You are on page 1of 5

Learning Area MATHEMATICS

Learning Delivery Modality MODULAR DISTANCE LEARNING

School Grade Level Grade 3


LESSON Teacher Learning Area Mathematics
EXEMPLAR Teaching Date Quarter 2 – Week 6 Quarter Second Quarter
Teaching Time No. of Days

I. LAYUNIN
A. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nagpapakita ng pag-unawa sa pagpaparami at paghahati-hati ng
Nilalaman: mga whole numbers at mga salapi.
Ang mga mag-aaral ay naisasagawa ang pagpaparami at paghahati-hati ng mga
B. Pamantayan sa Pagganap whole numbers kabilang ang pera sa iba’t-ibang suliranin at mga sitwasyon sa
totoong buhay.
C. Pinakamahalagang MELC 25 - Ang mga mag-aaral ay naipapakita ang paghahati-hati ng mga
Kasanayan sa Pagkatuto
bilang hanggang 100 sa pamamagitan ng 6, 7, 8, at 9
(MELC)
1. Natutukoy ang mga nagkop na paraan sa pagpapakita ng paghahati-hati ng mga
bilang hanggang 100.
D. Mga Layunin 2. Naisasagawa ang paghahati-hati ng mga bilang hanggang 100 nang may
wastong sagot o quotient.
3. Nauunawaan ang kahalagahan ng mga halaman sa tao.
Within the curriculum:
-Pagbabawas ng 1 – 2 digit na bilang na mayroon at walang pagpapangkat gamit
ang isip. (M3NS-Ih-33.5)
E. Integrasyon
Across the curriculum-Science: Naibibigay ang mga kahalagahan ng mga hayop
sa tao. (S3LT-IIc-d-6)
-Pagtukoy sa mga kahalagahan ng halaman sa tao. (S3LT-IIe-f-9)
MELC 25 – Pagpapakita ng Paghahati-hati ng mga bilang hanggang 100 sa
II. NILALAMAN pamamagitan ng 6, 7, 8, at 9
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng
Mathematics Teacher’s Guide pp210-214 by DepEd
Guro
b. Mga Pahina sa Kaga Mathematics Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog pp.179-2180 by DepEd
mitang Pang-Mag-aaral Self Learning Module in Mathematics 3 – PIVOT4A-Q2 page 24-25.
c. Mga Pahina sa Teksbuk (additional textbooks, reference materials)
d. Karagdagang kagamitan
mula sa portal ng LR
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para sa activity sheets, graphic organizers, flashcards, show me board
Gawain sa Pagpapaunlad at laptop, television, powerpoint presentation
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Reviewing previous Drill: SNAP MATH
lesson or presenting the Panuto: Ang mga mag-aaaral ay tatayo upang makilahok. Magpapakita ng virtual
new lesson ( Introductory flash cards na may 1 digit multiplicand at 1 digit multiplier. Ang unang
Activity) makapagbibigay ng product sa bawat tanong ay mauupo na.

Balik Aral:
Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang mga multiples ng
bilang na may 1 hanggang 2 digit. Gamit ang latop, ita-type ang sagot sa bawat
bilang at tukuyin kung sa anong bilang ito multiples.
1. 36, 45, _____, _____, 72
2. 100, 125, _____, 175, _____, 225
3. 120, _____, 150 , 165, ______

Tanong:
 Paano natin matutukoy ang mga kasunod na multiple ng isang bilang na
may 1-2 digit?

Pagganyak:
 Mayroon ba kayong punong tanim sa inyong bahay?
 Ano-ano ang mga ito? (Hayaan makapagbahagi ang karamihan)
B. Establishing a
Purpose for the Lesson  Paano nakatutulng ang mga ito sa inyong pamilya?
(Motivation)
(Tulad ninyo makikila natin si Kuya Leo na mayroon ding tanim na puno sa
kanilang tahanan. Basahin natin ang sitwasyon.)

Basahin at pag-aralan ang sitwasyon.


(PIVOT4A SLM in Mathematics-Quarter 2 page 24)
Si Mang Leo ay nag-ani ng 48 pirasong mangga mula sa kaniyang
punong mangga, hinati niya ito sa 6 na pangkat upang ipamigay sa kaniyang
kapit-bahay, ilang mangga mayroon sa bawat pangkat at maibibigay sa
bawat kapit-bahay?

C. Presenting
examples/instances of the Mga Tanong:
new lesson  Sino ang nag-ani sa kaniyang punong manga?
(Demonstration/Modelling)  Bakit kaya inani ni Mang Leo ang mga bunga ng manga sa puno?
 Ano ang ginawa ni Mang Leo sa kaniyang naaning mga manga?
 Wasto ba kaniyang ginawa ni Mang Leo? Tulad din ba niya ang iyong
gagawin? Bakit oo? Bakit hindi?
 Ilang piraso ng manga ang na-ani ni Mang Leo?
 Sa ilang pangkat niya ito hinati?
 Paano isusulat sa division sentence ang mga datos sa suliranin?
 Ilang manga mayroon sa bawat pangkat?

