You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY ARALIN SA MATHEMATICS 1

I. LAYUNIN

 Nahahambing ang mga bagay gamit ang mahaba, mas mahaba at pinakamahaba
 Napagsusunod-sunod ang mga bagay gamit ang mahaba, mas mahaba at

pinakamahaba

 Nakapagpapakita ng kooperasyon at interes sa pagsasagawa ng pangkatang

gawain

II. NILALAMAN

Paksa: Paghahambing ng mga bagay gamit ang mahaba, mas mahaba, at pinakamahaba

Sanggunian: Mathematics Teacher’s Guide pp. 63-64

Kagamitan: larawan, tsart, at visual aids

Subjects Integrated: Music, Filipino, English at Edukasyong Pagpapakatao

Value Focus: Kooperasyon

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A.Panlinang na Gawain

1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa isang panalangin.

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyo, mga bata.


Magandang umaga din po.

3. Pampasiglang Awit

Ating awitin ang kantang “M-A-T-H”.


(Aawit ang mga mag-aaral.)
M-A-T-H, M-A-T-H
Matematika, matematika
Tayo ay bumilang, tayo ay bumilang
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima

M-A-T-H, M-A-T-H
Matematika, matematika
Tayo ay bumilang, tayo ay bumilang
Anim, pito, walo, siyam, sampu

4. Pagtatala ng Pagliban

Mayroon bang nagliban ng klase sa inyo?


Wala po Ma’am.
5. Pag-aalala sa Pamantayan sa Klase

Mga bata, ating alalahanin ang mga iba’t


ibang paalala tuwing tayo ay may aralin.
a. Umupo nang maayos.
b. Makinig sa guro.
c. Itaas ang kamay kung may nais itanong o
gustong magsalita.
Nauunawaan ba ang mga ito?
Opo Ma’am.

B. Pagganyak

Ngayon, ating awitin ang kantang “Mayroon


Akong”.

“Mayroon Akong”
Mayroong lapis
Mayroong ballpen
Alin ang mas mahaba?

Mayroong lapis
ballpen
ruler
Alin ang pinakamahaba?

C. Activity Proper
1.Paglalahad

Ating talakayin ang paghahambing ng mga


bagay gamit ang mga salitang “mahaba”, “mas
mahaba” at “pinakamahaba”.

(Ipakita ang unang pangkat ng larawan.)

2
1

Ating suriin ang mga larawan?

Lahat ng lapis ay mahahaba. Ngunit, may mas


higit na mahaba kaysa sa isa.

Suriin natin ang lapis 1 at 2. Alin ang lapis na


mas mahaba?
-Ang lapis 2 po ma’am.
Magaling. Aling lapis naman ang
pinakamahaba?
-Ang lapis 3 po ma’am.

Mahusay.

(Ipakita ang ikalawang pangkat ng larawan.)

1
2

3
Ating suriin ang mga kahoy.

Tingnan natin ang kahoy 1 at 2. Aling kahoy


ang mas mahaba?
Magaling! Aling kahoy naman ang
pinakamaghaba?

-Ang kahoy 2 po ang mas mahaba.


Tama! Ang mga kahoy ay napagsunod-sunod
ayon sa kanilang mga haba.

Ngayon ay gamitin natin ang mga salitang -Ang kahoy 3 po ang pinakamahaba sa tatlo.
“mahaba”, “mas mahaba” at
“pinakamahaba”.
Gamit mga larawan, sino ang maaaring
magsabi ng katangian ng bawat kahoy?

Magaling!
-Mahaba ang kahoy 1. Mas mahaba naman ang
kahoy 2. Pinakamahaba ang kahoy 3.
2. Pinatnubayang Pagsasanay

A. Pangkatang Gawain

Magkakaroon tayo ng isang pangkatang


gawain. Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.
Ang unang hanay ang unang pangkat. Ang
ikalawang hanay ang ikalawang pangkat at
ang
ikatlong hanay ang ikatlong pangkat.

Pumili kayo ng inyong lider. ( Ang mga mag-aaral ay pipili ng leader )

B. Pamantayan sa pagsasagawa ng
Gawain

Bago tayo mag-umpisa, anu-ano ang mga


pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang
gawain?
- Sumunod sa panuto.
- Tumulong sa mga kasama.
- Gumawa nang tahimik.
-Makinig sa lider.

Mahusay! Tandaan ang mga pamantayan.


Mayroon kayong limang minute upang
isagawa ang pangkatang gawain.

( Pagbibigay ng folder na may larawan ng


ruler at payong )

Panuto: Pagsunurin ang unang pangkat ng


mga larawan mula sa mahaba, mas mahaba
at pinakamahaba.

Pagsunurin naman ang ikalawang pangkat ng


mga larawan mula sa pinakamahaba, mas
mahaba at mahaba.

Tapos na ba ang inyong gawain mga bata . -Opo ma’am tapos na po.

Kung tapos na ang lahat ng pangkat, ngayon


ay ating suriin ang inyong mga ginawa.

4. Malayang Pagsasanay

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga bagay.


Isulat ang 1 para sa mahaba, 2 para sa mas
mahaba at 3 para sa pinakamahaba. 1.

1.

2.
2.
3.
3.

Ngayon ay alam na natin kung paano


pagsunod-sunurin ang mga bagay gamit
ang mga salitang “mahaba”, “mas mahaba”
at
“pinakamahaba”.

- Paano natin mapagsusunod-sunod ang - Maipagsusunod-sunod ang mga


mga bagay ayon sa kanilang haba? bagay kung paghahambingin ang
mga ito.

- Magaling!

IV. PAGTATAYA

Panuto: Paghambingin ang mga iba’t ibang larawan. Isulat ang 1 para sa mahaba. 2 para sa mas
mahaba at 3 para sa pinakamahaba.

1. 2.

3. 4.

5.
V. Gawaing-Bahay

Gumuhit ng tatlong bagay na matatagpuan sa inyong bahay. Kulayan ng pula ang


Mahaba, kulayan ng asul ang mas mahaba at dilaw naman para sa pinakamahaba.

PREPARED BY:

IONIE A. SANTOS

You might also like