutas ng
isang suliranin kasama na ang pera.

Ngayon naman ay matututuhan mo pa ang paglutas ng mga suliranin gamit


ang pagpaparami (multiplication) na may kasamang pagdaragdag (addition)
o pagbabawas (subtraction) na may kaugnayan din sa pera.

Pagganyak
Awitin ang awit na “Math song” (MAPEH INGRATION)
“Tune of Top of the World”
Source: https://www.youtube.com/watch?v=kfXWwPddkt4

Ano ang nasa larawan?

Dapat ba tayong kumain ng ice cream araw-araw?Bakit? ( Integrasyon sa


HEALTH)

Paglalahad

Ang isang ice cream ay ipinagbibili ng ₱12.00 bawat apa. Si Dina


ay bumili ng 6 para sa kaniyang mga kaibigan. Magkano kayâ
ang sukli ni Dina matapos ibigay ang ₱100.00 sa tindera?

Pagtatalakay ating ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #1
Kunin ang kabuuang halaga ng biniling ice cream.
₱12.00 + ₱12.00 + ₱12.00 + ₱12.00 + ₱12.00 + ₱12.00 = ₱72.00

Maaari ring isulat ito sa multiplication sentence na


6 x ₱12.00 = ₱72.00
Ibawas ang kabuuang halaga ng biniling ice cream sa ₱100.00
₱100.00 - ₱72.00 = ₱28.00

Sagot: Si Dina ay may sukling ₱28.00 sa kaniyang ₱100.00.

Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


. Gámit ang pamamaraang Polya’s Four-Step Process tingnan kung paano
B. Pagpapaunlad nilutas ang suliranin.
1. Unawain ang sitwasyon (Understand the problem).
2. Mag-isip ng Plano (Devise a plan).
3. Isakatuparan ang Plano.
4. Balikán Muli o Look Back/Check.

Kung ang bawat batà sa ikatlong baitang ay may baon na ₱18.00.


Magkano ang kabuuang baon ng 3 lalaki at 4 na babae na nasa
unang hanay ng mga upuan?

1. Unawain ang sitwasyon (Understand the problem).


Ano ang tinatanong sa suliranin?
Ang kabuuang baon ng 3 lalaki at 4 na babae.
Ano-ano ang mga datos na inilahad?
Bawat batà ay may baon na ₱ 18.00, 3 lalaki, 4 na babae

2. Mag-isip ng Plano (Devise a plan).


Ano ang operasyon na gagamitin?
Multiplication o pagpaparami, at addition o pagdaragdag
Ano ang pamilang na pangungusap?
(3 x ₱18.00) + (4 x ₱18.00) = n

3. Isakatuparan ang Plano.


Solusyon: 3 lalaki 4 na babae kabuuan
3 x ₱18.00 = ₱54.00
4 x ₱18.00 = ₱72.00

Ano ang tamang sagot?: ₱126.00 ang kabuuang baon ng 7 batà.

4. Balikán Muli o Look Back/Check.


Maaaring gamitin ang repeated addition upang masigurong tama ang
sagot.
3 x ₱18.00 = ₱18.00 + ₱18.00 + ₱18.00 = ₱54.00
4 x ₱18.00 = ₱18.00 + ₱18.00 + ₱18.00 + ₱18.00 = ₱72.00
Ang kabuuang baon ng 7 batà ay ₱126.00

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriing mabuti ang suliranin na nása ibaba.


Sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Si Orly ay bumili ng 6 na pinya na ₱26.00 ang bawat isa. Magkano ang


sukli niya kung ang ibinigay niya sa tindera ay ₱200.00?

1. Ilang pinya ang binili ni Orly?


2. Magkano ang halaga ng isang pinya?
3. Magkano ang sukli ni Orly matapos iabot ang ₱200.00?

Pagyamanin Natin

Ano ang mga hakbang sa paglutas ng suliranin?


Isagawa Natin
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Suriing mabuti ang suliranin na nása
ibaba. Lutasin ito gamit ang iba’t ibang pamamaraan sa paglutas ng
suliranin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
C.Pakikipagpalihan
1. Si Gng. Amago ay namahagi ng 56 na kahon ng lapis sa mga bátang mag-
aaral sa Pacita Complex 1 Elementary School. Ilan lahat ang lapis na
naipamahagi niya kung ang laman ng bawat kahon ay 12 piraso?

Ano ang tinatanong sa suliranin?


Ano ang mga datos na ibinigay?

Ano ang operasyong gagamitin?

Ano ang mathematical sentence?

Ano ang tamang sagot?

2. Si Charles ay bumili ng 9 na pirasong mangga at 6 na pirasong saging sa


palengke. Magkano lahat ang binayaran ni Charles kung ang bawat isang
mangga ay nagkakahalagang ₱ 15.00 at ₱ 10.00 naman ang halaga ng isang
saging?
Ano ang tinatanong sa suliranin?

Ano ang mga datos na ibinigay?

Ano ang operasyong gagamitin?

Ano ang mathematical sentence?

Itanong:
Paano natin bibigyan ng solusyon ang mga problema na ating kinakaharap sa
kasalukuyan?
D.Paglalapat
Mahalaga ba ang pagpaplano?Bakit?

Tayahin Natin
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at suriing mabuti ang suliranin ni
Myla. Tulungan mo siya kung paano lutasin ang kaniyang problema.
Sagutin ang mga tanong.Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Si Myla ay nais bumili ng 8 latang gatas at 24 na pirasong itlog para sa


gagawin niyang leche flan. Si Myla ay may daláng ₱500.00. Mabibili kaya niya
ang nais niyang bilhin kung ang halaga ng bawat lata ng gatas ay
₱48.00 at ang bawat isang itlog naman ay nagkakahalaga ng ₱7.00?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

1.Ano ang tinatanong sa suliranin?


2. Ano ang mga datos na ibinigay?
3. Ano ang operasyong gagamitin?
4. Ano ang mathematical sentence?
5.Ano ang tamang sagot?

V. PAGNINILAY
Isulat ang inyong nararamdaman o reyalisasyon gamit ang mga sumusunod na
prompt:
Nauunawaan ko na .
Nabatid ko na .
Prepared by:

JENNY LYN G. MANDIGMA


Teacher III

Noted:
CRISPA C. ROALLOS
Head Teacher III

Annotation:

The teacher was able to apply a personal philosophy of teaching (KRA 4


Objective
16) that is learner-centered as manifested in her utilization of inquiry-based
approach which is one of the recognized approaches under 2C2IA principles
anchored in Regional Memorandum no.11 s.2015 .

Checked and reviewed by:


JERLYN FORTUS-
ZARA

Master Teacher I

You might also like