D. Discussing new  Pagpapakita ng paghahati-hati gamit ang mga pamamaraang
concepts and practicing a. Pagpapangkat
new skills #1 (Analysis)

Mula sa ating number sentence na


48 ÷ 6 = N, Ibawas ang divisor na 6
sa ating dividend na 48 nang paulit-
ulit b.
hanggang sa wala
Paulit-ulit nang matira o
na pagbabawas
hindi na maaaring ibawas pa.
Bilangin kung ilang beses ibinawas
ang divisor sa dividend upang
makuha ang sagot o quotient.
c. Paggamit ng multiples ng divisor
Mula sa ating number sentence na 48 ÷ 6 = N,
Kunin ang multiples ng divisor na 6 hanggang sa bilang ng dividend
na 48. BIlangin kung ilang multiples ang nakuha na siyang
magsisilbing sagot o quotient.

 Ang bilang ng manga sa bawat basket ni Mang Leo ay 8.


 Ang sagot o quotient ay 8.
Pagsasanay
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat sa inyong show me board ang kaugnay na
division sentence ng mga sitwasyon at sagutin ito.
(PIVOT4A Quarter 2 SLM page 25)
1. Ang 99 na mansanas ay pinaghatian ng 9 na bata. Ilang mansanas mayroon ang
bawat isang bata?
E. Discussing new 2. Kung may 72 na punong itatanim sa 8 hanay. Ilang puno ang maitatanim sa
concepts and practicing bawat hanay?
new skills #2 (Guided
Practice) 3. Si Rowena ay may 96 na pirasong kendi na ipamamahagi niya sa kaniyang 6
na kamag-aral. Ilang pirasong kendi ang matatanggap ng bawat isa sa kanila?
4. Si Gng Oliveros ay may 56 na mag-aaral. Nais niya itong hatiin sa 7 pangkat.
Ilang bata mayroon sa bawat pangkat?
5. Inilagay ni Gng. De Jose ang 80 na aklat sa 8 bag. Ilang aklat ang laman ng
bawat isang bag?

Gawain:
Panuto: Gamit ang graphic organizer, pumili ng isang bilang at ibigay ang sagot o
quotient ng division sentence na nakatala dito.

35 ÷7= 54 ÷9=
F. Developing
mastery(Independent
Practice )

48 ÷8= 72 ÷6=

96 ÷8=

G. Finding practical Panuto: Basahin at unawain ang suliranin (word problem) sa ibaba. Ibigay ang
applications of concepts mga detalyeng hinihingi at ipakita sa pamamagitan angkop na pamamaraan upang
and skills in daily living makuha ang tamang sagot. Gawin ito sa inyo sagutang papel.
(Application) (PIVOT4A Quarter 2 SLM page 25)
Si Mark ay nakagawa ng 84 na pirasong tinapang galunggong. Kung
ang mga ito ay kaniyang isisilid sa 7 supot na papel, ilang pirasong tinapang
galunggong ang laman ng bawat supot na papel?

1. Ilang tinapang galunggong ang nagawa ni Mark?____________


2. Ilang supot na papel ang lalagyan ni Mark? ____________________
3. Isulat ang division sentence ng suliranin? _______________________
4. Isulat ang multiplication sentence. _____________________________
5. Ilang pirasong tinapang galunggong ang laman ng bawat supot na papel?
__________
Tanong:
 Paano maipapakita ang paghahati-hati ng mga bilang hanggang 100 sa
H. Making pamamagitan ng mga bilang na 6, 7, 8, at 9?
generalizations and
abstractions about the Upang maipakita ang paghahati-hati ng mga bilang hanggang 100 sa
lesson (Generalization) pamamagitan ng mga bilang na 6, 7, 8, at 9, maaaring tayong gumamit ng
pagpapangkat-pangkat, paulit-ulit na pagbabawas at paggamit ng multiples ng
divisor.

Panuto: Basahin at unawain ang mga suliranin (word problem). Isulat ang
division sentence na angkop sa bawat bilang at ibigay ang sagot o quotient ng
mga ito gamit ang angkop na pamamaraan.
(Kagamitan ng Mag-aaral sa Mathematics 3 pahina 179-180)

1. Inilagay ni Gng Regente ang 72 na aklat nang may pare-parehong bilang sa 9


na cabinet. Ilang aklat ang nailagay sa bawat cabinet?
I. Evaluating learning 2. Kung bumili ng 64 na bola ng basketball si coach Robert para sa 8 team na
(Evaluation) manlalaro, ilang bola ang matatanggap ng bawat team?
3. Kung may 56 na puno ang itatanim sa 7 hanay, ilang puno ang maitatanim sa
bawat hanay?
4. Kung may 48 na dalandan sa bawat kahon, ilan lahat na dalandan ang
mailalagay sa 6 na kahon?
5. Kung may 36 mag-aaral ang papangkatin sa 6, ilang mag-aaral ang magiging
miyembro ng bawat pangkat?

Panuto: Ibigay ang quotient ng mga sumusunod na division sentence gamit ang
alin man sa mga paraan ng paghahati-hati ng mga bilang. Gawin ito sa inyong
sagutang papel.

J. Additional activities for 1. 81 ÷ 9 =


application or 2. 77 ÷ 7 =
remediation(Assignment)
3. 32 ÷ 8 =
4. 28 ÷ 7 =
5. 60 ÷ 6 =

V. PAGNINILAY
Kumpletuhin ang pangungusap.
Ang natutunan ko sa araw na ito ay__________________

Nalaman ko na ito ay mahalaga dahil _______________

You might also like