You are on page 1of 3

Semi- Detalyadong Banghay Aralin sa Matematika

Unang Baitang

I. Layunin
a. Nalalaman ang proseso ng pagbabawas.
b. Pagbabawas ng mga bagay sa pamamagitan ng mga larawan.
c. Nagpapakita ng kawastuhan ng pagbibilang.

II. Paksang Aralin


a. Paksa
Pagbabawas ng mga bagay sa pamamagitan ng mga
larawan.
b. Sanggunian
Gabay sa pagtuturo ng Matematika p. 27
c. Kagamitan
Iba’t ibang larawan
Visual aids
d. Pagpapahalaga
Kawastuhan ng pagbilang

III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Anu- ano ang mga hakbang upang masagutan natin ang
problema?
b. Paglalahad
1. Pagganyak
Kwento: May isang tindahan sa palengke. Ang tindahang
ito ay tindahan ng mga prutas. Ngunit nagkahiwa hiwalay
ang mga ito. Tulungan nyo natin ang magtitida upang ito’y
buuin.
Igugrupo ng guro ang mga mag aaral sa 4 na grupo. Bubuuin
nila ang puzzle at bibilangin nila ang nasa larawan.

2. Iparinig ang kwento


Gumamit ng mga larawan
Anu- ano ang nasa tindahan?

c. Pagsasagawa ng gawain
May bibili ng 3 mansanas at 2 orange. (tumawag ng batang
bibili ng mansanas at orange)
Ilan ang natirang mansanas at orange?

d. Pagpoproseso ng resulta ng gawain


Ipakita ang tamang pagbabawas gamit ang larawan.
Magbigay ng iba pang halimbawa.

e. Pagpapatibay ng konsepto at kasanayan


Ipagpatuloy ang kwento gamit ang pagbabawas.
May bumili ng 1 pakwan at 4 na mangga. (tumawag muli ng
batang mamimili ng pakwan at manga)
Ilan ang natira sa pakwan at manga?
Magbigay pa ng ibang halimbawa.
Hayaang ipakita ng mag aaral kung paano ang gagawin nilang
pagbabawas.

f. Paglalahat
Anong proseso ang ating ginawa kanina?
Tandaan:
Sa pagbabawas tayo ay nag aalis ng bagay mula sa kabuuan
nito.

g. Paglalapat
Hatiin ang mga mag aaral sa 4 na grupo. Bawat grupo ay
magsasagot sa sagutang papel na ibibigay ng guro. At
magkakaroon din ang bawat grupo ng isang tagapagsalita upang
ipaliwanag ang kanilang ginawa.

IV. Pagtataya
Sagutan ang bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
V. Takdang Aralin
Isulat ang inyong sagot sa patlang.

Prepared by:

Emilene P. Raniaga
Teacher I

You might also like