You are on page 1of 6

Quarter 4 – Week 6

Paglutas ng Suliraning Routine at Non-routine na Ginagamit ang Mass at Pagsukat


ng mga Bagay Gamit ang Panukat na Mililitro o Litro (M2ME-IVe-32, M2ME-IVf-
3)
SUBUKIN
Panuto: Sagutin ang mga tanong ayon sa sumusunod na word problem.
Si Nanay Ellen ay bumili ng isang litro (L) ng gatas ng kalabaw para sa kanilang almusal.
Hinati nya ito sa 5 bahagi para sa kanilang pamilya.
1. Ano ang naaayon na yunit ng panukat ang gagamitin sa isang bahagi ng gatas?
____________
2. Iguhit ang sumusunod:
 Kabuuang gatas sa loob ng isang lalagyan
 Ang limang bahagi ng hinating gatas sa
limang baso
 Ilagay ang naaayon na yunit ng panukat sa bawat larawan
3. Ano ang naaayon na yunit ng panukat ang gagamitin kapag marami ang ilalagay na
likido sa isang lalagyan.
BALIKAN
Panuto:Basahin ang suliranin o word problem. Piliin ang tamang sagot sa mga tanong sa
Hanay A mula sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Bago matulog sa gabi, ipinagtitimpla ni Aling Nita ang kanyang anak na si Elenita ng
isang basong gatas, na may sukat na 250 mL. Ilang mL ng gatas ang naiinom niya sa loob
ng dalawang araw?
Hanay A Hanay B
___1. Ano ang tinatanong sa word problem? A. 250 mL,dalawang araw
___2. Anu-ano ang mga datos sa word problem? B. Bilang ng mL ng gatas
sa loob ng 2 araw
___3. Anong operation ang dapat gamitin? C. Addition
___4. Ano ang mathematical sentence? D. 500mL
___5. Ano ang tamang sagot? E. 250mL + 250mL = N
TUKLASIN
Basahin at unawain ang maikling kwento.

Litro o Millilitro
ni Russel C. Mendoza
Isang umaga ay inutusan ni Aling Arlene ang anak niyang panganay na
magtungo sa malapit na convenient store upang bumili ng mga kulang na sangkap sa
pagbe-bake ng chocolate cake at pagtitimpla ng shake para sa nalalapit na kaarawan ng
kanilang ama. Ibinigay niya ang listahan ng mga dapat bilhin at narito ang nakatala:
Sariwang Gatas – 4
Litro Choco Syrup– 2- Litro
Gatas na kondensada -1-Litro
Nang makarating si Elen sa tindahan ay dali-dali niyang inilabas ang listahan ng
kanyang mga dapat bilhin. Nakita niya agad ang estante kung saan nkalagay ang mga
sangkap na kanyang hinahanap. Isa-isa niya itong kinuha at binasa pati ang sukat.
Napakamot siya sa kanyang

ulo at naguluhan dahil mililitro at hindi litro ang panukat na nakasaad sa mga sisidlan…
Mga tanong:
1. Sino ang inutusan ni Aling Arlene?
2. Ano ang inutos ni Aling Arlene sa kanyang anak na panganay?
3. Anu-ano ang mga nasa listahan na dapat bilhin?
4. Anong yunit na panukat ang ginamit sa mga sangkap na bibilhin?
5. Anong yunit na panukat ang mayroon lamang sa mga paninda sa tindahan?
Ang mga lusaw o liquid ay sinusukat gamit ang mililitro(ml) at litro ( L ).Sa pagsukat ng
kaunting liquid ay ginagamit ang mililitro o ml. At sa pagsukat ng maraming liquid ay
ginagamit ang Litro o L.
Ang 1- Litro ay binubuo ng 1 000 mililitro o 1 000 ml ay katumbas ng 1-Litro.
1 000 ml = 1 L

SURIIN
Mahalaga na basahin at intindihin muna ang word problem upang masagutan natin ito ng
tama. Ating pag-aralan ang sumusunod na word problem.
1. Ilang mL ng pineapple juice ang nainom ng bawat team?
Pangkat Mathinik Pangkat Mathiyaga Pangkat Mathalino
____________ _____________ ____________
2. Nakainom ba ang Pangkat Mathinik ng 2L o 3L ng pineapple juice?
3. Nakainom ba ang Pangkat Mathiyaga ng 3L o 4L ng pineapple juice?
4. Nakainom ba ang Pangkat Mathalino ng humigit - kumulang sa 2 litro na pineapple
juice?
5. Ilang mL ng pineapple juice ang nainom ng tatlong pangkat?

PAGYAMANIN
Pagtataya 1
Panuto: Isulat ang katumbas na sukat sa mL.
1. 3 L = ______ 2. 12 L =______ 3. 5 L =______ 4. 7 L = ______ 5. 14 L = _____

Pagtataya 2
Panuto: Isulat ang katumbas na sukat sa L o mL.Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. 2000 mL +2000 mL = A.4000mL B.400mL C.5000mL
2. 4000 mL + 3000 mL= A. 8000mL B.7000mL C.5000mL
3. 6L + 8 L = A. 13L B. 14L C.15L
4. 6 L + 5 L = A. 10L B. 11L C.12L
5. 4000 mL+4000 mL = A.8000mL B.4000mL C.10000mL

ISAISIP
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.
1. Ang _________ ay ginagamit na panukat ng mga liquid na nasa maliliit na lalagyan o
sisidlan.
2. Ang _________ ay ginagamit na panukat ng mga liquid na nasa malaking lalagyan o
sisidlan.
3. Ang 1 litro ay may katumbas na _____ mililitro.

TAYAHIN
Panuto: Sagutin ang sumusunod na word problem .Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
__________ 1.Inutusan si Jared ng kanyang Mommy na bumili ng 5L na pineapple
juice sa grocery. Wala siyang makita na nasa malaking gallon, kundi puro naka tetra
pack lamang na may sukat na 500mL ang naroroon. Ilan kayang tetra pack na 500mL
ang dapat niyang bilhin?

__________ 2. Kailangan ni Chef Boy ng suka para sa kanyang lulutuing pagkain. Sa


kaniyang estimate ay 7L na suka ang kanyang magagamit. Ilang mililitro kaya ng suka
ang kanyang bibilhin?

__________ 3. May lagnat si Francine, kailangan niyang uminom ng gamot upang


mawala ang kanyang lagnat. Alin kaya dito ang dapat niyang inumin, 5mL ng
medicine syrup o 5L ng medicine syrup?

_________ 4. Araw-araw ay nagluluto ng corn soup si Teacher Rosselle upang


ipakain sa mga bata na kulang sa timbang. Ang kaldero na kaniyang ginagamit ay
naglalaman ng 3000mL ng corn soup. Ilang litro ang kasya sa kaldero?

_________ 5. Mahilig magluto ng ginataang mais si Mommy Ellen. Kailangan niya


ng gata sa pagluluto nito. Gagamit siya ng 2000mL na gata upang maging masarap at
malinamnam. Ilang litro ang katumbas nito?

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto:Isulat sa inyong sagutang papel ang mga likidong bagay sa inyong tahanan na
ang laman ay sinusukat sa liter at milliliter. Humingi ng tulong sa nakatatanda.
Likidong bagay (milliliter) Likidong bagay ( liter )

You might also like